webnovel

Chapter Eight

Naglalakad na ako papasok ng campus ng makita ko si Celine kasama si Leo. At sa kotse pa ni Leo sya bumaba. Ano to, sinundo ba sya ni Leo!? Ayos din naman pala tong si Celine eh. After nyang hindi pansinin ang lahat ng text ko sa kanya ganito ang makikita ko !? Kasama nya ang dahilan ng maagang pagalis namin sa ball !?

Nilapitan ko sila at hinila ko sya palayo kay Leo. Wala akong pakialam kung ano pa ang sabihin nila sakin.

"Let go of me Xander!! Nasasaktan ako!!" Sigaw ni Celine. Pero hindi ko sya bibitawan. Lalapit sana si Leo ng duruin ko sya.

"Subukan mo lang lumapit at hindi lang yan ang mangyayari sa mukha mo!!" Banta ko sa kanya. Bakas pa din kasi sa mukha nya ang mga pasa na gawa ko nung sinapak ko sya sa ball. Natakot naman ata kaya hindi na sya lumapit. Hinila ko palayo si Celine kahit na nagpupumiglas sya sakin. Binitawan ko lang sya ng makarating kami sa isang garden ng school.

"Ouch!!!! Ano bang problema mo ha!!" sigaw nya sakin ng bitawan ko na sya.

"Bakit kasama mo yun lalaking yun?" Tanong ko sa kanya.

"He pick me up.why?!"

Tama bang tanungin nya ako kung bakit!? Nakakainis na! At talaga ngang sinundo pa sya ni Leo.

"Why you're not answering your phone!? I've been texting you and you didn't reply me atleast once.!"

"I've lost my phone!!" Nawala ang phone nya!? Pano naman mawawala yun?

"I have to go. May klase pa ako. And pwede ba Xander. Walang ginagawang masama sayo Leo. Kaya tigilan mo sya.!" Pagkasabi nya non ay umalis na sya. Walang ginagawang masama!? Eh hinalikan nya ang girlfriend ko sa ball tapos ngayon makikita kong sinundo pa nya. Hindi ba masama yun. Kung noon nagagawa kong hayaan si Celine. Not this time. Not anymore. Now that I've realized how much she means to me? Now that i know I'm in love with her? No. I won't allow anyone come near close to you Celine. Non one.

After class, sinundo ko na agad si Celine sa klase nya. Nagulat pa nga ang lahat ng classmates nya ng bigla akong pumasok sa room at kinuha ang gamit nya. Kahit ang prof nya na nasa loob ay nagulat din pero wala silang sinabi. Hinila ko na agad si Celine papunta sa parking lot habang hawak ko pa din ang gamit nya.

"Ano ba Xander. Kanina mo pa ako hinihila. San mo ba ako dadalhin!" Naiirita nyang sabi. Pero hindi ko sya pinansin. Isinuot ko sa kanya ang helmet ko at saka ako sumakay sa motor.

"Ayokong sumakay jan. Nagpasundo ako sa driver ni---"

"NO! sakay!!!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis na. Bakit ba biglang ayaw nyang sumakay at sumama sakin samantalang dati excited pa syang isuot ang helmet ko. Sinamaan nya ako ng tingin at hindi ako nagpatalo. Pero parang may nagbago sa kanya. Hindi ko alam. Hinubad nya yung helmet at inilagay yun sa upuan at saka tumalikod. San sya pupunta? Sasama ba sya kay Leo ?? No hindi ako papayag. Hinabol ko sya at hinila sa kamay pero nagpumiglas sya.

"Ano ba!! Sabi ng hindi nga ako sasakay jan eh!!! Ano bang prob----" i stopped her with a kiss. I kissed her on her lips kahit alam kong marami din tao na sa labas. Wala akong pakialam. Nang inalis ko ang labi ko sa kanya,napansin kong namula ang pisngi nya. Natahimik sya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para hilahin sya pabalik sa motor at isinuot ko na ulit sa kanya ang helmet.

"Sumakay ka na." Sabi ko sa kanya ng mahinahon. Akala ko ay aalis ulit sya pero hindi. Sumakay na nga sya at kumapit sa balikat ko.

"Gusto mo bang mahulog?" Tanong ko sa kanya at yumakap na sya sa bewang ko. Napangiti ako sa ginawa nya pero hindi nya yun napansin. Ngayon alam ko na kung pano sya patatahimikin.

"Anong gagawin natin dito?" She asked nang huminto ako sa isang parking lot ng mall.

"Let's go.!" Hinawakan ko ang kamay nya at saka kami naglakad papasok sa mall. Noon una ay hinihila nya ang kamay nya pero dahil hindi ko hinyaan na mabitawan sya ay tumigil na din sya. Pumasok kami sa isang phone store. Hindi ko pa din sya binibitawan.

"Sir eto na po yung pina reserve nyo!" Sabi nung salesclerk. At kinuha ko na yung box. Yes, tumawag na ako dito kanina. Kilala ko ang owner ng phone store na to. Family friends.

"You says you lose your phone right? Use that. It's for you." She glance at me. Hinawakan ko na ang kamay nya at dinala ko sya sa isang restaurant.

"Busog pa ako." She whisper pero hindi ko sya pinansin. Paanong busog pa sya. Kanina pang breaktime sya huling kumain at kasama nya si Carla.

"Hindi mo ko kailangan bilhan ng phone. I can buy on my own." Sabi nya nang hindi nakatingin sakin. Bakit ba sya nagkakaganito. Hindi naman sya ganyan dati.

"Sir here's your order." I just nodded.

"Kumain ka na. Ihahatid kita sa condo mo." Did i really say ihahatid ko sya? Okay. Kesa naman si Leo ang maghatid sa kanya.

" no magtataxi na lang ako."

"I said ihahatid kita." Ang tigas ng ulo nito ah. Nakakainis na. Kung hindi ko lang talaga mahal tong babae na to kanina ko pa to iniwan dito eh.

Hindi na sya nagsalita at kumain na lang sya ng tahimik. Mabuti naman dahil ayoko ng madaldal. Nang matapos na syang kumain ay tumayo na ako at kinuha ang kamay nya. Paglabas namin ng mall ay makulimlim na. Maulap at para bang uulan kaya pinasakay ko na sya sa motor. Pero inabot pa din kami ng ulan habang nasa byahe papunta sa condo nya. Kung bakit ba naman kasi ang layo ng condo nya sa mall na pinuntahan namin. Kaya pagdating namin sa condo, pareho kaming basang basa. Yun phone na binili ko ay nasa compartment ng motor ko kaya hindi yun nabasa. Sa basement kami nagstop.

"Umakyat ka muna sa taas,kahit hanggang sa tumila lang ang ulan.!" She said. Akala ko ay hindi nya na ako aayain pa kaya sumama na ako. Hawak pa din ang kamay nya pumasok kami sa elevator at sabay umakyat papunta sa unit nya. Naiilang. Alam kong naiilang sya habang hawak ko ang kamay nya. Pero wala akong balak bitawan ang kamay nya kaya hanggang sa makarating kami sa unit nya ay hawak ko pa din ang kamay nya. Ang malambot at porselanang kamay nya.

"Pasok ka." Sabi nya nang mabuksan na nya ang pinto ng condo unit nya. Malaki, malinis at class ang dating ng design ng unit nya. Iba sa mga unit ng mga babaeng nakasama ko. Makikita mo talaga ang pagiging simple nya. Malaki ang sala at may isang kwarto na tapat lang ng sala nya.

"Salamat!" Sabi ko ng iabot nya sakin ang isang towel na kinuha nya galing sa kwarto nya. Habang pinapatuyo ko ang sarili ko ng towel na binigay nya,sya naman ay pumasok ulit sa kwarto. Mga ilang minuto lang lumabas na din sya at nakabihis na sya. Isang pajama na pink at mukhang makapal ang tela at isang T-shirt ng pink din. Ganito pala sya manamit sa bahay. Napakasimple.

"If you want, you can take a bath too. Para hindi ka magkasakit. !" Sabi nya habang nagsusuklay ng mahabang buhok.

"No, wala din naman akong isusuot.!" Kahit maligo ako,kung basa din ang isusuot ko wala din yun.

" you can wear the shirt and pants i bought for you."

Binilhan nya ako ng damit?

"I bought it before pero hindi ko naibigay co'z your too busy hanging out with your girls at the bar." Tumayo sya at kinuha ang remote at saka nagbukas ng tv.

"Thanks," yun lang ang nasabi ko at saka ako pumasok sa comfort room. Isa lang ang comfort room at nasa kwarto nya yun. Iniwan ko syang nanoond ng tv. As i enter her room, una kong nakita ay ang malaking portrait nya. Para syang isang modelo sa ayos nya. Maganda at perpekto ang ngiti nya. Sa loob ng kwarto nya ay may malaking kama. Sa tabi ng kama ay ang side table na may isang frame. Nilapitan ko yun at napangiti ako ng makita ko ang picture. It was me. My solo picture. Nasa kama ang damit na sinasabi nya sakin. After kong maligo ay lumabas na ako na suot ang damit na binigay nya. Alam na alam nya ang babagay at sasakto sa katawan ko. Ganito nya ba talaga ako kamahal? Tama nga siguro sina mom at dad. I'm lucky to have Celine.

Next chapter