webnovel

BLUE

Chapter 2

Lumapit sa akin si Irene at umangkla siya sa braso nung feeling gangster. Nakangiti ng malademonyo naman ung feeling ganster.

"Hi kuya Blue kamusta ka na tagal nating di nagkita ah" siniko siko pa ni Irene ung lalaking feeling gangster.

"Okay lang. Medyo badtrip lang kasi may epal dito sa party" matalim niya akong tiningnan na akala mo kakainin niya ako.

"Ai kuya Blue gusto ko nga pala ipakikala sayo si Gabbie bestfriend ko. Kuya Blue this is Gabbie. Gabbie this is kuya Blue. Kaibigan siya ni Kuya" nakangisi lang siya sa akin habang nagsasalita si Irene.

Alam ko ako ung sinasabi niyang epal pero wala akong pake hindi naman ako affected.

"Hi" maikli kong bati.

"Asan na ba ung kuya mo i need to greet him" sabi ko kay Irene para makaalis na din kami dito ayokong nakasama ng matagal ung feeling gangster na to.

"Irene!" Sabi nung babae at dali daling tumakbo ung babae kay Irene.

"Sora! Kasama ka pala ni kuya Blue" siya ung babae sinisigawan nung feeling gangster.

"You! Ikaw ung naghelp sa akin na tumakas to this hmmm human being" sabi ni Sora na parang nangdidiri doon sa feeling gangster.

"Sora bunganga mo ah. Baka nakakalimutan mo KAPATID mo ako" madiin niyang sinabi ung kapatid na parang nagpaparinig. "Kuya mo ako mas matanda ako sayo baka gusto mong walang shopping for weekend" pagbabanta nung feeling gangster.

"Whatever!" Sabi nung babae at nagwalkout na.

"Kuya don't be so hard on her. Kapatid mo pa din yun" lecture ni Irene.

"Tss" nagwalkout na din ung feeling gangster.

Hinanap na namin ung kuya ni Irene. Si kuya Red kasi masyadong friendly lahat ata ng kakakilala niya lang kinokonsider na niya na kaibigan niya.

"Kuya Orange!" Niyakap niya ung lalaking tinawag niya.

"Irene! Naku ang laki mo na ah! Nakita mo ba ung kuya mo kanina pa namin siya hinahanap ni Yellow eh" nagpout naman ung lalaking kausap ni Irene.

"Well hinahanap din namin siya. Kuya Orange besfriend ko. Gabbie this is kuya Orange. Kuya Orange this is Gabbie" pakilala ni Irene sa akin. Weird ng pangalan niya Orange.

"Hi Gabbie nice to meet. Yeap may pagkaweird ung name ko" bahagya akong natawa dahil mukhang nabasa niya ung mukha ko. Nagpaalam na siya at hahanapin pa daw niya si Kuya Red.

Halos nakilala ko na half ng bisita ni kuya Red but still di ko pa din siya nakikita.

"Kuya! At last nakita ka na din namin!" Umangkla naman siya sa kuya nginitian lang siya ni kuya Red.

"Sorry andami kasing kailangan batiin eh" napatingin naman sa akin si kuya Red. Mukhang nagulat siya hindi niya ata inaasahan ung pagdating ko. Ngumiti na lang ako para hindi masyadong awkward.

"Happy birthday kuya Red. Ito para sayo. I mean sa amin ni kuya" inabot ko na ung regalo na dala ko.

"Kuya i invited her na kasi alam kong maboboring ako dito sa party mo." Napapout naman si Irene dahil sa sinabi niya.

"Okay lang. Sorry but i have to go madami pa akong bisita na hindi nakakausap. See you later. And thank you sa pagpunta Gabbie" ngumiti siya ng kaunti saka umalis na ang kuya ni Irene.

"Tara lets go inside madaming cute guys dito ngayon baka may magustuhan ka" nagwink pa siya sa akin alam niya kasing hindi ko hilig ang boys. Ang mga bebe ko lang bet ko.

"Actually mas gugustuhin ko pang kumain. Kain muna tayo" hinila mo na siya sa may table at sinervan na kami ng pagkain.

"Gabbie...ahmm...may...girlfriend na ba ung..." bago niya pa masabi pinutol ko na siya.

"Wala pa. Walang balak yun hanggang di nakakatapos ng college at di niya pa nahahanap si childhood friend niya." Napasimangot naman siya sa sagot ko. Alam kong sobrang patay na patay siya sa kapatid ko pero kaibigan ko din siya at ayokong masaktan siya. "Maghanap ka na lang ng iba" kumain na ulit ako. Siya naman nakayuko.

"Irene!"

Napatingin naman kami ni Irene sa sumigaw. Gwapo pero hindi ko type. Binalik ko na lang ulit ung attensyon sa pagkain.

"Kuya Indigo?!" Bigla naman parang natatae ung mukha ni Irene.

"Gabbie wait lang ah" tumayo na siya at dali daling pumasok sa loob.

Grabe ung busog ko. Pero parang gusto ko pa magdessert. Let me see...

"Aha! chocolate ice cream" sabi ko sa sarili ko at tumayo ako.

Grabe hindi lang pala chocolate ice cream ang meron dito lahat ng favorite ko!.

"Ito na lang muna" kumuha na ako ng isang scoop ng chocolate ice cream. Babalik na ako sa upuan ko.

"Sh!t!" Mura ng nabangga ko. Natapon lasi ung ice cream sa leather jacket niya. Parang kilala ko kung sino tong nabangga ko ah. Nang tumingin ako sa mukha niya galit ang mababasa mo.

"I'm sorry" pinunas ko kaagad ung dress ko. Nanlaki naman ang mata niya sa ginawa ko.

"What? Saglit na lang" tinapos ko na ung pagpupunas ng ice cream sa jacket niya.

"Malagkit lang yan pe--ano ba nakakatakot yang titig mo" napaatras na lang ako kasi di naman siya nagsasalita. Naiwan ko kasi ung panyo ko sa table.

"Gabbie! Oh my gosh! What happen bakit ang dumi mo?" Doon lang natauhan ung lalaking feeling gangster.

"Natapon ko kasi siya ng ice cream eh naiwan ko ung panyo ko sa table. Pahiram na lang ako ng damit saka pa shower ang lagkit ng ice cream eh" naglakad na ako papasok ng bahay nila. Sumunod naman kaagad si Irene.

"Buti na lang meron kang mga damit dito kaso nga lang puro pang bahay lang" sinuot ko na ung mga damit ko.

"Okay lang kesa sa wala" inipit ko ang buhok ko messy bun na lang ang ginawa ko para hindi masyadong hassle.

"Lets go down hahanapin ako ni kuya saka ipapakilala kita sa mga friends niya" bumaba na kami napatingin naman ung mga lalaking nakaupo sa sala niya sa amin.

"Hi mga kuya's. This is my friend Gabbie. Actually bestfriend ko siya. Sister ang turingan namin niyan. kaya wag niyo siyang aawayin" umupo kami ni Irene sa tabi ng kuya niya.

"Pakilala kayo. Bilis" naexcite naman masyado si Irene.

"Kilala mo na kami diba pero sige papakilala ulit kami. Ako si Orange at siya naman si Yellow. And magkapatid kami" ngumiti lang si yellow sa akin. Nginitian ko din siya.

"Indigo" masungit na sabi niya

"I'm Gray nice meeting you" nagwave pa siya.

"I'm Brown and this is Green" seryoso namang sabi niya.

"Ang seryoso niyo ah. Maging mabait kayo kay Gabbie ah. May isa pang di nagpapakilala" tiningnan ni Irene ung feeling gangster.

"Ehem...I'm b--" bago niya pa sabihin inunahan ko na siya.

"Blue"

Next chapter