webnovel

Chapter 29

MYRA

"Dalian niyong kumilos." Bulong ko sa apat na lalaki at inalalayan si Rence na hindi makagalaw.

Sa kanilang lahat ay siya ang pinaka naapektuhan sa pagmamaneho ko.

'Ang sungit sungit mo tapos mahina naman pala. Tsk.'

Kitang kita kasi ang pamumutla niya pati na din ang pagkahingal.

Nang makarating kami sa malahiganteng gold na pintuan nila ay tumalikod na ako.

"T-teka. Aalis na kayo agad?" Pahabol na tanong ni Jeremy sa akin.

"May mga nakasunod sa atin kanina. Sabihin niyo sa mga guards niyo na maging alerto. Mas mabuting ipaalam niyo na din kay Ella." Aniya ko sa kanila at naglakad na paalis.

Nang makarating ako sa labas ng mansyon ay nakita ko na agad si Mira na hawak at nakatago na sa likod ang paborito niyang gamit.

'Dagger.'

3rd Person's P.O.V.

"Melissa. Pumunta ka sa Fords. Bantayan mo sila hanggat hindi pa dumadating si Ella." Utos ng dalagang si Myra.

Bigla namang nanlumo si Melissa dahil sa utos ni Myra sa kanya.

"Eh?! Akala ko naman makakapag exercise ako." Maktol na sabi ng dalaga at halos nakasimangot pang pumunta sa gate.

'Nandun naman bebe mo eh.' Napangiti naman ang dalagang si Mira dahil sa naisip niya.

"Ayaw mo ba? O sige ako nalang pala magbabantay sa prince charming mo." Aniya pa ni Mira at pakunwaring papasok na ng gate.

Agad na pinigilan ni Melissa si Mira at mabilis na tumakbo papasok ng mansyon.

"Wait for me!" Sigaw pa nito at dumiretso sa mansyon ng apat na lalaki.

Nang makaalis ang dalagang si Melissa ay tila ay wala ng umiimik sa dalawa. Nakakakatakot na nakangiti pa ito at nakatingin sa mga nakamasid sa kanila.

"Mira. Ilan sila?" Tanong ni Myra at lumilinga pa sa paligid.

"Pito sila bes. Tatlo sa kaliwa mo, sa may puno. Apat dito sa kanan ko." Aniya naman ni Mira na alerto sa pagtingin sa paligid.

Tila hindi naman binagabag si Myra sa sinabi ni Mira at nakuha pang sumandal sa gilid ng gate ng mansyon.

"Ako na ba pumunta?" Ngiti ngiting tanong ni Mira at halos kumislap pa ang mata para lang pumayag si Myra.

'Please pumayag ka.' Hiling ni Mira sa isip isip niya.

"I won't mind." Pikit matang sabi naman ni Myra na halos ikapunit na ng mukha ni Mira dahil sa pagngiti.

ELLA

'From what I remember, Tito Mic only have twins which is my cousins.'

Kanina pa umuulit sa utak ko ang sinabi ng Nero na yon.

"Baka mali lang ako ng rinig." Bulong ko pa sa sarili ko at umiling nalang para burahin sa isip ang mga salitang iyon.

"Miss. Kanina pa may tumatawag sayo. Baka may balak kang sagutin?" Masungit na sabi ng babaeng kaharap ko dito sa jeep.

Tinignan ko ng walang expression yung babae at itinaas ang kilay ko.

'Oh? Tapos ngayon bigla kang iiwas ng tingin?'

Tss.

Nung hindi pa din tumitigil ang pagring ng phone ko ay sinagot ko na ang tawag sa phone ko.

"Hello?"

Halos mailayo ko na sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa sumigaw sa kabilang linya.

"Ella! Mira and Myra are in danger!"

Kumunot ang noo ko at tinignan kung sino ang caller sa phone ko.

'Si Jeremy pala. Ano bang kalokohan pinagsasasabi nito?'

"Huy! Ano ka ba! Ang OA mo! Mabubuhay yong mga yon!" Sigaw ng isang babae sa kabilang linya.

'Si Melissa to.'

"Akin na nga! Hello?! Ella? Okay lang kami dito! Keri na nila yon! Sige na byee!"

Hindi pa ako nakakapagsalita ay agad na niyang binaba ang tawag.

'L*che. Di man lang ako pinagsalita.'

Isinawalang bahala ko nalang ang pagtawag ni Jeremy dahil sabi ni Mel ay kaya naman na nila yon.

Tumingin naman ako sa bintana ng jeep. Takipsilim na at ang simoy ng hangin ay malamig na din.

Mahaba-haba pa naman ang biyahe kaya naman naisipan ko munang magpatugtog at umidlip.

~~~~~~~~~~~~

"Para po!" Malakas na sabi ko at pinahinto ang jeep sa kanto malapit sa bahay.

Pagkababang pagkababa ko palang ng jeep ay kinain na ako ng kaba sa pwedeng mangyari sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero kutob ko ay may mangyayari ngayon.

Agad akong pumasok sa gate at dumiretso sa bintana. Sinipat ko ito para mabuksan at pumasok na sa loob.

Dahan-dahan pa akong pumasok sa loob at inilibot ang mata sa paligid.

'Anong nangyari dito?'

Wala na ang mga dekorasyon at gamit sa sala. Ang TV na dati ay nakadikit sa ding ding  ay tila naging isang portrait na lamang. Nawala din ang sofa na nakalagay dito at ang maliit na lamesa sa gitna.

Halos di pa ako makapaniwala sa tinitignan ko nang makarinig ako ng mahinang ubo na galing sa likod ko.

Kabado akong lumingon at tinignan ang taong nasa likod ko.

Napahakbang ako papalapit ng makitang si ate Stella yon. Yayakapin ko na sana siya nang magsalita siya na ikinahinto ko.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya sa akin.

'Si ate Stella ba to?'

Nakakapanibago man ang ipinapakita niya sa akin ay ngumiti ako ng alanganin at nagsalita.

"G-gusto ko lang makita si mama, ate."

Umarko ang kilay nito pataas at tumawa. Yung sarkastikong tawa na parang naiinis.

"Mama? Ella! Hindi mo siya mama at mas lalong hindi mo ako kapatid!" Malakas at madiin na sabi niya sa akin ng harap harapan.

Kitang kita ko ang galit at sakit sa mga mata niya. Hindi rin pinalagpas ng paningin ko ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya.

'Ako na naman?'

"Ano bang ginawa ko at nagkakaganyan ka ate?" Mahinang tanong ko na tama lang para marinig niya.

Agad siyang naglakad papalapit sa akin at naka akmang sasampalin na ako. Hindi ako natinag at nakatingin lang sa kanya. Inaantay ang gagawin niya sa akin.

"Stella." Tawag ng isang boses na di ko inaakalang magpapapatigil sa pagsampal sa akin ni Ate Stella.

Nilingon ko siya at tinignan.

Hindi ako makapaniwalang tinignan siya.

"Ella." Mahinhin na tawag nito sa akin at tumingin kay ate Stella.

Biglang kumunot ang noo niya at lumapit sa amin.

"Don't hurt her. Or else." Nagbabantang sabi pa niya kay ate Stella.

'Nananaginip yata ako?'

Hindi pa ako nakakarecover sa sinabi ni ate Shiela ay panibagong kaweirdohan na naman ang naranasan ko.

'Si ate Shiela? Bumait?'

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa isang kwarto.

"I'm sorry Ella."

Next chapter