webnovel

Chapter 48

My Demon [Ch. 48]

"Pabili nga. Yung tindera."

Sinimangutan ko si Demon.

Hapon na at nagbabantay ako sa tindahan namin habang kumakain ng kanin: ulam ang bear brand powder milk na nasa bowl. Ang sarap kaya. Try niyo.

"Alis. Dyan ako," paniniga ni Demon kay Phul.

Kanina pa ito nakatambay diyan habang nagtetext. Napaka talaga ng lalaking ito! Hindi siya taga rito pero naniniga pa rin.

"Pinapaalis mo ba ko, ha?" Matapang na tumayo si Phul at nilabanan ang maangas na postura ni Demon.

"Phul, kung ako sa'yo magpaubaya ka nalang."

"Hindi pwede, Babes. Matagal na kong tambay dito sa tapat ng tindahan niyo," sagot ni Phul habang nakikipagtitigan ng masama kay Demon.

Parang mananalo ka naman diyan kay Demon.

"Anong tinawag mo sa kanya?" Humakbang si Demon papunta kay Phul.

Natawa ako habang pinapanood silang dalawa. Pati ba naman kasi upuan pinag-aawayan nila. Pwede naman silang magtabi. Mahaba naman yung upuan at kasyang-kasya sila.

"Phul, magpaubaya ka na. Para sa ikabubuti mo ang sinasabi ko sa'yo."

Hindi ko alam kung narinig ba ako ni Phul. Hindi siya sumagot. Nakikipagtinginan lang siya ng masama kay Demon.

Humakbang din palapit si Phul kay Demon. Ang lapit na nila sa isa't-isa. Yung tipong kapag lumabas ako at may itulak na isa sa kanila, maaring magdampi ang mga labi nila. Eww!

Magkasingtakad sila. Payat lang si Phul samantalang si Demon, well...

Ang buong akala ko makikipagmatigasan si Phul kay Demon. Kaso...

"Pare, nagpapaubaya na ako. Umupo ka na." Nilingon pa niya yung mahabang upuan na gawa sa kahoy kung saan siya nakaupo kanina habang naka-stretch ang kanang braso niya paturo sa direskyon nun.

Umalis na si Phul.

Si Demon naman nung tumingin ako sa kanya, nakatingin din sa'kin. Nag-tss siya tapos umalis din.

Nakita niyo na yung lalaking yun? Pinaalis-alis si Phul hindi naman niya gagamitin yung upuan. Talaga naman!

"Ang takaw-takaw di naman lumalaki."

Halos mabilaukan ako nang marinig ko ang boses ni Demon. Wala siya sa labas. Kundi nandito na sa loob ng bahay namin. At home na at home lang ang loko.

Umupo siya sa isang plastic chair paharap sa'kin.

"Hell, what kind of food is that? Is that really a food? Baka kahit hindi pagkain ginagawa mong pagkain."

Very thank goodness hindi ako lumulunok, dahil kung nagkataon malamang nasamid ako.

"Ang sama mo! Powder milk 'tong inuulam ko."

"Powder milk?" ulit niya. He looked my food with disgust. Napakaarte talaga.

"Discovery ang tawag dito. Ang sarap kaya. Try mo?"

"Never," he replied, and if he could only roll his eyes. Tumingin siya sa labas, pero maya-maya lang, "Sure. Lemme try it."

"Sige, wait lang. Kukuha lang ako ng kutsara mo." Tatayo na sana ako para kumuha ng kutsara sa kusina kaso pinigilan niya ko.

"Stupid. What's the use of that spoon?"

Nasabihan pang stupid. Hmp!

"Sigurado ka ito ang gagamitin mo? Eh diba nga maarte ka?"

He shot me his famous deathly glare. Okay, payn. Umupo na ulit ako. Nilagyan ko muna ng gatas yung kanin bago inabot sa kanya yung bowl.

"No. Subuan mo ko."

"Huh?"

"Bingi ka ba?"

"Ang ano mo, alam mo yun?"

"Whatever. Aah~" Ngumanga siya at nag-aantay na subuan ko.

Wala na kong ibang nagawa kundi sakyan ang pagiging demanding niya.

Pagkasubo niya, para pa siyang nandidiri sa pagkaing nasa bibig niya. But later on, hindi mapagkakaila sa mukha niya na nasasarapan siya sa kinakain niya.

"Sarap, diba?"

"Di ah. Gutom lang talaga ako. Akin na nga yan." At inagaw na po niya yung mangkok sa kamay ko. "Gusto mo?" alok niya sa'kin.

Hindi naman ako sumagot, pero sumandok pa rin siya gamit ang kutsara at inilapit sa bibig ko. Nung ngumanga ako at ready nang isubo yun, nilayo niya sa bibig ko at siya ang kumain.

Nom nom nom nom. Sarap ng kain niya. Talagang iniinggit pa ko ng bruho.

Keyr Demoneir's Point Of View

"Soyu, kamukha mo 'to," sabi ko at nilapit yung piggy bank sa mukha niya. Natawa ako ng malakas.

"Demon naman eh!" reklamo niya tapos kinuha sa kamay ko yung piggy bank. Nilagay niya yun sa ibabaw ng duera box.

Siesta ngayon at sa ganitong oras daw bihira ang bumibili sa sari-sari store nila kaya naisipan niyang maglinis nitong kwarto nila.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama habang pinapanood siyang maglinis. Pwede na. Pwedeng pwede ng maging asawa ko. Hahahaha!

"Soyu, may kalat."

"Saan?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong silid.

"Ayun oh!" Hinagis ko ang unan kaya nagkaroon ng kalat sa sahig.

Natawa ako ng makita ang reaksyon niya. Nabibwisit na siya pero lalo siyang nagiging cute.

"Nakakaasar ka!" singhal niya. Pinulot niya yung unan, nilapitan ako at hinampas sa'kin yun.

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko nung naglalakad na siya palabas ng kwarto.

"May kukunin lang. Wag kang magkakalat diyan ah. Saglit lang ako," she said without looking back at me.

Niyakap ko nalang yung unan at tumingin sa buong kwarto. Napangiti pa ako nung makita ko yung bear at boquet of flowers na binigay ko sa kanya kagabi na nasa ibabaw ng maliit na cabinet. Tumingin-tingin pa ko sa paligid hanggang sa napansin ko ulit ang piggy bank.

Natawa ulit ako. Parang si Soyu. Haha!

Tumayo ako para lapitan ang bagay na yun. Pagkalapit ko, binuhat ko yun tapos inalog. Masyadong maingay. Ibig sabihin kaunti lang ang laman. Kaunti palang ang naiipon ni Soyu.

Idol ko na talaga siya. Barya na nga lang yung baon niya, nagagawa pa niyang mag-ipon di tulad ko.

Binaba ko muna yung piggy bank na kamukha ni Soyu para kunin ang wallet ko. Kumuha ako ng paper moneys. Hindi ko na inalam kung magkano ang nahugot ko. Pinasok ko na ang mga iyon sa alkansya ni Soyu.

Hindi pa ko nakuntento, nilagyan ko pa ulit. Nakarinig ako ng yabag kaya mabilis kong binalik yung baboy na kamukha niya at kumaripas ng takbo papunta sa kama at muling humiga doon. Mabuti nalang maliit ang kwarto nila kaya mabilis akong nakapunta doon.

Out of nowhere, biglang sumagi sa utak ko ang tungkol sa ni-report ko sa Police Station. Hanggang ngayon kasi wala pa akong update na natatanggap mula sa kanila about sa nirereklamo ko.

Hindi ko alam kung kumikilos ba sila o hindi. Kailangan kong pumunta sa Police Station ngayon.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Wala sa sala si Soyu. Nasa kusina siguro. Hindi na ko nagpaalam pa sa kanya, lumabas na ko ng bahay at nagtungo sa pupuntahan ko.

"Sorry pero mahihirapan talaga kaming alamin kung sino ang suspect kung hindi namin makakausap ang biktima. Mabuti pa sana kung may naiwang evidence sa lugar na pinangyarihan, kaso wala. Meron man, yung sulat. Type written pa. Bukod pa sa finger print mo, wala na kaming iba pang nakitaan na finger print. Pasensya na talaga. Plantsadong-plantsado ang pangyayari: halatang pinagplanuhan ng mahaba-habang panahon. Kung makakausap lang sana namin ang biktima, maaari kaming makakuha ng mga detalye."

Tango lang ang nirespond ko at nagpasalamat sa kanya.

"Mukhang nagbabago ka na ah. Ilang buwan ka na bang walang record dito?"

"Wag kang mag-alala, Chief. Makikita mo ulit ang pangalan ko sa listahan mo. Makilala ko lang talaga kung sino ang walang-hiyang gumawa kay Soyu ng katarantaduhan." I whispered the last sentence.

Sa dami ng mga nakaaway ko, hindi ko talaga alam kung sino ang nasa likod nito. One thing for sure: minamanmanan niya ako. Kasi kung hindi naman, hindi niya malalaman kung sino ang babaeng special saakin, my weakness.

Tama si Chief. Malaki ang maitutulong sa kaso kung magsasalita at magkwekwento si Soyu tungkol sa insidente. But the thing is, ayoko ng alalahanin pa ni Soyu ang pangyayaring iyon. Pinalimot ko sa kanya ang pangyayaring iyon para mawala ang takot na nararamadaman niya at bumalik ang pagiging masiyahin niya. I witnessed the days how that incident traumatized her and I don't want to drag her in that days again.

If there's only way for me to find out who's the bastard behind of this, I would do that myself nang hindi pinapaalala ang bagay na yun kay Soyu.

Next chapter