Nagising si Yen sa magaang halik ni Jason sa kanyang labi. Pagmulat niya ay nakangiti ito at muli siyang hinagkan sa noo. Pagkatapos ay hinaplos haplos siya sa ulo.
" nakatulog na pala ako.hindi na kita nahintay."
" ok lang. Kumusta na kayo ni baby? " malambing na turan nito.
" ok naman."
" anong ginawa mo maghapon?" muling tanong ni Jason. Habang hinihimas ang malaki niyang tiyan.
Hindi pa nakakasagot si Yen nang mapabulalas si Jason sa pag galaw ng bata sa loob ng tiyan niya.
" hello anak, andito na si daddy. Kumusta ka na? may gusto ka bang kainin ha?."
Tiningnan lang ito ni Yen.
" kumain ka na ba? " tanong ni Yen dito.
Umiling si Jason.
" hindi pa nga ee." sabay himas ng tiyan.
Akmang tatayo si Yen nang pinigil siya ni Jason.
" op! op! ako na. kayang kaya ko na yan pahinga ka na"
Nanatili na lamang si Yen sa kama habang nadidinig niya ang kalansing ng plato at kutsara sa kusina.
Nangiti si Yen sa ginagawa nito. Sa tuwinang sasagad ang tampo niya dito ay magiging ganito ito at ang nakakainis ay pag nag "malambing mode" ito ay nabubura lahat ng kanyang hinanakit. Ugali pa ni Jason na kapag alam nito na galit siya ay ipinagluluto siya nito o di kaya ay ibibili ng kung anong pagkain na siguradong magpapabago sa kanyang mood.
" pero kung gusto mo kumain mommy may dala akong pizza. " sigaw ni Jason mula sa kusina.
" nanakam naman si Yen at inot-inot na bumangon sa kama. Medyo may kabigatan na ang kanyang katawan at hindi na siya makagalaw ng maayos.
Naabutan niya ang kanyang ina na naghahanda ng lamesa. Pag dumadating si Jason at hindi pa siya lumalabas ng kwarto ay ang nanay niya ang nag aasikaso ng pagkain nito. Napakabait ng kanyang ina. Napakamalumanay magsalita at masarap din kasama.
Pansamantala itong titigil sa bahay nila hanggang sa makapanganak siya at makabawi ng lakas.
Naisip ni Yen na marahil ang kanyang pagiging balat sibuyas ay bunga lamang siguro ng kanyang kalagayan. Ganun pa man, kahit na humuhupa ang galit niya, pag nagkamali ito ng isa pa ay mau-ungkat lahat ng masasakit na nagawa nito mula sa umpisa. Pakiramdam niya ay hindi pa nga ito nabibigyang hustisya ay may bago nanaman. Pares nung issue ni Jenny na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naririnig na paliwanag. Kaya ganon na lamang ang tindi ng sama ng loob niya.
Pero pilit niya kinokontrol iyon.
Yon din mismo ang rason kung bakit wala siyang ibang pinagsasabihan ng kanyang sitwasyon. Dahil kapag nalaman ito ng mga taong nakapaligid sa kanya, ay wala itong ibang sasabihin kundi hiwalayan niya na. Iwanan na at kalimutan dahil wala itong kwenta. Alam niya yon. Dahil siya mismo ay naiisip na niyang gawin iyon.
Tinitimbang pa rin ni Yen ang sitwasyon. Totoong nasasaktan siya palagi pero wala namang iginarantiya ang buhay mag asawa na sa buong panahon na kasama mo ang asawa mo ay mananatili kayong masaya. Kaya nga pag kinakasal ay nangangako kang mamahalin mo at magsasama kayo sa hirap at ginhawa, diba? Kung ganitong umpisa pa lamang ay susuko na siya, marahil ay hindi siya karapat dapat na magkaroon ng pamilya. Kung nakikita niya ang lahat ng kakulangan ni Jason ay maaring meron din siya.
Muli siyang nag-isip.
Palagi nalang siyang galit.
Hindi na niya ito makausap ng hindi siya pa-angil dahil sa inis.
Mabigat at matatalim ang salitang ibinabato niya dito subalit ni minsan ay hindi ito umaray man lang, o kumontra sa kahit anong masasakit na salita na nagmula sa kanyang bibig.
Ni minsan ay hindi siya nito sinagot.
Hindi siya sinigawan. Pag dumadaldal siya ay basta nalang siya nito iniiwan. Hindi ito sumabat kahit minsan. Babalik ito nang hupa na ang galit niya at may dalang kung anong ipapakain sa kanya.
May mga araw naman talaga na ok sila. Katulad ngayon.
Naiisip ni Yen kahit naman papano ay hindi naman ganoon kapabaya si Jason. May natitira pa namang kabutihan dito. Ilang buwan na siyang nandoon sa bahay nito pero hindi siya pinaglaba nito kahit minsan. Yaw nitong kumikilos siya pero nagpipilit siyang akuin ang pagluluto ng pagkain nito. Araw-araw naman ito kung magtanong kung anu ang gusto niyang kainin.
Pag break time naman nito ay palagi itong nagtitext at nag a-update kung anu nang ginagawa niya. May reply man siya o wala. Hindi naman ito ganoon kasama. Ang mga gawaing bahay dahil wala silang katulong ay ginagawa nito. Dahil hindi din si Yen makakilos noon.
Ang masasabing kakulangan lamang nito talaga ay ang oras nito sa kanya. Oras nga lang ba talaga? O pati katapatan niya?
Dahil sa trabaho? Oo...dahil sa napakahabang oras nito sa trabaho. Pagod na pagod na ito kung umuuwi kaya pag dating nito ay matutulog nalang?? Posible.
Barkada? yes...pwede rin....
Pagsama ni Jason sa mga outing na never siyang isinama kahit minsan. Bakit yung ibang tropa nito kasama ang mga girlfriends pag may outing sila? Bakit? hindi ba siya chick? Pangit ba siya at hindi pwede idisplay? Kinakahiya ba siya nito?Hindi ba nito ipinapaalam sa mga tropa nito na isa na siyang ama? Pakiramdam ba ni Jason hindi niya kayang makisama? Hindi ba nito alam ang kakayahan niyang makipag kapwa tao? Anong rason?
Babae?? Yon ang pinaka matindi.
Men was made polygamous by nature. Lintik na polygamous yan!! Kaya pag lalaki ang nagloloko ok lang? Dahil yon ang nature nila? Pag babae pokpok agad? mababa ang lipad? Kapwa babae din ang dahilan kung bakit may mga babaeng nahihirapan at nasasaktan. Gayunpaman ang bagay na iyon ay hindi yata talaga maiiwasan.
Dahil sa "feeling of importance" kaya madalas na napo-fall ang kababaehan sa mga lalaking mabulaklak ang salita. Hindi imposible na may mga babaeng nakapaligid kay Jason na magkagusto dito. Dahil talaga namang aminado si Yen na bukod sa appeal nito ay natural na malambing at magalang si Jason. Mabait, gentleman gwapo at palaging mabango. π Napailing si Yen sa naisip.
Ang pinagdadaanan niya ngayon kung totoong adjustment stage nga ito ay hindi ganon kadali. Talagang sinusubok nito ang kanyang emosyon at pasensiya at buong pagkatao. Kung papano siya nakakasurvive sa bawat araw, yon ay dahil nagtitiwala siya sa plano ng Maylikha.
Salute sa mga momshies na nananatiling matatag sa kabila ng pagsubok.
Salamat sa pag aabang. Be safe.