MIRA
Nakanganga kong tinignan si Ella na ngayon ay nililihis ang tingin sa aming tatlo.
Tinignan ko naman ang mukha ng dalawa sa nakita nila kay Ella.
Nakanganga si Mel at si Myra naman ay nakataas ang isang kilay.
"Ella!" Tawag ko sa kanya.
Lumingon naman ito sa amin at nakatakip ang likod ng kamay sa labi niya.
"Anyare sayo ha? May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya. Lumapit ako at hinipo ang noo niya kung nilalagnat ba siya o hindi.
Kumunot ang noo ko at tinignan siya.
'Wala naman.'
"Anong ikinapupula mo jan ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa nakita ko.
Agad siyang umiling at tumalikod na sa amin.
"Tara na. Baka mag start ceremony."
Binalewala ko nalang ang nakita ko at sumunod na sa kanya.
ELLA
'Kainis! Sana hindi nalang siya yung nabunot ko!'
Agad akong nagmadali na pumila sa hall at umayos na ng tayo.
Napansin kong may nangalabit sa akin sa kanan ko kaya naman tinignan ko ang nangalabit sa akin.
MIRA
Nakita kong kinalabit ni Alvin si Ella at kinawayan ito.
Nagtataka naman akong tumingin kay Ella na inirapan si Alvin at namula ang tenga.
'Close sila?'
Nag palipatlipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil nag uusap sila. Medyo nasa likod ako ng pila kaya naman hindi ko marinig ang pinag uusapan nila.
Kinalabit ko ang nasa likod ni Ella at nginitian ito.
"Pwede bang dito nalang ako?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko namang nairita siya at umusog nalang patalikod. Nakita ko pang umirap siya pero wala akong panahon para dukutin ang mata niya.
Inirapan ko nalang din siya ng patago dahil di naman pansin sa salamin ko ang pag irap ko.
Hanggang ngayon kasi ay nakadisguise pa din kaming apat para walang makakilala sa amin. Kaya naman iwas pa din ang mga kaklase namin sa amin at madalas ay masama pa ang ugali sa amin.
Nabalik ako sa pokus ng marinig ko si Ella.
"Ano ba? Wag ka ngang maingay!" Inis na sambit ni Ella at tinakpan pa ang bibig ni Alvin.
Napanganga naman ako ng makita na naman ang namumulang mukha ni Ella habang tinatakpan ang bibig ni Alvin.
'Aba! May hindi na naman kinekwento ang babaeng 'to!'
Napangiti ako ng makitang natutuwa sa pang aasar si Alvin at namumula naman sa inis si Ella.
'Mukhang may katapat kana Ella ah.'
Inilibot ko ang mata ko sa paligid and only to find out na lahat sila ay nakatingin sa dalawa.
Tinignan ko naman si Jeremy na nasa likod lang ni Alvin. Madilim ang awra nito at nakatiim bagang pang nakatingin sa dalawa. Mapapansin mo din ang pag kuyom ng kamao niya at kaunti nalang ay may madadala na sa guidance office.
Napailing nalang ako at napabuntong hininga.
'Kung masakit wag mong tignan.'
Inilihis ko na ang tingin ko sa kanila at tumingin nalang sa stage.
Naglakad naman ang aming dean sa harap at bumati sa amin ng "Good Morning."
Tamad na bumati naman ang mga estudyante at nanahimik na sa pila.
Agad din namang natapos ang ceremony namin at bumalik na kaming lahat sa klase.
Automatic na kumunot naman ang noo ko dahil pagpasok ko sa classroom ay wala ang dalawa sa upuan nila.
Bumuntong hininga naman ako ng maalala ang nangyari kanina.
'Siya talaga?'
ELLA
"Huy Jeremy! Saan tayo pupunta?!" Tanong ko sa kanya dahil hila hila niya ang kamay ko ngayon paalis sa hall.
Madilim ang mukha nito at aakalain mong galit sa mundo dahil sa mukha niya.
Hindi naman ito sumagot sa tanong ko at mas nagdire diretso pa siya sa paglalakad.
Maya maya pa ay bumagal na ang paglalakad namin nang makarating kami sa park ng school. Iginaya niya ako paupo sa swing at siya naman ay nakaluhod sa harap ko. Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko hanggang ngayon kaya naman napakunot noo ako sa ipinapakita niya ngayon.
Lumapit ako ng kaunti sa kanya at pinitik siya sa noo.
"Huy. Ano bang nangyayari sayo ha?" Nagdududang tanong ko sa kanya.
Malay ko ba kung nakahithit to.
Umiling naman ito at marahang ngumiti. Nainis naman ako dahil parang wala sa huwisyo ang lalaking ito.
"Bigla bigla ka nalang nanghihila! Tapos nga—" Napatigil ako sa pagsasalita nang inipit niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin habang nakatitig sa mata ko na ikinailang ko.
Kaunti nalang ang gap ng mukha namin kaya naman nababahala na ako sa pinaggagagawa niya. Pumikit naman ako at— "Aray!" Sigaw ni Jeremy at hinipo ang noo niya.
Ni-Headbutt ko siya. Napaupo naman siya sa damuhan at hinihipo ang noo niyang tinamaan ko.
Tumayo naman ako sa swing at nagpameywang. Itinaas ko din ang isang kilay ko para makita niyang hindi ko yon nagustuhan.
Nakatingala naman siyang nakatingin sa akin habang hinihipo ang noo.
"Anong kalokohan to Jeremy?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito at bumuntong hininga.
"Nothing."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Nothing? Hinila hila mo ako dito tapos nothing?! Bwisit! Aalis na ako!" Inis na sabi ko at nagmadaling naglakad papasok uli ng building namin.
Napansin ko naman si Mira na tahimik na naglalakad papunta sa room namin.
"Mira!" Tawag ko dito at medyo naglakad ng mabilis.
Tumigil naman ito sa paglalakad pero ilang segundo pa bago siya lumingon sa akin na ikinataka ko.
"May nangyari ba Mira?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito sa akin.
"Wala naman. San ka galing?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Lumapit na ako sa kanya at sabay na kaming naglakad papunta sa room.
Nagakibit balikat nalang ako sa tanong niya.
"Gumala lang sandali."
MIRA
"Hay." Buntong hininga ko at tumingin nalang sa bintana.
Lumipat muna ako dito sa malapit sa bintana para makahinga ng maluwag.
Nakapangalumbaba lang akong nakatingin doon nang may tumulong butil ng luha sa mata ko.
Agad ko itong pinunasan at dumukdok nalang sa mesa ko. Wala pa naman ang teacher namin kaya okay lang.
'Sa dinami dami ng pwede kong makita. Bakit yon pa?'
Tumulo muli ang luha ko na pinunasan ko agad.
'Ang bilis kong mahulog.'
Umupo na ako ng maayos nang makarecover ako.
'Bakit si Ella pa?'