webnovel

Acel at Demetreh

Kinaumagahan na nang nagising si ace na pagod na pagod kakaasikaso ng mga papeles para sa nayon ng ulaiyo

dumating ang kaniyang kanang kamay na si Atrefi nakita ni Atrefi ang pagod ng alkalde kakaasikaso sa mga papeles kaya't hinikayat niya si Acel na umuwi na at magpahinga

at sinabi ni Acel kay Atrefi "ayos lang ako"

natawa si Atrefi at sinabi kay Acel na "sige na kailangan ka ng apo mo baka mamaya nababaliw na iyon sa bahay mo"

natawa rin si Acel at tumayo na at sinuot ang kaniyang damit na gawa sa pilak at ginto

"sige ikaw na muna dito at uuwi na ako sa bahay" pagkatapos magpaalam ay umuwi na si Acel sa bahay niya

at si saktong kakagising lang ni Demetreh at Rivera at napasigaw silang dalawa at sinabi

"Demetreh bakit mo ko niyayakap?!"

"di-di ko alam pero masarap ka pa lang yakapin"

at pinaghahampas ni Rivera si Demetreh ng unan ng limang beses at napahinto na lang si Rivera nang maalala niya na ngayong araw pala uuwi ang lolo niya

at kaagad na nagmadali na magluto ng agahan si Rivera para sa kaniyang lolo at para na rin sa agahan nila ni Demetreh

"nako ba't ngayon pa? ano ang sasabihin ko kay lolo?" tanong ni Rivera sa sarili at madali niyang kinuha ang itlog na nasa isang lalagyanan na malapit sa tauban ng mga pinggan at sa sobrang pagmamadali ay aksidente siyang nadulas papunta sa lalagyanan ng mga itlog at aksidente niyang nabunggo ang lalagyanan ng itlog at lumipad ito at agad na tumalon si Demetreh at kinuha ang lalagyanan ng itlog

"abuti naman" sabi ng nagmamadali na si Rivera sa sarili at tumayo kaagad si Rivera ngunit pagkatayo ay sumakit ang kaniyang likuran at napansin nga ito ni Demetreh kaya't sinabi niya kay Rivera "alam mo ako na ang magpapatuloy niyan" at wala namang mapagpipilian si Rivera kundi ang pumayag sa sinabi ni Demetreh dahil na rin sa sakit ng kaniyang likuran.

Nagsimula nang magluto si Demetreh at mistula siyang si Ria sa paningin ni Rivera kung magluto

at sinabi ni Rivera sa sarili "para ka talagang si lola Ria ko kung magluto Demetreh" at ngumiti siya

At biglang may nagsalita "may bisita pala tayo Rivera hindi mo man lang ako sinabihan" at napatayo si Rivera sa takot at kaba at si Demetreh patuloy pa rin sa pagluluto ng itlog at pagkabaligtad niya sa isa sa mga itlog na kaniyang niluluto ay tumigil muna siya sa pagluluto ng itlog at tumingin sa nagsalita na lalake na si Acel pala.

"Magandang umaga ginoong Demetreh ako nga pala si Acel" binati at nagpakilala pa si Acel kay Demetreh at nang magsasalita na si Demetreh ay napakabilis kung sumugod ni Acel kay Demetreh at sinipa niya ito sa kaniyang tiyan at agad namang napigilan ni Demetreh ang lakas ng sipa ni Acel sa kaniya

"ikaw ang proprotekta sa apo ko?! kalokohan!" at sumugod pa si Acel papunta kay Demetreh ngunit nakatayo kaagad si Demetreh at sumipa ng sobrang lakas na nakagawa siya ng isang maliit na buhawi mula sa lakas ng kaniyang sipa at hinigop ito ni Acel at sumugod siya ng sobrang bilis papunta kay Demetreh at pinaulanan niya ito ng sipa at suntok at dumausdos si Demetreh palayo kay Acel at ginamit ang kaniyang istilong panglaban kay Acel at sumugod siya kay Acel at pinaulanan ito ng suntok at naiwasan ito ni Acel ngunit ang hindi niya alam ay nakagawa na pala ng hangin na hugis bilog si Demetreh at pinatama ito ni Demetreh sa tiyan niya na naging dahilan upang tumalsik siya palabas ng pintuan ng bahay nila.

Lumabas si Demetreh sa bahay nila Acel upang tapusin ang laban ngunit tumayo si Acel at tumawa ng sobrang lakas at sinabi "gusto ko kung pano ka makipaglaban ah at sige tinatanggap kita rito Demtreh at nilalagyan kita n g ranggo at itinataas ko rin ang iyong ranggo bilang "Sikretong Tagapagbantay ng Prinsesa ng Ulaiyo" oh sige mag tsaa muna tayo at pagusapan natin ang mangyayare sa iyo Demetreh" pumasok na sila ng bahay niya na parang walang nangyare at doon pinagusapan kung ano ang mangyayare

-Dito po nagtatapos ang kabanata-

(Pasensya na kung maiksi magrereview pa kasi ako para sa test ko bukas guys)

Next chapter