Gusto niyang isuka ang lahat ng malapot na likidong ibinuhos sapagkat sadyang nakakadiri ang lasa nitong mapait at nangangasim, pero hindi niya ito magawa dahil sa sitwasyon niya. Wala siyang magawa kung hindi ang pigilan ang sarili na lunukin ito, kung kaya't nag-uumapaw ang laman sa kaniyang bibig.
Nagalit ang matanda sa inasal niya, saksi si Lily kung paano napawi ang ngiti sa labi nito nang ayawan niya ang pilit na pinapainom. Sa inis nito ay malakas siyang hinampas matanda sa sikmura; napaigik naman siya't napaubo sa sakit. Doon ay hindi na siya nakapigil pa't nalunok niya ang laman na ibinubuhos ng matanda.
Gumuhit sa lalamunan niya ang pait nito nanatili ang lansa, gusto niyang masuka sa pinapainom sa kaniya pero hindi niya magawa dahil sa hirap din siya sa paghinga. Tinulak-tulak niya ang laman palabas gamit ang sariling dila ngunit may nakakaligtaan talaga siya't nalulunok upang makahinga lang.
Lumipas ang iilang segundo ay natapos na rin ang mala-impyerno niyang kalbaryo. Hinihingal man ay laking-pasasalamat niya nang makahinga na siya ng maayos. Sa puntong 'yun ay puno ng poot ang kaniyang kalooban at tahimik na isinumpa't minura ang matanda sa kabaliwan nito. Humihikbi pa rin siya't awang-awa na sa sarili dahil wala talaga siyang kalaban-laban.
Sa paningin naman ni Manang Esencya ay napakaganda ng babae; duguan ang pisngi nito at may mangilan-ngilan pang laman na nagkalat. Sa kabila ng nasayang na pinainom niya sa babae ay nakuntento naman siya dahil sa kalahati rin ang nainom ito. Hinayaan niya muna ito na nauubo sa kinahihigaan, batid niyang sukang-suka na ang babae dahil sa lasa ng pinainom niya, pero lubos naman siyang sumasalungat dahil ang pinaghalong dugo, tinadtad na puso at utak ng tao, at iilang tuyong dahon ng pananim ay masarap at sadyang mapalad ang taong makakainom nito.
"Hindi ko alam kung bakit nasasamaan kayo sa lasa niyan. Hayaan mo, lilipas din 'yan." Komento niya at muling ibinalik ang busal ng babae.
Binalikan ni Manang Esencya ang lapag at doon pinulot ang duguang kutsilyo. Pinahid naman niya ito sa naitabing basahan at inalis ang dugong kumakapit, saka muling dinaluhan ang babaeng umiiyak sa lapag. Gamit ang kutsilyo ay pinunit niya ang pantalon ng babae, mula sa hita pababa sa dulo nito nito ay dahan-dahan niyang pinilas ang tela hanggang sa tumambad sa kaniyang paningin ang hita at binti ng babae. Hinubad din niya ang sapatos nito at gano'n na rin ang nakapaloob na medyas, pati panloob ng babae na panty ay hindi nakaligtas at pinunit niya paalis.
Hindi maipaliwanag ni Lily ang pinaghalong takot at hiya sa puntong 'yun. Nakatambad na ang hubad niyang katawan at nanindig ang balahibo niya dahil dito. Napasigaw na lang siya nang simulan na namang punitin ng matandang babae ang pang-itaas niyang damit, pero wala itong silbi sapagkat may busal siya sa bibig at wala ring pakialam ang matanda na tinatastas ang damit niyang napakarumi. Hindi nagtagal ay matagumpay nitong napunit ang damit niya at pati bra niya ay inalis din nito.
Hubo't hubad, napapikit na lang si Lily habang nagdurusa sa sariling sitwasyon; isipan niya'y takot na takot, nalalasahan pa rin niya ang malansang likidong pinainom at gusto niyang masuka, hiyang-hiya pa siya't parang mababaliw na siya sa nangyayari. Hindi niya lubos maisip na sobra na itong paghihirap na dinanas niya; sobra na ito bilang kaparusahan sa mga pagkakamaling nagawa niya noon. Para sa kaniya'y hindi ito makatarungan, naisip niyang sana ay panaginip na lang ito at desperadang-desperada na talaga siyang magising.
Ngunit, nagulat na lamang siya nang bigla siyang tinulak ng matanda. Huli na nang namalayan niya ito at diretso siyang gumulong at nahulog paalis ng lapag na kinahihigaan. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan na lang niya na nasa lupa na siya't ramdam niya ang alikabok at mumunting mga bato na nilapatan ng kaniyang balat. Dumadaing siya sa pananakit ng sariling tagiliran at ulo na nahampas sa matigas na lupa, namimilipit siya sa sakit habang nakatali pa rin at nakakalungkot na wala man lang siyang magawa upang ibsan ito. At kahit na dinadaing pa niya ang sakit ay walang pasabi ang matanda at agad siyang hinila at kinaladkad sa magaspang na lupa.
Ngunit, ilang segundo ang nakalipas ay biglang tumigil ito, "Marcos? Halika, tulungan mo 'kong hilain ito patungo ro'n sa tunay na kinalalagyan niya." Tawag ni Manang Esensya sa binata.
Ramdam ni Lily ang hapdi sa kaniyang hita matapos magasgas ang balat niya nang kaladkarin siya ng matanda, habang nakabulagta sa lupa ay dama niyang nangibabaw talaga ito kaysa sa hapding dinulot ng nakapulupot na lubid sa braso't bewang, at magkabilang binti niya. At kalaunan ay muling nagpatuloy ang kalbaryong dinanas niya, kinaladkad siyang muli at kumpara kanina'y mas lalong mahapdi at masakit ito dahil sa lakas at bilis ng pagkakahila sa kaniya ng matanda at binatang nagngangalang Marcos.
Nagpumiglas siya ng todo upang manlaban sa pwersa ng kumakaladkad sa kaniya at ibsan na rin ang hapding nadarama, ngunit, wala pa rin itong silbi. Tuloy-tuloy lang ang hila ng dalawa at lantarang inilabas ang katawan niyang hubad sa pinagmulang bahay. Sigaw siya nang sigaw kahit na puro impit na ungol lang ito, pero wala talagang magandang dinulot, sa halip ay mas lalong namaos ang kaniyang boses at nanuyo ang kaniyang lalamunan.
Lubos naman siyang nagimbal nang makitang maraming tao ang nanonood sa kaniya habang siya ay kinakaladkad sa mabatong lupa, sa ilalim ng mainit na araw; aliw na aliw ang mga tao at mababakas sa kaniya-kaniyang mukha ang ngiti animo'y nakakatuwa talagang tignan ang pagdurusa niya. Kahit hindi siya maririnig nito at hindi rin siya makakabigkas ng maayos ay pilit niyang sinisigaw at binubulyaw sa kanila na sila'y nababaliw na at tinakasan na ng sarili, minura niya ito nang paulit-ulit at isinumpang mabubulok ang kaluluwa nila sa impyerno.
Labis na nanhahapdi ang puwet niya sa pagkaka-kaladkad, kung kaya't todo puwersa naman siya sa sarili na gumulong at dumapa naman upang takpan ang pagkakababae niya't matigil din ang pagkapunit ng balat niya. At namalayan na lang niya na dumaan sila sa gitna ng dalawang nakatayong poste ng troso bago siya itinapon sa malalim na hukay sa lupa. Muli ay napadaing siya sa sakit at naiyak sa pagkakabagsak, mag-isa na lang siyang nakabulagta sa magaspang ngunit naiibang uri ng lupa at hindi na halos makagalaw. Walang-wala na talaga siya, mahirap man ay sa puntong 'yun nasabi niyang wala na siyang pag-asa pa, na siya'y sumusuko na.