Chapter 9
Him
"Talaga? Kawawa naman siya."
"Buti nga sakaniya, hindi naman talaga sila bagay ni Darren."
Tinignan ko ng masama ang mga babae na nag-uusap ng masama kay Janice at agad naman ito nakaramdaman kaya umalis. I'm not a warfreak pero pagdating sa kaibigan ko, ibang usapan na 'yon.
Nakita kong nakayuko si Janice at hindi ginagalaw ang kaniyang pagkain sa table namin. Napabuga ako ng hangin, it is really hard na makikita ang kaibigan ko na nasasaktan at hindi alam ano ang dahilan dahil ayaw niya naman sabihin saamin.
"I'm here, bakit ang dilim naman yata dito?" Ysa joked pero binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. She pouted at umupo sa tabi ni Janice.
"Sorry. Janice, inumin mo 'to." Ibinigay ni Ysa ang isang lemonade juice at inilagay ito sa harapan ni Janice. Nakita ko pa ang pagsulyap nito sa pagkain ni Janice na hindi man lang ginalaw.
"Hey!"
"Ano ba?" I startled a bit at tinignan ng masama ang lalaking biglang tumabi saamin. Siniko ko ang tagiliran nito dahil nakaakbay ito saakin.
"Chill, Cas." Itinaas ni Dylan ang kamay nito at tumawa ng mahina.
Inirapan ko ito, ano ba ang kailangan ng lalaking to? Nawalan tuloy ako ng gana kumain. Aaminin ko, wala na talaga akong feelings kay Dylan dahil sa ginawa niya saakin noon. Maybe hindi talaga kami para sa isa't-isa.
"Ano ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay ni Ysa at tinignan si Dylan. I will support you, Ysa. Go, awayin mo itong katabi ko.
"Ang iinit ng ulo niyo, sinamahan ko lang si Kevin." Tinuro nito ang palapit na lalaki at lumapit kay Janice.
My jaw dropped ng hinila ni Kevin si Janice. "Hihiramin ko muna kaibigan niyo." Seryoso ang tono nito at agad niyang hinila si Janice palayo sa table namin.
Nagkatinginan kami ni Ysa na nagtataka. Okay? Pati din siya ay nagtataka.
"What was that?" Humarap ako kay Dylan na nakakunot-noo.
Hinawakan nito ang kaniyang baba. "Hindi ko alam, ayokong maghihimasok sa problema ng iba."
I didn't know na magkakilala pala sila Janice at Kevin. Kevin is one of the Arts and Sciences student. Kaya hindi na ako magtataka bakit kaibigan ni Dylan ang Kevin na 'yon. Sa pagkakaalam ko ay fourth year na rin si Kevin.
"Sino umiinom nito? Akin na 'to ha?" Kinuha bigla ni Dylan ang binigay ni Ysa na lemonade juice para kay Janice.
"Umalis ka nga dito," pagtataboy ko sakaniya. Tinignan ko siya ng masama pero parang manhid ito na hindi makiramdam.
"Aminin mo na, the way na pagpapansin mo dito. May gusto ko pa rin kay, Casey? Am I right?" May halong pang-aasar ang boses ni Ysa kaya tinignan ko siya ng masama.
"Ysa, stop it." I demanded.
"No, hindi ko siya gusto. Pero mahal, mahal ko pa rin siya." Napatingin ako bigla kay Dylan sa sinabi niya, I heard Ysa shrieked at pumalakpak.
Tinignan ko ng seryoso si Dylan at umiwas ng tingin. "Move on, Dylan."
"No, Casey. Hindi ako mag-momove on hangga't single ka pa." Bawat bitaw ng salita niya ay may halong diin at hinanakit.
I'm sorry, Dylan. Hindi na talaga kita mahal.
I was drowned with my thoughts ng naramdaman kong may humila saakin patayo. Napasinghap ako ng nauntog ako sa kaniyang dibdib.
"Z-zach!" Nauutal ako sa kaba dahil magkalapit lang ang mukha naming dalawa dahil sa biglaang pagtingin ko.
Tinulak ko ito palayo pero hinila na naman niya ako uli. Napapikit ako nang maamoy ko uli ang pabango niya na nakakapag-addict saakin.
"Anong nangyari? Hilaan's day ba ngayon? Bakit walang humila saakin?" Narinig ko ang pagrereklamo ni Ysa.
"Hihiramin ko muna ang babaeng retard na 'to." Seryoso nitong pagkabigkas at nagsimulang lumakad. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya pero ang higpit ng pagkakapit nito sa braso ko.
"Sige, hiramin niyo na lahat!" I heard Ysa screamed, what the heck? Iniwan kong mag-isa si Ysa doon kasama si Dylan!
"Ano ba, bitawan mo ko." Bumulong ako kay Zachariah dahil napansin kong nakakaagaw pansin na kami sa loob ng cafeteria.
"Not unless you try to run." Aniya ng seryoso at nakatingin lang ito sa harap habang naglalakad.
Nababasa ba niya iniisip ko? Creepy.
"I'm not reading your mind, retard."
Bumusangot ang mukha ko at nagpatianod sa hila niya. How come a good looking person like him may tinatagong masamang ugali? Bad boy talaga, tama nga sila.
Binitawan niya ako nang nakalabas na kami sa school, hinihimas ko pa ang pagkakahawak niya sakin sa braso dahil namumula iyon. Tinignan ko siya ng masama pero hindi din niya ito napansin dahil nakatalikod ako.
Nakakainis naman, ano ba ang trip nito? Ang hirap niyang basahin.
"Saan mo ba ako dadalhin ha?" Pumunta ako sa harapan niya at nakita kong may tinawagan ito. Tumingin ito saakin at binaba ang kaniyang cellphone.
"Assistant kita, remember?" May nahimigan akong pang-aasar sa tono ng boses niya.
Napahalukipkip ako at tinignan siya na nakataas ang isang kilay. "Says who?"
Oh my, parang hindi ako 'to ah? Ang hilig ko nang makipagsagutan.
"Since the day you worked for me." Aniya at ngumisi.
Tinignan ko siya ng masama. "Pinilit mo lang ako kahapon, naawa din ako sayo kaya ginawa ko ang trabaho na 'yon." Mahabang paliwanag ko sa harapan niya at dinuro ang dibdib niya.
Totoo naman, naawa lang ako sakaniya kahapon dahil walang tutulong sakaniya. Yes, that's the reason.
"Just shut it, I know you like me." Ngumisi ito bago pa ako makasagot ay hinila niya uli ako, napangiwi ako sa higpit ng hawak niya.
Ipinasok niya ako sa sasakyan at doon kami umupo sa backseat. Napatingin ako sa harapan at nakita ko na may driver ito, nagtataka itong tumingin sa salamin dahil saakin.
"Saan po tayo, sir?" Tanong nito at sinusulyapan ako.
"Alam mo na 'yon," bagot nitong sabi at sumandal.
Tinignan ko ng masama si Zachariah at kinurot ang binti, napangiwi pa ito at tinignan ako ng masama.
"Rumespito ka nga sa nakakatanda," I gritted my teeth st tinignan siya ng masama.
"Sorry po, Manong," pagpasensya ko kahit hindi ako makatingin kay Manong dahil ang tingin ko nakadikit lang sa mukha ni Zachariah na nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Okay lang 'yon hija," narinig ko ang paghalakhak ni Manong at naramdaman ko na umaandar na ang sasakyan.
Nakabusangot ako buong byahe, dahil; una hindi ko alam kung saan kami pupunta at pangalawa bakit ba hindi ako marunong umayaw sa mga tao?
Gusto ko siya ayawan, pero hindi ko alam sa sarili ko pero bakit dumidikit parin ako kay Zachariah. There's something, pero hindi ko ma explain.
Naramdaman kong huminto na ang sasakyan kaya unang lumabas si Zachariah. Napasimangot ako at sumunod sakaniya. Nakalimutan ba niyang may kasama siya?
Pagkalabas ko sa sasakyan ay napatigil ako. Sementeryo? Bakit? Anong gagawin namin dito?
Sumunod ako sa kaniya at tinignan ang kaniyang likod, upang hindi ako mawala. Lumingon lingon pa ako sa paligid at hindi ko mapigilang matakot. Ayoko talaga bumibisita sa sementeryo kapag hindi all souls at all saints day or may okasyon. Dahil kapag walang okasyon ang sementeryo, walang tao kaya nakadagdag ito ng creepy factor.
"Mom, happy birthday."
Napahinto ako nang nakitang tumigil na ito. Mom? Lumuhod ito at hinawakan ang puntod. 'Esmeralda P. Mariano' ang nakaukit nito.
"Sorry ngayon lang ako bumisita, nagiging busy na anak mo." Naririnig ko ang panginginig ng boses nito kaya hindi ko mapigilang lumapit at lumuhod sa tabi niya.
"I love you, Mom. I really do."
Hinimas ko ang likod niya, napakagat ako sa aking labi nang naramdaman kong yinakap niya ako bigla at doon nagsimulang umiyak. Darn, hindi ako marunong nito. Ano ba ang gagawin ko dito?
Tahimik lang kami hanggang sa siya ang unang bumitaw sa pagkayakap. Napaiwas ako ng tingin nang tumitig ito saakin.
"Thank you," aniya at tumingin sa puntod ng Ina niya.
"Mom, I'm really sorry. Namiss lang kita, and about Dad." bumuntong hininga ito at yumuko. "I really don't know if he misses you or what but we still love you."
Hindi ko mapigilang mapatitig kay Zachariah. Siya ba itong kasama ko ngayon? He is not the Zach, I know.
Ngayon ko lang naalala na birthday pala ng Ina niya, dahil sa chat niya kahapon.
Hinimas ko ang likod niya at ngumiti. "I'm sure proud ang mama mo sayo, lalo na sa larong—" napakagat ako sa aking labi nang maalala ko hindi pa pala niya alam na ako si strcasey.
Tumingin ito sakin na nagtataka ang mata nito. "Anong laro?"
Tumayo ako at pinagpagan ang aking tuhod at umiwas ng tingin. "Wala, sabi ko proud siya sayo sa school."
Tumingin muna ito sakin at sinusuri ako. "Alam mo, dalawa lang kayo sinabihan ko nito," lumingon uli ito sa puntod ng ina niya kaya napabuga ako ng hangin. Fudge, muntikan na 'yon.
I want to ask him na sino ang ibig niyang sabihin, but deep down. Kilala ko sino 'yon. It's me, strcasey.
Tumingin ako sakaniya at hindi ko mapigilang mapangiti. Ibang iba siya sa inakala ko, akala ko masama talaga ang ugali niya. I want to hug him tight para gumaan ang pakiramdam niya, pero hindi ko mapigilang maguilty dahil nilalaruan ko lang siya sa Kingdom Quest.
But, right now. I want him to feel better kaya hindi ko muna sasabihin sakaniya.