webnovel

Faith and Proper Time

Shanaia Aira's Point of View

NAGISING ako na parang lutang pa rin ang pakiramdam ko. Iginala ko ang tingin ko, puro puti ang nakikita ko tapos may naaamoy ako na parang disinfectant. Yung amoy na parang nasa hospital.

Hospital?

Oo nga nasa ospital ako. Ang natatandaan ko kanina, naglalakad kami sa corridor nila Charlotte tapos may naamoy ako na pabango mula dun sa mga nakasalubong namin. Nahilo ako tapos hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari.

Ibig sabihin hindi ako nakapasok sa klase ni dra. Faith? Sana naman wala kaming recit or quiz kundi patay ako nito.

" Oh thank God you're awake!" napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig. Si dra. Faith.

" Ate Faith ano nangyari sa akin?" tanong ko. Ate na ang tawag ko sa kanya mula nung naging sila ulit ni kuya Andrew. Sa school ko lang siya tinatawag na doktora.

" You fainted a while ago. Buti nandoon na ako sa classroom kanina kaya pinabuhat na kita sa mga classmates mong boys at dinala ka dito sa clinic ko." paliwanag nya.

" Ilang oras na ako dito?"

" Mga one hour pa lang naman. Katatapos lang ng klase nyo sa akin. Buti na lang wala kayong susunod na class dahil naka leave si dr. Avellanosa. Tatawagan ko ba ang kuya mo para masundo ka? " tanong nya.

" Hindi na ate, dala ko yung car ko. Ano kaya ate ang posibleng dahilan ng pagkahilo ko? " tanong ko sa kanya.

" Maaring stressed ka or kulang ka sa tulog. Now that you're awake, I need to know some information from you that might help determine the cause of your dizziness. Maaari ba Aira? " tanong nya. Medyo kinabahan naman ako, paano kung—?.

" S-sige a-ate." takte yan bakit ako nag-stutter?

" First, anong oras ka natulog kagabi? Nag-breakfast ka ba kanina? "

" Maaga naman kaming natulog ate kasi kailangan ni Gelo na maagang makarating sa airport.Tapos maayos naman akong nag-breakfast kanina. " sagot ko. Tumango-tango si ate Faith tapos nagsulat siya dun sa papel.

" Ilang beses mo ng naramdaman yang pagkahilo mo? "

" Actually, kaninang gumagayak ako papuntang school, yun lang yung una. "

" And? "

" Yun nga kanina sa corridor, may naamoy ako na sobrang bango tapos yun nga, nag faint na ako." tumango-tango ulit sya matapos magsulat dun sa papel.

" Hindi ka ba mapili sa pagkain lately or nagsusuka ka ba tuwing umaga? " nagulat ako sa tanong nya. May hint na rin ba sya gaya ko?

" Wala ate, hindi ko nararanasan yan. "

" Your last menstruation?" nanlaki ang mata ko. Posible ba?

" Ate saan papunta itong usapan natin? " kinakabahan kong tanong. Medyo unti-unti ng nagsi-sink in sa akin yung hinala ko na marahil kinukumpirma na nya.

" Being an OB-Gyne, natural na tanong lang yan. You are engaged and maybe, just maybe may nabuo na kayo ni Gelo. " humugot ako ng malalim na buntung-hininga tapos tiningnan ko si ate Faith sa mata.

" Ate can you keep a secret?" tanong ko.

" Yeah sure. What is it? "

" Promise me na kahit kay kuya Andrew hindi mo sasabihin?"

" Okay I promise. " sabi nya na nakataas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.

I heaved a deep breath before I speak.

" Ate, Gelo and I secretly got married two months ago. And because, we're married, ginagawa na namin— yon. Hindi namin pinapaalam sa family kasi gusto nila na magtapos muna ako sa med school at si Gelo naman, kailangang manatiling single hangga't hindi pa natatapos yung contract nya. Yung engagement nga namin lihim yon sa madla at ang alam sa industry ay mag best friend lang kami. Kasi nga mahirap kapag kumalat, alam mo naman ang mundo ng showbiz. Kahit yung nakatagong kalansay ay huhukayin nila makakuha lang ng scoop. Ate paano kung yung hinala ko at maaring hinala mo rin ay totoo, paano na? "

" We need to do some test para makasiguro tayo. Hinala pa lang naman. " sabi nya tapos may kinuha sya sa drawer nya at inabot sa akin. Pregnancy test.

Inalalayan ako ni ate Faith papuntang CR tapos matiyaga nya akong hinintay sa labas ng pinto.

Nag pee ako tapos sinahod ko dun sa PT. Nang matapos ako ay inabot kong muli kay ate Faith yung PT.

Inabangan namin ng ilang saglit.

" One line. Negative bunso." sabi ni ate Faith. Medyo nalungkot ako but at the same time nakahinga ng kaunti. Hindi sa ayaw ko pa, in fact gustong-gusto ko na nga kaya lang nag-aalala ako sa magiging kalagayan ni Gelo. Kung ako lang kaya ko yung galit ni daddy dahil lumabag kami, madali lang naman din na magpatawad yun kaya lang si Gelo nga. Yung career nya. Yung contract nya.

" Kung hindi pa kayo ready ni Gelo, I suggest na gumamit muna kayo ng protection or might as well, contraceptives. Mayroon din namang mga safe methods para hindi kayo makabuo. Nasa iyo yan. Nandito lang ako in case na kailangan mo ng tulong ko."

" Hindi ba delikado kung gumamit ako ng contraceptives ate? "

" Safe naman ang mga iyan. Ipaubaya mo na lang sa akin yan at gagawin ko ang pinaka safe na paraan. " tugon nya. Ngumiti ako at niyakap ko si ate Faith.

" Thank you ate Faith. "

" You're welcome bunso. Don't worry, your secret is safe with me. You can go home now, ako na ang bahala sa mga prof mo. Magpahinga ka. Stress lang yan. "

Hinatid ako ni ate Faith hanggang parking lot ng school. Binilinan nya ako na magpahinga at kumain ng prutas at gulay dahil medyo mababa daw ang blood pressure ko. Ginawa din nya yung pinaka safe na procedure sa akin to prevent pregnancy.

Pagdating ko sa unit namin ay nagbihis na ako at nahiga sa kama. Naisip ko si Gelo. Nasa Cebu na kaya sila? Ano kaya ang mangyayari kung sakaling naging positive yung result ng PT kanina? Alam ko matutuwa sya gaya ng tuwa na mararamdaman ko sakaling positive nga yung result.

Kanina iniisip ko rin kung ready na ba akong maging ina? Siguro naman ready na ako. Ako ang halos nagpalaki kay Dindin, kami ni Gelo. Ang hindi lang ready ay yung sitwasyon. Marahil hindi pa rin ito yung tamang panahon para magbuntis ako. Masyadong komplikado pa ang lahat. Alam din naman ni Lord yun.

Faith and proper timing. I have faith in God. And faith in God includes faith in His timing.

Next chapter