webnovel

WALK OUT

Chapter 10

Hinatid naman ako ng driver ni lolo kaya safe naman ako nakauwi. Pero hindi ko aakalain lahat sila nandito.

"Kuya" tawag ko. Lahat naman sila napatingin nilapitan ako ni kuya at tiningnan kung may galos ba ako.

"Are you okay hindi ka ba nila sinaktan?" Nagaalalang tanong niya pinaupo niya muna ako.

"I'm fine. Don't worry they can't hurt me. Sila ba't sila nandito?" Nagtatakang tanong ko sabay turo sa kanila. Nandito kasi ung tropang crayola as in kompleto sila.

"Tutulong kasi kami sa paghahanap sayo" sabi ni kuya Red. Napatingin naman ako kay kuya mukhang kaya lang talaga nagawa yun ni kuya kasi ayaw niyang saktan ako ng mga kumidnap sakin kanina.

"Naku! Masyado lang talaga paranoid tong kuya ko. Pasensya na sa abala" tiningnan naman ako ni kuya ng masama.

"Kuya Red pwede bang umuwi na kayo maguusap lang kami ni kuya. Pasensya na talaga sa abala ah" nginitian lang ako ni kuya Red.

"Una na kami" tumayo na silang lahat. Tinunguan na lang nila si kuya biglang sagot.

"Nakilala mo ba ung mga kumuha sayo? Natandaan mo ba kung saan ka nila dinala?" nagaalalang tanong niya. Gusto kong tumawa kaso masyadong seryoso si kuya. Ang gwapo kasi niya kapag nagseseryoso.

"Si...kasi ano" paano ko ba sasabihin kay kuya na si lolo ang kumuha sa akin ng hindi siya magagalit kay lolo.

"Ano? Hindi mo ba naalala? Eh kahit ung lugar na lang" bahala na nga si batman. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang tungkol kay lolo pero kung totoo ngang may alam siya tungkol kay lolo ba't hindi niya sakin nakukwento?.

"Nagkamali lang daw sila hindi naman daw pala ako ung kailangan nila iniwan lang nila ako sa may high-way. Ganun ung nangyari kuya" pagsisinungaling ko. Alam kong hindi tama na naglilihim ako kay kuya pero may kailangan pa ako kay lolo.

"Nagkamali?" Nagtatakang tanong ni kuya. Aish masyado pa naman tong matanong si kuya.

"Oo kuya kaya wag na masyadong paranoid balik ka na sa pinanggalingan mo. Okay na ako don't worry! Bye pahinga na ako" nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko dahil baka hindi talaga ako tantanan ni kuya.

tatawagan ko muna si lolo para alam niyang nakauwi na ako. "Hello po! Nakauwi na po ako salamat po. Opo sige po sa susunod magdadala po ako ng kahit ano na pwedeng dalhin. Sige po pahinga na po kayo. Good night po" hindi ko na masyadong pinahaba pa ang usapan binaba ko din kaagad baka mahuli ako ni Kuya.

Bakit kaya bigla na lang nagpakita sa akin si lolo ganun ba talaga kahigpit sila mommy para hindi sila makalapit sa akin? Gusto ko malaman kung buhay pa ba talaga si tita Cass.

---

"Hoy babae nabalitaan ko ung nangyari sayo kahapon kamusta ka na? Nandito din daw kuya mo ah?" Tiningnan ko lang si Irene dahil lumilipad ang utak ko.

"Huh?" Bigla naman kumunot ang noo niya.

"Gabbie!" Sigaw ni Irene kaya naman napapikit ako.

"Ano!? Aish! Ewan ko sayo Irene!" Tumayo na ako saka nagwalk-out magcucut ako dahil lumilipad utak ko.

Gusto kong puntahan si lolo para magtanong kaso hindi pa pwede hanggang di pa nakakabalik si kuya sa pinanggalingan niya.

"Saan ka pupunta?" Napatingin naman ako kung saan galing ung boses.

Kapag minamalas ka nga naman.

"Wala ka na doon" inirapan ko siya saka naglakad papuntang canteen.

"Teka kinakausap pa kita eh" hinawakan niya ako sa braso pero agad ko iniwaksi ang kamay ko.

"So? Wala naman importansya ung mga sinasabi mo eh? Sinasayang mo lang oras ko eh?" Saka ko tinaasan ang kilay ko.

Dahan dahan siyang lumapit pero blanko lang ung mukha niya.

"Tss" bigla niyang hinapit ang bewang ko.

Sobrang lapit namin sa isa't isa. Masyadong seryoso mga mata niya.

"Pasalamat ka kapatid ni Math" inirapan ko na lang siya.

"Edi thank you po~" ngumisi na lang siya ano kaya kangisi ngisi sa ginawa ko. Nilayasan ko na siya kaagad pagkatapos siya pasalamatan.

"Bat ba ang hilig mong magwalk out. Kakausapin ka lang naman eh ang arte!" Nagpantig ung tenga ko dahil sa sinabi niya.

😤

Aba! Ginagalit talaga ako nitong Blue na to ah!!!!

"Hoy! Una hindi ako walk out queen! Pangalawa wala ka naman kasing sinasabi so ano gagawin ko tatambay na lang fyi lang mahalaga ang oras ko kung hindi mo alam sa--"

"Eh kung sana pinapakinggan mo muna ung sasabihin ko. Try mo lang wala naman bayad" napakalapit ng mukha niya.

💡💡💡💡💡

"Aray!" Hinead bang ko siya masyado kasing malapit yan ang nararapat sa kanya.

"Bilisan mo na kung may sasabi--" tinakpan niya yung bibig ko kasi biglang may tumawag sa kanya.

"Okay. Papunta na" binaba na niya yung tawag pero ung kamay niya hindi pa din.

Umalis na siya aba't talagang inaasar talaga ako nung lalaking yun.

Teka si kuya Red yun ah at kumpleto yung tropang Crayola saan kaya sila pupunta may class pa ah. Alam ko hindi nagcucut si kuya Red.

"Tagal mo brad nangbabae ka na naman?" Asar ni Yellow kay Blue.

😒 - blue

"Okay...okay...sungit" sumakay na sila sa kanya kanyang sasakyan nila.

Saan kaya sila pupunta...

"Manong sundan mo yun dali!" Napatingin ako kay kuya taxi driver dahil di pa siya umaandar.

"Kuya uso umandar. Bilisan mo" doon lang natauhan si kuya saka umandar.

"Para!" Nagabot na lang ako ng 500 pesos siguro naman sobra na yun.

"Teka ma'am sukli niyo" habol ni kuya.

"Wag na kuya. Keep the change" bago pa ako makababa hinawakan ni kuya taxi driver ung braso ko.

"Hindi pwede ma'am ayoko makulong ito na ma'am. Salamat po!" 😨 may pagka-oa dun sa part na yun si kuya taxi driver. bumaba na ako dahil nga may hinahabol pa ako.

Anong gagawin nila dito? Bakit pumunta sila dito nakakakilabot naman dito.

"Welcome Red! Aba aba kumpleto ang group mo! Natatouch naman ako" sabi nung lalaking gwapo! As in napakagwapo niya.

"Asan si Gray? Ilabas mo siya bago ko pasabugin yang ulo mo" 😒 natawa naman ung lalaki dahil sa sinabi ni kuya Red.

"Easy lang alam mo kung ano kailangan ko Red" 😏 dahan dahan siya lumapit kay kuya Red.

"Ilang beses ko din ba dapat kang tanggihan?" Sumenyas ung lalaki at nilabas si Gray na bugbog sarado napatakip ako ng bibig ko.

"Well...sa ngayon wala kang pagpipilian its either yes or yes?" Parang may kumakalabit sa akin actually kanina pa eh nakakairita na nga eh. Pero wala naman akong kasama kanina edi sino ung kumakalabit....😰

Nilingon ko kung sino kung kumakalabit omo! Gwapo din? Patay!

"Sino ka? Kasama ka ba nila Red?" 😅 umiling ako aalis na sana ako kasi bigla niya akong hinila sa damit.

"Kasama niyo ba to?" 😓 nagulat naman ung tropang crayola.

"Gabbie...anong ginagawa mo dito?" 😅 anong sasabihin ko. Hindi ako prepared my goshhh.

"Ano kasi sinundan ko kayo" 😃 lahat sila ay matalas na nakatingin sa akin.

"Fine. Sorry kasi naman eh. Napaisip lang naman ako kung saan kayo pupunta hehehe" 😀 hinila na ako nung lalaki na gwapo dun sa isa pang gwapo.

"Are you? Hmmm let me think Gabbie?" 😏 hala kilala niya ako kinunotan ko lang siya ng noo.

"Math's sister or should i call you Gabeng?" 😨 wait isang tao lang ang tumatawag niyang sa akin.

"Wait don't tell me" ngumiti lang siya it means wag kong itutuloy. Oh my gosh i didn't expect this.

"Gabbie magkakilala kayo?" Bigla naman akong napatingin kay kuya Red.

"No. Hindi ko siya kilala" 😅 he knows me sabay kami lumaki at mas malakas pa din ako sa kanya.

"Let them go!" Binitawan na ako nung isang pogi.

"Then anong kapalit para sa pagpapakawala ko sa kanila?" Lumapit na siya sa akin.

"Payag na ako! Basta let them go" napangiti naman siya ng pagkalaki laki. Tss

"Yes! Sa wakas. Okay paalisin mo na sila. Lets go Gabeng" 😡 nakakainis talagang tong lalaki na to.

Yare ka sakin mamaya. humanda ka!

Next chapter