webnovel

Si Makisig at Si Maganda (Love is Beautiful)

Author: Feibulous
Urban
Completed · 693.1K Views
  • 6 Chs
    Content
  • 4.9
    145 ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

[Completed] Genre [Mystery, Romance] Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. May pagkakataon pa ba silang magkatuluyan sa huli? Sa pangalan lang ba sila bagay? ****** Nakatingin siya sa lalaki at naghihinagpis ang kalooban niya. Dumadaloy ang luha sa pisngi ni Bea na akala mo ay uubusin nito ang lahat ng natitirang tubig na nagmumula sa mga mata niya. Lumapit ito para yakapin siya pero agad siyang umiwas. "Bea, trust me..." mahinang sabi nito. Mas matagal na nakatitig siya dito, mas lalo nitong pinapatay ang kalooban niya. May mga bagay na hindi talaga tugma kahit napapanahon. May mga bagay na tugma, kahit hindi napapanahon. May mga tao na kailangan lang ang isa't isa kaya nila mahal ang bawat isa. May mga tao na mahal nila ang isa't isa kaya kailangan nila ang bawat isa. May mga tao na para sa isa't isa. At may mga tao na kahit pilitin nila, hindi sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Minahal niya ang lalaking nasa harapan ng sobra-sobra. Halos hindi niya masabi ang mga salita pero kailangan sabihin. "Ayoko na..." Kapag doble-doble ang sakit. Doble-doble ang pahirap. Sa mundo at sa panahon na iyon, alam niya na hindi pa napapanahon. They are not meant for each other, she guessed. "A..alis na ko.. Paalam.." ***** My First Love is a Problem Boy [COMPLETED] My First Love is a Genius Girl [on going] At the end of the rainbow [COMPLETED] Workplace Romantic [COMPLETED] Love Me, My Prince [COMPLETED] The Devious Soul [on going] Thousand mornings with you [on going] ***** Photo © sookimstudio

Tags
4 tags
Chapter 1Naibigay ko sa maling tao

"Hindi na bale nang hindi kagandahan, ang mahalaga ay may Karisma at stick to one. Kaysa naman sa kumakabog nga sa kagandahan, laspag naman sa kalandian." ito ang personal na paniniwala ni Bea.

Beauty ang talagang pangalan niya.

Pero dahil madalas siyang kwestunin ng tao kung nasaan si 'Beauty' sa pagmumukha niya, pinalitan niya na ito ng Bea.

Hindi naman talaga kapangitan si Bea pero hindi rin gan'on kaganda. Kumbaga lumelebel ang ganda niya sa ordinaryong 'just-just' kung tawagin nila.

Naglalakad siya sa eskwelahan hawak-hawak ang love letter na ibibigay niya kay Anthony - ang 'crush ng bayan'.

Nasa ika-apat na taon na ang lalaki sa kolehiyo. Siya naman ay nasa ikalawang taon sa parehas na eskwelahan na pinapasukan ng lalaki, sa Mutya University.

Nagkakagulo ang karamihan ng Estudyante dahil pipili sila ng 'Miss Kagandahan' sa eskwelahan.

Bawat estudyante ay may kakayahan na bumoto ng isang estudyante sa kung sino ang nais nito. Kung sino ang makakuha ng limang pinakamataas sa boto, pagbobotohan muli.

Natagpuan niya naman kaagad si Anthony at nagliwanag ang mukha niya.

'ihhh, nandito siya… Kalma! Kalma!'

Sinusundan niya ng lakad ang lalaki. Kinakabahan si Bea habang nakatitig sa likuran nito. Binilisan niya ang lakad para maabutan ang lalaki.

Napapikit si Bea at saka hinawakan ang polo na suot ng lalaki para pigilan ito.

"B-bigay ko sa iyo!" biglaang sabi niya sa lalaki habang naka-pikit. Kinakabahan kasi si Bea.

Ayaw niya kasing makita ang reaksyon ng lalaki.

"Thanks!" narinig niyang sabi.

Teka! May hindi tama sa nagaganap. Idinilat niya ang mata niya at nakita na ibang lalaki ang inabutan niya ng love letter.

'ahhhhh. Nasaan si Anthony?'

"Love letter ba ito? Nakuu.. Hindi ko akalain na may magkakagusto sa akin. Pre, parang maiiyak ako sa tuwa. May nagbigay sa akin ng love letter." Sabi nito sa katabi at kaibigan na si Anthony.

Si Anthony na katabi ng lalaki na inabutan niya ng sulat ay tahimik lang at parang walang gana.

Napalunok si Bea sa kahihiyan.

'Ang tanga mo Bea, ang tanga mo!'

Paanong nangyari na sa ibang tao niya naiabot iyon?

Para makatakas sa sitwasyon. Umalis na siya sa harapan ng dalawa.

Lakad-takbo siyang nagpunta sa gusali kung saan naroon ang kwarto ng klase niya.

Pagdating sa kwarto, gusto niyang iuntog ang ulo sa desk na nakalaan sa kanya.

Paano?! Paanong napunta iyon sa ibang tao?

Naputol lang siya sa 'kabaliwan' nang kalabitin siya ng matalik na kaibigan na si Jace.

"Anong nangyayari sa 'yo day?" tanong nito.

"Wahhh! Jace… Naibigay ko na ang love letter na pinagpuyatan natin kagabi." naiiyak na sabi ni Bea.

"Edi, Congrats!" sabi nito.

Kakaiba ang ngiti ni Jace. Bakit? Kakaiba kasi ang love letter na isinuksok niya sa loob ng sobre.

Habang inilalahad ni Bea sa sulat ang nararamdaman niya, gumagawa rin si Jace ng isa pang sulat nang palihim sa kaibigan.

Nang matapos ni Bea ang sulat ay saka niya pinabasa iyon kay Jace, ang lokong Jace ay naipuslit ang totoong sulat niya at nag-alok na ito na ang maglalagay ng papel sa sobre.

Pinagpalit nito ang dalawang gawa nila at mabilis na naipuslit ang totoong love letter ni Bea.

Wala naman talagang isinulat si Jace. Ang nakalagay sa papel ay isang drawing. Drawing ng isang panget na ogre at isang prinsesa. Inaabutan ng bulaklak ng prinsesa ang ogre.

Iyon kasi ang tingin niya kay Anthony, isang ogre.

Naputol sa usapan si Bea at Anthony dahil dumating na ang Professor nila na masungit.

"Beauty!" tawag ni Professor Ramos habang klase.

"Lumilipad ang isip mo?" tanong nito.

"Ma-Ma'am bakit po?" tanong niya.

"Pinababasa ko sayo ang page 210. bakit tulala ka dyan?" nagagalit na sabi ng may edad na babae.

"Miss Minchin 'wag na po kayo magalit." Nakangising sabi ni Jace.

Nag-init ang ulo ni Professor Ramos.

"You two! Get ooooout!" sabi sa kanila.

Bea "...."

Napangisi na lang si Jace dahil sa kasutilan nito. Agad silang lumabas dahil baka lalong magalit ang guro. Pinaghahampas niya si Jace ng bag.

"Nagalit tuloy dahil sa 'yo" sita niya sa kaibigan habang nangigigil.

"Hehe. Ang boring naman sa loob eh. Tara!" sabi nito

Kinakabahan si Bea sa gagawin ng kaibigan.

"A-anong tara? Dito lang ako!" sabi niya dito.

Kapag ganoon na nag-aaya ito na umalis ay mayroong hindi magandang mangyayari. Kaya mas ninais niya na tumigil sa tapat ng classroom.

"Maglaro na lang tayo ng dota." sabi nito.

"Dota-hin mo ang mukha mo! 'wag mo akong idamay." sabi niya at inisnab ang kaibigan.

Kapag ganoon na ang akto niya ay tumitigil na ito.

"O sige. Ba-bye!" paalam nito at agad itong umalis at naglaho ng parang bula.

Gustong kwestyunin ni Bea ang sarili kung bakit siya nagkaroon ng ganoong klase ng kaibigan.

Nasa tapat lang siya ng klase dahil pinarusahan siya ni Miss Minchin este, ni Professor Ramos pala.

Nang matapos ang klase tumuloy siya sa sunod niyang subject, ang Accounting.

Hindi pa man nagsisimula ang klase naririnig niya na ang pangalan niya. "Beauty! Beauty!" tawag ng isa niyang kaklase.

Napalingon siya sa kaklase niya na iyon.

Ilang beses niya nang sinabihan ang mga kaklase na 'Bea' ang itawag sa kanya pero makukulit pa rin ang mga ito. Tinatawag pa rin siyang Beauty dahil gusto lang siyang asarin.

"May naghahanap sa iyo!" sabi ng klasmeyt niya.

Sa pag-aakalang si Jace iyon, agad siyang lumabas.

"Hoy, Jace---" naputol siya sa sasabihin dahil ang lalaki na nakita niya ng umaga ang nasa harapan at tumatawag sa kanya.

"Hello, Beauty! 'Nga pala, hindi Jace ang pangalan ko" nakangising sabi nito.

Dahil nakalapit ang mukha nito sa kanya. Umatras si Bea ng isang hakbang.

"B-bakit mo ako hinahanap?" tanong niya.

"Simple! Anong ibig sabihin nito?" tanong nito at iniladlad sa tapat ng mukha niya ang papel na may drawing ng isang halimaw na Ogre at isang prinsesa na nag-aabot ng bulaklak.

Nagtaka naman si Bea. Hindi niya kilala ang drawing na iyon.

"D-drawing?" sagot naman niya.

Bigla namang nagtaas ng kilay ang lalaki.

"Alam kong drawing ito! Pero bakit mo ako binigyan ng ganito? Iniisip mo bang panget ako?" sabi nito sa kanya.

"H-ha?" gulat niya.

"Hmmm.. Dahil mukhang pinag-tripan mo ako. Pwes antayin mo rin ang trip ko." sabi nito.

Nanlaki ang mata niya.

Pumasok ang lalaki sa kwarto ng klase niya.

"Mga klasmeyt ni Beauty! Tandaan niyo, bawal ang manliligaw ang kung sinuman sa girlfriend ko! Binigyan niya ako ng love letter kanina at nagpunta ako dito ngayon para sagutin siya." sabi ng lalaki sa mga klasmeyt niya.

Klasmeyt "..."

"Oh my God! Si Beauty, nanligaw kay Makisig?"

"Oo, iyon ang sabi"

"Wow beauty! Bilib ako sa'yo, niligawan mo si Makisig?"

Sa dami ng reaksyon sa klase, hindi niya alam ang isasagot sa mga ito.

Gusto niyang maglaho sa lugar.

Hinila niya ang kwelyo ng lalaki at hinila palabas.

"Hey! Hindi ko alam ang pinag-sasa-sabi mo!" sabi niya dito.

"Guys, may quarrel agad kami." nang-iinis na sabi ng lalaki sa kanya.

Pulang-pula na ang mukha ni Bea sa inis.

"Y-you!" sabi niya.

Nakangisi naman ang lalaki.

"Ba-bye beauty! I will miss you" sabi nito at nag-flying kiss pa sa kanya.

"Beauty, paano mo'ng niligawan si Makisig?" tanong sa kanya ng kaklase niya nang makaupo siya sa silya.

"S-sinong Makisig?" parang wala sa sarili na tanong niya.

"Oh my gas! Hindi mo kilala si Makisig? Hindi mo kilala 'yung boypren mo?" sabi ng isa.

"S-sino ba iyon. Binibiro lang kayo n'on." sabi niya sa mga ito.

"Kaibigan ni Anthony si Makisig. Kababata. Hindi mo ba siya nakikita na kasama ni Anthony?" sagot ng klasmeyt niya habang kinikilig kapag binabanggit si Anthony.

Sasagot pa sana siya, kaya lang ay dumating na ang magtuturo.

Dumating ang Professor ng subject niya kaya naputol sila sa usapan.

You May Also Like