webnovel

Chapter 4: I need you

Chapter 4

Belle

ILANG MINUTO ang lumipas at nakita ko na si Rhonin na may dala na tray.

Binuksan ko ang pintuan ng office dahil may hawak siya, agad naman niya iyong inilapag sa mini table. May laman ang tray na dalawang platito na may lamang tig-tatlong pineapple tart, Isang iced coffee at bottled water.

"Magtu-tubig ka lang?" tanong ko.

"Yeah, every morning lang ako nagkakape." He said. Naupo na lang ako sa sofa.

"Kain ka na." Sabi niya habang nakangiti sa akin.

Kinuha ko muna yung iced coffee at sumipsip doon ng kaunti. May naalala akong tanungin sa kanya kaya tinanong ko na siya.

"So, you're going to join The Trials?" Ibinaba ko ang iced coffee at sinimulang lantakan ang pineapple tart. Iniabot niya muna sa akin iyong tinidor bago siya nagsalita.

"Yeah. The Jazper guy said earlier that if I pass the The Trials tomorrow, I can get a scholarship from Asterin. Okay na din iyon para walang babayaran sa akin si auntie sa university." Nagsimula na din siyang kumain ng tart na dala niya.

Bilib talaga ako kay Rhonin. Ang matured niya na mag-isip. Breadwinner pa siya ng pamilya. Mas pinili niyang mawalay sa family niya to support them.

Sa lahat ng taong nakilala ko isa siya sa pinakamasipag. Karamihan kasi sa mga kaibigan ko ay anak mayayaman at may sinabi sa buhay. Samantalang siya ay nagawa pang lumuwas sa manila para makapagtrabaho at the same time ay mag-aral habang may sinusuportahan sa probinsya.

"Hindi ko masyado naintindihan yung sinasabi ni Jazper kanina kasi panay ang sama makatingin sa akin nung kasama niya, naiilang ako. Noong marinig ko iyong scholarship ay nabingi na ako sa iba nilang sinabi." he chuckled.

"Can you explain more what is The Trials?" napairap naman ako sa kanya kaya naman tumawa siya.

"Every first week of the year, ginaganap ang The Trials. Since you are new here marami ang magaalok sayo na sumali ng club nila and eventually, kailangan mo sumali. May incentives sa club iyon kapag may napasali sila, like funds and supplies, for example. One week ang The Trials at mags-start iyon bukas." Tumango lang naman siya sa sinabi ko.

"Saang club ka kasali?"

Ibinaba ko muna ang iced coffee ko bago sumagot. "Isa akong member ng Gazette of Asterin. why?"

"Oh, doon na lang kaya ako sumali?" he wiggled his eyebrows habang nakangisi sa akin. Inirapan ko siya.

"Sure, why not? basta ba ay palabasa ka, mahilig kang magsulat and most importantly, ay on-time ka every time na magpatawag ng meeting ang president ay makakapasok ka na." Nanghahamon kong sabi. Humalukipkip ako ng makita kong nag-isip siya.

"Hindi pala ako pwede dyan, may trabaho ako. Maybe I can join basketball club tomorrow." I chuckled.

Biglang bawi?

"Magaling ka naman ba sa basketball?" Napangisi ako sa tanong ko. Binalik din naman niya ang ngisi sa akin.

Actually, gwapo si Rhonin kapag nakangiti, well lagi naman siyang nakangiti. Pero mukha siyang badboy kapag nakangisi. Hindi mo aakalain na hindi siya taga probinsya sa taglay niyang kagwapuhan.

"Not really, sa probinsya namin libangan namin 'yun tuwing hapon. Kaya nakakapaglaro rin ako." Tumango-tango naman lang ako at hindi na nagkomento.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at pagkatapos ay inubos ko na yung iced coffee ko. Si Rhonin naman ay inilabas na ang ginamit naming mga platito at itinapon ko naman ang pinaglagyan ko ng iced coffee sa trash bin na nakita ko sa loob ng office.

Pagkabalik ni Rhonin ay iba na ang suot niyang damit, Uniform na niya ata iyon sa trabaho. Pagkapasok niya ay nginitian naman niya ako at ibinalik ko agad iyon.

Palangiti talaga itong taong 'to.

"Shift mo na?" Hindi ko napigilang itanong.

"Hindi pa naman, aalis na ka na ba?" Tanong niya habang inaayos ang necktie na suot.

Lumapit ako sa kanya at ako na ang nagayos nun. Noong una ay nagalangan pa siya pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya sumuko na rin siya.

"Yeah, Babalik na ako sa university."

"Hatid kita?"

Pagkasabi niya noon ay tumingin ako sa kanya. Our eyes met. Napakalapit ng mga mukha namin sa isa't-isa at sa hindi malamang kadahilanan ay naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Lalo pa yun bumilis ng ngumiti siya sa akin.

Agad naman akong napalayo sa kanya at agad na hinawakan ang buhok ko. Feeling ko ang haba haba ng hair ko.

"Hatid na kita?" Ulit niyang tanong.

"May work ka pa diba? 'Wag na."

"Hindi pa naman start ng shift ko. Pwede kita ihatid sa university, sa arch nga lang." Napatingin naman ako sa kanya ng may maalala ako.

Arch! naghihintay nga pala si Peter sa akin doon!

Agad kong kinuha ang bag ko at humarap sa kanya. "Next time na lang siguro? I forgot, may kikitain pala ako ngayon."

Pasimple akong tumingin sa orasan ko. It's already five thirty. Malamang kanina pa na naghihintay doon si Peter o kanina pa siya umalis?

"Oh, Okay. Hatid na lang kita palabas ng shop? kahit iyon na lang." pangungulit niya pa.

"Okay, sige." Pagsang-ayon ko na lang kasi baka kulitin pa ako.

Lumabas na kami ng office pero hindi ako dinala ni Rhonin sa harap kundi sa back door ng shop.

"Pasensya na dito kita hinatid at hindi sa harap, nandon kasi yung pinsan ko at baka bigyan tayo ng issue." He gave me a shy smile.

"No worries, so alis na ako ah? I'll be watching you tomorrow on The Trials. Pasok ka na." Sabi ko at nagpaalam na sa kanya.

Kinawayan niya naman ako habang papalayo ako. Nilakad ko ang hindi kadiliman na eskinita para makalabas sa likod ng coffee shop.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang parking lot ng coffee shop kaya nilakad ko na hanggang sa stoplight para makatawid papuntang university.

Pagkapasok ng university ay makikita mo na kakaunti na lang ang tao at naglalabasan na ang ibang estudyante. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa arch. Malalim akong napabuntong hininga.

Wala akong naabutang Peter.

Nainip na 'ata at umalis na. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan ang huli niyang mensahe sa akin.

I'm waiting in the arch, Belle.

Pero wala naman siya. Si Peter pa ba?

Hindi totoo na sa aming dalawa ay ako ang mainipin. Kasi kung patagalan lang din naman ang paguusapan ay ako ang mananalo. Marunong ako maghintay, kahit pa na gaano pa katagal yan. Kaya nga hanggang ngayon naghihintay pa din ako na maramdaman at makita yung nararamdaman ko sa kanya. Napailing na lang ako sa naiisip.

Nagdadrama na naman ako.

Tinahak ko ang daan papunta sa dorm ng girls para makapagpahinga na. Nakakenjoy kasi kasama ni Rhonin, hindi siya nauubusan ng kwento. Kahit minsan ay nakokornihan ako sa kanya ay napapangiti na lang ako.

Natural na masayahin siyang tao at parang wala siyang problema sa buhay. Kahit na wala ng ang mama niya ay hindi niya tinalikuran ang mundo kasi alam niyang may pamilya pa siyang bubuhayin.

Pagkapasok sa lobby ay dumiretso ako sa elevator at agad na pinindot ang floor namin.

Nang tumigil sa floor namin ang elevator ay agad kong tinahak ang kwarto namin. Pipihitin ko pa lang ang door knob ng makarinig ako ng ingay sa loob ng kwarto, parang nagsisigawan.

"No! I will stay here!"

"Peter! Sabi ng umalis ka na dito, alam mo naman na bawal ang lalake sa dorm namin!"

Peter?!

"No, I will not go anywhere not until Belle is here."

Hindi na ako nakapagpigil kaya agad kong pinihit ang door knob para buksan ang pintuan. Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin. Ini-lock ko ang pintuan na nasa likod ko.

"Pete? anong ginagawa mo dito? bawal ka dito." Mahinahon kong sabi.

Masama lang na tingin ang ibinigay niya sa akin bago tumayo at hilahin ako palabas ng kwarto namin. Napa-aray ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko bago ako hilahin palabas.

Nakita ko na nakatanga lang sa amin ang tatlo ng makalabas kami. Pagkalabas ay dinala ako ni Peter sa fire exit na matatagpuan lang sa tabi ng kwarto namin.

"Peter, bakit ka ba nandito?"

Pasimple kong inaagaw sa kanya ang braso ko pero tinulak niya ako sa pader dahilan para mapadaing ako ng mahina.

"Who's that guy, Belle? Bakit basta ka na lang sumama sa lalake na 'yon? Paano kung saktan ka 'non?"

Ang lamig ng boses niya. Inaagaw ko pa din ang braso ko sa kanya pero hindi niya yon binibitawan.

Sino siya para husgahan ng ganoon si Rhonin?

"Who are you to judge him? Hindi mo siya kilala." Mariin kong sabi.

"So, kilala mo na siya?"

Napa-aray na ako ng higpitan niya ang kapit niya sa akin ng hindi ako sumagot sa tanong niya. Tila naman natauhan siya at dahan-dahan na binitawan ang braso ko.

Napayuko ako dahil natatakot ako sa pwede kong makita na emosyong nakapaskil sa mukha niya. Ngayon ko lang nakita na ganito si Peter.

"I'm sorry. I just-- Argh!" napatalon ako sa gulat ng bigla na lang niya sinuntok iyong pader na nasa likod ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at natagpuan ko na nakayuko siya sa akin. Ang dilim ng mukha niya.

"Peter, what's happening to you? Why are you like this?" Sa sobrang hina ng boses ko ay naging bulong na lang iyon.

Ibinaba niya ang kamay niya na ginamit niya panuntok sa pader at dahan-dahang bumaba ang mukha niya para ipatong iyon sa balikat ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napakalapit ng mga katawan namin at may kakaibang dating iyon sa sistema ko.

Anong ginagawa mo sakin Peter?

"I don't know, Belle. I need you." Bakas sa boses niya ang lungkot.

Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko para ilapat iyon sa magkabila niyang pisngi at itinaas ko ang nakayuko niyan mukha paharap sa akin.

"Ano ba ang nangyayari, Peter?" Malumanay kong sabi.

Umiling lang siya sa akin dahilan para mainis ako sa kanya. Ganito siya, ganito si Peter. Kapag tatanungin ko kung may problema siya ay iilingan niya lang ako.

Ugali na niya ito, mga bata pa lang kami.

"Peter--"

"I don't know, Belle. I'm confused. I like Dee, but I don't know what I'm feeling anymore. Kanina noong nakita kong may kausap kang ibang lalake at noong nakita ko yung saya sa mukha mo habang kausap siya, natakot ako, Belle. Natakot ako. Nakita ko pa na hinila ka niya sa kitchen ng shop." Umangat ang tingin niya sa akin. Tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata.

"Anong ginawa niyo doon ng lalake na iyon?"

Hindi ako nakasagot dahil naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Anong hindi na niya alam kung gusto niya pa ba si Dee? Natatakot siya? Bakit?

"Answer me, Belle. Sino yung lalaking kasama mo kanina?" Natauhan naman ako sa tanong niya.

"Nakita mo ako kanina na pumasok sa shop?" Tinanggal naman niya iyong mga kamay ko na nakahawak sa mga pisngi niya at hinawakan niya iyon.

"'Wag mo ibalik sa akin yung tanong, Belle. Who's that freaking guy earlier?"

"He's Rhonin, classmate ko. Transferee siya sa Asterin, I served as his student tour guide because Grandad can't find a one for him---" Pinutol naman niya iyong sasabihin ko pa.

"You served as his STG?!" Sigaw naman niya na agad kong binawian.

"Pwede ba? patapusin mo muna ako bago ka sumingit ng mga sasabihin mo? Mukha kang singit, e." Hindi ko napigilan na sabi.

"Watch your mouth, Arabelle."

"Whatever, Peter Theo Pan." He tsked when he heard his full name from my mouth.

"Don't call me that, It's annoying." Inirapan ko lang naman siya.

Binitawan niya na ang mga kamay ko pero nanatili pa din iyong kakaibang tingin niya sa akin.

"As I was saying, kung hindi ka sumisingit. I served as his temporary STG because, Grandad can't find one for him. After that, I insist na ilibre niya ako ng meryenda kasi nagugutom na ako. Pumayag naman siya kasi sinamahan ko naman siya.---"

"Ikaw talaga ang naginsist ng meryenda? Grabe ka, ang takaw mo talaga." Sinamaan ko naman siya ng tingin ng putulin na naman niya iyong sinasabi ko pati na din yung sinabi niya na matakaw ako.

"What? matakaw ka naman talaga." Inirapan ko lang siya.

Hindi talaga matigil ang bibig ng isang ito pagdating sa asaran. Mukhang okay na siya, leche.

"Pwede ba? mamaya ka na mang-asar? mamaya ka na din sumingit? Isa pang putol sa mga sinasabi ko iiwan kita dito." Tinawanan niya lang ako sa mga sinabi ko bago umangat ang mga kamay niya para pisilin ang pisngi ko. Hindi lang isang bahagi ng pisngi ko, kundi dalawa!

Bakit ba ang hilig-hilig nila kurutin ang pisngi ko?!

Alam kong cute ako pero hindi makatarungan na pisilin ang mga cheeks ko!

"Nakapamainitin naman talaga ng ulo mo. Mainipin pa." I flatly looked at him nang panggigilan niya yung pisngi ko.

Agad kong tinanggal iyong mga kamay niya sa pisngi ko na siya namang ikinatawa niya.

Akma na akong aalis ng bigla niya akong hinila pabalik at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

He hugged me.

At dahil sa maliit ako ay nakalapat sa mukha ko ang malapad niyang mga dibdib. Naamoy ko pa ang mabango niyang pabango na high school pa lang ay gamit niya na.

Natural, Isa iyon sa mga pabango na madalas kong i-regalo sa kanya tuwing birthday niya. Naririnig ko naman ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Why are you doing this to me, Belle?" Nahihirapang sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Hindi naman kita inaano diyan."

"Iyon nga, e. Wala ka naman ginagawa pero, pinapahirapan mo ako." Napakunot noo naman ako sa sinasabi niya.

Aalis na sana ako sa pagkakayakap niya pero ibinalik na naman niya iyong mukha ko sa dibdib niya.

"Can we stay this for a while? and please hug me back. I badly need it right now." Mahina niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siya. Itinaas ko na din ang dalawa kong braso na nakalaylay at iniyakap iyon palibot sa bewang niya.

Mukha ngang may problema siya, bukod doon sa nakita niya ako kanina. Hindi ko na lang siya pipilitin na sabihin iyon sa akin at hahayaan ko na siya ang mismong magsabi at mag-open sa akin.

May tamang oras para doon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay binatawan niya rin ako. Agad namang sumilay sa mukha niya iyong ngiti na hindi ko inaasahan. Ayon na naman iyong kiliti sa tiyan ko.

"Thank you for the hug, Belle. It calms me." Ngumiti na siya sa akin. Hinintay ko pa iyong sunod niyang sasabihin pero ilang segundo na ang lumipas pero hindi iyon nasundan kaya sinagot ko siya.

"Sus, gusto mo lang ako manyakin, e." Sabi ko sabay ngisi sa kanya. Siya namang halakhak niya.

"Kahit saang anggulo tignan, Belle. Wala akong mamamanyak sayo." Sabay baba ng tingin niya sa mga dibdib ko.

Agad ko iyong tinakpan at sinipa siya sa tuhod, siya namang aray niya. Namilipit pa siya doon.

"Fuck, Belle! Ang sakit!"

"Dapat lang yan sayo! Bastos!" Sigaw ko sa kanya bago ako lumabas ng Fire exit at dire-diretsong nagtungo sa tapat ng pintuan namin. Nagtaka ako ng nakalock iyon ng subukan kong pihitin para mabuksan.

Kakatok na sana ako ng may humawak sa kamay ko para pigilan iyon. Kinuha ni Peter ang mga kamay ko at ibinuka ang palad ko. May ibinaba siya doon na isang makintab na bagay.

"Ano 'to?" Nakakunot kong noo habang nakatingin sa keychain na inilapag niya sa palad ko.

"Keychain. Hindi ba obvious?" He said sarcastically bago isara ang mga palad ko.

Nakaipit doon ang keychain. Pagkababa ng kamay ko ay iniangat ko iyon para tignan kong ano yung design ng keychain.

"Alam kong nagtatampo ka sakin kasi galing ako ng ibang bansa at wala man lang akong dala sayo. Kaya ayan, noong nakita ko 'yan, ikaw agad ang naalala ko." Malumanay niyang sabi.

Mapa ng Australia.

"Thank you, Ang ganda." Hindi ko napigilang sabi bago mag-angat ng mukha sa kanya para ngitian siya. Nginitian niya lang din ako at mabilis niyan iniangat ang kanang kamay niya bago iyon ilapat sa ibabaw ng ulo ko para lang guluhin ang buhok ko.

"Hey, you! Boys are not allowed here!"

Parehas kaming nagulat sa sigaw at agad akong nataranta. Yung lady guard! Nahuli kami!

"See you tomorrow, Belle. Ihahatid na kita. I promise!" He winked at me before running back to the fire exit.

"Good night, Belle!" Rinig ko pang sigaw niya na siyang nakapagpatawa sa akin.

Sinundan naman siya ng lady guard na tinawanan ko na naman. Napailing na lang ako at kumatok sa pintuan namin. Bahagya akong nagulat ng pagbuksan ako ni Rosè ng pintuan na may nakalagay pang face mask sa mukha. Nakabawi ako kaya napailing na lang ako bago pumasok at isinara ang pintuan.

Naabutan ko naga-ayos na ng hapagkainan si Dawn at nasa kusina naman si Silvia. Dumiretso naman ako sa kama ko para ilagay sa bed side table iyong keychain. Napangiti ako ng makita iyon.

Ang ganda talaga.

Kumuha lang ako ng pantulog na damit bago dumiretso sa banyo para maghalf bath. Pagkatapos maghalf bath ay dumiretso ako sa dining table para kumain na.

Naabutan ko si Dawn na pumapapak ng ulam habang sinasaway siya ni Silvia. Si Rosè naman ay nakatanggal na ang face mask niya. Nang makita ako ay umayos sila ng upo at sabay-sabay na kaming kumain.

Naramdaman ko iyong awkward silence, kaya ibinaba ko ang hawak kong spoon and fork at saka napabuntong hininga muna bago magsalita.

"Pwede na kayong magtanong."

Sabay-sabay silang nagangat sa akin ng tingin. Dumaan pa ang ilang segudong katahimikan bago iyon basagin ni Dawn.

Tsismosa talaga itong isang 'to e.

"Nasaan si Pete---"

Pinutol naman siya ni Silvia. "Let's eat first and we can talk about it later, shall we?" Malumanay na sabi ni Silvia bago nagpatuloy sa pagkain.

Tinawanan ko lang si Dawn ng magreklamo siya sa sinabi ni Silvia. Sinamaan lang siya ng tingin ng isa, kaya nagpatuloy na lang sila sa pagkain. Si Rosè ay napapangiti na lang sa amin.

Mukhang magigisa ako mamaya ah.

Next chapter