webnovel

I Love You

WALANG WARNING WARNING!!

Pagka akyat ng ina ni Jason ay inaya na siya nito. Akala ni Yen ay doon sila matutulog pero nagulat siya nang kumuha ito ng malaking payong. Ibinigay nito sa kanya at sinuotan ng jacket nito. Napakunot ang noo ni Yen pero hindi siya nagsalita.

Muli nitong bunuksan ang gate at ipinasok nito ang kanyang motor. Dalidali namang pinayungan ito ni Yen para hindi mabasa ang ulan.

" mukhang hindi titila ang ulan. Hindi ka talaga pinapauwi." sabi ni Jason sa kanya. Habang ipinapasok ang motor.

" dito ko na muna ipaparada ito. Di naman tayo makakapagmotor." sabi pa nito.

" lakarin nalang natin papunta sa bahay." dugtong nito.

" bahay? ito bahay niyo diba?" tanong niya rito.

" bahay ng mga magulang ko baby." sagot nito sa kanya.

" may bahay ka?" Tumango lang ito bilang sagot.

" doon tayo matutulog." sabi nito.

Kumabog ang dibdib ni Yen. Hindi naman sa nag aalala siya sa pagkawala ng kanyang dangal pero parang ganun na nga.

Kalahating kilometro ang layo ng nilakad nila. Sapat para mawala ang antok ni Yen. Maglalakad sa iisang payong na halos magkayakap na sila at ingat na ingat mabasa. Ngunit sa sobrang lakas ng ulan kahit nakapayong sila ay hindi maiwasan na sila ay mabasa.

Basa na ang suot na pantalon ni Yen. Basa na din ang kanyang sapatos. May baon siyang undies pero wala siyang baong damit. Palagi siyang may baong undies for emergency purposes. Pero di niya naisip magdala ng damit.

Nasa tapat sila ng isang malapad na gate. Hindi ito kasing laki ng bahay na una nilang pinuntahan pero hindi din naman ito maliit. Halos kasinlaki ng bahay ni Madam Lucille. May garahe din ito na kasya ang isang sasakyan. At may nakapark din na sasakyan doon.

" bahay ko" wika ni Jason.

" may bahay ka pala. I mean iyo? "

Tumango lang ito.

"Bahay ang pinaka una kong pinundar. Dito dapat kame titira ni Trixie kaso nawala siya ee." kwento nito.

" Ikaw na ngayon." wika nito.

Nanlaki ang mata ni Yen.

"Balak mo ko ibahay? loko ka."

Bumunghalit ito ng tawa. Anupa't hindi niya ito maawat.

"Siya tara na at basang basa ka na. Baka lagnatin ka nanaman weak ka pa naman." pang aasar nito sa kanya.

Binigyan siya nito ng tuwalya, toothbrush at sabon.

Sa totoo lang ay hindi pa rin malaman ni Yen kung papano siya aayon sa sitwasyon niya ngayon. Dapat sana ay ihahatid siya nito pauwi ngayong gabi din mismo. Pero tila naman nananadya ang panahon. May bagyo yata. Nag uumpisa nang lumakas ang hangin. Hindi naman kasi siya nanonood ng balita.

Nashock din si Yen sa estado ng buhay ni Jason. Hindi niya alam pero medyo nanliit siya nang kaunti.

Iginiya siya nito sa kwarto nito. At itinuro sa kanya ang banyo. Malawak ang silid na iyon. May sariling banyo at terrace. May mga halaman din doon. Maganda din ang pagkaka ayos ng kwarto nito. Maaliwalas. Well maintained ang bahay na iyon siguro ay meron itong katulong.

Pero wala naman siyang nakita.

Kalahating taon na din silang magjowa, kalahati palang din pala ang alam niya sa pagkatao nito. O nakakalahati na kaya siya? Marami pa kaya itong hindi sinasabi sa kanya?

Makaligo na nga.

Nagtagal siya sa banyo. Di siya makalabas dahil naalala niya na wala na siyang damit. Basa na ang suot niya kanina. Panty lang talaga meron siya. Anu ung panty lang suot niya? Kinilabutan si Yen sa naisip.

Anu ba naman itong pumapasok sa isip niya.

Maya maya ay may narinig siyang marahang katok.

Wala naman siyang choice. Nobyo naman niya ito. Kaya lumabas siya kahit nakatapi lamang ng tuwalya.

Inabot nito sa kanya ang kanyang bag at isang extra large t-shirt. Kinuha nman niya ito at agad din isinara ang banyo. Nakaligo na ito nakabihis na din ng boxer at plain white shirt.

Ang gwapo at mukhang mabango. Sa isip ni Yen. sayang at hindi ko nakita kung may abs. Nakagat ni Yen ang pang ibabang labi niya nang marealize na kung anu-ano ang iniisip niya. Iniisip niya ang mga yakap nito at mga halik. Ay hala!! natakpan ni Yen ang bibig. Talandi kang bata ka! Mahiya ka oy! saway ni Yen sa sarili.

Pagkatapos niya magbihis ay sinipat niya ang kanyang sarili sa salamin. Bagay naman ang extra large shirt. Parang dress ito. Di din halata na wala siyang suot na bra. Pinagkaitan kase siya sa banda doon. Kaya pag maluwag ang kanyang damit kahit na wala nito wala ding masisilip. Payat kase si Yen. Pag ganito ang kanyang suot ay para siyang posteng dinamitan. Walang hubog. muli siyang lumabas. Hinahanap niya kung nasaan ang mga gamit nito sa paglalaba.

" hayaan mo na muna ang mga damit mo diyan bukas pag gising mo tuyo na yan. " sabi nito

" gusto mo ba kumain? " tanong nito.

Umiling si Yen.

"kape?"

" ay sige nga. para mainitan ang sikmura ko." sagot ni Yen

Tumalikod ito at pagbalik ay may dalawang tasang kape na nakalagay sa tray at nilapag nito table na malapit sa malapad nitong bintana. Nakasara iyon at natatakpan ng kurtina.

" Gusto mo ba manood ng movie?"

" Kanina ka pa tahimik."

" Ayaw mo ba na kasama ako?" nakatulis ang nguso nito.

" hindi naman. Namamahay lang ako." sabi ni Yen. na nakatayo at nakaharap sa malaking salamin sa kwarto nito.

Lumapit ito sa kanya. Kinuha nito ang suklay sinuklay ang buhok niya. Naninindig ang balahibo niya. Bakit ganon ang pakiramdam? Parang may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan? Kanina niya pa rin pinipigilan ang kung anong pakiramdam na nagtutulak sa kanya para yakapin ito. waaaah!!

Tila ramdam din ito ni Jason. O nababasa nito ang kanyang iniisip.

Yumakap ito sa kanyang maliit na bewang mula sa likuran. Ipinatong ang mukha nito sa kanyang balikat. Nakatingin ito kanya sa salamin. Seryoso ito.

Ramdam ni Yen ang init ng hininga nito. May maliit na halik sa punong tenga niya pababa sa may leeg. Napapikit si Yen.

" i love you " sabi nito.

Parang may kung anong nalusaw sa kanyang damdamin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Humigpit ang yakap nito at naramdaman ni Yen ang matigas na bagay sa kanyan likuran. Lalong tumindi ang init ng kanyang pakiramdam. Unti-unti ay tuluyan na siyang nadarang.

Kumilos ang kanyang kamay at humaplos sa mukha nito na nasa kanyang balikat. Maya maya iginiya siya nito para humarap at nung nagkaharap sila ay nangusap ang kanilang mga mata. Nandoon ang sobra sobrang pangungulila sa isa't isa. Sobrang lapit ng mukha nila. Nagkadikit ang kanilang mga ilong ang noo habang nakakulong sa mga palad ni Yen ang mukha nito, ay mabilis nilang tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi.

Napaatras si Yen habang patuloy siya nitong sinisiil ng halik. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya patuloy siya sa pag atras hanggang lumapat ang kanyang likod sa dingding. Bumaba ang ang halik nito mula sa leeg patungo sa magkabila niyang dibdib. Napasinghap si Yen sa kakaibang sensasyong nararamdaman.

Dahan dahang humaplos ang kamay nito sa kanyang likod. Pababa sa kanyang pang upo. Bahagya nitong pinisil iyon at nagpatuloy ito sa paghaplos sa kanyang mga hita at doon.

Napamulagat siya nang maramdaman na malayo na pala ang narating nito. Bahagya niya itong naitulak. At huminto naman ito.

" sorry."

" bakit?"

Umiling lamang si Yen.

I LOVE YOU- minsan feelings, minsan magic word.

Mapanlinlang ng salita na nakakawala ng dangal.

Ayusin ang desisyon sa buhay.

penge P.S lab yu.

nicolycahcreators' thoughts
Next chapter