Chapter 30
"Bakit ginabi na kayo?" bungad samin ni Jay pagkababa pa lang naming sa sasakyan.
"Tagal kasi nito isang stuff toy lang naman pala ang bibilhin" paliwanag ni Jay.
"Sige na pumasok na kayo at kumain na" sabi ni Cass.
"May dala akong pagkain para kay Lia at Leo gising pa ba?" tanong ni Jay sabay pakita ng pagkain na binili kanina sa may fast food.
"Gising pa ata sila" sagot ni Cass.
Pumasok na kami sa bahay nakita naming si Lia na tumatakbong papunta samin.
"Kuya!!!!" tawag ni Lia at nagmamadaling pumunta kay Jay.
"Wag kang tumakbo Lia" saway ni Jay.
Pero hindi nakirinig si Lia ng makalapit sa kuya niya niyakap niya ito ng hagpit.
"Kuya kumain na kayo ni ate masarap ung luto ni tita mommy" pagmamalaki ni Lia.
"Sige meron akong dala para sa inyo ni Leo ikaw na magdala" binigay ni Jay ang hawak niyang paper bag.
Tuwang tuwa naman si Lia dahil sa dala ng kuya niya dali dali niyang pinuntahan si Leo muntik pa nga madapa pero hindi naman natuloy.
"Ba't napaluto ka? Ganun ba kami katagal Nawala?" nagtatakang tanog ni Jay.
"Gutom na kasi ung dalawa kaya nagluto na ako" pagpapaliwanag ni Jay.
"Hmm…Okay" yun na lang ang nasabi ni Jay saka hinila na ako sa dining area.
Nakasunod naman samin si Cass habang papunta kami ni Jay sa dining area. Meron na mga plato kaya umupo na lang kami ni Jay para kumain.
"Gusto mo ba ito?" tanong sakin ni Jay bago niyang ilagay ung ulam sa plato ko.
"Ako na kaya ko may kamay ako" ani ko.
"Tss…Ikaw na nga pinagsisilbihan arte mo pa" bulong na sabi ni Jay.
"Wala naman kasi akong sinabi na pagsilbihan mo ko may kamay ako kaya ko ang sarili ko" inis kong sabi.
Tumahimik na lang si Jay at kumuha ng sarili niyang pagkain ganun din ang ginawa ko hindi naman niya kasi talaga ako dapat asikasuhin dahil kaya ko naman ang sarili ko hindi naman pilay para siya pa ang maglagay ng ulam ko.
Nang matapos ako kumain nagpaalam na akong pupunta sa kwarto bukas ko na lang ibibigay ung nabili ko para kay Lia. Naligo muna ako pagkatapos ay naisipan kong lumabas hindi pa naman ako inaantok at naiinip ako sa loob ng kwarto ilang araw ba naman ako dun simula ng magkasakit ako.
Umupo ako sa upuan sa may labas lang ng bahay presko ang hangin kaya naman parang ang sarap tumambay.
"Bakit di ka pa tumakas kanina?" hirit ni Jay.
"Hindi naman kasi ako tatakas gusto ko lang lumabas dahil naiinip ako" pagrarason ko.
"Pero sa ibang araw may balak ka na?" pagpupumilit niya.
"Bakit parang atat na atat kang paalisin ako dito?" asar kong tanong.
Ngumisi siya. "Ayoko lang na umasa silang magtatagal ka dito"
Napatingin ako sa kanya. "Si Cass at Lia gusto ka nilang manatili dito"
"Pero alam kong hindi mo gugustuhin. Ayoko lang na masaktan sila pareho mahalaga sila sakin ayokong nakikitang malungkot sila" dagdag niya pa.
"Alam mo hindi ako nandito dapat hindi ko naman ginustong mapalapit kay Lia masayahin at bibo siya kaya hindi mahirap makapalagayan ng loob" nakangiti kong sabi ng maalala ko si Lia.
"Si Cass naman ang totoong nanay mo may Karapatan siya sayo" sabi niya.
"Pero di nun mawawala ang sakit ng pagkawala ng pamilya ko. Oo nga't siya ang totoo kong nanay pero hindi niya basta basta mapapalitan si mommy. Wag mong irarason sakin na kasi nanay ko naman siya kaya okay lang namanatili ako dito kasi hindi magiging sapat na dahilan yan para magstay ako dito at magmove on sa nangyari sa pamilya ko mas matagal kong nasama sila kesa kay Cass. Isa pa siya din ang nagpapatay sa magulang ko ke utos man yun baka nakakalimutan mo ikaw ang naglagay ng bomba" inis kong sabi.
"Alam ko naman na hindi mo ako matatanggap bilang ina mo pero mas masakit pala kapag galing sayo mismo" biglang sabi ni Cass
Nakatayo siya malapit lang samin.
"Hindi ko naman alam na may anak ako na may pamilya ako na may kapatid pala ako wala akong alam. Dahil pag-gising ko nasa ospital na ako wala akong maalala kung sino pamilya ko kung sino ako kung hindi lang nakita ang I.D. ko hindi ko din alam ung pangalan ko wala akong maalala sa buhay ko nun naghanap ako ng trabaho para mabuhay ako. Nakita ko sila Jay na pinagmamalupitan ng tatay nila kaya naman kinuha ko sila at ako na ang kumupkop sa kanila. Nang sinabi mong anak kita may mga alaalang pumasok sa utak ko masakit sa ulo hindi ko na naisip na baka nagpapalusot ka lang para hindi kita patayin pero ng makita ko na umiiyak ka at sinasabi mong anak kita may mga alaala na naman na pumasok. Kaya nagbakasakali ako na baka nga anak kita at isa ka sa mga alaala na dapat kong maalala kaya naman ng dumating ang result ng DNA ay sobrang natuwa ako dahil totoo ngang anak kita pero alam kong hindi mo ako matatanggap dahil sa ginawa ko sa pamilya mo gusto ko humingi ng tawad pero alam kong hindi yun sasapat sa sakit na binigay ko sayo. Kinausap ko si Jay na kung gusto mo umalis papayagan ko kung gusto mo puntahan ang puntod ng pamilya mo pwede at kung ayaw mo na bumalik dito tatanggapin ko. Kung saan ka mas sasaya yun ang pipiliin ko ayokong ikulong ka dito dahil alam kong hindi ka magiging masaya dito kaya magsabi ka lang kay Jay kung aalis ka na para at least nasa maayos ka dahil ihahatid ka naman niya. Muli patawarin mo ako alam kong hindi mawawala ang sakit at lungkot na nararamdaman mo pero hindi lang naman ikaw ang nawalan pati rin ako hindi ko pa ulit sila nakikita pero wala na sila para humingi ako ng tawad at magpasalamat sa kapatid ko na tumayo bilang ina mo" umiiyak niyang sabi. Bakas ang sakit at kalungkutan na nararamdaman niya habang kinuwento niya ang mga nangyari sa kanya noon.
"Pinipilit ko naman tanggapin pero hindi ko pa kaya. Sorry kung akala ko ako lang ang nasasaktan matagal kang hinahanap nila lolo pati rin si mommy miss na miss ka na kaya alam kong matutuwa sila kung sakali kapag nakita ka nila" sabi ko.
"Sa tingin ko hindi kapag nalaman nilang ako ang may dahilan kung bakit patay na sila at kapag nalaman nila na sinaktan ko ang nagiisang anak ko" hindi na niya napigilan at napahagulgol na siya.
Nilapitan siya ni Jay at niyakap siya. "Cass hindi mo naman ginusto ang nangyari"
"Sana mapatawad nila ako" sabi niya muli habang umiiyak.
Nilapitan ko si Cass at niyakap ko siya.