webnovel

WEDDING DAY

Hindi ko alam kung bakit biglang na iba ang wedding day. Bakit parang minamadali nila ang kasal kakasabi lang nung lalaki na samakalawa pa ang kasal. Nabablangko ang isip ko gusto ko umisip ng paraan para makatakas pero hindi ko naman alam kung paano ko gagawin na walang masasaktan sa pamilya ko.

"Tapos na ba kayo?" tanong ng lalaking nakaitim sa mga nag-aayos sakin.

"malapit na" sagot naman ng nag-aayos sakin.

Agad din nawala lang lalaking nagtanong tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ito dapat ang pinakamasayang araw ng buhay ko pero imbes ito ang pinaka masalimuot na araw ng buhay ko. Naalala ko ang mommy ko at ang lolo't lola ko alam kong isa ito sa mga gusto nilang makita lalo naunahan ko pa si kuya magpakasal.

mapait akong napangiti habang nakatingin sa salamin.

"ang ganda mo naman ang swerte ng mapapangasawa mo" puri sa akin ng make-up artist.

Nginitian ko na lang.

"tapos na ba?" tanong ulit ng lalaking nakaitim.

"oo tapos na kami yung veil na lang ikakabit" sagot ng stylist.

"dalian niyo kailangan na umalis" bilin ng lalaki bago tuluyan isinara ang pinto.

"grabe naman sobrang excited naman ng future husband mo" natatawang sabi ng stylist.

Hindi pa din ako sumagot sa sinabi niya dahil kung alam niya lang ang totoo baka tinutulungan niya pa ako para makatakas pero alam kong hindi ko yun pwedeng gawin dahil hindi lang ako ang mapapahamak kung sakali.

"let's go na" sabi sakin ng stylist.

Nang mailagay na sakin yung veil dun palang talaga pumapasok sa isip ko na totoong ikakasal na talaga ako at hindi sa taong mahal ko.

para kaming nasa isang hotel pero parang kami lang ang nandun dahil walang ibang tao nakikita inikot ko ang mga mata ko paligid para malaman kung nasaan ako pero hindi ko alam kung nasaan.

"anong ginagawa mo?" masungit sakin na tanong.

huminga ako ng malalim bago ako sumagot. "wala..."

"kung ano man yang pinaplano mo kung ako sayo wag mo na ituloy hindi mo alam kung anong mangyayari kapag may ginawa kang hindi maganda" pagbabanta niya.

Binuksan na ang pinto hudyat na nagsimula na ang seremonya at papasok na ako. Habang naglalakad ako isa lang ang gusto ko ang matapos na ito or ang tumakbo. Napatingin ako sa lalaking papakasalan ko pero laking gulat ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan.

"J-Jay?" nauutal kong sabi.

kaya ba alam nila kung nasaan kami at anong kahinaan namin dahil meron silang spy sa amin. Hindi ko maintindihan kilala ko si Jay matagal ko siyang nakasama o baka naman pakitang tao lang ang lahat pero paano ang kambal. hindi ko maintindihan anong nangyayari.

"Ga-Gabbie..." tawag sakin ni Jay

"anong ibig sabihin nito?" may diin kong sabi.

"gusto ko man ipaliwanag sayo pero hindi ito ang oras para magpaliwanag...hindi pa" nagtitimpi niyang sabi.

"ngayon ko gusto malaman...naguguluhan ako" hindi makapaniwalang sabi ko.

"please trust me Gabbie. kahit ngayon lang makinig ka sa akin" desperado niyang sabi.

umiling ako ng dahan dahan. "paano ako magtitiwala sayo? sa nangyayari ngayon paano??"

hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "please Gabbie"

tiningnan ko siya sa mata. "meron isang taong na namatay sa mismong harapan ko. anong sasabihin ko kapag hinanap nila sakin? anong sasabihin ko?"

"i know...i know but please just trust me on this" pagmamakaawa ni Jay.

huminga ako ng malalim. "siguraduhin mo lang na---

biglang bumukas ang pinto kaya naman doon na baling ang atensyon ng lahat.

"ITIGIL ANG KASAL!!!" sigaw ng isang lalaki.

tiningnan ko ang lalaking nagsalita. "Blue?"

"shit" mahinang mura ni Jay.

napatingin ako kay Jay. "BLUE!"

"Gabbie!" sunod sunod pinaputok ni Blue ang dala niyang dalawang baril.

hinawakan ni Jay ang kamay ko. "sumama ka sakin"

"saan mo ako dadalhin?" tanong ko.

hindi na niya ako sinagot at bigla na lang siyang naglakad paalis pero dahil sa gown ko nahihirapan akong maglakad kaya naman tumigil ako sa paglalakad.

"saan mo ba kasing ako dadalhin?" naiinis kong tanong.

"iaalis kita sa lugar na ito" mahinahon niyang sabi.

"bakit hindi mo na lang ako ibigay kay blue?" sabi ko.

"hindi pwede" angal niya.

"anong hindi pwede? kaya siya nandito para iligtas ako. please Jay ibigay mo na lang ako kay Blue" pagmamakaawa ko kay Jay.

hindi ko alam pero bakas sa mukha ni Jay na nahihirapan din siya pero ano nga ba ang rason niya kung bakit hindi niya ako pwedeng ibigay si Blue.

"Jay wag mong kakalimutan hinihintay ka ng kambal" may biglang nagsalita.

napapikit si Jay. "alam ko itutuloy pa din namin ang kasal...sa ayaw man niya"

napatingin ako sa kanya. "J-Jay"

"kaya huwag na huwag mong hahawakan ang kambal" pagbabanta ni Jay.

"hmm...pero mukhang ayaw naman na ni Gabbie" sabi ng lalaking kumuha sakin.

"papakasalan mo ko diba Gabbie?" bakas sa mukha at boses ni Jay ang pakiki-usap.

niyukom ko ang aking kamao. "Oo"

"narinig mo ba yun Blue?" tanong ng lalaki kaya naman napatingin ako sa likod ko.

"B-Blue..." gulat kong tawag sa pangalan niya.

"ako ang mahal ni Gabbie" siguradong sabi niya.

"pero narinig mong pakakasalan niya ang anak ko." mayabang na sabi ng tatay ni Jay.

"hindi niya papakasalan ang anak mo!" sigaw ni Blue.

"diba Gabbie?" pahabol niya.

napatingin ako kay Jay. "papakasalan ko si ---"

pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang barilin ni Blue ang tatay ni Jay. agad akong kinuha ni Blue kay Jay at tinutukan ng baril.

"kung gusto mo pang mabuhay. umalis ka na!" sigaw ni Blue kay Jay.

"nababaliw ka na?" naiinis kong sabi kay Blue.

"Gabbie..." mahinang tawag ni Jay.

"umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako" pagbabanta ni Blue kay Jay.

"yung kambal" pakiki-usap sakin ni Jay.

hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit binabanggit ni Jay ang kambal pero parang may hindi magandang mangyayari kung hindi ako sasama kay Jay pero hindi ko naman kayang iwan si Blue hindi ko alam ang gagawin ko naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin.

"Please Gabbie...nakiki-usap ako kahit ngayon lang pagkatiwalaan mo ako" pagmamakaawa ni Jay.

pinikit ko ang aking mga mata ang nag-isip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. "I'm Sorry Blue"

agad akong lumapit kay Jay para sundan kung saan sila pupunta dahil sa ginagawang eskandalo ni Blue madaming mga lalaking nakaitim ang nagsilabasan at nilapitan ng ang tatay ni Jay. Sumama kami ni Jay sa mga lalaki at dinala kami sa isang kwarto.

"Baka pwede mo na sabihin ang dahilan kung bakit ka nandito?" pagbasag ko sa katahimikan.

"hawak nila ang kambal. Wala akong magawa. kung hindi sundin ang gusto nila hindi ko hahayaan na saktan nila ang kambal" malungkot na sabi ni Jay.

"Nasaan sila?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala din akong ideya hindi nila sakin sasabihin hangga't hindi natatapos ang kasal. sinubukan kong alamin pero wala akong makuhang impormasyon" sagot ni Jay.

"pero paano nila nakuha ang kambal?" nagtatakang tanong ko.

"hindi ko rin alam. siguro masyado akong nakampante. kasalanan ko itong lahat kung sana hindi na..." sabay suntok sa pader.

Biglang may pumasok kaya naman napatingin kami sa may pinto.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

sorry for very very very late update hope you like it

pammeeeeycreators' thoughts