webnovel

Ikaw!

Anthon: "Anong ginagawa mo sa presinto?"

Nagaalalang tanong nito sa kasintahan.

Issay: "Saka ko na ipapaliwanag!" Kailangan ko munang makausap si Gene!"

Naintindihan ni Anthon na emergency ang dahilan kaya kailangan nya si Gene.

Hindi ugali ni Issay na basta basta na hihingi ng tulong kung hindi talaga kailangang kailangan.

Si Gene, o si Gen. Eugenio Santiago ay ang pangalawang kapatid ni Anthon. Siya ang sumunod sa yapak ng kanilang ama na isang ring sundalo.

Kilala sya ng mga sundalo at kapulisan dahil sa pagiging malupit at strikto nito.

At marami din nakakakilala sa kanyang mamamayan dahil sa magandang rekord nito sa serbisyo na naging dahilan para mabigyan sya ng isa sa pinakamataas na parangal mula sa pangulo ng bansa.

Pagkalipas ng limang minuto nakatanggap si Issay ng video call.

Nang makitang si Gene ang tumatawag agad itong lumapit sa officer-in-charge at iniharap ang cellphone nya.

Nagulat naman ang pulis at agad na sumaludo.

Gene: "Magpaliwanag ka!"

Agad naman isinalaysay ng pulis ang mga nangyari kung bakit nakakulong si Pinyong.

Gene: "Tinanong nyo ba kung bakit siya nanuntok?"

Hindi nakasagot ang kausap.

Hindi nila tinanong si Pinyong dahil wala naman talaga silang planong patagalin ito sa presinto at balak lang nilang bigyan ng warning kung hindi lang sinabi ni Chief na ikulong.

Gene: "Wala na ba kayong ginagawa dyan sa presinto at simpleng suntukan pinapatulan nyo?"

Wala siyang maisagot dahil marami silang nakapending na kaso na mas kailangan ang atensyon at hindi niya magawang idahilan na inutusan lang sila.

Gene: "Tapos hindi nagdemanda yung nagreklamo pero kung tratuhin nyo yung tao daig pa ang nakapatay!"

Naiinip na si Issay sa usapan nila kaya sumingit na sya.

Issay: "Gene kailangan madala agad si Pinyong sa ospital. Nagdudugo ang operasyon nito at nawalan na sya ng malay!"

Nagaalang sabi ni Issay.

Gene: "Ano pang inaantay nyo?!"

Singhal nya sa pulis na kausap.

Gene: "Ilabas nyo na yan at dalhin nyo na agad sa ospital!Responsibilidad nyo yan ngayon!

Kapag may nangyari dyan, sisiguraduhin ko na mananagot kayo! Maliwanag!

At sabihin nyo kay Chief Ramirez na magreport sa akin!"

Nilusob nila si Pinyong sa ospital sakay ng police car para masigurong makakarating ito agad.

Pagdating ng ospital hindi pa rin umalis ang pulis at sinamahan sila. Gusto nyang matiyak na maayos ang lagay nito bago nya iwan. Ayaw nyang mapahiya ulit.

Masama ang loob ni Mang Lito sa pulis pero pinakiusapan sya ni Issay na 'wag ng intindihin ito at hayaan na lang kay Gene ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Pinyong.

Sumunod si Chedeng at si Mayor sa kanila pero naabutan ng trapik ang mga ito kaya hindi kaagad nakarating.

"Paano nakilala ni Issay si Gen. Santiago?"

Tanong ni Mayor Arnold sa asawa habang nasa gitna ng traffic.

Kasama nila si Manang Zhen sa sasakyan.

"Hindi ko alam!"

Sagot ni Cheddeng sa asawa na nagtataka rin.

"Nadinig ko kaninang kausap nya si Anthon at hinanap nya yung Gene."

Sabat ni Manang zhen

Parang nagliwanag ang isip ni Chedeng ng marinig ang sinabi ni Madam Zhen.

"Alam ko na kung sino si Gene!Anak din siya ni Tita Fe!"

Tuwang tuwang bulalas ni Cheddeng na mas lalong ikinagulat ni Mayor Arnold.

'Taga San Roque si General Santiago?'

'Bakit hindi ko ito alam?'

Nang magkamalay si Pinyong napansin nyang nasa ospital na sya. Hiniling nitong makausap si Issay ng solo.

"Bakit Pinyong, may gusto ka bang sabihin?"

Ani Issay gamit ang sign language.

"Nung makita ko ang taong yun nakilala ko sya agad! Hindi ko makakalimutan ang nunal nya sa may kilay!"

Sagot ni Pinyong.

Hindi naintindihan ni Issay kung tungkol saan ang sinasabi ni Pinyong kaya hinayaan lang nya itong magkwento.

Halatang may kinikimkim itong sama ng loob.

"Yung lalaking iyon na kausap ni Madam Zhen ang may gawa nito sa akin!"

Sabay turo sa tenga nya.

"Andun lang ako nakatingin sa mga tinapay, tapos pinaalis niya ako! Pero ng hindi ako umalis sinabi nya sa mga kasama nya na magnanakaw ako at inutusan nyang batuhin ako para umalis!"

Kwento ni Pinyong.

Medyo naglilinaw na kay Issay ang lahat. Ang ikinukwento ni Pinyong ay ang nangyari sa kanya nung bata pa sya, kung paano ito nabingi.

"Tinamaan ang ulo ko ng bato kaya nahilo ako at bumagsak. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nakatulog ako matapos mauntog ang ulo ko sa may upuan na bato.

Nakita ako ni Janice at ng tatay nya sila naguwi sa akin sa bahay."

Kwento pa ni Pinyong.

Naintindihan na ngayon ni Issay kung bakit ganun ang reaksyon ni Pinyong ng makita si Roland.

Mukhang hindi nawala sa isip ni Pinyong ang mukha ni Roland kahit matagal na panahon na ang nakakaraan.

Pero hindi lang iyon ang sinabi ni Pinyong kay Issay, may sinabi pa ito tungkol kay Roland na hindi maalis sa isip nya.

Pagdating ni Anthon sa ospital hinanap nya agad si Issay pero walang nakakaalam kung nasaan ito dahil nagpaalam na magpapahangin pagkatapos nilang magusap ni Pinyong.

Natagpuan niya ito sa lounge ng ospital na nakaupo sa isang bench nagkakape.

Nakapikit ang mga mata ni Issay at malalim ang iniisip tungkol sa huling sinabi ni Pinyong.

Maya maya may naramdaman syang naupo sa tabi nya pero hinayaan nya lang.

Tapos ay naramdaman nyang banayad na hinaplos nito ang pisngi nya.

"Late ka!"

Sambit ni Issay na hindi nagbubukas ng mata dahil alam nyang si Anthon iyon.

Kabisado na nya ang mga kilos at amoy nito at alam nyang malapit lang ang mukha nito sa pisngi niya.

Pero hindi na nya inantay na sumagot si Anthon. Bagkus ay

dumikit ito ng husto at isiniksik ang katawan nya sa harapan ng kasintahan na parang isang batang naghahanap ng akap ng magulang.

Nangiti naman si Anthon sa ginawa ng kasintahan.

"Pasensya ka na, trafik eh!"

Dahilan ni Anthon.

Batid nyang ang tinutukoy ni Issay ay ang date nila.

"Gusto mong kape?"

Sabay abot ng kapeng hawak habang nakahilig sa dibdib ni Anthon dinadama ang init nito.

"Ayoko!"

"Anong gusto mo?"

"Ikaw!"

Sagot ni Anthon

At bigla nitong hinalikan si Issay sa may pisngi habang nakahilig sa kanya at saka inakap ng mahigpit.

Ito ang gusto ni Anthon ang maakap si Issay at ipadama na kaya nya syang protektahan.

Wala na silang pakialam sa mga taong nasa paligid at nagdadaan.

Hindi na rin mahalaga kung saan sila magdate.

Ang tanging nasa isip na lang ay ang bawat sandali na sila'y magkasama.

Next chapter