webnovel

♥ CHAPTER 5 ♥

Syden's POV

Gumising na ako ng maaga para naman hindi na ako ma-late dahil Saturday ngayon for sure papasok ang mga teachers. Bumangon na ako kaagad para magkapag-ayos. Nandito kami sa dorm ng Silent Alliance tutal may bakante pa naman daw na dalawang kwarto kaya tig-isa kami ni Raven. Another building siya kaya malayo sa main building. May dorm naman daw malapit sa school building sabi ni Maureen pero nandoon daw ang Redblades at ibang grupo kaya hindi safe.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nakasalubong ko si Raven dahil magkatapat lang kami ng room. Naglakad na kami papunta sa school building habang nakasabay naman namin ang ibang members ng Silent Alliance. Yun nga lang hindi namin nakita sina Icah, Maureen at Hadlee on the way to the classroom.

As usual pagkapasok namin, maingay at medyo magulo. Pagka-ring ng bell, rather than magsi-upuan yung mga kasama namin, tumayo lahat sila at lumabas. Nagkatinginan nanaman kami ni Raven sa pagtatakang bakit sila tumayo, "Saan sila pupunta?" tanong ni Raven. Ako pa talaga ang tatanungin niya malay-malay ko ba.

"Sundan kaya natin?" sabi ko. Tumango si Raven at tumayo na siya sa kinauupuan niya, so I did the same thing at sinundan namin sila. Sa pagsunod namin sa kanila, may kamay na pumatong sa balikat ko. It was Icah with her two friends kaya napatingin din si Raven sa kanila.

"May general assembly sa gymnasium kaya hindi tayo maglelesson. Saya d'ba?" sambit niya. Itatanong ko sana kung saan pupunta ang mga estudyante pero hindi ko pa man naitatanong, nasagot na ni Icah.

"Ahh gano'n ba? Kaya pala sila agad umalis sa classroom" ngumiti na lang ako at sumunod na kami ni Raven sa kanila. Kaya pala nagsitayuan lahat sila kanina, may assembly sa gym.

Sa eskwelang 'to hindi uso ang lesson. One week na kami ni Raven dito at yun ang napansin namin. Tuwing weekends lang pumapasok ang mga teachers, pero wala namang sense ang tinuturo nila kaya wala ring nakikinig. 20-30 minutes lang din sila magturo. Sa paglalakad namin habang lipad ang utak ko, buti na lang, nakarating na kami sa gym at umupo kami sa harapan nila Icah.

Isang oras na ang lumipas wala pang nagsasalita sa harapan. Paano naman naging assembly 'to kung walang magsasalita?

But then, biglang nagbukas ang back gate ng gym. There I saw Roxanne in her red dress, red lips and red high heels as always with her members, Redblades group. Ang taray ng dating nila pero masakit sa mata dahil red lahat ang suot nila. Pwede pa ata akong mabulag habang nakatingin sa kanila. Pumasok siyang parang reyna at pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob ng gym.

"Redblades group is becoming hotter than before" bulungan ng mga lalaki sa tabi namin.

"Ang ganda ni Roxanne"

"She's the only person I respect inside the Prison School"

"No one can beat her"

"I wish, I could be like them"

"Soon, I'll be one of them"

"Her beauty took the wild king's heart"

Bulungan ng mga students. Nakatingin lang lahat sa kanya pero biglang natahimik ang lahat at tumingin sa kabilang banda, right side of the gym. Biglang bumukas ang another gate. Nag-umpisa nanaman ang bulungan ng may pumasok na isang lalaki, matapang ang mukha, matangkad, maputi , nakangisi siya habang tumitingin sa paligid at marami pa siyang kasama sa likuran niya. Naka-white lahat sila at sa itsura ng mga estudyante natatakot sila pero ang iba hindi naman.

"Phantom sinners became scarrier than before" sabi ni Maureen.

Tumingin kami ni Raven sa kanya at biglang nagsalita si Hadlee, "As newbies here in Prison School. You should avoid the Phantom sinners group. Yung lalaki sa pinakauna, his name is Clyde, siya ang leader ng Phantom Sinners. Once na tinignan ka niya ng masama, huwag ka ng magpakita sa kanya. Kawawa ka lang"

Then tumingin ako ulit dun sa leader nila. Parang pamilyar yung mukha niya.

Nakita ko na ba siya before?

Nanlaki ang mata ko nung pinakatignan ko ang mukha niya. Siya 'yun.

Ang leader ng Phantom Sinners. Siya yung kausap ni Roxanne noong isang araw. So it means siya yung lalaking humahabol sa akin noong isang araw.

"A-ano bang posibleng mangyari kapag tinignan ka niya ng sobrang sama?" tanong ko.

"Sa unang pagkakataon patatakasin ka niya, kapag nakita ka niya ulit sa pangalawang pagkakataon at nakilala ka niya, hindi ka niya papatakasin. Kahit anong gawin mo, di mo siya matatakasan. You will be tortured so bad" pagkasabi niya noon, biglang nanginig ang mga tuhod ko sa takot.

Paano kapag nakilala niya ako? Does it mean I will be tortured? Kagaya ng sinasabi ni Hadlee ngayon?

"Sy okay ka lang?" tanong ni Raven. Napansin niya kasi na namumutla ako. Tumango na lang ako at hindi na siya sinagot. Sa sobrang ingay, ang magulong gymnasium ay nabahiran nanaman ng katahimikan. Panibagong pinto nanaman ang nagbukas.

Isang grupo nanaman ng lalaki ang pumasok pero walang tao sa unahan nila. But then tumabi lahat sila magmula sa likod. Isang lalaki mula sa likod nila ang pumunta sa harap nila. They gave way naman in the middle para daanan ng lalaki.

Matapang din ang itsura, maputi, astig ang ayos ng buhok, pero nakakatakot ang dating niya. At nakita ko sa mukha ng mga estudyante na lahat sila takot lalo na't nakaitim lahat sila.

"The wild kings are here together with their only queen" pahayag ni Icah. Nakangisi siya na para bang na-e-excite.

"Sino naman siya?" tanong ko sa kanila.

"His name is Carson, he's the leader of the most dangerous group here in PS. The Blood Rebels. Mas grabe sila kumpara sa Phantom Sinners. Sometimes it can lead to trauma or minsan paralyze na ang victims nila. 4 years ago, their torturing field  led many students to be killed"

Killed?! What?! Seryoso ba sila?

"Tama ba ang narinig ko? Namatay ang victims nila? Wala bang ginawa ang council para maparusahan sila?" natatakot kong tanong sa kanya.

Tumango siya at hininaan niya ang boses niya, "Oo, namatay ang ibang estudyante pero walang ginawa ang council. From that day marami ng natakot sa Blood Rebels dahil hindi sila titigil hangga't hindi sila makakakita ng dugo galing sa'yo habang tinotorture ka"

May namatay na pero wala pa rin ginawa ang council para mabigyan ng hustisya ang mga estudyante nila. Anong klasing patakaran ang pinapatakbo nila? This is really insane!

"Sa inyong dalawa, sinasabi ko na, iwasan niyo ang tatlong grupong 'yan Redblades, Phantom sinners and lastly the Blood Rebels. 'Wag kayong maki-involve sa kanila kung ayaw niyong umiyak ng dugo"

Pinagpapawisan na ako at lalong namumutla sa mga naririnig ko. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat gawin. Parang ayaw ko na dito, mukhang hindi maganda ang buhay namin dito ni Raven at hindi kami safe!

"The wild kings , Clyde and Carson with their only queen, Roxanne" panakot naman ni Maureen. Habang kami ni Raven tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Tumingin ako kay Icah at nakita niya ako kaya medyo lumapit siya sa akin, "Boyfriend ni Roxanne ang leader ng Phantom Sinners d'ba? Si Clyde?" with confidence kong tanong sa kanya.

"OMG!! How could you say that?" gulat na tanong ni Icah. Magsasalita pa sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko.

"You are totally wrong! Si Carson ang boyfriend ni Roxanne. Ex niya lang si Clyde kaya nga lalong nag-init ang awayan ng Phantom Sinners at Blood Rebels dahil kay Roxanne" pabulong niyang sabi.

"Sigurado ka ba Icah?" tanong ko. 

"Matagal na ako dito kaysa sa'yo kaya natural lang na mas marami akong nalalaman" sagot niya.

Bakit noong isang araw magkausap si Roxanne at Clyde kung mag-ex lang pala sila? Pero biglang may nag-click sa utak ko. Para akong pinukpok ng martilyo kaya ko naalala.

                    

        🔯Flashback🔯.....

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin sa kanya"

Nakakarinig ako ng pag-aaway somewhere, parang malapit lang sa akin. Kaya sinundan ko yung boses.

"Hindi mo pa talaga siya kilala Clyde! Pwede ka niyang mapatay kapag nalaman niya ang namamagitan sa atin!"

Nakasilip lang ako sa kanila. Balak ko na sanang umalis dahil mali ang makinig sa usapan ng iba, kaso nabigla ako sa ginawa ng babae. Paalis na sana yung lalaki kaso bigla siyang hinila nung babae.

That girl seems familiar.

Nanlaki ang mata ko nung nakilala ko siya.

Si Roxanne, leader ng Redblades.

Aalis na sana yung lalaking kausap niya pero hinila niya yung lalaki at hinalikan niya.

"You don't need to worry. Babalikan kita sa tamang oras. Pero hindi pa ngayon. You just need to wait" sabi ni Roxanne sa lalaki sabay hawak sa kamay nito.

"I know. I'm waiting for you" sagot sa kanya ng lalaki.

                     End of flashback!........

Kaya pala patago silang nag-uusap noon dahil may secret relationship sila. Kapag nalaman ni Carson na may namamagitan kay Roxanne at Clyde although GF niya si Roxanne. Siguradong magkakagulo. Kaya pala hinabol ako ni Clyde noon. Dahil narinig ko ang usapan nila, "Icah, Raven, CR lang ako"

Hindi ko na kinaya ang mga nalalaman ko kaya bigla na lang akong nagpaalam sa kanila para magpahangin dahil medyo nahihirapan na rin akong huminga lalo na't mainit ang temperatura sa gym. Nagtaka sila noong una pero tumango na lang din.

Palabas na ako sa pintuan nang may humablot sa kamay ko, "Free soul!  Nagkita rin tayo" sh*t!  her demonic smile is all I could see. 

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong kay Roxanne.

"Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa akin. Saan ka ba nakapagtago bakit hindi ka namin nahanap?" -R

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo?" pagsusungit ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin. Sinampal niya ako ng sobrang lakas kaya nasubsob ako. Tumayo ako at tinignan lang siya ng sobrang sama. Lahat ng tao nakatingin sa amin at sobrang sama ng tingin nila sa akin. Ako na nga ang nasampal ako pa ang masama? Parang sinasabi ng mga mata nila na bakit ko kinakalaban si Roxanne. TSK! FYI, Siya ang nauna. 

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya.

Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya I did the same thing to her habang nakahawak ako sa pisngi kong namumula na sa hapdi, "Hindi ka kasi marunong gumalang!"

Sasampalin niya sana ako ulit kaya pumikit ako. Pero segundo ang lumipas walang kamay ang dumadapo sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mata ko. It was Icah holding Roxanne's hand, "Pasensya na kung makikialam ako. Pero member siya ng Silent Alliance. You must not touch her as part of the agreement" sarcastic niyang sabi kay Roxanne.

Inalis ni Roxanne ang pagkakahawak sa kanya ni Icah at mababakas sa mukha niya na napahiya siya, "You are so lucky dahil member ka na ng Silent Alliance. Pero kulang pa ang ginawa ko sa'yo. Maghintay ka lang!" pananakot niya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa ng sobrang sama.

Pagkaalis niya, tumingin ako sa ibang direksyon at sa hindi ko kagustuhan. Si Carson ang nakita ko at nakatingin siya sa akin ng sobrang sama. Baka gusto na niya akong i-torture dahil sinagot-sagot ko ang GF niyang impakta! Mas natakot ako sa kanya kaysa kay Roxanne o Clyde. Umiwas ako ng tingin pero si Clyde ang nakita ko at nanginig nanaman ako.

Sh*t!! Patay na'ko!!

Nakatingin siya sa akin at ngumiti siya ng sobrang sama. Nakakatakot! Does it mean nakikilala niya ako!? Iniwas ko ang tingin ko at biglang may nagsalita, "Now it makes me want to visit Silent Alliance group" hinanap ko kung sino ang nagsalita. Pero sinundan ko lang ang pinagtitinginan ng mga estudyante.

It was Clyde.

....

After a few minutes...

Nagpasya kaming lumabas na ng gym dahil umalis din naman sila Icah kaya wala kaming makausap ni Raven. Hindi na raw safe na ituloy pa ang General Assembly dahil sa nangyari kaya hindi na raw itutuloy. Nadaanan namin ang cafeteria kung saan maraming tao kahit anong oras. Masayang kumakain ang iba pero mayroon din namang tahimik lang. Habang naglalakad kami biglang pumasok sa isip ko si Mommy at Daddy although nanginginig pa rin ako at kinakabahan.

"Kamusta na kaya sila Raven? Si Mom and Dad?" napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko.

"Siguro naman okay lang sila. Naisip ko rin minsan kung namimiss ba nila tayo or dadalawin ba nila tayo sa Heaven's Ward High" biglang nag-iba ang pananalita niya na parang malungkot siya.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Siguradong miss na nila tayo at nakakasigurado ako na makakalabas rin tayo dito" explain ko sa kanya.

"Kung talagang mahal nila tayo dapat wala tayo ngayon dito. Dapat hinahanap nila tayo. Baka nga hinayaan na nila tayo di-"

Magsasalita pa sana siya pero hinarangan ko siya, "Pwede ba Raven?! Huwag kang mawalan ng pag-asa!!"

 "Nakikita mo ba kung anong nangyayari dito? Nakakulong tayo dito!! Buong araw na palakad-lakad na parang baliw. Hindi tayo baliw Syden para ikulong nila tayo dito!!"sigaw niya.

"Oo alam ko!! Ang gusto ko lang sabihin wag mong isipin na hindi tayo mahal ng magulang natin at gamitin mo nga yang utak mo para isipin na kahit dalawin nila tayo dito, gagawa at gagawa ng paraan ang council para hindi nila malaman na nakakulong tayo sa lecheng eskwelang 'to!!"" sigaw ko sa kanya.

"Kung ikaw kaya mong magtiis dito, ako hindi!! Marami akong naririnig na hindi maganda at natatakot na ako. Simula umpisa naman ikaw lang ang malakas ang loob sa ating dalawa. Kaya bahala ka!" umalis na siya at iniwanan ako, may mga nakakita sa pag-aaway namin pero  konti lang.

"Sean!! Bumalik ka dito!!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Napaluha ako pero pinunasan ko rin agad. Pagkatingin ko sa isang poste may nakasilip na isang lalaki at nakatingin siya sa akin. Parang nakita niya ang pag-aaway namin ni Raven. Noong napansin niyang nakita ko siya, bigla siyang tumakbo. Hindi ko gaanong namukhaan dahil naluluha ako noon at malabo ang paningin ko.

Tinuloy ko na lang ang paglalakad kahit alam kong wala ako sa sarili. May bulungan somewhere kaya minabuti kong sundan kung saan nanggagaling ito. Nakita kong nakapalibot ang mga estudyante sa isang malapad na puno at may tinitignan sila. Inayos ko muna ang itsura ko bago ako lumapit sa kinaroroonan nila. Dahil marami sila hindi ko makita kung anong tinitignan nila kaya naghintay nalang ako ng ilang minuto hanggang sa nag-alisan ang iba, sapat na para makita ko.

Lumapit ako at nanlaki ang mata ko at kulang na lang masuka ako sa nakikita ko. Pinagpawisan ako at nanginig nanaman ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong mandiri o maawa.

May isang babae, nakatali sa isang puno. Sa itaas ng puno, nakalagay ang word na

"Prison Tree"

Kawawa yung babae dahil nakatali siya sa punong 'yon at punung-puno ng langgam. Sobrang putla ng labi niya at namamaga na ang katawan niya dahil napapalibutan ng langgam ang buong katawan niya, "Phantom sinners ang may gawa niyan. Kilala niyo naman si Clyde d'ba?" bulong ng isang lalaki sa katabi niya.

Hindi nagsasalita ang babae pero halata sa mukha niyang humihingi siya ng tulong pero walang lumalapit sa kanya para tulungan siya. Napansin kong ako na lang ang naiwan na nakatingin sa kanya. Kaya nilapitan ko siya dahil naaawa ako.

Tutulungan ko sana siya pero may humawak sa kamay ko, "Tandaan mo. Member ka ng Silent Alliance. You are not allowed to help her kung ayaw mong ikaw ang pahirapan ng Phantoms" galit na sabi Icah at iyon ang unang beses na nakita kong galit siya.

"So ano? Hindi natin siya tutulungan at hahayaan natin siyang maghirap dito?" tanong ko.

"Kung ayaw mong makaranas ng paghihirap, tiisin mo lahat ng makikita mo dito. Kailangan mong sanayin ang sarili mo kung gusto mong mabuhay ng tahimik dahil ang mga tao dito, walang sinasanto" sambit niya sa akin ng walang emosyon.

Pagkatapos non hinila niya ako palayo doon sa babae, habang papalayo kami sa kanya tinitignan ko yung kawawang babae at nakatingin siya sa akin na parang nagmamakaawa.

To be continued..

Next chapter