webnovel

Chapter 13

Nang narinig ito ng dios ng buhay at kamatayan, a glint flashed through his gray eyes.

"Lasing kana sa kapangyarihan at wala nang laman ang puso mo bukod sa kasamaan kaya bibigyan kita ng hinahangad mong buhay na walang hanggan pero bilang kapalit, papanuorin mong isa-isang mawala lahat ng bagay na may halaga sayo,"

Gray light flashed through the entire throne room nang itinaas niya ang kanyang kamay.

Natakot si Aikoh sa mga nangyayari. Sinubukan niyang paslangin ang bata na nasa harap niya pero nagulat siya nang malaman niyang hindi na siya makagalaw!

AAAAAAAGH!

Sigaw ni Aikoh. He is unwilling to let his empire go. Papatayin niya lahat ng sagabal sa mga plano niya.

A few minutes later, nakahiga si Aikoh sa sahig like a dead person. Bukod sa maputlang balat ni Aikoh, wala nang nagbago sa kanya.

Di nagtagal at nagising si Aikoh. Hinanap niya ang dios nang buhay at kamatayan pero hindi na niya ito matagpuan.

"Lasing kana sa kapangyarihan at wala nang laman ang puso mo bukod sa kasamaan, kaya bibigyan kita ng hinahangad mong buhay na walang hanggan pero bilang kapalit, papanuorin mong isa-isang mawala lahat ng bagay na may halaga sayo,"

Naalala niya yung sinabi ng dios ng buhay at kamatay.

"...kaya bibigyan kita ng hinahangad mong buhay na walang hanggan..."

Kumuha si Aikoh ng isang patalim mula sa ilalim ng kanyang damit bago sinaksak ang sariling palad.

Napangiwi si Aikoh sa sakit nang bunotin ang nakabaon na patalim. Tumutulo ang preskong dugo sa sahig pero natuwa si Aikoh ng makita niya ang sumunod na nangyari.

Limang segundo lang ang dumaan at ang preskong sugat sa kanyang palad, kahit peklat, ay wala na.

"Buhay na walang hanggan, HAHAHAHA!" Para sa kanya hindi ito isang parusa kundi isang regalo mula sa kalangitan. Kumpleto na ngayon ang pangarap niya.

Hindi niya alam na hindi pa naguumpisa ang lahat para sa kanya.

Ang heneral na pinagkakatiwalaan niya ay nagumpisa ng isang pagaaklas laban sa kanya. Dahil sa kasakiman ni Aikoh bilang emperador, nakuha agad ng nasabing Heneral ang simpatya ng mga tao.

Dito nagumpisa ang kanyang pagbagsak.

Nahati sa dalawa ang emperyo ni Aikoh. Lumalala ang sitwasyon sa kanyang pamumuno bawat araw na dumadaan.

Isang araw, isang balita ang yumanig sa buong kaisipan ni Aikoh.

Isang mensahero ang naghatid ng 'regalo' para kay Aikoh.

Nang buksan niya ito, sinalubong siya ng isang pugot na ulo.

Natulala si Aikoh ng makita niya ang ulo dahil kilalang kilala ni Aikoh kung sino ang mayari nito, ang pinuno ng Dragon Clan.

Kasama ang kanyang royal guard, lumakad si Aikoh pauwi sa kanyang angkan pero isang madugong tanawin ang sumalubong sa kanya. Ang dating kulay blue na lawa ay naging kulay pula dahil sa dugo. Nagkalat naman kahit saan ang bangkay ng kanyang mga kaanak. Merong bata, matanda, middle aged at mga sangol. Pati mga hayop di pinalagpas.

Hindi napigilan ni Aikoh ang kanyang paghihinagpis. Napaluhod siya sa harap ng mga bangkay at umiyak.

Tatlong araw nakalipas, hindi parin siya tumatayo sa kanyang dating pwesto at tulad nung una, umiiyak parin siya. Ang pinagkaiba lang ay wala namaos na siya ngayon sa kakaiyak.

Sa ikaapat na araw, umaalingasaw na ang baho nang mga naaagnas na mga bangkay. Dahil dito, nagdesisyon na siyang ilibing ang kanyang mga kaanak. Gamit ang sariling lakas at kamay gumawa siya ng isang kweba sa likod ng talon. Inabot ng ilang taon ang kanyang paghuhukay bago siya natapus. Dahil sa labis labis niyang pagsisisi, kulang pa para sa kanya ang paghukay ng isang kweba gamit ang sariling mga kamay para mapatawad niya sarili niya.

Sa labas, kalansay nalang ang natitira sa mga bangkay. Wala narin ang mga royal guards ni Aikoh. Karamihan sa kanila ay iniwan si Aikoh but the loyal ones stayed behind and died dahil sa mga sakit while guarding.

Isa isa niyang inilibing ang mga kalansay ng kanyang mga kaanak at dahil di niya makilala ang mga ito, di na niya nilagyan ng pangalan ang kanilang tomb stones pero para alalahanin ang kanyang mga kapamilya, sinulat niya ang mga salitang "Grave of the Dragons" sa ibabaw nang pintuan.

Simula nang araw na yun, bigla nalang siya nawala nang parang usok sa hangin.

Nagdaan ang mga panahon at nakalimutan na nang mundo ang pangalan ni Aikoh. Kahit sa mga historical books, di mo makikita ang pangalan niya. Parang kahit kelan di siya nagexist.

LINGO, 5:30 AM.

Aikoh remained kneeling the entire time. Crying over the past.

After five hours of walking, nakalabas si Aikoh sa Dragon Mountain Range.

Pagkalabas na pagkalabas niya nakita niya si Joakim na nagaantay sa kanya.

"Diba sabi ko sayo wag mo na akong hintayin?" Tanong ni Aikoh bago pumasok sa back seat.

"Sorry babe, nagpatulong ako sa kanya na hanapin ka. Sabi niya kasi andito ka at bawal ka raw sundan sa loob kaya nagantay nalang kami dito,"

Nagulat si Aikoh pagkapasok niya dahil nasa loob si Yasumi habang nagaantay sa kanya.

"Ah? Ganun ba? Okay lang," Aikoh said before messing Yasumi's hair.

Habang nasa biyahe sila, tahimik lang si Yasumi na nakaupo sa tabi ni Aikoh.

"Kamusta na pala papa mo? Yung check up niya kahapon, kamusta?" Pagbasag ni Aikoh sa katahimikan.

"Yan nga yung reason kung bakit kita hinahanap eh, gusto kong magpasalamat sayo," Sabi ni Yasumi sabay sandal sa balikat ni Aikoh.

"Hehe, kailangan pa ba talaga?" Sabi ni Aikoh sabay halik sa ulo ni Yasumi.

Napakagaan ng pakiramdam ni Aikoh ngayon.

Pagkatapus ng mga masasamang alaala, Yasumi is waiting for him.

Sa bahay ni Aikoh, nakaupo si Aikoh sa kanyang study table habang nasa harap niya ngayon si Hiro na gumagawa ng house of cards

Bago siya umuwi, hinatid na muna niya si Yasumi sa kanila.

"Kamusta lakad mo ngayon?" Tanong ni Hiro habang pina-pile ang mga baraha.

"Okay lang," Simpleng sagot ni Aikoh.

"Naalala mo pa ba kung pano kita pinatulog sa sahig ha? HAHAHA," Panunukso ni Hiro sabay tawa nang malakas.

"Tsk~"

"Pikon!" Panunukso ulit ni Hiro

"I'm not,"

"Pikon," Pag ulit ni Hiro.

Next chapter