webnovel

Memoir #3

Lucifer

What is envy?

What is greed?

What is lust?

What is gluttony?

What is pride?

What is sloth?

What is wrath?

Those are sins. Those are sins that humans will never be able to resist. The seven deadly sins representing the seven highest officials of Hell.

And me, Lucifer, the prideful sinner, is inviting them to commit those sins more. Para naman makapag-request na ako ng land extension. Kuhanin na rin natin ang lupain sa itaas.

"First Master! Anong nangyayari rito?" rinig kong tanong ni Jaime nang makarating din ako sa sala.

Nagsisimula nang ligpitin ng ilang katulong ang mga nagkalat na piraso ng vase  na nabasag. Tiningnan ko ang paligid. Nagawi ang aking mga mata sa nagtataasan at naglalakihang vase malapit sa hagdanan. Ayon sa memorya ng taong may-ari ng katawang ito, sampu dapat ang nakahilera magkabilaan. Ngunit sa nakikita ko ngayon, pito na lang.

Marunong naman akong magbilang kung iyan ang ikinababahala ninyo.

Sa sobrang galit niya, nakabasag siya ng tatlong mamahaling vase?

Tsk, wala pa siya kay Godfather Satan. Kapag nagagalit, mansyon niya ang sinisira. Lagi tuloy may nangyayaring renovation sa bahay niya.

"Leave," mahinang sagot niya ngunit sapat na upang marinig ng lahat.

Pinakatitigan ko siyang maigi. Hindi nalalayo ang hitsura niya sa mukha ng katawang ito. Ang pinagkaibahan lang ay kulay brown ang mata niya. Ayon pa rin sa memorya ng batang iyon, siya ang nakatatanda niyang kapatid. Hoven Qvist. Isang sikat na doktor sa puso sa Sweden. Labing anim na taon ang agwat nila ng batang ito ngunit wala pang asawa si Hoven.

"First Master, may sugat ka. Hayaan mo kaming gamutin muna iyan," pagpupumulit ni Nela, ang matandang babae kanina.

His eyes twitched. Sumandal siya sa sofa at iniunat ang mga braso saka sinipa ang babasaging center table. He's getting annoyed. Hallelujah!

"Jävla idiots! Hindi ba kayo makaintindi? I said leave!"

Dumagundong ang sigaw niya sa kabuuan ng bahay. Magpoprotesta pa sana si Jaime ngunit lumipad ang mga papeles na hawak ni Hoven sa mukha ng pinakamalapit na katulong.

Hindi naman nakalampas sa akin ang detalye ng papel. Nanalo ang thesis niya ng first place sa isang international thesis competition.

So that was it! My co-demon Leviathan acted that fast.

And because I decided to add fuel to the fire, simulan ko na kaya.

Nilapitan ko ang maid na hinagisan niya ng mga papel. Tinulungan ko siyang magpulot at saka kinuha sa kanya ang lahat ng papeles. Nagkunwari akong binabasa ang laman. I closed my eyes and readied myself for another Osckar Award-winning acting.

"Congratulations, bror for winning the first place," I greeted him as I slowly walked towards him while stretching out the papers.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at sumalubong sa'kin ang matatalim niyang tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin malamang, inuna ko na siyang patayin.

"Gå dö, bastard," pagmumura niya sa'kin sabay hablot ng mga papel.

Napansin kong napunta sa'kin ang mata ng lahat sa aking ginawa. Lahat sila ay nag-aalala sa susunod na gagawin sa'kin ni Hoven.  As if he can kill me or anything? Siya nga walang nagawa sa'kin noong nagrebelde ako, ito pa kayang tao lang na ito.

Sinenyasan ko ang mga nanonood sa'min na umalis na. Kaagad naman silang sumunod maliban kay Jaime na nagdadalawang-isip pa  ngunit kalaunan ay tumalikod na rin.

Base pa rin sa memorya ng katawang ito, tatlo silang magkakapatid. Pangay itong si Hoven at nasa Sweden ang pangalawa. They never get along with each other for there's always a competition existing between them. Yeah, that hierarchy again. Hindi naman sila hayop para gawin iyon.

Humans are too twisted. Or should I say... stupid.

Plainly stupid.

"You really did great, bror. It is hard to win the first place but you did."

Sige! Ipagdidiinan ko pang first place ka lang.

"Mananahimik ka o ako ang magtutuloy sa naudlot mong suicide?"

I shut my mouth. Yumuko ako at umarteng natakot sa kanyang sinabi.

Noong sinabi nga Niyang itatakwil Niya ako kapag itinuloy ko ang rebelyon, hindi ako natinag. Ngayon pa kayang isang tao lang ang kaharap ko. Naka-abang pa sa gilid-gilid si Leviathan. May back-up ako.

"Jag är ledsen," I apologized. He was about to walk away but I quickly grabbed his hands to force him to look at me.

I faked a determined look and said, "don't force yourself, bror. You don't need to be always on the top. Don't let greed and envy totally eat you up."

Bitchez. Greed? That's an excuse for incompetent humans who let others steal something from them.

Kung ang isang tao nagustuhan ang isang bagay na mayroon ka, kapag nagawa niya itong makuha, hindi na greed iyon. May kakayahan lang talaga siya at mas magaling kaysa sa'yo.

Greed? If you can get it, why not?

They can be only called greedy once they took something they can't.

"Get your stupid hands off me," mariing utos niya kaya wala na akong nagawa kung hindi bitiwan siya.

Nanlilisik na rin kasi ang mga mata ni Leviathan.

"It's alright for you not to be the first. After all, you're an idiot," he said as he looked at me with such scornful eyes.

Every words he said towards this lad held contempt. Is Godfather Satan here too?

Hindi na ako nagsalita pa. Pinanood ko na lang siyang umakyat sa hagdanan. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko'y lumingo ako kay Leviathan na prenteng naka-upo sa hagdanan.

I smirked at him but I just received a blank stares as a reply. Tsk, this devil.

"Young Master!"

Susugod na sana ako kay Leviathan nang marinig ko ang boses ni Jaime. Nagmamadali siyang lumapit sa'kin habang bitbit ang isang brown envelope.

Inayos ko ang sarili at nagpaskil ng plastik na ngiti.

"Bakit, Uncle Jaime?" pag-uusisa ko.

"The transfer form from your previous school has arrived already," balita ni Jaime.

Earlier he was just so anxious with Hoven but now he already calmed. Humans really are too complicated.

"Maaari ka nang pumasok bukas sa bago mong school."

This lad was studying in Sweden but because of some business circumstances, their family moved here in the Philippines last year. Dito siya nag-aral at dito rin lalong lumala ang anxiety disorder niya.

His parents requested to transfer him to another school for the suicide issue. Ngayon, kung buhay pa siya, sana ay siya ang gumagawa ng bagong alaala sa bagong school. Kaya lang, binigay niya kaagad sa'kin ang katawan niya kaya, masunog siya sa Impyerno.

"That's great!" I exclaimed with fake excitement. "Starting tomorrow, I'll be the better version of Ludwig Qvist!"

Kung hindi ko lang talaga gustong magbakasyon dito...

But since I'm in Earth... let me visit the so-called Hell of the students.

________________________________________

#MOLXitri

•jävla idiot (Swedish)

     You, idiot!

•gå dö bastard (Swedish)

     Go die bastard

•Jag är ledsen (Swedish)

     I'm sorry