CHAPTER 34
Habang nasa biyahe kami papuntang mall hindi ako kinakausap ni Jay hindi niya rin ako nililingon kaya minabuti ko na lang na manahimik na lang dahil mukhang ayaw rin naman akong kausap ayoko naman siyang pilitin kung ayaw niya. Kahit ng makarating na kami sa mall ay hindi niya pa din ako kinakausap bumababa na kami sa sasakyan nauna siyang maglakad kesa sakin.
"Dito na lang ako pumunta ka na sa pupuntahan mo" walang emosyon na sabi ni Jay.
"Sige" sagot ko.
Tinitigan niya ako. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Nang talikuran na niya ako at pumunta sa isang sikat na coffee shop ay umalis na din ako.
Hinanap ko si Blue kung saan siya pwedeng tumambay. Sinubukan kong pumunta kung saan niya ako dinala pero wala siya. Napaisip ako na baka napa-aga kami sana lang ay dumating na siya mayamaya.
Habang naghihintay ako sa panay ang tingin ko sa paligid dahil baka hindi niya ako makita pero laking gulat ko ng may yumakap sakin sa likod.
"Sa wakas nandito ka na" bulong na sabi ni Blue.
Hinarap ko siya. "Bakit ngayon ka lang?"
"Kanina pa ako dito" masungit niyang sabi.
"Ganun din ako diba sabi ko dito tayo magkita?" inis kong sabi.
"Dito ba?" tanong niya sakin.
"Oo dito" inis ko pa ding sabi.
"Hindi ko maalala na sinabi mong dito" depensa niya.
"Saka na natin yun pagtalunan. Magpapalit lang ako dito ka lang wag ka na aalis ah" sabi ko.
Pumunta ako sa banyo ng mga babae sinigurado ko na walang tao at walang nakasunod sakin mabilis akong nagpalit ng damit. Sinuot ko ung cap na binili ko noon ung unang pagpunta namin dito. Nilagay ko lahat sa bag na dala ko ang mga gamit at itatapon ko na sana pero bigla kong naalala na binigay pala yun ni Cass. Kaya hindi ko na lang tinapon sinuot ko ung facemask na nabili ko nung nakaraan din saka ako lumabas ng banyo pumunta ako ulit dun sa lugar kung nasaan si Blue.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" nagtatakang tanong niya.
"Bakit ba ang dami mong tanong halika na nga" sagot ko.
Hinila ko na siya para makaalis na kaming dalawa. Nakita ko si Jay na lumabas ng isang sikat na coffee shop parang may hinahanap. Napayuko naman ako bigla dahil baka makita niya ako pero nakapagpalit naman ako ng damit pero ung bag gamit ko pa din.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Blue.
Nag-okay sign lang ako ayokong mabuko ako.
Nakarating din kami sa kotse ni Blue. Hindi ko muna inalis ung suot kong sombrero saka mask inintay ko muna na makalayo kami sa mall at makalabas kung nasaan man kami hindi ko pa rin alam kung nasaan kami.
"Kamusta sila mommy?" tanong ko kay Blue.
"Okay naman sila pero sobrang nag-aalala na sila sayo" sagot niya.
Naalala ko ung mga panahon na akala ko patay na sila. "Pero alam ba nilang okay lang ako sinabi mo ba?"
"Oo naman tinawagan ko ang kuya mo pagkauwi ko ng araw na yun" sagot niya kaya naman medyo na relief ako sa sinabi niya.
"Salamat at sinabi mo sa kanila" buong puso kong pagpapasalamat.
"Teka lang sino ba ung lalaking kasama mo nung nakaraan?" nagtatakang tanong niya.
"At bakit kayo magkasama?" pahabol niya.
"Saka na ako magpapaliwanag---teka bakit kailangan ko magexplain sayo?" mataray kong sabi.
"Wala ba akong karapatan malaman ako kaya ung nakahanap at nagligtas sayo!" matapang niyang sagot.
"But it doesn't mean pwede ka na magdemand saka pake mo ba kung sino kasama ko. Diba nga hindi mo naman ako mahal. Gusto lang? kaya wag kang mag-inaso jan kasi baka maging magkamukha na kayo ng mga aso!" inis kong sabi.
"Sana naman kasi nakikinig ka muna ng explanation bago ka magwalk-out" frustrated na niyang sabi.
"Ayoko na makinig pa sa iba mo pang sasabihin" sabi ko.
"Napatigas talaga ng ulo mo" inis na niyang sabi.
Hindi ko na siyang sinagot pa pinikit ko na lang ang mata ko kesa makausap pa siya sumasakit lang ulo ko at umiinit lang din. Hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako naging na lang ako ng maramdaman kong nasa isang malambot akong bagay. Bigla naman akong nagpanic dahil dun.
"Blue!" tawag ko.
"Gising na ito bumili na ako ng pagkain. Wag ka na choosy tulog tulog ka kasi hindi ka tuloy nakapili kung anong kakainin mo kaya ako na pumili" sabi niya.
Nasaan tayo?" kuryosong tanong ko.
"Nagcheck in muna ako kasi baka gabihin tayo maaga naman tayong aalis bukas" pagpapaliwanag niya.
"Sige. Iwan mo na lang jan kung pagkain mamaya na ako kakain bumalik ka na sa kwarto mo pagkatapos mo kumain" utos ko sa kanya.
"Kwarto ko?" nagtatakang tanong niya.
"Oo sa kwarto mo" sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ito ang kwarto ko…at kwarto mo"
Napakunot naman ako ng noo. "Ano?"
Umirap siya. "Magkasama tayo sa isang kwarto"
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" naiinip niyang sabi.
"Bakit isang kwarto lang kinuha mo?" nagpapanic kong tanong.
"Siyempre hindi kita mababantayan kung magkahiwalay tayo" paliwanag niya.
"Pero…Pero…" napatingin ako sa paligid walang sofa.
Saan siya matutulog kung walang sofa alangan naman tabi kami ano siya sinuswerte. Biglang nagpanic ang sistema ko kasi ayokong matabi kami sa kama hindi naman kami mag-asawa.
Tumayo ako sa kama at nagpalakad lakad nagiisip ng paraan. "Ano bang ginagawa mo? Palakad lakad ka"
"Kasi naman kailangan magkasama tayo sa kwarto?" natatarantang tanong ko.
"Paulit ulit unli? Kakasabi ko lang diba na kailangan kong bantayan ka. Bakit ba takot na takot ka?" lumapit na siya sakin.
"Hindi ako takot sabi" kinabahan kong sabi sa kanya.
Lumapit pa siya lalo. "Pero hindi ganun ang nakikita ko…parang takot ka"
Napaatras ako. "HINDI NGA!"
"Talaga?" nakangisi na siya.
"O-Oo nga" tinulak ko na siya at nagpunta na sa kama.
Bigla siyang tumawa. "Kung nakita mo lang ung mukha mo"
"Nakakatawa yun?" masungit kong sabi.
"Oo" patuloy siya sa pagtawa niya.
"Ah ganun! Pwes jan ka matulog sa lapag!" inis kong sabi.
Hindi ko na siya pinansin at nahiga na lang sa kama akala niya ata nakakatawa siya.
THANK YOU SO MUCH HINDI KO AAKALAIN NA AABOT SIYA NG 10K!!!
THANK YOU SO SO SO MUCH
SORRY FOR LATE UPDATE
ENJOY!!!!
:)