webnovel

The Stars Above

Author: Ejsong
Realistic
Ongoing · 14.1K Views
  • 2 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Ceddie is new to the Adulting life but she's determined to make it to the top. One day she receives a tragic phone call that changed her life forever. 24 year old Cedrina is now a guardian to two lovely toddlers. Facing grief, parenthood,and adult responsibilities, will Ceddie be able to make it? "twinkle, twinkle little stars" she sings. A/N Be kind. It is a rushed raw unedited work

Chapter 1The Call

Magaling sa trabaho si Ceddie. Mabilis, mahusay, at matiyaga. Di mo aakalaing anim na buwan pa lang sya sa trabaho. Di hamak na mas angat sya kaysa sa mga kasabayan niyang pumasok sa trabaho na kapwa mga fresh grad din. Sa maikling panahon ng kaniyang pagtrabaho sa kompanya ay marami ng magandang nasabi ang mga nasa taas tungkol sa kaniya na walang duda ay naging ugat ng pagkainggit sa kaniya ng mga kasama. Pero kahit kailan hindi naapektohan ng mga mabubuti o masasamang salita ang trabaho ni Ceddie. Maliit pa lang siya itinuro na ng mga magulang nila sa kanilang magkapatid na kahit ano pa man ang sabihin o gawin ng mga tao sa paligid mo ang importante ay gawin mo ng tama ang iyong trabaho at kung kakayanin ay lagpasan mo pa ang mga ekspektasyon basta't manatiling mabait at mapagpakumbaba sa kapwa. "reach for the stars" daw, ang laging bilin ng kanilang ina na pitong taon ng kasama ng mga bituin.

"Reach for the stars" ang motto ni Ceddie, na aminado sya na minsan din ay nakalimutan nya. Pero ngayon, sisiguraduhin niyang maabot niya ang bituin ng mga pangarap nya. Kaya naman kahit hanggang oras ng breaktime ay nakaupo pa rin ang dalaga sa kaniyang pwesto, nagtatrabaho.

"Ceddie," kumatok ang supervisor sa kaniyang cubicle "break time na. Tigil mo muna yan. Baka sabihin ng DOLE di kami sumusunod sa labor laws."

Napangiti ang dalaga ng di pa rin inaalis ang tingin sa monitor "saglit na lang po ito. Tapusin ko lang po at magbbreak na din po ako."

"5 minutes. After 5 minutes tigil na ah."

"Yes, Sir. 10 minutes."

Nanlaki ang mata ng kaninyang supervisor at timawa "hoy bata ka pa. Marami ka pang oras umangat sa trabaho. 5 minutes!"

"Joke lang po, Sir. 5 minutes."

"Siguraduhin mo lang yan!"

" Yes, Sir. In fact... SEND! I'm done!" dahan dahang inunat ni Ceddie ang mga brasong malapit ng mangalay at nginitian ang kaniyang supervisor "nasend ko na po sa inyo yung research and other paperworks na hinihingi niyo kaninang umaga sa email niyo po Sir Diaz. Paki check na lang po after ng break kung okay na po."

Muling nanlaki ang mata ni Sir Diaz "Tapos mo na? Agad agad? Bukas ko pa hinihingi yun ah. Ang bilis naman!"

"Eh sir, nabasa at napag-aralan ko na po kasi dati yung hinihingi niyo kaya madali na lang po sya gawin. Tsaka kinaya naman po eh kaya tinapos ko na po."

"Yan ang gusto ko sayo Ceddie eh. Mabilis ka na tapos sa dami mong alam madali na lang sayo ang trabaho mo."

"Sakto lang po." unti unting naramdaman ni Ceddie ang mga inggit na mata sa paligid niya. "Sige, Sir. Update ninyo na lang po ako after ng break."

"Sabay ka na samin nila Sir Henry at Ni Mam Santos sa baba" Alok ni Sir Diaz habang nakatingin sa palapit na si Mam Santos. "dina Santos?"

Ngumiti na ang babaeng may edad na at niyaya din si Ceddie "Tama. Sabay ka na samin. Snacks tayo. Libre ni Diaz."

Nagasaran ang dalawang matanda habang si Ceddie ay pakiramdam na parang binubutas na sya ng mga masasamang tingin. "Thank you na lang po, mam. Linisin ko po muna yung mga papel sa table ko tsaka may baon po ako."

Nagpasalamat sa langit ang dalaga ng pumayag na ang dalawang boss na hayaan sya sa pangakong sasabay sya sa kanila sa susunod. Ngunit kahit na sya ay tumanggi sa alok sigurado syang hindi maaalis nito ang pagkainis sa kaniya ng mga kasama.

"Reach for the stars" bulong niya habang malungkot na tinitigan ang litrato niya ng kaniyang pamilya. Hindi niya hahayaang maapektohan ng kahit ano ang kaniyang trabaho, Para sa kaniya at Para sa kaniyang Pamilya.

Nang mamatay ang kaniyang ina, naging malaki ang epekto nito sa kaniya. Tumigil ang munda ni Cedrina. Kung hindi dahil sa kaniyang ama at ate Heidi ay baka hindi na muli iikot to. Nagsikap si Ceddie. Di niya hahayaang muling masayang ang mga sakripisyo ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang ate.

Si Ate Heidi ang tumayong ina niya ng mamatay ang kanilang ina. At kahit na ngayon na may anak na rin na sarili ang kaniyang ate, tuloy pa rin ang pagaalaga nito sa kaniya. Handa si Ceddie na suklian ang kabutihan ng ate nung mga panahon na walang wala sya kaya ng ikinasal at nagbubuntis ang kaniyang ate sya naman ang nagastang nanay sa sobrang pag-alaga at pagtulong kay Heidi lalo na't dalawa na ang anak nito.

Napangiti si Ceddie habang iniisip ang ate at ang mga pamangkin. Isa rin sa mga dahilan kung bakit mabilis na tinapos ni Ceddie ang trabaho dahil may plano itong bumisita kina Heidi ngayong weekend. Plano nitong maagang makaalis ng trabaho upang makaiwas sa mabigat na trapiko na dala ng biyernes na uwian. Plano nitong makipaglaro sa mga cute na pamangkin ng mabigyan naman ng oras ang mag-asawa ng sila lang. At syempre nais niyang makipagkwentuhan sa kaniyang ate, makipagtawanan tulad ng dati nilang ginagawa nung mga bata pa sila.

Nangnalinis na ni Ceddie ang kanyang lamesa, nagtungo sya sa pantry para dun kainan ang ibinaon na sandwich at juice ngunit di pa sya nakakaabot ng pantry ng tumunog ang kaniyang cellphone. Dali dali syang bumalik sa kaniyang lamesa at sinagot ang tawag.

"Hello, This is Cedrina Guevarra. Sino po ito?" maligayang sinagot ni Cedrina ang tawag.

"Ms. Guevarra, tumatawag po ako mula sa Evergreen General Hospital" ng marinig ito ni Ceddie agad itong kinabahan "kayo po ba ang kapatid ni Mrs. Adelheid Hernandez?"

Lalong nanlambot ang mga binti ni Ceddie "Opo. Ako ang little sister niya. Bakit? Anong nangyari? May masama bang nangyari sa ate ko?"

"mam, nagkaroon po ng malaking aksidente sa South expressway. Nasa malubhang kalagayan po ngayon si Mrs. Hernandez. "

Nanghina si Ceddie. Pakiramdam niya biglang hinigop ang lahat ng kaniyang lakas, ang kaniyang hangin. Ngunit pinilit niyang mag-isip. Pinilit niyang huminahon. Pinilit niyang huminga.

"mam, nandyan pa po ba kayo?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Yes. Yes, nandito pa ako." dali daling sagot ni Ceddie "ang ate ko. Anong nangyari sa ate ko?"

"tulad po ng sabi ko po, mam, nasa malubhang kalagayan po sya, marami pong naapektohan ng aksidente at sa ngayon po ay tinitignan pa po sya ng mga doktor..."

"yung mga bata?" putol ni ceddie. Inisip ni Ceddie kung maari bang kasama na niya ang mga bata, kung nasundo na sila mula sa daycare "may mga bata ba?"

"mam, sa huling check po namin wala pong kasamang mga bata. Ang tanging kasama lang po niya ay ang asawa niyang si Christian Hernandez na nasa parehong kalagayan din po."

Pinilit ni Ceddie na paganahin ang utak, ang kumalma. Hindi pa kasama ang mga bata. Maaring nasa daycare pa ang mga ito.

" mam, sinusuggest po naming magtungo po kayo agad dito sa Hospital."

"Sige. Sige. Uhm. Papunta na ko. And please. Do everything you can for them. Please" pagmamakaawa ni Ceddie.

"Yes, mam. Pagdating niyo po dito deretso lang po kayo sa reception. Thank you po."

"Thank you din."

Dahan dahang binaba ni Ceddie ang telepono mula sa kaniyang tenga. Di niya namalayang nakaupo na siya, Nakatitig sa lamesa.

"Cedrina, ayos ka lang ba? Mukhang importantebang tawag yun ah." tapik sa kaniya ng naguusisang katrabaho sa kabilang cubicle. Napatingin na din ang ibang malapit na nakarinig, humihiling na malaman ang istorya.

Ng siya'y natapik, bumalik sa ulirat si Ceddie. Lalong bumilis ang kaniyang paghinga. Parang lumakas ang mga ingay sa paligid niya, nakakahilo, nakakasuka. Parang lahat ay mali. "ang ate ko... Oh my God ang ate ko!"

Nagulat ang kaniyang kasama ng makitang ang palaging kalmadong katabi ay tila ba nakakita ng halimaw. "Ceddie! Okay ka lang ba? Ceddie?"

Napakapit sa kaniyang dibdib si Ceddie, tila ba nagiinda ng napakalalang sakit sa puso. Tila ba kahit gaano kabilis o kalalim sya huminga ito ay kulang.

Lalong kinabahan ang mga kasama niya, mukhang lumalala ang nangyayari kay Ceddie. Lalo silang naintriga sa tawag na di nila narinig.

Masakit. Sobrang sakit. Napakagulo ng isipan ni Ceddie ngunit pinilit niyang kumalma, pinilit niyang gumalaw. Hindi sya maaring bumalik sa dating sya.

Unti unting lumapit ang mga katrabaho niya sa kaniya, kalahating nag-aalala, kalahating kumukuha lamang ng chismis na maaring ipamahagi sa susunod na breaktime. Bago muling tapikin ng katabi si Ceddie, nagulat ito at ang iba pang nasa paligid ng biglang tumayo ang babaeng mukhang kanina ay inaatake sa puso. Wala na ang takot at kaba sa mga mata, ang natitira na lang ay ang determinasyon at ang pagkaseryoso nito. "Excuse me. I need to go." Dali daling pinulot ni Cedrina ang kaniyang mga gamit at nilagay sa kaniyang bag at umalis sa kaniyang cubicle ng di man lang tumitingin sa mga katrabaho na uhaw na uhaw para sa mga sagot. Di rin naman magawang pigilan ng mga kasama ang babae dahil tila ba isang malaking pagkakamaling pigilan at sayangin pa ang oras ng taong mukhang may matinding misyon na pinagdadaanan.

Kalmado na si Cedrina. Kahit papano mas kalmado na ang isip ni Cedrina kahit na nandyan pa rin ang unting lambot sa mga tuhod at ang mabilis na tibok na puso. Nagawa pa ni Cedrina na daanan sa cafeteria ang kaniyang mga supervisor upang magpaalam na umalis sa dahilan ng "family emergency". Agad din namang pinagbigyan ng mga boss ang empleyado sapagkat maaga na din naman niyang natapos ang kaniyang trabaho at dahik na din sa ramdam nila kung gaano kaseryoso ang sitwasyon.

Sumakay sa taxi si Ceddie, Pinagmamadali ang driver. Nilabas ni Ceddie ang kaniyang cellphone at may tinawagan: "Pa, pwedeng pasundo po muna ng mga bata sa daycare para kina ate. Ikaw na po muna maguwi sa mga bata sa bahay nila ate, nandun naman din po si Ate Daisy para tumulong." kalmadong bilin niya sa ama.

"okay lang naman, nak. Pero bakit? Di ba masundo nila ate mo o ni Christian?"

"Pa, kasi sila Ate eh..."

"anong meron kina ate mo?"

"Pa, sila Ate..." di na mapigilan ni Ceddie ang kaniyang emosyon hanggang siya'y mapaiyak na lang sa kaniyang inuupuan.

You May Also Like