"Ako nga pala si King Jasper Esperanza Marquez, 18 years old. Ang hilig ko ay magbasa ng libro, magsulat ng articles, makinig ng musics at tumugtog ng gitara. We can be all friends if you wanted to. That's all." pagpapakilala ko naman sa mga classmates ko sa klase.
Oo nag aaral palang ako, 1st year college sa isang Private University taking up BS HRM. Anlayo sa kursong agricultural engineering na gusto ni Daddy Prince para sa akin. Pero wala silang nagawa kundi suportahan ako, kasi ito ang gusto ko. Ito ang kukunin ko para sa sarili ko
Sa klase, tinginan sila saken. Ewan ko ba? Siguro sa pagiging nerdy ko. Lagi kasi ako nakasuot ng eyeglasses, medyo babad kasi sa laptop kaya nagkaproblema at medyo lumabo ang mata. Pero hindi yun hadlang sa itsura ko kase mas nakadagdag pa yun sa physical appeal ko.
"Omygggg, ang gwapo naman ng katabi mo bes! Pwede palit tayo?" dinig na dinig ko ang kaluskos ng boses ng isang babae na nakikipagpalitan ng upuan malapit sakin.
"Ayoko nga! Akin sya no, bes nagdikit yung balat namin. Kinikilig ako waaaah." sagot naman ng isang babae na halos hindi na pabulong ang ang boses kundi pasigaw na
Medyo na awkward ako kase, di ko naman ineexpect na ganito ang unang araw ng pagiging college student. Andaming tumitingin sa akin. Naaawa ako sa sarili ko kase, para akong nahihiya sa tuwing tumitingin sila sa akin at may magkakamali pang tumititg sa akin na akala moy kinakausap ako.
Inadjust ko sarili ko sa babaeng katabi ko, kase halos tuklapin na ang balat ko sa kakadikit niya.
"Hi, King ako nga pala si Mae. Ang gwapo mo naman? Pwede akin ka nalang?" bungad niyang bigkas sa kanyang bibig at kumikinang ang mga mata na papunta na sa Heart shape.
"Hahaha, salamat." yun lang ang sinagot ko at binaling ko nalang ang tingin ko sa professor na nagtuturo sa amin.
Hindi ako sanay sa ganitong attention kasi lumaki ako sa bahay lang, hanggang mag high school ay home studies lang ako. May sarili akong guro na gumagabay sa sakin at nagtuturo.
Pagkatapos ng klase ay wala akong mapuntahan kundi sa canteen lamang, gutom ako kaya minabuting doon nalang pumunta
Di ko napansin na may bumubuntot sa likod ko. Yung dalawang babaeng katabi ko sa room kanina. Hayssss.
"Sa canteen ba punta mo pogi?" tanong ni Mae na halos mapunit na ang bunganga niyang kakangiti sa akin.
"Ah eh, oo e. Bigla ako nagutom. Doon rin ba punta nyo?" sinagot ko naman ng nakangiti at napakamot pa ng ulo dahil medyo nahihiya pa ako sa kanila.
"waaaaaah! Sabay sabay na tayo, pwede? Grabe an pogi mo talaga no? Wala ka manlang ka pores pores sa mukha, ang red ng lips mo at feel ko ang lambot nyan waaaah!" hinawakan ako sa braso at nagtatalon, ewan ko ba kung kilig yun o ano ba.
"Gaga, anlandi mo halika na nga. Di ka manlang nahiya" pagpuputol na sabi naman nung isang babaeng kasma niya at hinila kaunti ang buhok ni Mae.
Nakakatuwa silang tignan. Para silag mga bata, nakakagoodvibes tignan.
Kaya naman sumama naman sila sa akin sa canteen. Malapit lang naman yun sa department namin kaya mabilis lang kami nakarating. Kaya naman.
"Oy pogeee yan lang kakainin mo? Ang konti at pang mayaman talaga." sabi naman ni Mae habang titig sa pagkaing binili ko para sa akin at dahan dahan siyang naupo sa upuan sa table namin.
"Hmmmm, oo. Pang mayaman? Biskwit, siomai at juice? Hmmmm?" nagtataka kong sagot na para bang ewan. Normal lang naman yung kinain ko pero parang bakit pang mayaman daw? Hahaha.
"I mean, hahaha. Ang gwapo mo kasi, naiinis ako. Please pwede bang iuwe nalang kita para naman maipaipakilala na kita kila mama. Hahaha" usisa naman niya sa akin at tawang tawan ng nakakaloko.
Natawa nalang ako kasi di ko mawari bakit ganun na lang yun kaagresibo ako gawing jowa nya. Masyado ba akong matalino tignan sa glassses ko? Makinis siguro gusto? Maputi kaya? Hayssss siguro nga sa sobrang gwapo ko. Ay nako, unang araw palang ng pasok how much more na marami pang araw ang darating, haysssss. Nakakaewan. Nakakakweird! Ganito ba nararamdaman ni Daddy nung nag aaral pa siya? Ganito ba siya dumugin ng iilang babae nagkakandarapa para maging Jowa siya? Hahaha swerte ko, kasi si Mommy Jasmine nakatuluyan niya. Malas nila haha.
Nakipagkwentuhan ako kila Mae nung sandaling yun, mabunganga siya. Madaldal kasama pati yung kaibigan niyang isa. Awkward talaga, kasi hindi ako sanay sa mga ganung kasama. Tahimik lang kasi akong tao, mas prefer kong makisama sa mga katulad kong online gamer. Mahilig ako sa dota, coc ,mobile legends at maglaro sa mga gaming stations sa Mall. Doon ko kasi ginugugol ang free time ko. But anyways, di naman ako ganun ka adik sa paglalaro. Sakto lang.
Patayo na ako sa kinauupuan ko at naisipan kong bumili ulit sa stall ng makakain kasi kulang pa yung kinain ko. Minabuti kong bumili nalang ng kanin at ulam. Nakita nila Mae na bumili ako kaya nakisabay na rin sila.
"Ano ulam na binili mo pogi?" tanong na naman niya na halos tikman na yung pagkain na nabili ko.
Huh? Seryoso ba to? Na-o-awkward na talaga ako. Pero nagpatuloy parin ako sumagot at ngumiti sa kanya.
"Beaf Steak to. Marami pa naman pagpilian. Bili ka nalang don, sige mauna na ako balik sa table" malumanay lang ang boses ko at tinuro kung saan ako bumili at dahan dahan naglakad papunta sa table namin.
Pagbalik ko sa table may mga babaeng naupo, lima sila. Sinakop nila yung table na inupuan namin. Ang aangas nila. Yung isa nakasumbrero pa na akala mo ang ganda tignan sa kanya. Mga hypebeast! Nakakatawa lang isipin kasi, nakakaya nilang manamit nang ganung kabaduy. Babaeng tigasin.
Lumapit ako sa kanila.
"Hi guys, table namin yan. Nandyaan yung bag namin oh." nakatingin lang ako sa kanila at tinuro ang bag ko na nakalagay sa upuan.
Tumingin yung apat na babaeng tigasin sa akin. Nakakaweird! Ano bang klaseng tao mga to? Akala nila nakakatakot ang tingin nila. Nakipagtitigan ako.
Habang hawak hawak ko ang pagkaing binili ko ay napansin kong dahan dahan lumingon yung babaeng nakatalikod sa harapan ko na nakasumbrero. Bahagya kong pinukaw ang tingin ko sa kanya at dahan dahang tumitig.
Nakipagtitigan siya, nakakatakot yung tingin. Ewan ko bigla ako nanlambot at natakot. Siya ata yung lider ng mga to. Ano to? Gangster na mga babaeng tigasin? Langhiya, meron pa pala nun?
Nagsalita ako. Di ako nagpatinag sa anumang tingin nila.
"Upuan ko yan Miss, baka naman pwedeng lumipat kayo kasi kami naman nauna?" sinigurado kong kalmado lang ang boses ko para di sila magpanic sa sinsabi ko.
Dumating na rin sila Mae at yung kaibigan niya.
"Hoy! Upuan namin nila pogi yan, baka pwede umalis kayo dyan. Alis! Alis." sabi naman ni Mae na hindi kinontrol ang kanyang boses.
Di pa rin nagsasalita yung lima, tanging yung tinginan nila ang kanilang sagot. Nagkaroon ako ng malaking palaisipan sa limang kaharap namin.
At bahagya nga namang dahan dahan tumayo yung nakasumbrero at lumapit kay Mae.
"Gusto mong umupo? Sige upo!" Kinuha ang braso ni Mae, hinila ng may pwersa at pinaupo sa upuan.
Tarantado yun ah. Tama bang hilain?
"Aray!" sigaw ni Mae dahil sa sakit na paghila ng babaeng nakasumbrero.
"Miss, you're not oblige to do that, and besides, we're here inside the school premises and you don't need to act like that. Who the hell are you?" ako na yung sumagot kase parang di naman tama na tratuhin yung isang estudyante ng ganun ganun lang. Estudyante rin naman sya.
Nilapitan niya ako, di ko makita mabuti ang mukha kasi hanggang tenga ko lang ang tangkad nya at dahil na rin sa sumbrero na suot niya.
"Who the hell am i? Wala ka ng pakialam don, and besides i can do what i want. Naiintindihan mo?" Pabulong niyang sinabi sakin ng klarong klaro sa tenga ko.
"Wait, this is not the right university for you tho! Hahaha, try me and you'll see who really i am too" sambit kong may halong sarkastikong tono sa boses ko.
Unti unti syang natigil at tumalikod sa akin.
"Guys tara na, impokrito!" pagtawag niya sa kasamahan niya kasabay nun ay siya namang lingon nya sa mukha ko na para bang nagbabanta at nagsitayuan sila at nagsimulang naglakad papalayo sa table namin.
Akala siguro nya madadala niya ako sa patakot takot niyang yun. Bakit sino ba sya school para i bully kami ng ganun? This is the first day of school! And parang exciting pa ang magaganap ng mga susunod pang araw. Hays.
"Ayyyy, ikaw ang superhero namin pogi. Nakakailove ka, bukod sa total package na ang kagwapuhan, matapang pa. Waaaaahh!" tinapik naman ni Mae ang braso ko ng mahina. Tuwang tuwa naman silang dalawa nung kaibigan niya.
Nagsimula na namin kainin yung pagkaing pinamili namin. Medyo lumamig nga lang ng dahil sa mga suwail ng mga babaeng tigasin na mga yun.
Napapaisip ako. Sino ba mga yun? Sino ba yung babaeng nakasumbero? Dapat ko ba syang katakutan?
Natapos ang araw na yun ng normal ang pangyayari. Nauwe ako sa bahay. A usual, iba ang sayang nararamdaman ko kasamas sila Mommy, Daddy at si Queen.
"Oh, kamusta naman unang araw ng pasok ng baby ko?" lumapit si Mommy Jasmine sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Baby talaga mommy? Ano ba yan, college na ako yan parin ba tawag mo sa akin?" nagsumimangot akona parng bata.
"Ay nako anak, pagpasensyahan mo na ang Mommy mo, kasi ganyan lang yan maglambing."
sambit naman ni Daddy Prince na tuwang tuwa sa naririnig kay Mommy.
"Hinde, kasi ang gusto ko. Baby ka parin namin hindi ba? Baby namin kayo ni Queen kahit sobrang malalaki na kayo, hindi ba babe?" sagot naman ni Mommy tapos lumapit kay Daddy at nagyakapan naman silang dalawa.
"Daddy, anong gagawin ko kapag may babaeng mambully sakin?" bigla kong ntanong at nabigla silang dalawa ni Mommy. Dali dali namang lumapit si Mommy sa akin.
"Bakit anak? Babae nambully?" pag aalala namang patanong ni Mommy.
"Nako kung ako sayo anak, kapag binully ka pa nya ulit. Gamitin mo yang kagwapuhan mo. Kunin mo puso niya, at mawawala din yang pambubully niya" tuwang tuwa naman sagot ni Daddy na parang wala lang sa kanya yung tanong ko.
"Babe naman! Iba yung bullying ah. Tska malay mo masamang babae yun no." Sinagot naman ni Mommy si Daddy ng nakasimangot.
Nakakatuwa silang tignan, parang mga bata parin sila.
Kinabukasan. Pumasok ako muli sa school.
Pag akyat ko palang sa mataas na hagdanan sa Main Gate namin ay tinginan na naman ang mga estudyante sa akin. Nakacivilian attire pa rin ako. Ganun kasi polisiya sa school, pag freshman allowed kaming magsuot ng kahit ano sa loob ng isang linggo. Pero pagtapos nun ay school uniform na.
Habang naglalakad ako ay marami akong boses na naririnig. Iba ibang boses. Iba't ibang sigawan at nagtatalunan pa un iba.
"Hey first year! Ang gwapo mo!! Waaaah!" sigaw naman nung isang bakla na nasa 4th floor ng Nursing department.
"Ang bango bango niya waaaaah!" sabi naman ng nadaanan kong limang babae habang naglalakad sa harap nila.
"mygodddd bes! Isang adonis! Ikaw na ba ang adan ng buhay ko? waaaah!" mga boses ng mga babaeng rinig ko sa may park sa school.
Ewan ko, paano nga ba ako mag rereact sa ganitong atensyon na binibigay sa akin? Paano nga ba? Nahihiya ako, na ooverwhelm pero aminado akong nahihiya talaga ako.
Pakarating ko sa harap ng malaking gym sa school ay bigla akong natigil sa paglalakad. Yung sintas ng sapatos ko natanggal. Kaya yumuko ako at inayos ko.
Pagkatayo ko ay bigla bumungad sa aking mga mata ang babaeng napakaganda, medyo kulot ang buhok na mahaba. Sexy, makinis ang balat at maputi. Ewan ko, parang nag slowmo ang paligid ko pagkakita sa kanya.
Pero napansin ko sa kanya, habang naglalakad siya ay may kinuha siya sa bag niya na sumbrero at sinuot ito. Ah? Yung sumbrero parang pamilyar ah! Siya ba yung kahapon? Ang ganda naman niya? Siya yung babaeng tigasin? Ahhhhh? Grabe ang ganda! Tomboy ba to? Waaaaah!