webnovel

♥ CHAPTER 109 ♥

"FINAL CHAPTER"

✿ Syden's POV ✿

Agad kaming napatayo ng makita namin si Dave na pawis na pawis at tila pagod na pagod, "You need to see this!" sigaw nito na nakapag-pakaba sa amin.

....

Flashback!

Nang mag-umpisa ng maglakad si Ms. Freud ay walang alinlangan kaming sumunod sa kanya dahil siya na lang ang makakapitan namin. Naghanap kami ng lugar kung saan kami maaaring makapagpahinga ngunit hindi naging madali sa amin 'yon dahil habang naglalakad kami ay nakikita pa rin namin ang mga apoy na kumalat sa buong campus dahil sa mga pagsabog.

"Out of ten buildings, apat na lang ang natira" dinig kong sabi ni Icah kaya napatingin ako sa kanya na tinitignan ang paligid. Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang building kung saan maaaring magpalipas ng gabi habang naghihintay ng tulong galing sa labas. Ang buong hallway ay puno ng dugo maging ang mga pader at kisame. Maraming nagkalat na mga patay na estudyante ngunit pinipilit na lang namin na tiisin 'yon para makapag-survive kami. Wala ng ibang paraan kundi ang lakasan ang loob namin at magtiwala na may darating na tulong para sagipin kami.

Kahit saang dako at parte ng building ay nababahiran ng dugo. Marami rin kaming nakikitang Venom at ibang estudyante na nakahandusay sa sahig at may nakasaksak na injection sa mga ito habang ang iba naman ay may saksak. Hindi rin naman maiiwasang makakita kami ng mga brutal ang pagkamatay at minsan ay nasusuka na rin kami sa nakikita namin.

Pumasok kaming lahat sa isang medyo malaking classroom dahil doon pumasok si Ms. Freud at medyo maayos pa ito. Marami ring upuan na nakaayos pa at tila matagal ng hindi nagagamit ang classroom na ito. Maayos naming tinignan ito at napatakip ng ilong dahil sa alikabok na nanggagaling dito. Narinig naming hinila ni Ms. Freud ang isang upuan at pinagpag ito bago niya 'yon inupuan. Isinara rin naman ni Raven ang pintuan at isa-isa rin kaming kumuha ng mauupuan at pinagpag 'yon. Dahil nakaharap si Ms. Freud sa bintana ay tinabihan na rin namin siya habang tahimik kaming lahat na nakatingin sa madilim na kalangitan at ni isang bituin ay wala kaming matanaw.

Naramdaman kong mas inilapit pa ni Dean ang upuan niya sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Inakbayan ako nito at ngumiti kaya't ngumiti na rin ako bago isinandal ang ulo ko sa balikat niya, "Believe me sweetie, makakalabas tayo dito" saad nito kaya't mas napangiti pa ako habang nakatingin sa malayo. Nang maramdaman kong unti-unti niyang isinandal ang ulo niya sa ulo ko ay unti-unti na rin akong napapikit habang hinihiling na sana, pagbukas ng mga mata ko ay muli ko ng makita ang mundong kinalakihan ko.

Sa mga oras na 'yon ay nakatulog kami.

End of flashback!

.......

Nagising kami sa pabagsak na pagbukas ng pintuan at napatayo dahil sa sinabi ni Dave. Noong una ay kinabahan ako ngunit hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng tuwa dahil baka muli ng nagbukas ang wall kaya ganito ang reaksyon ni Dave ngayon.

Nagmadali kaming lumabas papunta sa open field ng campus at kasama ng pagmamadali namin ay natutuwa ako dahil sa tingin ko'y daratnan kong nakabukas ng muli ang wall at makakalabas na kami. Sigurado akong ito na 'yon. Ang araw na pinakahihintay ko sa lahat. Ang araw na makakalabas na kami.

I can now finally see the things that I've hated once kaya't mas ginanahan pa akong tumakbo.

Ngunit....

Ang mga pangyayari kagabi ay tila bumalik. Ang mabilis na pagtakbo ay biglang tumigil. Ang masayang alaala ay napalitan ng bangungot. Ang pag-asa ay biglang nawala. Ang inaakalang masaya ay naglaho.

Ang mabilis na pagtakbo namin ay biglang naglaho ng matanaw namin ang wall ng Curse Academy. Lahat ng natirang estudyante dito sa loob ay kitang-kita ang isang napakalaking bangungot. Ang tanging pag-asa ay wala na, wala ng pag-asa.

Tila nanigas kami sa kinatatayuan namin ng matanaw ang wall ng campus. Ito ang wall na nagdudugtong sa Heaven's Ward at Curse Academy. Ito ang lugar kung saan namin nakita ang ibang estudyante kagabi na nagawang makalabas....

At ito rin ang lugar kung saan namin sila nakitang patay na.

Lahat ng nakalabas kagabi ay patay na ngayon.

Patung-patong silang lahat ngayon sa tapat ng nakasarang wall at higit sa lahat...wala silang mga mata. Napatakip na lang kami ng bibig at naluha ako ng masaksihan ko 'yon. Napaatras ako habang tinitignan silang lahat at alam kong ganoon rin ang nararamdaman naming lahat.

Anger.

Fear.

Scared.

Cold.

Freezing.

Wrath.

Brutal.

Gruesome.

Especially, death.

Habang nakatingin ako sa wall ay napansin ko rin si Ms. Freud na dahan-dahang humakbang sa harapan naming lahat. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ngunit nanginginig ito habang tulala na nakatingin sa taas ng mga estudyanteng nakalabas ngunit patay na ngayon. Napatingin kaming lahat sa tinitignan ni Ms. Freud at mas napatakip na lang kami ng bibig ng makita siya...

She's hanged and now dead. Wala rin itong mata at nakalabas ang dila nito.

Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko ng makita siya at alam kong ganoon rin ang nararamdaman ng iba ngayon. Sobra-sobra na ito at hindi na namin kaya. Wala na talagang pag-asa.

Mrs. Lim is now dead.

Hindi na maiwasang magsigawan ng ibang estudyante dahil sa nakikita namin habang nanatili kami sa posisyon namin at tulala.

This is worse than hell.

Habang nakatingin kami doon ay naghawak kamay na lang kami ni Dean at alam kong nanginginig ang kamay ko at nanlalamig, "We can't really go out muffin" mahinang sabi ko at napaluha ako.

"No one can deceive me. Kahit pa anong gawin niyo, hindi kayo makakalabas sa lugar na 'to. Huwag na kayong magsayang ng oras para mag-isip ng paraan kung paano kayo makakalabas, dahil sa ginawa niyo mas lalo pang tumibay ang barriers at ang mismong wall, so should we thank you? Thinking of ways to escape will make it even harder to escape. I still want to tell you something, if you want to live longer there's only one way to be protected. Be a part of the student council by finding your Curse Academy supreme student council officers. They are just somewhere watching you so be careful. It's either they protect or kill you. Lastly, there's only one way to escape. Kill one another and the last one standing can finally be free from this hell. Fight for your life and forget about love, that's what it takes to live and survive" pahayag ng nagsalita sa speaker kaya't mas humigpit pa ang pagkakahawak namin sa kamay namin,

"Truly we can say that this Academy is really cursed and we...are its curse students"

This is, Curse Academy.

The end.…

Next chapter