webnovel

Chapter 11

"GABRYEL, you have a great house!" Sindy exclaimed excitedly when she saw the house. It was Balinese in style. The door was antique Indonesian. May malaking antique gong pagpasok pa lang sa foyer. May tubig din na lumalabas mula sa bibig ng isang character sa Hindu myth at nagsilbing fountain.

"Nang bumiyahe ako sa Bali, binili ko ang mga pieces na ito. They used to crowd my penthouse. Hanggang makabili ako ng lupa rito sa Stallion Estate at naisip ko na gawin na lang Balinese style ang bahay ko."

"Napansin ko rin sa nadaanan natin. May Japanese style pa nga."

"That is Suichiro Hinata's house. He is Filipino-Japanese. He even has his own hot spring. Pero siyempre, may sarili ring ipagmamalaki ang bahay ko."

"It must be the gong," aniyang pinalo ang instrumento. "This is great! Naalala ko tuloy ang mga napapanood ko noong bata ako. Sa sultanates, ginagamit ang gong kapag may ia-announce ang sultan or may darating na bisita."

"Basta huwag ka lang masyadong maingay. Baka sugurin tayo ni Romanov. He is my nearest neighbor and he is in a hibernating stage right now."

"Romanov. Is he Russian?"

"No. But you must know him. Romanov Cuerido."

"That young handsome director? Kapitbahay mo lang siya. I must meet him. Puno nga ng guwapo rito, `no?"

Pinigilan siya nito sa balikat. "Nakuha lang sa ganda ng ilaw ng pictures nila sa TV at sa magazine. Pero di-hamak na mas guwapo ako sa mga iyon. Saka masungit si Rome ngayon. Huwag mong kakausapin. Baka awayin ka."

Inikot pa nila ang bahay. Her room was overlooking the lake. "Wow! This is a nice place." Sa ibang kuwarto naman ay kita ang forest at sa iba naman ay ang garden. Binuklat din niya ang cabinet at refrigerator sa kusina.

"Kompleto ang supplies diyan. Puno ang fridge at ang cabinet. It will last for a few days so you don't have to worry. You want to see the library?"

"Yes. Of course." She loved books and other reading materials. At doon din siya kukuha ng impormasyon para sa research niya.

Naroon ang maraming libro sa loob ng library. Like her, Gabryel loved books, too. Naroon din ang collection ng iba't ibang pelikula at documentaries. Her lips formed an O when she saw his computer set. She was sure it was state-of-the-art. It was heaven.

"It has an Internet. You can use my computer if you want to work here in the library. And this one is yours."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bagong Sony VAIO laptop. "Jeez! Ipapahiram mo sa akin ang laptop mo?"

"No. That one is yours."

"Pero di-hamak na mas mahal ito nang tatlong beses sa laptop ko dati. Bakit hindi na lang iyong dating model ang binili mo?" Ang katumbas niyon ay isang taong kita niya bago siya makabili ng ganoon kamahal na laptop.

"Why settle for less? Mas okay na ito ang gamitin mo. It has a DVD-writer and a bluetooth. Ganito rin ang laptop ko. So I am sure you will love it."

Nilaro ng mga paa niya ang puting buhangin habang nakaupo sa hammock na nasa garden. He put the sand there to get the beach effect. "You mean I have this house for myself most of the time? Hanggang kailan ako rito?"

Sinamahan siya nito sa hammock. "Hanggang gusto mo."

Tumawa siya. "Abuso na iyon. Kapag bumalik na ang momentum ko sa pagsusulat at nakaipon na uli ako ng pera, aalis ako rito. Ayoko namang makaabala sa iyo. Siyempre, ano ang sasabihin mo sa mga girlfriend mo kapag nalaman nilang dito ako tumutuloy?"

"Wala akong girlfriend. Ito naman, nagselos ka na naman."

Kinurot niya ang braso nito. "Hindi ako nagseselos. But thanks, Brye!"

Hahalikan sana niya ito sa pisngi nang eksaktong lumingon ito. Eksaktong tumama ang halik niya sa mga labi nito. It was just a simple brush but she felt electricity run through her veins.

Mabilis na bumaba siya mula sa hammock at itinuon ang mga mata sa puting buhangin. Mula ngayon ay hindi na siya makakatingin nang diretso rito. "H-hindi ka pa ba aalis? Hindi ba, may meeting ka pa?" pagtataboy niya rito.

Inihatid lang naman siya nito sa riding club pero kailangan nang umalis nito. Lalo na ngayon. Hindi na siya komportable na kausapin ito. Parang napakaliit ng lugar na iyon sa kanilang dalawa. And it changed because of a simple kiss.

"Yeah. I am about to." Tumigil ito sa likuran niya pero hindi siya humarap dito. Nag-iinit pa rin kasi ang mukha niya. "Dito ka muna sa bahay buong maghapon. Magpahinga ka muna. Then tomorrow, I'll give you a tour around the club."

Tumango siya at bahagyang sinulyapan ito. "Yeah, thanks!"

"One more thing. Huwag kang lalabas dito hangga't `di mo ako kasama."

Halos hindi siya makatingin dito nang ihatid ito sa pinto. Mukhang naiintindihan din ni Gabryel ang ikinikilos niya. Katulad niya ay tahimik din ito.

Umupo siya sa tabi ng fountain nang makaalis na si Gabryel. "Why should I bother myself with just a simple kiss? Aksidente lang iyon. And Brye knows that." Winisikan niya ng tubig ang kanyang mukha. "Wake up, Sindyrella. Gabryel is not a Prince Charming. You don't need one, remember?"

Nandoon siya para magbakasyon at magtrabaho, hindi para magpantasya kay Gabryel. Kung paiiralin na naman niya ang emosyon niya, baka isang malaking pagkakamali na makasama niya ito roon.

Brye, dalawin kita. Hahaha!

Sino ang sasama sa akin sa Bali mansion ni Gabryel?

Nakadalaw na ba kayo sa Shopee store ko: www.shopee.ph/sofiaphr?

Sofia_PHRcreators' thoughts
Next chapter