webnovel

Chapter 22

Someone's P.O.V.

"Nasobrahan na ata sila sa tapang." Nakangising sabi ng anak ko.

Tumango naman ako at itinaas ang kamay.

'Kailangan ng turuan ng leksiyon ang mga yan.'

Agad na lumapit naman ang butler ko at nag bow sa akin.

"Find them. And make them suffer."

Ibinigay ko ang apat na litrato sa butler ko at uminom ng wine.

'No one can ever mess with us.'

ELLA

"Aray!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Wag ka ngang malikot!" Inis na sabi ko sa kanya.

Nanahimik naman siya at hinayaan akong gamutin ang sugat niya sa labi.

"Dahan dahan!" Reklamo nito at hinawakan pa ang kamay kong may hawak ng cotton.

Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nilinis ang sugat niya.

"Sinambot mo pa kasi ako. Kaya ko naman lumapag mag isa." Inis na sabi ko at nagfocus sa labi niyang dumudugo.

"Well, I can't let you fall without anyone catching you." Banat nito sa akin at kinindatan pa ako.

Naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo kaya naman tumalikod muna ako.

'Calm down Ella.'

Nang kumalma na ako ay humarap na ako sa kanya.

'Pucha.'

Halos maamoy ko na ang hininga ng lalaking ito dahil lapit niya sa akin.

Halos mapanganga pa ako ng pumikit ito at lumapit pa sa akin ng unti unti.

Sa sobrang kalituhan ay nasuntok ko na naman siya sa labi.

"Aray! Ella! Pangalawa mo na to ha!"

Inirapan ko naman siya at tumayo na sa sofa.

"Bwisit ka! Manyak!" Inis na sabi ko at iniwan na sa sala si Ross.

Nakasalubong ko naman ang pinsan nilang masungit. Nakakunot noo itong nakatingin sa akin dahil ngayon lang niya ako nakita dito sa mansyon. Tinaasan ko naman ito ng kilay at inirapan.

'Bahala kayo jan.'

Pumasok na ako sa kwarto at nilock ang pinto. Agad na nahiga din ako sa kama dahil sobrang nakakapagod ngayon.

Ipinikit ko na ang mata ko at nakatulog na.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Miss! Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit nandito ka sa likod ng mansyon namin?"

"Kinakausap pa kita miss!"

"Bumaba ka jan sa puno!"

*Tsup*

"WAAH!" Pabalikwas akong umupo sa kama ko at hinabol ang hininga.

'Bwisit! Pati sa panaginip dinadalaw ako ng manyak na yon.'

Padabog akong tumayo sa kama at hinawi ang kurtina ko.

Agad na nasilaw naman ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas.

Nag ayos at naligo na din ako para makapasok na sa school.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Ngayon pa lang ako magpapakita dun sa tatlong magpipinsan.

Sa ngayon kasi ay si Ross palang ang nakakaalam sa kanila.

Pagbaba ko ng stairs ay nakasalubong ko si Nicholas na paakyat.

Nakanganga naman itong nakatingin sa akin. Napaturo pa siya sa akin at nanlalaki pa ang mata.

"E-ella? Ikaw ba yan?" Ngumiti naman ako at tumango.

'Nice. Namukhaan niya ako.'

Nakadisguise na kasi ako kaya naman akala ko ay hirap siyang makilala ako.

"Ba't nandito ka?!" Gulat na tanong niya.

Kinindatan ko naman siya at nginitian.

"Secret."

Nakita ko naman na namula siya at napailing.

"Nicholas, favor naman please?"

Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Ano yon binibini?" Tanong nito sa akin.

Inilihis ko naman ang paningin ko para hindi maapektuhan sa charm ng lalaking ito.

'Araw araw na ba akong makakakita ng ganito kagwapong lalaki?'

Napailing naman ako sa naisip ko at tinignan na si Nicholas.

"Pakitawag naman yung mga pinsan mo. Kailangan ko silang kausapin. Thank you!"

Agad na bumaba na ako sa stairs at pumunta sa sala.

Naupo naman na ako sa sofa at hinintay silang makapunta dito.

Unang bumaba si Nicholas na nakatayong nakatingin lang sa akin.

Tinapik ko naman ang upuan na nasa gilid ko lang. Umupo naman na siya sa tabi ko at nagcross legs.

Narinig ko na ang sunod sunod na yabag ng paa nila pababa sa stairs kaya naman umupo na ako ng maayos.

Tinaasan ko naman ng kilay si Ross ng tinulak niya si Nicholas at naupo sa tabi ko.

"Umalis ka jan! Si Nicholas ang pinaupo ko diba?" Masungit na sabi ko sa kanya.

"I won't do anything!" Taas kamay nitong sabi at nanlalaki pa ang mata.

'Tss. Natakot na ata sa suntok ko to.'

Inirapan ko nalang siya at ibinaling na ang atensyon sa dalawang nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Tss. Umalis ka nga jan Ross! Di ka bagay jan!" Inis na sabi ni Jeremy at hinila patayo si Ross.

"Oo na! Aalis na!" Natatawang sabi pa ni Ross at pinalo sa balikat si Jeremy na nakasimangot na.

Nanahimik naman ang lahat ng magsalita ang pinsan nila.

"Who are you?" Seryosong tanong nung Rence sa akin.

Sinalubong ko naman ang mata niyang matalim na nakatingin sa akin at nginitian siya.

Bahagya naman itong nagulat dahil napansin ko ang panlalaki ng mata niya.

"Mikaella Faye Rodriguez. Nice to meet you Mr. Rence Ford." Aniya ko sa kanya.

"You're the girl in the party who shouted. Am I right?"

Tumango naman ako at ngumiti.

"Yep. The one who called all of you gay." Kibit balikat kong sabi at sumandal sa sofa.

"What are you doing here Ella?"

Lumingon naman ako sa nagtanong non. Si Jeremy.

Ngumiti naman ako at tumayo.

"From today onwards I will be living here in the mansion with all of you." Madiin kong sabi. Bago pa man sila magreact ay dinampot ko na ang bag ko sa sofa at naglakad na papalabas ng mansyon.

'Bahala sila magreklamo jan. Lolo naman nila ang namilit na dun ako tumira.'

Hindi ko napansin ang taong sumusunod sa akin kaya naman laking gulat ko ng bigla nitong takpan ang mata ko. Ang isang kamay naman nito ay pinanghawak sa dalawa kong kamay.

"Sino ka?!"

Agad naman akong pumiglas at sinipa patalikod ang nakahawak sa akin. Nabitawan naman nito ang takip sa mata ko pero hindi natinag ang paghawak niya sa kamay ko.

Uminit na ang ulo ko kaya naman marahas kong ginalaw ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak niya at tinuhod siya sa tagiliran. Sinuntok ko din ito sa mukha at kinuha ang kamay niya.

Ibinalibag ko naman siya sa lapag at inapakan ang likod nito.

"Sino ka?" Malamig na tanong ko dito.

Next chapter