webnovel

BASTED

Chapter 23

Naestatwa ako ng ilang sandali dahil sa sinabi niya pero ng makabawi ako sinapok ko siya.

"Aray! Ano na naman ang dahilan? napakamapanakit mong babae ka!" singhal niya.

"Para ka kasing tanga!" nahihiyang sabi ko.

"Sabi nila gusto ng mga babae ung ganun pero parang hindi naman. babae ka ba talaga?" inis niyang sabi.

"Gusto mo ng isa pa?" sabi ko akmang sasapukin ko ulit siya pero umiwas at nauna na sa may duyan.

Lumakad na din ako papunta dun sa duyan ang ganda ganda talaga.

"Kung nandito lang si mommy magugustuhan niya rin dito mahilig din siya sa bulaklak" manghang sabi ko.

"Makikita din ito ng mommy mo" sabi niya.

"Oo naman" pagsangayon ko.

"Malalaman niyo din kung sino ang may kagagawan niyan. Mahahanap din natin sila" buong tapang niyang sabi.

Hindi na kami masyadong nagusap dahil sobrang nagagandahan talaga ako sa lugar para akong hinehele ng duyan kaya naman hindi ko maiwasan na ipikit ang mga mata ko. Hindi ko namalayan nakaidlip na pala ako.

Nagising ako dahil naramdaman kong medyo lumalamig na. nakatulog din pala si Blue nainip siguro siya kakaintay sakin magising. Medyo pinagmasdan ko muna ang mukha niya okay naman pala ung mukha niya mukhang anghel kapag tulog pero kapag gising naman sobrang sama ng ugali hindi angkop ang mukha sa itsura. Nang makuntento na ako dahan dahan kong inangat ang ulo kong nakasandal sa balikat niya.

"Tagal mo naman magising" sabi niya habang nagiinat.

"Edi sana ginising mo ako" mataray kong sabi.

"Edi sinapok mo na naman ko. Di bale na sanay naman akong maghintay" sinamaan ko siya ng tingin.

"Napakacorny mo kinikilabutan ko sayo. May pahugot hugot ka pa jan" tumayo na ako para makaalis na.

"Ewan ko sayo! jan ka na nga!" pahabol ko.

"Aba! Pagkatapos kita intayin iiwan mo ko" hinablot niya ung kamay ko.

"Edi sana umalis ka na kanina pa. Wala naman nagsabi sayo na intayin mo ako" inirapan ko siya kasi nakakainis siya.

"Hindi ko gagawin yun kahit pa sobrang..." di niya tinuloy kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano?" paghahamon ko sa kanya na tapusin ung salita niya.

"Wala halika na" hindi niya na tinuloy hinawakan niya ung kamay ko at hinala papasok sa loob ng bahay.

Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi niya tinutuloy ung sinasabi niya. Nakasalubong namin si kuya Red at Yellow agad ko naman binawi ung kamay ko napatingin sakin si Blue pero hindi ko siya pinansin. iniwas ko ang tingin ko kay kuya Red at nilagpasan na lang sila naiilang ako pero hindi ko naman alam ang gagawin sabi ni Orange hayaan ko lang ang hirap naman kasi.

"Hilig mo talagang mangiwan. Lagi mo na lang iniiwan ung boyfriend mo" sigaw ni Blue mukhang hinabol niya ako.

"Bakit mo na naman ako iniwan?" naabutan niya ako at hinablot ang kamay ko.

"Blue hanggang kailan mo ba papaniwalaan ang sarili mong boyfriend kita?" nilingon ko na siya.

"Ayaw mo ba talaga sakin?" seryoso niyang sabi.

"Hindi naman sa ganun pero ikaw lang kasing naniniwala na boyfriend kita kahit ang totoo hindi naman talaga" biglang nagiba ang mukha ni Blue.

"Edi manliligaw ako sa paraan na gusto mo" sabi niya.

"Diba sinabi ko naman sayo na manliligaw ka lang sa babaeng gusto mo ung totoong gusto mo" pagpapaalala ko sa kanya sa sinabi ko nung nakaraan.

"Ikaw nga ung babaeng gusto ko kaya ikaw ung liligawan ko" frustrated na niyang sabi.

Napatitig ako sa kanya hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Gusto kita" mahina niyang sabi.

"Lagi kitang iniisip. Lagi kitang gusto makita. Nagaalala ko sayo. Gusto ko ako lang ung taong kailangan mo. Gusto ko ako lang" iniwas niya ung tingin niya.

"Gusto ko maging akin ka" pahabol niya.

Dahan dahan siyang lumapit sakin niyakap niya ako.

"Hindi kita pinagtitripan kasi totoo tong nararamdaman ko. hindi ko kayang paglaruan ang mga babae kasi may kapatid din ako babae. Bago lang sakin tong nararamdaman ko kasi hindi ko pa naman to nararadaman kaya nung una hindi ko alam pero ngayon sigurado na ako. Nang malaman ko na may bumaril sa bahay niyo gusto kitang puntahan pero pagdating ko dun tapos na nakaalis na kayo pinipigilan ko lang ung sarili kong yakapin ka sa ospital dahil nandun ang lolo mo. Pero gustong gusto kitang yakapin katulad ng ganito" pagamin niya.

"Blue...Hindi kita gusto" sagot ko.

"Wala akong pake basta gusto kita at liligawan kita" diretsong sabi niya.

"Kahit ayoko?"

"Wala kang choice" masungit niya sabi. kumalas na siya sa yakap.

"Edi basted ka na kaagad"

"Agad? Hindi pa nga ako nagsisimula" reklamo niya.

ngumiti ako. "Oo"

"Seryoso ka? ang daya mo naman edi manliligaw ako ulit" angal niya.

"Edi paulit ulit din kitang babastedin" pangaasar ko.

"Wala ba talagang pagasa?" malungkot niyang tanong.

"Sumusuko ka na? Akala ko ba lalaki?" napataas naman siya ng kilay.

"Kinukwestiyun mo ba ang pagkalalaki ko?" tanong niya.

"Hindi, Pero ang bilis mo kasing sumuko parang hindi lalaki" pangaasar ko.

ngumisi siya. "Gusto mo patunayan ko sayong lalaki ako?"

"Paano?" panghahamon ko.

Ngumisi siya at mabilisang nilapat ang labi niya sa labi ko dahan dahan niyang iginalaw ang ulo niya pati na rin ang labi niya. Hinapit niya ang bewang ko para mas mapalapit pa ako sa kanya napahawak naman ako sa braso niya dahil sa bigla. Tumigil siya at nilayo ang mukha niya sakin.

Ngumisi siya. "Lalaki ako tandaan mo yan"

Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa gulat hinawakan niya ung kamay ko saka ako hinala na ng tuluyan pabalik sa loob. Hinatid niya ako sa kwarto ko.

"Pahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng pagkain" sabi niya tapos humalik na naman.

tumaas ang kilay ko. "Blue" pigil ko bago siya umalis.

Ako na lang lumapit sa kanya at sinapak ko siya sa mukha saka sinuntok sa tiyan.

"Hmp!" yun lang ang nasabi ko pagkatapos ko siyang sapakin.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko hindi makapaniwala sa nangyari samin kanina ni Blue. Napasandal ako sa pintuan ko at napahawak ako sa labi ko. Ito na naman kinakabahan na naman ako sa mga pinaggagawa ni Blue.

Next chapter