webnovel

Happy Birthday

Ayradel's Side

Today, is October 21.

I should be happy, pero hindi ko magawa dahil unang bukas pa lang ng mata ko ay ang bigat na sa pakiramdam.

Bumaba na ako at tumambad sa sala ang malakas na tunog ng video oke na nirentahan ni Papa, pati na rin ang malakas na pagkanta nina Lui at Ella.

Agad akong napatakip sa tenga.

''ELLA, HUWAG KA NA KUMANTA. SI LUI NA LANG!'' Humalakhak ako pero walang pakialam si Ella at nagpatuloy lang sa pagkanta.

Dumiretso ako sa kusina at nakitang nagluluto na ng handa sina Mama at Papa. Nginitian nila ako at hinalikan. Nagtungo ako sa lamesa at nakahain na doon ang spaghetti, shanghai, at kung anu-ano pang tipikal na pagkain.

''Happy birthday, ate.'' Pagbati nila.

Ganito lang ang birthday celebration na nirequest ko. Walang masyadong magagarbo, basta masaya at salo-salo sa pagkain, okay na ako, kahit lima lang kami.

''Thank you po!''

''Yung mga regalo namin sa'yo, nandon sa sala,'' ani Papa.

''At saka oo nga pala,'' dugtong ni Mama habang naghahalo ng kung ano. ''May mga bisita pang darating para makicelebrate sa iyo.''

''Sino po?''

''Secret, pero kilala mo at matutuwa ka.''

Biglang kumalabog ang puso ko sa sinagot ni Mama. Hindi kaya si Richard? Pupunta kaya siya ngayon?

Alam niya kayang birthday ko?

May halong sakit ang bawat tibok ng puso ko.

Hindi ako kumakanta kung kaya naman, hinayaan ko na lang ang dalawang babaitang kainin yung dalawang microphone. Naging busy ako sa pagbubukas ng apat na regalo.

Una kong binuksan ay 'yong kay Mama. Inexpect ko na ito, isang Science book na advance, at makakatulong sa pagaaral ko next year, kapag college na ako.

Kay Papa naman, stufftoy muli, pero this time ay Tinkerbel naman. Napangiti ako.

Make-up kit ang laman ng regalo ni bestyㅡ dahil siguro gusto na niyang magmake up ako.

Nang buksan ko ang regalo ni Ella ay natigilan ako...

Isang fiction book, na siya mismo ang may-akda. Unang basa ko pa lang ay nagkakutob na ako sa nilalaman nito. Binasa ko ang title ng story.

I Love You Seatmate

Pagkatapos ay Ayradel at Richard rin ang pangalan ng mga bida. Nalaman ko dahil sa summary na nasa likod.

''Don't worry happy ending yan,'' Napatalon ako sa gulat nang magsalita sa mic si Ella. ''Hindi ko binaboy love story niyo ni Richard ah? Matutuwa ka diyan. HIHI.''

Saka ako ngumiti ng matamis, samantalang nagpatuloy lang sila sa pagsasaya.

Happy ending. Sana ganoon rin ang totoong mangyari sa amin ni Richard.

Iniakyat kong lahat sa kwarto ang mga regalo nila. Bago pa man ako makababang muli ay nakarinig agad ako ng ingay mula kay Ella at Besty na para bang kinikilig sila. Nasa hagdanan ako nang may marinig akong ibang tinig.

Tinig ng isang lalaki...

''Good Afternoon po.''

Agad na kumalabog ang dibdib ko at halos talunin ko na yata ang hagdanan para makita kung sino iyon.

''Oh, oh. Huwag masiyadong excited.'' Pangaasar ni Mama at nauna na siyang lumabas doon sa sala dala ang mga pagkain.

Inihanda ko muna ang sarili ko bago ako sumunod. Nakatalikod ang lalaki mula sa direksyon ko at parang nais nang magbunyi ng puso ko sa saya.

''Riㅡ'' bago pa man ako makapagsalita ay humarap na ito.

''Ayra...'' na sinabayan niya ng ngiti.

Nalaglag ang balikat ko at napatingin ako sa likuran niya kung saan nagkabeso beso sina Mama at Tita Vivian.

''J-jayvee...''

Nawala ang napakalaki kong ngiti. Sobra akong nahiya, dahil parang nahimigan ni Jayvee ang pagkadismaya sa boses ko. Kahit ganoon ay pinilit niya pa ring ngumiti at lumapit sa akin, dala ang isang boquet ng roses.

''Happy birthday!'' Aniya.

''T-thank you,'' yumuko ako at sabay na kaming nagtungo papunta sa mga magulang namin.

Hindi malaki ang bahay namin. Isa lang itong tipikal na apartment, pero sapat na ang mesa namin sa sala para sa pitong katao. Nakahanay na nga sa table ang mga pagkain, pagkatapos nasa gitna iyong cake.

Katulad ng mga tipikal na birthdaysㅡ birthday songs, blowing and cutting cakes, tapos kainan na.

Kahit humahalakhak ako ay talagang may kulang sa pagiging masaya ko.

Pasulyap sulyap ang pagbisitang ginagawa ko sa phone ko, baka sakaling maisipan niyang magreply kung nasaan man siya.

5pm na, pero wala pa rin.

Naagaw ang atensiyon ko nang kumanta na si Jayvee. Nakaramdam ako ng kirot dahil si Richard ang palagi kong naaalala. Lalo pa't magkahawig sila at pareho pang kumakanta. Ang mga boses nila ay halos magkalapit din.

''Matagal ko nang itinatago

Mga ngiti sa munti kong puso

Batid kong alam mo nang umiibig sa iyo''

Bahagya siyang tumingin sa direksyon ko kaya naman agad akong napayuko.

''Bakit di mo pansin itong aking pagtingin

Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin,''

Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko sa akin siya nakatingin. Nadako ang paningin ko kay Mama at naiinis ako dahil sa ngiti nitong makahulugan.

''Kung ako ba siya,

mapapansin mo?

Kung ako ba siya,

mamahalin mo?''

Mama's so unfair. Interesado siya noon kay Richard, tapos bigla na lang hindiㅡ nalaman lang niya na si JV ay anak ng bestfriend niya, dito na niya ako itutulak.

''Huwag namang masiyadong halata, anak,'' humalakhak sina Tita Vivian at Mama na sinabayan nila ng palakpak. Samantalang nakisabay naman sina besty at Ella sa pagpalakpak, pero alam kong alam nila ang iniisip ko.

''Nasaan ba si Richard?'' Palihim na bulong ni besty.

Umiling iling lang ako, at halos hangin nang sambitin ko ang 'hindi ko alam'.

Lumipas pa ang mga oras at nagpaalam na sina Jayvee at Tita Vivian na uuwi. Nanatili lang sa bahay sina Lui at Ella, samantalang umakyat naman ako sa kwarto para mapag-isa.

I opened my facebook, at agad na chineck ang messages ko kay Richard. Agad na tumalbog ang dibdib ko nang makitang 1 hour ago active siya, pero ni hindi niya man lang sineen ang mga chats ko.

I typed: Fine. You don't want to talk to me?

Hindi ko na alam. Namimiss ko siya pero mas nangingibabaw ang pagkainis ko dahil hindi niya ako kinakausap.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako't, isang beep ng mensahe ang nakapagpagising sa akin.

I read the message, at galing iyon kay Jayvee.

Jayvee

Ayra, punta ka sa Mini Store malapit sa Park ng Buenavista. Nandito ako, may nakalimutan akong sabihin sa 'yo.

Kumunot ang noo ko, saka nagreply.

Ayra

Tungkol saan?

Ngunit hindi na siya sumagot pa. Minabuti ko na lang bumangon para pumunta sa pinakamalapit na park. Agad namang pumayag si Mama na lumabas ako kahit 7pm na, nang malaman niyang si Jayvee ang nagtext.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nasa daan ako papunta. Parang sobrang seryoso ng sasabihin niya't kailangang personal pa.

Nang marating ko ang parke ay agad akong nagtungo sa likuran ng Mini Store. May spot kasi doon na private ang dating, at pwedeng pagtambayan ng hanggang limang tao lang.

Hindi pa man ako nakakalapit ay nakarinig na ako ng munting mga tinig na tila ba nagtatalo.

''Sinungaling ka!''

Punong-puno ng sakit at luha ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Binagalan ko ang paglakad, at bahagyang sumilip para makita kung sino ang mga taong nandoonㅡ at halos malaglag ang panga ko nang makita si Jae Anne,

at Jayvee.

Humahagulgol si Jae Anne, habang nakahawak naman si Jayvee sa dalawang braso niya na para bang pinipigilan niya ito na hampasin siya.

''Totoo ang mga sinabi ko sa'yo noon,'' sagot ni Jayvee. ''Mahal kita, at gusto kitang protektahan laban kay Richard Leeㅡ''

Kumawala ang braso ni Jae Anne saka niya sinampal ang pisngi ni Jayvee. Lumagutok iyon at hindi na makaimik pa si Jv.

''Pagkatapos ano? Ha? Sa kakaprotekta mo sa akin na huwag akong pakialamanan ni Richard Lee, ANO?! NAHULOG KA KAY AYRA?!''

Napatakip ako sa aking bibig.

''PUTANGINA NAMAN, JAYVEE!'' Punung-puno ng galit ang sigaw ni Jae, at pakiramdam ko tumagos iyon sa puso ko. ''I am your girlfriend for 2 fucking years pero kahit kailan hindi mo ako ipinakilala bilang girlfriend mo! NAGHINTAY AKO! Ang sabi mo, magpapanggap ka lang na may gusto ka kay Ayra para si Ayra ang lapitan ni Richard Lee at para hindi niya ako guluhin, PERO ANONG GINAWA MO?!''

Nagsimulang kumawala ang mga luha sa mga mata ko nang muli na namang hampa-hampasin ni Jae Ann si Jayvee sa dibdib. Hanggang sa mapaluhod na lang ito kakaiyak.

Bawat hagulgol niya ay sumasaksak sa puso ko. Hindi ko close si Jae Anne, at hindi ko alam na may ganitong klase ng kasalanan ako sa kanya.

Naalala ko tuloy 'yong ginawa niyang pagsigaw sa akin sa Science Garden. Mukha siyang galit na galit, at tingin ko ito na ang dahilan kung bakit.

Hindi ko rin maunawaan ang lahat ng naririnig ko pa.

''Totoo iyon,'' umupo si JV upang pantayan si Jae Anne. Hinawakan niya ang mukha nito para matitigan sa mata. ''Ginamit ko lang si Ayra para mailigtas ka mula kay Richard Lee. Inaagaw ni Richard ang lahat ng meron ako, at ayokong maagaw ka niya sa akin. Ayokong mangyari rin sayo ang lahat ng ginawa nila Jully kay Ayra,''

Kaya nagpanggap kang may gusto ka sa akin? Para ako ang gumulo ang buhay? Ako ang patuloy na saktan nila Jully?

Nalaglag na lamang ang panga ko. Sumakit ang tibok ng puso ko dahil natatandaan kong ganyan din ang sinabi sa akin ni Jayvee noong sinabi niyang gusto niya ako, na gusto niya akong protektahan mula kay Richard Lee.

Mula sa pagkakayuko ay umangat ng tingin si Jae Anne, at agad na nanlamig ang katawan ko nang dumako sa akin ang titig niya. Mas lalo akong nataranta nang lingunin din ako ni Jayvee.

Nagbukas sara ang bibig ko at isang salita ang siyang nabulalas ko. ''Sorry,''

saka ako tumakbo palayo...

Hindi ko na alam kung saan ako nakarating, pero pakiramdam ko ay nasa dulo lamang ako nitong parke. Lumingon ako at binagalan ang paglalakad nang makumpirma kong wala namang nakasunod sa akin. Masyado na rin namang maraming tao, at madilim pa.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Naglalakad ako ngayon sa damuhan at dinadama na lamang ang lamig ng hangin. Nang maalala ko ang mga sinabi ni Jayvee ay natawa ako ng sarkastiko.

''Ginamit ko lang si Ayra para mailigtas ka mula kay Richard Lee. Inaagaw ni Richard ang lahat ng meron ako, at ayokong maagaw ka niya sa akin.''

''Talagang tinext niya pa ako para ipamukha sa akin lahat 'yon.'' Bulong ko sa sarili ko.

Namalayan ko na lang na may lumandas na luha sa mga mata ko. Hindi ako nasasaktan dahil may gusto pa rin ako kay Jayvee. Nasasaktan ako dahil sa insultong sumampal sa akin.

Itinuring ko siyang matalik na kaibigan, at higit pa r'on ay ilang taong ding natutok ko sa kanya ang atensyon koㅡ pero hindi ko alam na gan'on na lang pala ako para sa kanyaㅡ parang bagay na gagamitin niya para pamprotekta sa pagmamayari niya talaga. Isang shield na okay lang sa kanyang matamaan ng bala.

Hindi ako makapaniwalang naloko niya ako sa mga matatamis niyang salita noon.

Tumawa ulit ako, ngunit may luha pa ring lumalandas sa mga mata ko.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Tiningala ko ang buwan, at namangha ako sa ganda nito. Napangiti ako dahil sa gaan ng pakiramdam na dulot nito. Bumaba muli ang tingin ko sa lupa, hanggang sa hindi kalayuan ay may nahagip ang paningin ko na paa.

Umangat ang tingin ko mula sa paa, papunta sa mukha ng mayari nito...

saka labis na dumagundong ang buong sistema ko nang makita kong muli ang mukha niya.

Parang bumagal ang lahat...

...ang tibok ng puso ko,

...ang paligid.

Madilim pero alam na alam kong siya ito.

Agad akong kumurap, at sa isang iglap ay muli na namang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.

Namiss ko ang mukha niya, ang labi niya, ang ilong niya, lalo na ang mga mata niyang ako lang ang tinitignan. Nakasuot siya ng itim na tuxedong nagpapakita ng estado niya sa buhay. Gusto ko siyang yakapin pero nangingibabaw sa akin ang pagkainis.

I sniff, para pigilan ang pagiyak, habang titig na titig lang siya sa akin.

''Anong ginagawa mo dito?'' Gusto kong pumikit dahil sa wakas ay narinig ko ulit ang boses niya. ''Gabing-gabi na, at malamig. Gusto mo bang magkasakit?''

Kung makapagsalita siya ay parang hindi siya nawala ng halos isang linggo. Ilang araw na walang paramdam? Kung makapagsalita siya parang siya pa ang galit.

''Anong pakialam mo?'' Mahihimigan sa tinig ko ang galit, pagkainisㅡ at pagkamiss. ''Ano ngayon kung magkasakit ako? May pakialam ka ba? Ayaw mo nga akong kausapin diba?!''

Tinalikuran ko siya.

Hindi ko alam kung bakit parang bata akong umiiyak. Pinunasan ko ang pisngi ko habang naglalakad palayo.

Nakayakap ako sa braso ko dahil sa lamig, nang maramdaman kong may telang lumapat sa balikat koㅡ kasabay ang pagyakap ng kung sino mula sa likod.

Natigilan ako at muli na namang napaiyak na parang bata. Ninamnam ko ang paghigpit ng yakap niya, pati na rin ang mukha niya sa gilid ng aking tenga.

''May pakialam ako, okay? Kasi mahal na mahal kita,'' aniya at bahagyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko habang nakayakap pa rin sa akin. ''Sino na naman ang nagpaiyak sa Baichi ko, hmm?''

Niluwagan niya ang yakap at iniharap ako sa kanya. Hinaplos niya ang ulo ko, at tinitigan ako sa mata. Ngumisi siya at niyakap muli ako.

I sniff, at pakiramdam ko sobrang pabebe ko kaya siya natatawa.

''Sige na, isumbong mo na sa akin kung sinong nagpaiyak sa iyo. Ako'ng bahala. Aawayin ko rin sila.''

Kinusot ko ang mata ko at sumimangot.

''B-bakit limang araw kang hindi nagparamdam?''

Ilang segundo kong hinintay ang sagot niya, pero halakhak niya lang ang narinig ko. Kakawala sana ako sa yakap dahil sa inis, pero hinila niya lang ako upang yakapin ulit.

''Saglit lang, ganito muna tayo.'' Aniya, at pinilit kong huwag ngumiti. ''Namiss mo ba ako?''

Sumimangot ulit ako, dahil naiimagine ko siyang nakangisi ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang bilis malusaw ng limang araw na pagkainis ko. Napunan ng ilang minutong yakap niya yung limang araw.

''Bakit...'' hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko, at napakagat na lang ng labi. Bakit hindi ka nagpaalam, bakit ngayon ka lang, saan ka nagpunta... parang masiyado ko na siyang inuusisa.

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magdemand ng oras niya.

''Kaya ba naisip mong ayaw kitang kausap?'' kumawala siya sa yakap at hinarap muli ako ng may ngiti.

Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang ang ilang detalye ng mukha niya. Gusto kong kabisaduhin lahat.

Naramdaman ko ang dalawang thumb niya sa ilalim ng mga mata ko, upang punasan ang luha ko.

''Kung pwede lang kitang kausap araw-araw, gagawin ko.''

''Saan ka galing?''

Muli na namang nagform ang ngisi sa labi niya. Sumimangot ako at sinapak ang balikat niya. Marahan pa siyang humalakhak sa ginawa ko.

''Ang sarap naman ng ganito. Yung miss na miss mo ako.'' Humalakhak ulit siya nang sumama ang titig ko. Magkayakap pa rin ang posisyon namin, at hindi na namin inintindi ang ibang tao. Mabuti na lang at wala kami sa gitna nitong damuhan. ''Inatake sa Papa Ricardo, kaya, dinala siya sa Manila para ipatingin.''

Agad na nagpanic ang itsura ko, pero agad akong kumalma nang makita ang ngiti niya na nagsasabing okay lang ang lahat.

''But I know everything will be fine,'' aniya ''Right?''

Tumango lang ako. Papa Ricardo will be fine. Uminit ang pisngi ko sa naisip ko.

''Pwede na ba siyang puntahan?''

Ngumiti siya at tumango.

''Bukas? Lunch.''

Lumawak ang ngiti ko, at ngumiti lang rin.

Maya-maya ay binitawan niya ako, at di ko alam kung bakit gusto kong sumimangot.

Jusko, Ayradel. Ang adik mo na sa yakap niya!

Pinagmasdan ko kung paano siya dumukot ng kung ano sa bulsa ng pantalon niya. Pagkatapos ay tumambad sa mata ko ang isang maliit na box.

Kumalabog ang dibdib ko nang buksan niya iyon sa harap ko, saka niya iniabot.

''Happy birthday, Love.''

Pinagmasdan ko ang laman n'on. Isang pares ng hikaw, na ang disensyo ay... microphone?

Kung titignan ay napakasimple, pero kapag malapitan ay kitang kita ang maliliit na batong kumikinang.

''A-ang ganda,'' komento ko. ''Salamat!''

Mabuti na lang at mayroon na akong butas sa tainga. Wala nga lang akong hikaw, dahil hindi ko na naisip pa na magkaroon.

Uminit ang pisngi ko nang siya mismo ang nagsuot nito sa tenga ko.

''Bakit microphone?''

''Secret.''

Sumimangot ako at humalakhak lang siya.

''Tara?'' Kumunot ang noo ko nang bahagya niya akong hinila.

''Saan?''

''Hmm, moon and stars.''

''Huh?ㅡ'' Hinila niya na lang ako papunta sa kotse niyang nakapark sa hindi kalayuan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa Passenger seat, saka siya umikot para sumakay sa driver's seat.

''Nandito na tayo!''

Tinapunan ko lang siya ng baliw-ka-ba look, dahil kakapasok niya pa nga lang ng driver's seat e?

Humalakhak siya at binuksan ang parang sliding door sa ceiling ng kotse niya.

''Akyat ka,'' aniya, pero kumunot lang lalo ang noo ko. Parang nainip yata siya dahil siya na rin mismo yung naunang lumusot d'on sa butas. Sa isang iglap ay nandon na siya sa bubong nitong kotse niya.

Sinilip niya ako at nginitian.

''Ayra,''

Gumaya naman ako at inilusot ang katawan ko sa butas. Sumalubong sa akin ang lamig ng hangin. Napapikit ako at dinama ang pagtama nito sa aking buhok. Nang makadilat ay binuhat ko ang sarili ko upang makaakyat ng tuluyan.

Sinira ni Richard 'yong sliding door, saka siya humiga ng tuluyan para harapin ang mabituing langit. Hinila niya ang braso ko para sumabay sa paghiga, pagkatapos ay inunat ang braso niya para iyon ang gawin kong unan.

''Ang dami mong pakulo, no?'' Magkahalong tawa at kilig ang tono ko.

''Madalas kong gawin 'tong mag-isa,'' sambit ko. ''And now you're here.''

Napangiti ako sa 'And now you're here' niya. Tandang-tanda ko pa yung oras na sinabi niya sa akin ang eksaktong linya na iyan.

Tinitigan ko lang ang mabituing langit. Tahimik, pero hindi awkward. Kapwa kami nakangiti lang, at parang kontento na ako sa ganito lang.

''Ayradel,'' biglang bulong niya.

''Hmm?''

''I know why you are crying,'' sambit niya.

Hindi ko siya nilingon at hinintay ko lang na magsalita siya ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot ng boses niya.

''Pupuntahan sana kita kanina pa, pero nakita kita dito sa Park. Sinundan kita... hanggang sa likuran ng Mini Store, at, narinig ko rin ang lahat.''

Kumalabog ang dibdib ko at tatayo sana, pero hinawakan niya lang ang balikat ko.

''Stay still, it's okay.'' Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang nagpakawala siya ng malalim na hininga.

Naalala ko na naman tuloy ang lahat ng sinabi ni Jayvee.

''Nang makita ko si Papa Ricardo na hinang-hina, naisip ko na dapat hindi sinasayang ang oras. Sobrang ikli lang ng buhay, kaya dapat maging masaya ka lang,''

Hindi ko maintindihan kung bakit parang sinasaksak ang puso ko sa mga sinasabi niya. Sumakit ang lalamunan ko, pero pinilit kong huwag umiyak.

''Dapat hindi natin sinasayang yung oras natin para maging malungkot, o magalit,'' dugtong niya pa.

Pakiramdam ko, ang tinutukoy niya ay yung galit niya kay Jayvee.

Parang sinasabi niyang hindi na siya magagalit dito. Hindi ko maiwasang humanga sa lalaking ito.

''Alam kong nauna mong magustuhan si Jayvee, at sumingit lang ako sa buhay mo.''

Humalakhak siya na para bang inaalala niya ang lahat ng unang pagkikita namin.

Hindi ko rin maiwasang ngumiti nang maalala kong sa mall talaga kami unang nagkita, at hindi sa harap ng Tirona High. Sobrang hindi ko inexpect, na magiging ganito kami kalapit sa isa't isa.

''Alam ko ring... may puwang pa si Jayvee sa puso mo,''

Umangat ako ng tingin para hulihin ang mata niya. Binawi niya ang braso niya para itungkod iyon sa ulo niya. Hinarap niya ako, sa sobrang lapit ay malaya kong pinagmamasdan ang mukha niya.

''Pero nandito na ako, Ayra. Kung ginamit ka lang ni Jayvee, gamitin mo rin ako,'' tumigil ang titig niya sa labi ko. ''Gamitin mo ako para kalimutan siya.''

...

Next chapter