webnovel

Suspect

Unti-unti ay nagbubuhay na ang interes ni Yen sa pag i-invest sa negosyo. Naisip niya na mas malaki ang potential na profit dito kumpara sa pagtatrahabo. Kahit pa mapromote siya nang mapromote ay naka fix pa din naman ang sweldo. Samantalang sa business ay pwedeng madoble at matriple ang kita depende din sa klase at sa diskarte. Tingin ni Yen ay maganda nga ang business offer ni Rico.

Si Rico ang nagsilbi niyang gabay sa pagmamanage ng pera niya. Maging sa business niya ay ito din ang umaalalay sa kanya. Sinusunod niya ang mga suggestions nito. Noon pa man ay matiyaga talagabitong gumabay sa kanya malaki ang impluwensiya nito sa kanya. At hinahangaan niya ito talaga. Si Rico ang nag push sa kanya na magsimula muna sa maliit. Natuwa siya sa resulta nito.

Gayunpaman ay tuloy siya sa plano na pag ang sinimulan niyang negosyo ay kumita at matriple nito ang kinikita niya ay bibitawan niya na ang trabaho niya. Ang binilhan ni Jason ng gamit para sa room make over nito noon ay tindahan ni Yen ng auto at electronics supply meron na din siyang repair shop na kung minsan ay siya din ang tumatayong technician. Lahat yata ng pwede niyang subukan ay ginagawa niya. Kaya naman talagang malaki ang bilib ni Rico sa kanya. Maganda ang takbo ng business niya. Sa unang taon pa lamang ay naibalik nito ang ipinuhunan niya. Kaya nagamit niya ang fund nito para idagdag sa naipon para mabili ang shares na binenta ni Rico sa murang halaga.

Lalong lumobo ang kita niya nang mag umpisa ang pasukan. Ang pwesto ni Yen ay malapit sa isang technical school at naisip na din niyang mag dagdag ng school supplies, printing... siguro ay mas ok ang gayon. Anupa't nahumaling na siya kung anu-anong bagay na magdadag sa kanya ng kita. Hindi lang yon para sa kanya. Para yon sa mga magulang niya na tumatanda na.

Iniisip niya na darating ang araw na hindi na nito kakayaning magtrabaho pa. Kaya naman talagang naghahanda siya sa pagtanda nito. At sa pagtanda niya din. Hindi mo kalkulado ang bukas. Maaring makapag asawa siya at magmahal ng lalaking mahirap at mahina. Ayaw niya din danasin ng kanyang anak ang hirap na kanyang dinanas.

Nagimbal si William nang malaman na ilang araw nang hindi umuuwi si Trixie. Kinukontak niya ito ngunit hindi na ito matawagan. Walang sinuman ang nakaka alam ng kinaroroonan nito. Kaya naman humingi siya ng tulong sa kinauukulan maging kina Rico at Miguel.

Napaisip naman si Miguel.

Hindi kaya kagagawan ito ng babaeng iyon?

Siguro ay nalaman nito na ikakasal na sila ni Jason.

Baka ipinadukot ito ni Yen at itinago sa kung saan. Tanging si Yen lang ang taong maaring magkaroon ng motibo para ito saktan. Sinabi niya ito sa pulisya.

Mismong pag alis ng mga pulis ay dumating naman ang kanyang inatasan para mag imbestiga. Dala nito ang isang brown envelop na naglalaman ng mga impormasyon na nagpapatunay na si Trixie ay totoong may kinakasamang lalaki at hindi pa rin sila naghihiwalay hanggang ngayon. Naghiwalay daw ito at ang kanyang nobyo na si Jason 3 years ago, matapos malaman at mapatunayan ng kanyang anak na nakikipag siping ito sa ibang lalaki.

Hindi na niya binasa ang iba pang detalye alam na niya na nagsasabi si Jason ng totoo. Pero ang sinabi niya sa mga pulis, hindi na niya iyon babawiin. Mabuti nga sa babaeng iyon na makulong. Para wala nang balakid sa pagpalit niya kay Rico sa pwesto nito.

Umuwi si Yen na may mga pulis na nag aabang sa harap ng kanyang bahay. Napakunot ang kanyang noo at bigla siyang nag alala baka kung ano ang nangyari kay Manang Doray.

Pagpasok niya ay nalaman niya na itinuturo siyang suspect sa pagkawala ni Trixie na talagang wala naman siyang kinalaman. Inimbitahan siya ng mga pulis sa presinto para magbigay ng pahayag na kanya namang pinaunlakan.

Ang rason daw siya lamang ang may motibo na saktan ito dahil sa nalalapit nitong kasal kay Jason na kasalukuyan niyang nobyo. May mga nagsabi din daw na binantaan niya daw ito. At nagsumbong daw ito sa ilan sa kanyang mga kaibigan.

Napakamot si Yen sa sitwasyon. Hindi niya malaman kung sino ang may pakana niyon. Gayunpaman ay pinahayag niya ang totoo. At yong araw na nawala ito ay kasalukuyan siyang nasa party. Wala siyang rason para ipadukot ito. At hindi siya nag aaksaya ng pera at panahon sa mga taong wala namang kinalaman sa kanya.

Agad na nalaman ni Jason ang nangyari sa dalaga. Sinabi ito sa kanya ng kanyang ama. Labis ang galit ni Jason nang malaman na ang ama niya mismo ang nagturo kay Yen bilang suspect sa pagkawala nito. Sinamantala nito ang pagkakataon para idiin ang dalaga.

Hindi malaman ni Jason ang dapat gawin. Tinawagan niya si Yen pero ayaw nitong sagutin. Alalang alala siya kay Yen. Lalong sumidhi ang inis niya sa kanyang ama. Hindi na niya alam kung anu pa ba ang mga binabalak nito. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa ni Yen dito. Hindi naman ni Yen kasalanan na maging mahirap sila sa buhay at pumasok bilang kasambahay. At ang pagiging yaya kasambahay naman ay marangal at hindi naman nakakababa ng dignidad.

Tinawagan ni Rico ang pinakamagaling niyang abogado. Nag atas din siya ng tao para alamin kung sino ang nagdiin kay Yen sa kasong ito. Hindi maaring mapahamak si Yen. At gagawin niya ang lahat para lang maisalba ito. Maging ang asawa ni Rico ay labis ang pag aalala.

"Hindi si Yen ang tipo na gagawa ng ganoong klaseng krimen." sabi ng Sophia.

Bumuntong hininga si Rico. Wala siyang idea.

" Maliban na lamang kung meron siyang nakabangga para magtanim ng galit sa kanya."

Napatitig si Rico sa asawa.

Si Miguel. Nais ipakasal ni Miguel ang kanyang anak kay Trixie. Subalit mariing tumatanggi ang anak nito dahil sa ginawamg panloloko sa kanya ng babae. Si Yen ang kasalukuyang girlfriend ni Jason na alam niyang ayaw ni Miguel dahil sa pagiging katulong nito noon. At hindi ni Yen kasalanan iyon.

" Aalis muna ako mahal. " sabi ni Rico sa asawa.

" Saan ka pupunta?

" Si Miguel. Si Miguel lang ang maaaring gumawa nito. "

Mabilis itong humalik sa asawa at lumabas. Sumakay sa kotse at pinaharurot iyon.

------------------------------------------------------

maghuhugas muna po ako ng plato. Haha mamaya ulit after nanay mode.

Godbless us all

Let's pray for our nation

Be safe everyone

Itong Miguel na ito, hindi naman inaano

salamat po sa pag a-add ng book ko

salamat din sa power stones

please give me more po niyahaha!

Please leave your comments and share your thoughts.

labyu

-nicolycah

nicolycahcreators' thoughts
Next chapter