webnovel

Huwag Kang Duwag!

Kararating lang nila Issay at Anthon ng Maynila galing ng palawan ng mapanuod nila ang video ng away ng kampo ni Roland at Edmund.

Ito ang pagtatapos ng pagtatanan nila at ngayon ay handa na silang harapin ang lahat.

Ang nakunan na video ay ang mismong sapakan nila kaya hindi mo malalaman ang pinag ugatan nito. Kala nila simpleng away lasing lang pero naging viral ito ng ikuwento ng nag video ang dahilan ng kanilang pagaaway.

Anthon: "Ganyan na ba talaga kadesperadong si Roland para mapansin?"

Issay: "Mukhang nagtagumpay na sya, may pumansin na rin sa kanya! Malamang masaya na yun sikat na sya!"

Nangingiting sabi nito.

Sa sasakyan tinawagan nya si Belen para kamustahin si Edmund.

Belen: "Mabuti naman at umuwi din kayo! Akala ko dun na kayo titira e!"

Nagtatampong sagot nito.

Issay: "Uy Ate, 'wag ka na magtampo. Pangako babawi ako senyo!"

"Kamusta si Edmund?"

Belen: "Hayun, ayaw pa ring lumabas ng silid niya!"

"Hindi ko nga alam kung ano ang iniisip nya ngayon e!"

Issay: "Buti pa dumaan muna kami dyan!"

Kaya nagtungo muna sila sa bahay ni Luis.

Issay: "Uncle Rem, mano po!"

Uncle Rem: "Hmmm .... kamusta ang nagtanan, may bunga na ba?"

Sabay tingin sa tyan ni Issay.

Namula si Issay sa tanong ni Uncle Rem at nangiti naman si Anthon ng makita ang pamumula nito.

Belen: "Haaay naku Uncle talaga! Kararating lang po nila Issay baka tumakbo yan sa kahihiyan sa mga tanong nyo!"

Uncle Rem: "Bakit ba? Anong masama sa tanong ko! E kung kayo nga ni ..."

Hindi na pinatapos ni Belen ang sinasabi ni tiyuhin. Kinuha na nito si Issay.

Belen: "Alam kong gusto mong makausap si Edmund halika na dalhin kita sa silid nya!"

At iniwan na nila ang dalawang lalaki sa sala. Inihatid niya ito sa silid ni Edmund at nagmamadaling bumalik sa sala.

Kinakabahan syang baka maikwento ni Uncle Rem kay Anthon ang panliligaw ni Gene sa kanya. Nakakahiya!"

Issay: "Oy bibi boy, musta na?"

Natutuwa si Edmund ng makita si Issay kahit na naiirita ito sa tawag sa kanya.

Sanay na sya sa ganitong tawag ni Issay sa kanya dahil ganito daw talagang mag lambing ang Ate Isabel nya pag malapit na sa kanya ang isang tao.

Edmund: "Ate Isabel, natutuwa ako at nakabalik ka na! Pasalubong ko!"

Issay: "Nasa bagahe pa po! Sa lunes ko na ibigay sayo!"

"Ikaw ha, kadadating ko lang ang dami kong nadidinig tungkol sa'yo!"

Edmund "Huh?"

Hindi pa alam ni Edmund na nagkalat ang video ng away nila sa internet kaya ipinakita ito ni Issay.

Issay: "Mukhang big boy na si bibiboy ah! Nakikipag sapakan na!"

Napasibangot ito.

Kaya nilapitan sya ni Issay at kinurot sa pisngi.

Issay: "Ang kyut mo! Hahaha!"

"Matagal kaming nagsama ng Papa mo at marami din naman kaming sikretong pinagsaluhan!"

"Kelan ko alam nalaman na anak ka pala ni Jengjeng!"

Edmund: "Kilala mo ang Mama ko Ate?"

Issay: "Kilala ko sya pero hindi personal. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala."

"Minsan, nanood sya ng sayaw namin at itinuro sya sa akin ng Papa mo. Sabi nya: " Gusto ko sya! Gusto ko syang pakasalan!" Kitang kita ko sa mga mata nya ang ningning na hindi ko pa nakita nuon!"

"Hindi ko masasabi kung talagang bakla ang Papa mo dahil kahit sya hindi rin nya alam!"

"May kalandian kasi itong Papa mo at madalas mga lalaki at mga bakla ang type nya. Meron din naman pagkakataon na nagkakagusto sya sa babae pero bihira at aamin kong isa na ko dun!"

"Ito ang sikreto ng Papa mo na matagal na nyang iniingatan at sa akin nya lang sinabi!"

"Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala nya ang Mama mo! Hindi na ito tumitingin sa mga boys at seryosong niligawan si Jeng!"

Ito ang unang pagkakataon na may magkuwento ng tungkol sa panliligaw ng Papa nya sa Mama nya. Tila nawala lahat ng nararamdaman nyang inis nitong mga nakaraang araw.

Marami syang nalaman sa nakaraan ng mga magulang nya na hindi alam ng tiyahin nya.

Ito lang naman ang gusto nyang malaman, kung gaano kamahal ng Papa nya ang Mama nya.

Edmund: "Salamat Ate Isabel!"

******

Samantala...

Nagtatago naman si Roland dahil sa video na kumalat. Hindi nya akalain sya ang lalabas na nakakainis sa nangyayaring iyon.

Maraming naiinis sa kanya ng patulan nya ang mga comments ng mga ito.

Roland: "Bakit totoo namang nakakahiya kayong mga bakla mga salot kayo!"

"Kung maka salot ka dyan akala mo santo sya, e mas salot ka pa nga dyan! Matanda ka na wala ka pang modo!!!"

"Ano ba tingin mo sa amin, lalamya lamya? Halika lumabas ka sa lungga mo, suntukan tayo!!"

"Bakit ka ba galit na galit sa mga bakla? Siguro bakla ka rin at hindi mo matanggap?!"

Kaya hindi ito ngayon maka labas ng bahay sa takot na baka kuyugin sya.

At ng makausap ulit ng media si Garry Perdigoñez, natanong na naman sya tungkol sa sinabi ni Roland.

"Sir, totoo po ba yung kumakalat na bakla ang pinsan nyong si Luis?"

Garry: "Hahahaha!"

"Bakit ba sa tuwing may ginagawang issue si Mr. Roland Ledesma ako tinatanong nyo?"

"Eh, Sir kayo lang po kasi ang mabait na sumasagot!"

Garry: "Ang masasabi ko sa issue na yan ay hindi ko alam! Hindi ko kasi naitanong sa pinsan ko bago sya namatay. Kung totoo man yun wala naman problema dahil mabuting tao ang pinsan ko at marami itong natulungan bago sya namatay! Hindi ba yun naman ang mahalaga yung nagpapakatao ka!"

"Tungkol naman kay Mr. Roland Ledesma, Huwag kang duwag!!"

Next chapter