Chapter 37
Tiningnan ko ng masama si Blue.
"Ano?" masungit niyang sabi.
"Bakit ba nagsusungit ka na naman?" puna ko dahil sinusungitan niya ako.
"Bakit ikaw hindi ka pa ba nagsusungit kanina?" sagot niya.
"kapag si Red kausap napakabait kapag ako lagi na lang galit" pabulong niyang sabi pero narinig ko pa din.
"Anong pinagsasabi mo? Di yan totoo!" pagangal ko.
"Ah talaga lang! kanina kausap mo si Red ang bait bait mo tapos kapag ako kausap mo kulang na lang saktan mo ko?" paglalabas niya ng sama ng loob.
"Hindi kaya mabait lang ta---"
"At ako hindi?" sabat ni Blue.
"Si Kuya Red kasi mahinahon kapag kinakausap ako. Ikaw laging parang may galit sa mundo" pagpapaliwanag ko.
"Sus! Puro na lang Red" pagmamaktol niya.
"Blue umayos ka nga di ka na nakakatuwa" inis kong sabi.
"Bakit kasi lagi na lang siya? Ako nga tong nagpakapagod hanapin ka tapos" dismayadong sabi ni Blue.
"Oh bakit mo sinusumbat?" naasar ko na sabi.
"Hindi ko sinusumbat. Sinasabi ko lang para naman makita mo ko para hindi lagi si Red. Sobrang selos na selos na ako dito!" paglabas niya ng saloobin niya.
"Bakit ka ba kasi nagseselos? hindi ko naman gusto si kuya Red parang kapatid lang tingin ko dun. Kung yun ang pinuputok ng butchi mo hindi wala akong gusto kay kuya Red kasi hindi naman siya ung gusto ko okay!" pagpapaliwanag ko.
"Kung ganun sino?" pagtatanong niya sakin.
"Ika---" buti na lang napigilan ko ung sasabihin ko.
"Sino? Ba't hindi mo masabi?" paghahamon niya.
"Magmaneho ka na lang jan" sabi ko.
Pero imbes na makinig tinabi niya ang sasakya saka humarap sakin.
"Sino nga kasi?" pangungulit ni Blue.
"Ano ba magmaneho ka na!" pagsigaw kong sabi.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin?" medyo naiinis na rin niyang sabi.
"Si Orange ba?" paghuhula niya.
"Ano ka ba parang kapatid ko lang din yun eh" sagot ko.
"Edi sino nga kasi?" inis na niyang tanong.
"IKAW! Okay na?" sagot ko. Iniwas ko agad ung tingin ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita kaya naman kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung gusto ko nga ba siya basta mahirap I-explain.
Umayos ako ng upo. "Magmaneho ka na sinagot ko na"
"T-Totoo ba? A-Ako talaga?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hindi ko alam kung bingi ka ba or sinasadya mo" naiirita kong sabi.
"Gabbie" tawag niya sakin. Pero di ko siya nilingon.
"Gabbie" tawag niya ulit.
Pero hindi na ako nakatiis kaya naman nilingon ko na siya pero laking gulat ko na lang ng bigla niya akong hinalikan sa labi.
"Thank you" nakangiti niyang sabi.
Saka niya pinagpatuloy ang pagmamaneho habang ako naman blanko dahil sa ginawa niya. Nakangiting aso siya habang nagmamaneho.
"Tigil mo nga yan para kang baliw" sita ko sa kanya.
Lalong lumaki ang ngisi niya. "Malapit na"
Napakunot ako ng noo. "Para kang sira umayos ka nga jan"
Tumingin siya sakin saka ngumiti. "Maayos ako"
"Ay ewan ko sayo" sabi ko.
Kukunin ko sana ung pagkain ng biglang hawakan ni Blue ang kamay ko. Pinagintertwine niya ng kamay naming. Bigla naman uminit ang pisngi ko.
"Ano bang ginagawa mo?" puna ko sa ginawa niya.
"Bakit bawal ba hawakan ung kamay ng girlfriend ko?" kaswal niyang sabi.
"Luh? Girlfriend? Ako?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Oo girlfriend na kita simula ngayon umamin ka na ng feelings mo so wala na bawian" pinal niyang sabi.
"Hindi naman ako pumayag!" angal ko.
"Ilang beses na kitang nahalikan hindi mo ako sinasampal so anong ibig sabihin nun ganun ka sa mga kakilala mong lalaki? Nagpapahalik ka?" tanong niya.
"H-Hoy! Hindi a—"
"Ako pa lang nakahalik sayo?" tanong niya.
"Oo ikaw pa lang pero hindi naman yun ang basehan para maging---"
"So okay lang sayo na manghalik akong ibang babae?" pinutol niya ung sasabihin ko.
"HINDI! Kapal naman ng---"
"See. Eh bakit nagiinarte ka pa?" pagaakusa niya.
"Hindi ako nagiinarte. Hindi ba pwedeng gusto ko lang maranasan na maligawan man lang?" paliwanag ko.
"Kahit naman girlfriend na kita liligawan pa din kita kung gusto mo. Magaaral akong manligaw pero basta tayo na mamaya magbago pa isip mo" sabi niya.
"May magagawa pa ba ako nakapagdesisyon ka na" pagsuko ko.
"Good. Kumain ka na" malambing niyang sabi.
"Paano?" tanong ko.
"Nawala ka lang ng ilang buwan naging bobo ka na?" tanong niya.
"Eh ikaw? mas naging gago ilang buwan mo lang ako di nakita? Baka gusto mo kasi sana bitawan ung kamay ko para makakain ako" inis kong sabi.
"Kaya nga tayo binigyan ng dalawang kamay gamitin mo ung isa" biwisit niyang sagot.
"Bibitawan mo o Makikipagbreak ako sayo ora mismo" pagbabanta ko.
"Oh kumain ka na" inis niyang binitawan ang kamay ko.
Napangiti naman ako sa ginawa niya. Habang ineenjoy ko ang pagkain hindi naman matigil si Blue kakatingin sakin. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Nasaan na ba tayo?" naiinip kong tanong kanina pa kasi kami bumabiyahe.
"Malapit na tayo" seryoso niyang sabi.
"Bakit ang sungit mo na naman?" nagtatakang tanong ko.
"Paano kasi ayaw mong hawakan ko ung kamay mo" nagtatampo niyang sabi.
"Sus naman Blue yun lang para kang bata" natatawa kong sabi.
"Anong yun lang? boyfriend mo ko baka nakakalimutan mo" pagpapaalala niya.
"Pumayag ba kasi ako?" pangaasar ko.
"Akala ko ba okay na?" nagtataka niyang tanong.
"Ang alin?" magmamaang maangan ko.
"Gabbie…" may pababanta sa boses niya.
"Ano?" pagpatay malisya ko.
Hindi na niya na ako kinibo mukhang napikon ata.
"Blue" tawag ko.
"Blue!"
"B-Baby Blue" nahihiyang sabi ko.
Napatingin naman si Blue sakin. "Galit ka?"
"A-Anong tinawag mo sakin kanina?" gulat niyang sabi.
Nakangiti naman ako. "Ung baby Blue?"
Nakangiti naman ng napakalaki si Blue. "Hindi ako galit. Nagtatampo lang akala ko kasi tayo na. tapos hindi naman pala"
"Inaasar lang naman kita kaso pikon ka naman" sabi ko.
"Hindi kaya nakakatawa. Seryoso ako sa nararamdaman ko sayo. Gusto kong patunayan sayo kasi ganun kita ka gusto" seryosong sabi niya sakin.
"Hindi ko naman alam na hindi ka pala matutuwa. Sorry" paghingi ko ng paumanhin sa kanya baka sumobra ako.
"Sa tingin mo sapat ung sorry lang?" tanong niya.
"Oo kasi sincere naman yun---"
Hinalikan niya ako sa labi.
"Ganitong sorry ang gusto ko" saka nagmaneho ulit.
I'm very sorry for the late update...
thank you so much for reading my story
Enjoy!!!
I really appreciate the comments thank you so much!!!!
road to 20K <3
update: I will be updating this coming saturday I'm just really busy right now. please bear with me. thank you.