webnovel

Chapter 14

PARANG nasa gitna ng kawalan si Fridah Mae mula nang umalis ng party. Pinili niyang lakarin na lang ang daan pabalik sa guesthouse. Di niya pinapansin ang mga golf cart na nagsisilbing service sa riding club na nag-aalok na ihatid siya.

Nanunuot ang lamig sa balat niya dahil halter gown lang naman ang suot niya. The coldness of the night was numbing. Nagsisimula na ring manakit ang paa niya sa three-inches stiletto na suot niya. At tiyak na halos malulumpo siya sa sakit oras na ipagpatuloy pa niya ang mahabang lakaran.

Wala siyang pakialam sa nakakamanhid na lamig o ang nagsisimulang manakit na niyang paa. Mas gusto niyang may ibang maramdaman bukod sa sakit na ibinigay sa kanya ni Johann. Tiyak na masaya ito sa piling ni Jennifer. Ni hindi siguro nito mapapansin na nawawala siya. O miserable siya.

Ilang minuto na rin siyang nakakalayo mula sa villa ni Thyago nang tumigil na sakyan sa tabi niya. Di niya iyon nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Fridah Mae!" tawag sa kanya ni Johann. Di niya ito pinansin. Narinig niyang isinara nito ang pinto ng sasakyan at lumapit sa kanya. Humarang ito sa dadaanan niya. "Anong ginagawa mo dito? Ang lamig-lamig. Ni wala kang shawl na suot." Hinaplos nito ang mukha niya. "Nanlalamig na ang balat mo."

Tinanggal nito ang suot na coat at ipinatong sa balikat niya subalit pumiksi lang siya. "Ayoko niyan! Ayoko ng kahit anong galing sa iyo," aniya sa malamig na boses habang nakaiwas ang tingin dito. Ikinaiirita lang niya dahil nahimigan niya ang pag-aalala sa boses nito. As if he really cared about her.

"What's wrong?" malumanay nitong tanong.

Matalim nitong tiningnan. "What do you want from me?"

Kumunot ang noo nito sa labis na pagtataka. "Umalis ka sa party nang walang paalam. Ni walang nakakaalam kung saan ka pumunta. Nag-aalala kami sa iyo kaya hinanap ka namin."

"HIndi mo na kailangang mag-alala sa akin. Bumalik ka na lang sa party. Have fun! Don't bother on my account."

"At saan ka naman pupunta?"

"Babalik na ako sa guesthouse."

Hinawakan nito ang braso niya. "Ihahatid kita. Sumakay ka na sa kotse."

Ipiniksi niya ang kamay at nagpatuloy sa paglalakad. "No. Maglalakad na lang ako. Ayokong sumakay."

"Are you crazy? Ang lamig-lamig at malayo pa ang lalakarin mo. Gusto mo ba talagang pahirapan ang sarili mo?" bulalas nito sa mataas na boses.

"Yes, I am crazy! Hindi ko alam kung bakit pinahihirapan ko ang sarili ko at hinahayaan kong magmukhang tanga ang sarili ko dahil sa iyo. HIndi na talaga ako natuto ng leksiyon. Kasi sinasaktan mo na naman ako," aniyang di mapigil maghinga ng sama ng loob. It was just too much for her to keep. At kung di pa niya sasabihin dito ay tuluyan nang sasabog ang dibdib niya sa hinanakit.

"What have I done this time?" he asked innocently.

Ngumisi siya sa pagmamaang-maangan nito. "Nandoon si Jennifer. Di ba ex-girlfriend mo siya? O baka nga girlfriend mo na ulit."

Naging matiim ang mga labi nito. "Nagseselos ka ba?"

Tumawa siya nang pagak. "No! I am not jealous." Tinapik niya ang pisngi nito. "I am so happy for you. Kailan ba naman ako naging malungkot para sa kaligayahan mo?"

She just felt miserable for her self. And it was none of Johann's concern.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Pwede bang makinig ka muna sa paliwanag ko?" malumanay nitong tanong.

"Don't bother explaining, Johann. Malinaw na sa akin na gusto mo siya. I was stupid to expect that you'll like me. Akala ko may pag-asa ako. Tayo. Pero habang nandiyan siya, hindi ako makakapasok sa puso mo. Kaya nga di mo matanggap ang pagmamahal ko, di ba?"

She clutched the front of his shirt and cried. Akala niya ay matatag siya. Na manhid siya sa sakit. But here she was, crying helplessly. Isinuko na niya pati ang natitira niyang pride. Ayaw niyang kaawaan siya ni Johann.

Pinunasan nito ang luha niya. "Fridah Mae, don't make this harder for your self. Hindi naman ganito ang mangyayari kung nakikinig ka sa akin."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Hindi naman kita hahabulin. I am not a sore loser. Tanggap ko na siya ang mahal mo."

Minsan na iyong nangyari. Buhay pa rin siya kahit na nasasaktan siya. Pero bakit parang mas matindi ang sakit na nararamdaman niya? Ni hindi nakakabawas sa sakit na nararamdaman niya ang pagluha niya.

"Huwag tayong mag-usap dito. Get in the car. Then I will take you to the guesthouse. Kapag kalmado ka na, mag-uusap tayo nang maayos." Niyakap siya nito. "Please! Magkakasakit ka lang kapag nandito ka."

Umiling siya. "Stop this, Johann."

"Stop what?"

"Stop being nice to me if you can't love me back. Lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo. Lalo lang kasi kitang mamahalin. Pagtawanan mo na lang ako. Laitin mo ang nararamdaman ko. Sabihin mo sa akin na kahit anong gawin ko, di mo ako mamahalin. Sa ganoong paraan mo na lang ako saktan."

"Fridah Mae…" She hinted the agony in his voice. Nang pagmasdan niya ang mukha nito ay bakas ang matinding lungkot. As if he wanted to comfort her like what he did before. Na parang ayaw siya nitong nakikitang nasasaktan.

Iniwas niya ang tingin dito. "Do me a favor Johann. Huwag mo na akong kakausapin. Tanggap ko naman na hindi mo ako mahal. I will heal on my own."

"Damn it! Bakit ba di ka muna makinig sa akin?"

"Dahil hindi mo sinasabi ang totoo. Sabi mo sa akin sasabihin mo kapag may mahal kang ibang babae. Pero bakit di mo ginawa? Pinaasa mo lang ako. Hindi ba sinungaling ka?" sumbat niya.

A new car pulled over behind Johann's car. Bumaba doon ang Kuya Mark Ashley niya. "CJ, ako na ang bahala sa kanya."

"Gusto ko lang naman siyang makausap," wika ni Johann.

"Ayoko!" Yumakap siya kay Mark Ashley. "Ilayo mo ako sa kanya, Kuya. I don't want to see him. Sasaktan lang  niya ako."

"Hindi mo siya makakausap nang maayos ngayon," wika ni Mark Ashley. "Ako na lang ang magbabalik sa kanya sa guesthouse."

Bagsak ang balikat ni Johann nang panoorin siyang isakay ni Mark Ashley sa sasakyan nito. He hated her self for hurting him. Pero wala pa sa kalingkingan ng sakit na ibinigay niya dito sa sakit na ibinigay nito sa kanya. At di na mabubura iyon.

Nag-enjoy ba kayo sa chapter na ito?

Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Next chapter