Sobrang tagal na ng isang buwan at mahigit para kay Jason. Ilang araw na niya sinusundan ni Llyne pero direcho rin ito kaagad sa bahay niya. Wala man lang siyang makuhang hint kung saan niya mahahanap si Yen. Maging amg kanyang ama ay kaisa yata ni Yen para parusahan siya. Sabagay, hindi naman ang kanyang ama ang boss kundi si Yen. At walang nakaka alam ng schedule nito maliban kay Llyne na sekretarya nito.
Muling sinuyod ni Jason ang mga litratong nasa post sa social media. At namataan niya ang huling larawan kung saan si Gabriel ay nasa harap ng gusali ng Villaflor. Nagkaroon siya ng pag asa at agad na tumayo. Tiningnan ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding. Alas kwatro ng hapon. Dali-dali siyang tumayonat kinuha ang susi ng kotse niya. Naulinigan niya ang kanyang kapatid na humabol ng tanong at hindi na niya nasagot ito sapagkat agad agad siyang sumakay sa kotse at pinaharurot iyon.
Ilang minuto ang lumipas ay nasa harap na siya ng Villaflor Corp.
Sa lobby ay sinalubong na siya ni Llyne.
Sinabi nito na palipad na si Yen patungong Amerika at kanina pa ito naka alis.
Agad nakaramdam ng panlulumo si Jason. Inakala niya na maaabutan ang asawa subalit muli nanaman siyang nabigo. Kung papaanong mabilis niya itong napa oo noon, ganon naman kahirap hanapin ito ngayon. Perp hindi pa rin siya susuko. Hindi pa rin siya titigil. Alam niya at ramdam niya na magkikita silang muli.
Paglapag ng private plane na sinasakyan ni Yen ay agad siyang sinalubong ng mga tauhan ni Rico. Hindi niya sinabi kay Rico na darating siya pero hindi na siya nagtataka kung bakit alam nito. Matagal na siyang sinusubaybayan ng kanyang ama. Noon, nahihiwagaan siya kung bakit pero ngayon ay malinaw na kay Yen ang dahilan.
Kaya siguro hindi niya makuhang magalit kay Rico ay dahil sa alam niya na sa simula't sapul ay inalalayan naman siya nito at sinubaybayan. Hinayaan siyang matuto at gawin ang mga bagay na gusto niya. Lahat ng suporta ay ibinigay nito sa kanya. Kaya nga noon pa man ay pinagdudahan na niyang tatay niya ito noon at hindi niya naman akalain na totoo nga.
Pakiramdam ni Yen ay hindi niya pa ito kayang harapin. Pero walang mangyayari kung hahayaan niya lang na nakabingbing ang ganitong usapin. Ayaw niyang mag isip nang mag isip. Wala siyang kapayapaan. Nais niya lang naman marinig mismo kay Rico ang katotohanan.
Iginiya siya ng tauhan ni Rico papunta sa sasakyan na magdadala sa kanya sa bahay nito. Pagkatapos ay tahimik siyang sumakay sa kotse at pinanood ang tanawin sa kanilang daanan na tila ba kinakabisa ang bawat detalye ng lugar.
Mahaba ang itinakbo nila halos isang oras ang layo ng airport sa bahay ni Rico. Naisip niy tuloy na baka hindi naman ito tauhan ni Rico. Kinabahan siya at napabuntong hininga. Tiningnan niya ang driver at marahil ay napansin nito ang kanyang pagkabalisa. Ngumiti ito at nagsalita.
" malapit na po tayo Miss Yen."
" ang layo po pala? "
Tumango ang lalaki.
" isang oras po ang biyahe galing airport Ma'am."
Hindi na sumagot si Yen. Ilang sandali ay huminto ang sasakyan.
" nandito na po tayo." sabi ng driver
Inikot ni Yen ang paningin. Nasa tapat sila ng isang mansyon. Itim ang gate niyon na unti unting nagbubukas. Pagbukas nito ay wala namang tao. Napagtanto ni Yen na nakaremote ang gate na yon.
Pagkabukas niyon ay bumalaga ang malawak na garahe at napapalibutan iyon ng mga nakamamanghang ornamental na halaman. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito.. binilang niya ang sasakyang naka park doon. Pang walo ang sinasakyan niya. Madami bang bisita? Naisip ni Yen.
Bumaba siya ng sasakyan at dumirecho sa loob habang ang maletang dala niya ay binitbit na ng katiwala doon.
Hindi niya isinama si Manang Doray at Jesrael. Alam niya na mas masaya sana kung kasama ito subalit inaalala niya ang biyahe at hindi naman bakasyon ang ipinunta niya doon.
" alam ko na darating ang araw na ito." wika ni Rico
" bakit? " tanging salita na namutawi sa labi ni Yen.
Bakit?
Bakit hindi niya sinabi?
Bakit hindi siya nito hinanap?
Bakit hindi siya nito nagawang ipaglaban?
Bakit hindi nito pinili ang kanyang ina?
Maraming bakit na tuwinang maiisip niya ay naiisip niya si Jesrael. Ipinangako niya sa sarili na hindi niya ipararanas kay Jesrael ang kung ano man ang hirap na kanyang dinanas. Pupunuin niya ito ng pagmamahal. At nais niyang lumaki itong masaya.
" hinanap ko kayo. Matagal na panahon. Noong gabing iyon inakala ko na si Sylvia ang iyong ina. Sobrang lasing ako noon. At ang tagpong iyon ang naabutan ng iyong ina. Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko siya nagawang habulin. Wala akong mahingan ng tulong dahil bukod sa amin ni Sylvia nang mga sandaling iyon ay walang nakaka alam ng tungkol sa iyo. " sabi ni Rico.
" naduwag ako. Hindi pa ako tapos ng kolehiyo. Wala pa akong matinong trabaho. Hindi ko alam kung papano ko kayo bubuhayin. Umaasa lang ako sa allowance na binibigay ng mga lola mo. Pero maniwala ka, hindi ka nawala sa isip ko. " Dugtong pa ni Rico.
" hindi kita masisisi kung magagalit ka sa akin. Hindi din kita mapipilit na patawarin ako, tanggapin ako. Kilalanin ako. Hindi ko ipinaalam sayo dahil nirirespeto ko ang desisyon ng iyong ina. At si Berto na tumayong ama mo habang wala ako. At natatakot ako na baka muli kang mawala sa aking paningin. Patawarin mo ako Yen. "
Hindi nakasagot si Yen.
Tama..
Si Berto.
Ang kanyang kinagisnang ama ang tumayong ama niya na hindi nagkulang ng pagmamahal sa kanya. Ni hindi niya nadama dito na hindi niya ito kadugo. Inako siya nito bilang tunay na anak. Kung siya ang nasa katayuan ni Rico marahil ay gayon din ang kanyang gagawin. Bilang ganti sa taong umaruga sa kanyang anak.
Ngumiti si Yen.
" hindi ka naman mahirap tanggapin, hindi ka naman mahirap patawarin. Dahil simula sa simula na nagkita tayo ay naging ama ka din naman sa akin. Hindi na natin maitatatwa ang katotohanan. Kailangan natin itong tanggapin at magpatuloy tayo. Pero sana ay bigyan mo pa ako ng pagkakataon, para mas makilala kita. "
Sa sinabing iyon ni Yen ay luhaang napayakap si Rico sa anak. Hindi na din napigilan ni Yen ang luha na dumaloy sa kanyang mata.
Masarap ang kanyang pakiramdam.
Malaya, magaan....
Naisip niya, napakabait talaga sa kanya ng Diyos.
Dalawa ang tatay niya.
At ramdam niya ang tunay na pagmamahal sa kanya ng mga ito.
Si Jason.... Si Jason na ang kanyang isusunod.
kailangan niyang makipag usap dito at magkalinawan sila. Pagkatapos noon, ay muli na siyang mag uumpisa. Kasama ng kanyang anak. Ang kanyang ina ay kakausapin niya matapos niyang harapin si Jason.
" Siya na ba yon?? "
Napalingon si Yen sa kanyang likuran nang makita niya ang isang matandang babae. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha.
Muli niyang binaling ang tingin kay Rico na nagpapahid ng luha nito. Nakangiti itong tumango at pagkatapos ay naramdaman niya ang kamay ng matanda na ginagap ang kanyang palad.
" akala ko ay mamamatay akong hindi kita nakikita. " niyakap siya nito. Mahigpit at hinaplos haplos ang kanuang likod.
" napakaganda mo apo. Kamukha mo ang iyong namayapang lolo. "
Bumitaw ito at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. Hinaplos haplos ang kanyang buhok at hindi nabubura ang ngiti nito sa labi.
Pagkatapos noon ay masaya nilang pinagsaluhan ang masaganang hapunan na pinahanda ni Rico. Pakiramdam ni Yen ay para siyang alibughang anak na nagbalik loob sa kanyang ama. Walang pagsidlan ang kanyang saya. Sayang nga lang at hindu niya naisama si Jesrael. Perp di bale, babalik siya doon sa ibang araw.
------------------------------------------------------
Birthday ng asawa at anak ko.
Anniversary din namen.
Tapos nag start na ang online class ng chickiting.
Obligado si mama na magturo kaya teacher nanay everyday tayo para matapos mga modules plus all around atchay sa bahay kaya di makasilip ng time para mag update. π
Busy much.
Ilang beses din ako nagtry mag update.
Pag binalikan ko nawawala ang sinulat ko. haha di ko knows kung bakit.
Salamat pa din po sa pag aabang.
Sisikapin natin itong matapos. π
Ingat po ang lahat.
Godbless everyone.
love,
nicolycah