POWER BABES
Amethyst: Sino na namang nagpalit ng group name ha?
Jazz: Si Venus WAHAHAHAHA
Ellie: Nakakatawa 'yon, Jazz?
Jazz: Oo WAHAHAHGAGAHA
Ellie: Hoy anong gaga? Minura kita ha? Minura kita?
Jazz: Typo lang 'yan WAHAHAHAHA
Seen by Selene, Ryu and Gray
7:45 PM
Ratio: Hoy! Kadiri 'yung group name. Palitan n'yo
Venus: Ayoko nga
Seen by Ratio, 7:47 PM
Ratio: Loko hahaha
Ratio: Power Babes tapos may mga lalaki dito
Venus: Ano naman? Mukha naman kayong mga bading eh
Seen by everyone, 7:50 PM
Venus: Oh nagsilabasan ang mga tsismosa
Jhett: Ako, bading
Selene: Bading daw
Selene: Crush mo nga si ano eh, pano ka naging bading ha
Jhett: Sus selos ka lang eh
Selene: Baliw bat naman ako magseselos eh ampangit mo kaya
Seen by everyone, 7:54 PM
Ellie: Wala ka pala, Jhett eh
Ryu: Aray talo
Cosmos: Okay lang yan brad.
Jazz: WAHAHAHAHAH KAWAWA
Jhett: Anong pangit? Sinong pangit ha?
Selene: Ulitin ko pa? Baka di mo nakita chat ko kanina
Jhett: Di ako pangit no
Jhett: Maganda ako
7:57 PM
Venus: Mas maganda ako sa 'yo teh
Jhett: Mas maganda ako no
Jhett: Di ako papatalo
Selene: Di wag
Seen by Alliyah, Jhett and 7 more
Alliyah: Pagpasensyahan mo na si Selene HQHAHAHA
Alliyah: Baka may mens kaya ganyan yan
Jhett: Yuck sa 'kin mo pa sinabi
Alliyah: Bakit? Bading ka diba HAHAHQHAHA
Seen by Amethyst, 8:03 PM
Amethyst: OMG bakla ka sis?
Jhett: Sis, oo
Alliyah: Baliw ka, Jhett baka maniwala yang si Amethyst
Amethyst: Ay sis bading ka talaga? omg akala ko lalaki ka sayang
Alliyah: Told yah
Seen by Jhett, Amethyst and 2 more
8:06 PM
Venus: Asan na yung iba? Tulog na?
Alliyah: Oo yata
Alliyah: Aga naman magsitulog ng mga yon
Venus: Eh baliw ka ba, may pasok bukas malamang matutulog sila ng maaga
Alliyah: Ayoko pa matulog eh
Alliyah: Maglalaro pa ako ng ml
Venus: Baliw
Venus: Maglalaro ka kung kailan alas otso na
Alliyah: Keri yan
Alliyah: Oh sige na maglalaro pa ko bye na
Seen by Venus, 8:12 PM