webnovel

Chapter 3 | The Prince Is Back

Chapter 3 | The Prince Is Back

''Who are you and how the hell did you enter here?''

I froze on my spot upon hearing his deep cold voice. My heart was pumping so loud against my chest, and I can't even make a single move.

But I took a step back and my eyes widened in horror, when he suddenly shows up in front of me.

Wait. How the hell did that happen? I didn't even notice him passing by!

Umawang ang bibig ko at hindi ko naiwasan ang matulala nang malaya ko siyang mapagmasdan. He is so damn tall that will make you look up at him. He also has a pale skin, red lips, pointed nose and a pair of brown eyes.

Also, that messy hair of him. It doesn't look bad at all, because it suits him well. His hands were both buried in his pockets and he was wearing a plain white shirt with a black leather jacket hanging on his right shoulder. Plus, a brown pants that he finished off with a black converse.

I blinked when he smirked, revealing his deep dimples. It felt like I'm going to pass out any moment from now.

''Thanks for the compliment. I didn't know that you're that observant.'' There was a hint of amusement in his voice.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa sinabi niya. Nasabi ko ba kung ano ang nasa isip ko?

Then, with just a blink of an eye, his face was now an inches away from mine and his right arm was now encircled around my waist.

Damn! He smells good too. In short, he's too perfect!

''I knew it. You're not one of us,'' he whispered near my ear that I can almost feel his breath fanned against my skin.

Kumunot ang noo ko. ''W-What do you m-mean?'' naguguluhan kong tanong kahit halos manghina na ang mga tuhod ko nang dahil sa sobrang kaba. Ito kasi ang unang pagkakataon na may lalaking nakalapit sa 'kin ng ganito.

Kung tutuusin dapat ay sinuntok o sinipa ko na siya palayo sa 'kin. Pero ewan ko ba. Something is holding me back to do so.

''Are you even aware that you have this sweet scent that make me want to taste you so badly?'' Tila namamaos ang kanyang boses.

Para naman akong tinakasan ng dugo nang dahil sa sinabi niya. Sweet scent his face! Hindi naman gano'ng klase ng pabango ang gamit ko, ah.

Halos pigil ko ang hininga nang mas lalo pa siyang lumapit sa 'kin. Malamig naman ang panahon pero nagsisimula na akong pagpawisan. Shit!

Nakahinga lang ako nang maluwag nang sa wakas ay binitiwan na niya ako. Akala ko ay ayos na. Pero napalunok na lang ako nang makita ang nanlilisik niyang mga mata.

''I will repeat my question for the very last time. Who are you and how the hell did you enter here?''

Halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya sa 'kin. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. He's not that perfect!

Sumusobra na talaga ang lalaking 'to. Walang respeto sa babae! ''Puwede ba? Wag mo nga akong sigawan! Hindi ako bingi.'' I glared at him.

Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto sa harap namin.

''Kuya?"

"Pinsan?''

Gulat at magkasabay na tanong ng dalawang babae na lumabas mula sa loob.

Napanganga ako nang tumuon ang mga mata ko sa kanila. Maputla rin ang kulay ng kanilang mga balat at para silang mga prinsesa nang dahil sa maliit na tiara na nakapatong sa kanilang mga ulo.

But their shocked faces were suddenly replaced by a confuse expression when they turned to me.

''Who is she?'' the girl in a black halter dress asked. Mas lalo siyang naging maputla nang dahil sa kulay ng suot niya.

The annoying jerk just shrugged. ''I don't know. I just saw her wandering here outside. Akala ko nga no'ng una ay kayo ang nagpapasok sa kanya rito. But of course I know that you won't do that because she is..."

Hinihintay ko 'yong susunod niyang sasabihin pero napaiwas lang siya ng tingin.

They both gasped, then, look at me as if I'm some kind of an unknown creature that they have ever seen. ''You're...''

Nagsisimula na akong makaramdam ng inis. I'm what? Kanina pa sila nambibitin, hah.

The girl in red cocktail dress started to walk towards me. If I'm not mistaken, she was the one who called this guy Kuya. Isa pa ay magkamukha sila.

''Hi! Miley here. I bet you are the new student.''

I rolled my eyes. Gano'n ba talaga kabilis lumaganap sa school na 'to ang balita kapag may bagong estudyante? Is that really a big issue here?

''Oh. Everytime kasi na may bagong estudyante rito ay talagang ipinapaalam 'yon sa lahat.'' She smiled genuinely at me.

Napakurap ako. Ako lang ba talaga ang nag-iisip ng kung ano-ano o sadyang nababasa nila kung anuman ang iniisip ko?

''So, will you please tell us now who you are?'' mahinahon niyang tanong sa 'kin.

''I'm Nicole Jane Parker. Well, yeah, I'm the new student.''

She was looking at my eyes directly. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko naman magawa. Pakiramdam ko kasi ay mayroong pumipigil sa 'kin para gawin 'yon.

Napatango naman siya. ''Okay. But how did you enter here?''

Seryoso silang tatlo na nakatingin sa 'kin na para bang napakahalaga ng isasagot ko.

Tinuro ko naman ang daan patungo sa entrance ng gubat.  ''Naisipan ko lang pumasok ng kagubatan kanina at dire-diretso na naglakad. Then, I saw this beautiful mansion in here. Out of curiosity, I just have decided to come closer.''

Napakunot noo naman sila. ''You saw the mansion?''

I nod irritably. Ano ba kasi ang problema nila? Sa laki ba naman nitong mansyon na 'to, paano namang hindi ko makikita?

Nagkatinginan silang tatlo na para bang hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Pagkalito, pagkabahala at pagkamangha.

''But that's impossible. Because you're a human,'' his cousin said and eyed me from head to toe.

''I'm what?'' Hindi ko kasi narinig ang huli niyang sinabi, dahil binulong lang niya ang tungkol do'n.

Ngumiti naman siya nang alanganin sa 'kin sabay iling. ''It's nothing. Just forget about it. I'm Reiri by the way.''

Tinanggap ko 'yong nakalahad niyang palad. As usual, it's cold as the ice. Siguro isa 'to sa dapat na makasanayan ko na rito.

''Tara? Ihahatid ka na namin sa dorm mo. Malapit na rin kasing gumabi.'' Tumango na lang ako kay Miley bago sumunod sa kanila. Buti pa 'tong kapatid at pinsan niya mabait, eh.

Paalis na sana kami ng bigla kong maramdaman ang malamig at mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko. Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan ng lalaking 'to.

''Why are you not wearing your bracelet?'' Napangiwi ako nang lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa 'kin. I was about to slap him when his eyes suddenly turned red!

''Let go of me. Nasasaktan ako!'' Nanginginig akong napalayo sa kanya.

''Saka b-bakit biglang n-namula 'yang mga mata mo?'' nakayuko kong tanong habang hinihimas ang braso ko. Balak niya pa ata akong balian ng buto!

''Ah, Nicole, ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi naman namumula ang mga mata ni Kuya, ah.'' Miley laugh awkwardly. Dahan-dahan naman akong napatingala at muling tumingin sa kanya.

Huh? His eyes are now brown again. Pero hindi ako maaaring magkamali! Nakita ko talaga na naging kulay pula ang mga 'yon!

''Crazy girl.'' Nagpanting naman ang tainga ko nang dahil sa sinabi niya.

''What did you just say?'' Bago ko pa man siya masugod ay nahila na ako palayo nila Miley.

''Wait! I'm just going to teach your brother a lesson.'' Pero paglingon ko ay wala na siya sa kanyang puwesto.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid pero hindi ko na talaga siya nakita. God! He's really fast!

Wala na akong nagawa nang tuluyan na akong hilahin nila Miley at Reiri. Hawak-hawak nila ako sa magkabila kong kamay.

Pagkalabas namin ng kagubatan ay saka lang nila ako binitiwan. Pero napahinto ako sa paglalakad ng sabay silang humarap sa 'kin. ''Problema n'yo?'' I crossed my arms at them.

Miley smiled. ''May itatanong lang sana kami sa 'yo.''

I shrugged, then motioned them to continue.

''Can we call you Ate Nicky?'' Reiri bit her lower lip.

Natigilan naman ako. Ate? They want to call me Ate? Pagkatapos ay may nickname pa, hah.

No one dares to call me like that. Most of the people I knew was calling me 'Nicole' alone.

Ayoko ng tinatawag ako ng kung ano bukod sa first name ko. But surprisingly, I just found myself nodding that made these two beautiful girls squealed in delight and hugged me to death.

''Hey! C-Can't breath!'' Agad naman silang lumayo sa 'kin.

''Ooppss! Sorry, Ate!'' they said in unison and I just rolled my eyes.

''Saka sorry nga rin pala sa inasal ni Kuya Kyle kanina, hah. Just don't mind him. Siguro may jetlag lang 'yon dahil kauuwi lang niya galing ibang bansa,'' Miley explained.

So, Kyle pala ang pangalan niya. I find his name cute. Pero kung ang ugali niya ang pag-uusapan... Nevermind.

''One more thing,'' Reiri said. Napatingin naman ako bigla sa kanya.

''Wala sanang makaalam ng tungkol sa nakita mo,'' seryoso niyang sabi sa 'kin.

Napataas naman ang kilay ko. Really? What's with that mansion?

But then again, I just nod and gave her a reassuring smile. Hindi naman ako tsismosang tao, eh.

Ngayon alam ko na kung bakit nila kami pinagbabawalan na makapasok do'n. Maybe that place is a secret one. O baka may pribilehiyo ang kung sino man na nakatira roon.

Well, whatever.

Nang makarating kami sa tapat ng dorm building namin ay nagpaalam na ako sa kanila. Pero natigil ako sa akmang pagpasok ng bigla nila akong tawagin.

''What is it this time?'' naiinis kong tanong.

Pero mukhang wala talagang epekto sa kanila ang pagtataray ko. Instead, they both gave me a worried look. ''Ate, please don't forget to wear the bracelet. Wag na wag mong tatanggalin at hahayaan na mawala 'yon.''

Kumunot ang noo ko. Ano ba talaga ang mayroon sa bracelet na 'yon?

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang humangin nang malakas kaya napapikit ako.

The moment I opened my eyes, they  nowhere to be found already.

-----

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko. Nakapag-shower na uli ako, nakapag-advance reading para sa mga susunod na lectures at nag-soundtrip.

Pero hindi pa rin ako makatulog at kumakalam pa ang sikmura ko.

Habang pabalik kasi ako rito kanina ay napansin kong halos wala ng estudyante ang nasa labas. Hindi ko naman tinanong sila Miley tungkol do'n kaya nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita.

''It's almost time for the dinner. Kaya sigurado akong nando'n na sa dining hall ang halos lahat ng mga estudyante.''

Napatulala na nga lang ako no'n sa kanya. Nagdududa na nga ako kung may lahi ba silang manghuhula, eh.

Kaya ito ako ngayon. Gutom na gutom. Nakakaasar naman kasi! Medyo malayo pa naman ang dining hall dito at anong oras na rin. Kung bakit naman kasi ako sinumpong ng katamaran para pumunta ro'n kanina, eh.

Then Kyle's red eyes suddenly flashed in my mind. Kahit ano talagang pilit ko na kalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon ay hindi ko magawa. Alam ko kung ano ang nakita ko at hindi ako maaaring magkamali.

I saw it clearly how his brown eyes turned to red, and it still gives me a goosebumps until now.

Napabalikwas naman ako nang maalala ko ang huling sinabi sa 'kin ni Miley kanina. Tinungo ko ang cabinet at binuksan ang ibabang drawer nito.

I took out the bracelet and placed it on my bedside table. Saka ko na lang siguro aalamin ang tungkol dito.

For now, all I need is to get some sleep. Because this day was such a long and tiring one.

-----

Kyle Ethan's POV

''Is it true?'' bungad na tanong sa 'kin ng pinsan kong si Vince, na kapatid naman ni Reiri. Prente lang siyang umupo sa may couch.

I am now in my room at the mansion, sitting at the edge of my bed. Kababalik ko lang kanina galing Romania at dito agad ako dumiretso. Ayoko pa kasing may makakita sa 'kin.

This mansion was especially built for the six of us. Walang ibang puwedeng makapasok dito kung hindi kami, ang mga pamilya namin at matataas na uri lang ng mga bampira. A common vampire can't come near here, nor see this.

Yes. We're vampires, and no one knows about us. Even the human students in this academy don't know anything about it.

I was a pureblood and at the same time, the prince of our clan. Tanging ang pamilya na na lang naming mga Clarkson ang natitira sa angkan ng mga pureblood. Kaya gano'n na lang ang pag-iingat na ginagawa namin.

''Thank you,'' I said sarcastically to him. Unahin ba raw ang pagkalap ng tsismis kaysa ang i-welcome ako?

''It's really impossible. Lalo na at tao siya. Unless she was...'' I didn't even flinch when I felt Kira, my best friend, popped out beside me. Teleportation is his main ability. Although kaya ko rin namang gawin 'yon.

''Naisip ko na rin 'yan.'' Kinuyom ko ang kamao ko.

''Should we tell the king about this matter?'' sabat naman ni Hiro na nakatambay sa veranda. Matalik siyang kaibigan ni Vince.

Napailing na lang ako. May pinto naman pero ang hilig niyang diyan dumaan.

Napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame. ''Nope. We're going to observe her first.''

Bigla ko na namang naalala ang mga nangyari kanina. Malayo pa lang ako ay naamoy ko na agad ang nakakahalina niyang amoy. Kaya naman ay nagmadali akong makarating dito agad.

I was ready to attack whoever stranger she was. But when I finally saw her face from afar, I just can't take off my eyes on her. She's so beautiful that I can actually stare at her for the whole day.

Nang ipaalam ko na sa kanya ang presensiya ko ay ramdam ko ang takot at kaba niya. But she was not one of those ordinary girls that will suddenly freak out and run for their life.

Though if she only knew who we really are, then maybe she will do that.

Noong natulala siya, I took that opportunity to read her mind. Lihim naman akong napangiti. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na magagawa niya pa talagang isipin at pansinin ang mga gano'ng klase ng bagay tungkol sa 'kin sa sitwasyon niyang 'yon.

Pero hindi ko na binasa pa ang mga sumunod niyang inisip dahil bigla akong nakaramdam ng konsensya. Isa pa ay mahigpit ding pinagbabawal ang paggamit ng mga kakayahan namin dahil baka may makapansin at makakita.

Pero pare-pareho kasi kaming naguguluhan kung paano niyang nakita at nalapitan itong mansyon. Kaya hindi ko rin naman masisisi si Miley kung bakit nagawa niya ring gamitan ng ability niya si...

Nicole. Yeah. I heard her as she state her name loud and clear. Na kahit nasa loob pa ako ng mansyon ay narinig ko pa rin.

Paalis na sana sila ng mapansin ko na hindi niya suot 'yong bracelet na binibigay namin para sa proteksyon ng mga taong estudyante rito. Kaya naman pala naamoy ko siya agad.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng galit dahil do'n. Kung kaya naman ay napahigpit ang hawak ko sa kanya at pumula ang aking mga mata. Hindi ko naman inakala na napansin niya agad 'yon.

Mabuti na lang at mabilis kung napakalma ang sarili ko, kaya mabilis din itong bumalik sa dati. I know that she'll go to throw me a lot of questions. Kaya naman ay sinamantala ko na ang pagkakataon na makaalis nang napalingon siya kay Miley.

That girl, Nicole, is really different. Kung tama nga ang hinala namin, then we should do everything just to protect her.

''You're happy, huh?'' Kira said that made me get out of my trance.

Kumunot ang noo ko. ''Ano na namang pinagsasabi mo?''

Hiro came near me and tapped my shoulder. ''Just in case you don't know, you're smiling.''

''Yeah. Which is very rare to happen,'' Vince added while wiggling his eyebrows.

Napatayo ako nang dahil sa sobrang inis at iniwan sila. Palibhasa ay nawala ako ng matagal kaya ako na naman ang napagtripan nila. Hihintayin ko na lang na makabalik 'yong dalawa sa may living room.

But before I go out, I heard them laugh.

''The prince is really back.'' Napailing na lang ako.

Next chapter