"T-thank you for letting me see Nashielle again through your eyes" saad ni Zorren kaya't mas napaluha pa si Syden pero pinunasan niya rin agad 'yon at ngumiti siya. Nakita na lang namin na unti-unti ng ibinaba ni Zorren ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya kay Syden, "This is our end" sambit ni Zorren at nagkatinginan sila ni Nash bago sila naglabas ulit ng dugo sa bibig nila. Nakita namin ang unti-unti nilang pagpikit at alam namin...na wala na sila.
Napaupo na lang din ako at niyakap ko si Syden na lumuluha. Lahat kami ay nakaupo habang tinitignan ang dalawang tao na naging parte ng grupo namin. Namatay sila ng maayos at masaya dahil nagawa na nila ang gusto nilang gawin at 'yon ay ang patayin si Claude.
Sumandal ako sa pader kaya't ganon rin ang ginawa ni Syden at sumandal siya sa balikat ko, "Masyado ng maraming nagsakripisyo sa lugar na 'to" saad ni Dustin kaya tinignan namin siya na nakatingin lang din sa katapat niyang pader.
"But do you really think, makakalabas talaga tayo dito?" tanong naman ni Dave.
"Sa tingin ko oo..." sagot ni Julez kaya nagtaka kaming tinignan siya habang nakatingin pa rin kay Zorren, "My brother knew something kaya niya nasabi 'yon kanina" sambit niya sabay tingin sa aming lahat at alam namin na mas nagluluksa siya ngayon.
"Pero kung iisipin niyo, sino naman ang pwedeng tumulong sa atin para makalabas sa lugar na 'to? Alam naman nating ang council ang may pakana nito" pahayag ni Stephen kaya nagkatinginan kami at natahimik.
"Unless na lang, kung merong isa sa council na gusto tayong tulungan" saad ko sa kanila kaya tinignan nila ako at napatingin naman ako sa malayo, "Yon lang ang paraan para makalabas tayo"
"But that's impossible. Kung talagang may gustong tumulong sa atin, sana dati pa hindi ba? Kailangan na lang talaga nating tanggapin na wala ng tutulong sa atin" sambit ni Dave.
"Huwag kayong mawalan ng pag-asa, makakalabas rin tayo dito" saad ni Syden. Alam kong nahihilo pa siya dahil sa ginawa sa kanya ni Claude at malungkot siya sa nangyari kina Nash at Zorren kaya napatingin siya sa akin at pinilit niyang ngumiti kaya inakbayan ko siya, "Are you still okay?" tanong ko kaya tumango siya at muling sumandal sa balikat ko. Habang nakasandal siya sa akin ay tahimik lang kaming lahat na nakaupo, nakita kong kinuha ni Syden ang binigay na blade ni Zorren sa kanya at maayos niyang tinignan 'yon.
Napatingin na lang kaming lahat ng makita namin ang isang babae na tumakbo sa tapat namin na biglang sinaksak ng isang lalaki sa leeg nito habang nakahawak siya sa kamay ng lalaking 'yon. Napatayo kaming lahat sa nakita namin at nabigla pero hindi nila kami napansin, "What the hell is happening?!" tanong ni Dustin.
"We need to leave now" saad ni Julez kaya tinignan namin siya, "Bukod sa laban ng Vipers at Venom ngayong araw na 'to, all students are killing other students. They were all drugged by Venom that's why they've gone crazy at nagpapatayan na silang lahat ngayon" pahayag nito na ikinabigla namin.
"Claude did that?" hindi makapaniwalang tanong ni Oliver, "Ganon kalaki ang grupo ni Claude, kahit patay na siya lumalaban pa rin ang mga members niya. He drugged all of them para magpatayan at ang matitirang buhay ay magiging utusan niya" saad nito.
Hinawakan ko na ang kamay ni Syden dahil nagmadali na kaming umalis sa building na 'yon. Pagkalabas namin ay nadatnan namin ang buong campus na punung-puno ng dugo. Kahit saang dako kami tumingin ay may dugo. Maraming mga patay na estudyante ang nakakalat sa campus at nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. Nagpapatayan ang iba na halos hindi na makilala dahil punung-puno ng dugo ang buong katawan. Naramdaman kong napahawak si Syden sa braso ko kaya't mas mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Mas marami ang mga estudyanteng patay na nasa harapan namin at iilan na lang kaming nakatayo. Mas lalo pang nabawasan 'yon ng makita naming ang iba na wala sa sarili nila ay sinaksak ang sarili nila hanggang sa tuluyan na silang bumagsak.
Mabibilang na lang kaming mga nakatayo na nananatili pang buhay. Ang iba sa kanila ay nakaupo at umiiyak habang puno ng dugo. Ang iba ay iniiyakan ang mga kasama nila habang ang iba naman ay dinidilaan ang kutsilyong hawak nila na punung-puno ng dugo, "This is worse than a battlefield" mahinang sabi ni Dave.
"This is the complete hell, Dave" saad ko kaya nagkatinginan kami.
Nagulat ako ng biglang tumakbo si Syden at nakita naming nilapitan niya ang tatlo niyang kaibigan na naglalakad. Sugatan silang tatlo pero inaalalayan ng dalawa ang isa sa kanila na kung hindi ako nagkakamali ay Maureen ang pangalan ng babaeng 'yon. Nakahawak ito sa braso niya at mukhang malalim ang sugat nito kaya't nilapitan na rin namin sila. Mahapdi rin naman ang sugat ko sa likod pero pakiramdam ko ay hindi na ito dumudugo.
"What happened?!" nag-aalalang tanong ni Syden sa kanila. Duguan rin silang tatlo kagaya namin.
Nakatayo ang dalawa habang nakaupo naman si Maureen na hawak-hawak ang braso niya at katabi niya si Syden, "We were drugged at hindi namin alam kung anong ginagawa namin. Huli na ng marealize namin...na nakapatay kami" sambit noong Maureen na napapaluha pero pinipigilan niya.
"Hindi niyo naman kasalanan na nangyari 'yon. Biktima tayong lahat dito" saad ni Syden.
"Pero totoo ba?" tanong naman ni Icah kaya napatingin siya dito, "Na patay na si Claude?"
Nagkatinginan kaming lahat at tumango si Syden, "Oo, patay na siya. Paano niyo nalaman?"
"Simula ng marinig ng Venom ang nangyari, karamihan sa kanila ay nagpakamatay. Pinapatay nila ang mga estudyante habang nagpapatayan ang lahat. Ang iba naman sa kanila, itinuloy pa rin ang laban pero natalo rin naman. K-kaya ngayon...." nanginginig itong tinignan ang paligid at napaiyak, "Bilang na lang tayong mga estudyante na nakatayo...matatapos na sana ang lahat ng 'to, pero parang hindi na mangyayari 'yon" pahayag nito kaya nagtaka si Syden lalo na't napaiyak ito, "Anong ibig niyong sabihin?" tanong niya.
"Bago pa man mag-umpisa ang kaguluhan, may kumalat na balita na magbubukas daw ang wall na nasa gitna ng Heaven's Ward at Curse Academy, madedeactivate din daw ang mga electric barriers, p-pero....." tila hindi na makapagsalita si Maureen kaya't mas tinignan pa siya ni Syden, "Yon ang announcement ng council....pero nabalitaan namin na lahat ng members ng council ngayon..." tinignan ni Hadlee si Syden at nanginginig na nagsalita, "All members of council are dead" dagdag pa niya na ikinagulat namin.
"W-what do you mean?! Sigurado ba kayong council talaga ang nagsabing makakalabas tayo dito?!" tanong ni Syden na hindi makapaniwala.
"Council na mismo ang nag-announce kung anong mangyayari mamayang gabi. The time should be at exactly 12:00 am, pero pagkatapos na pagkatapos nilang mag-announce, narinig namin kung paano sila patayin sa mismong audio room" pahayag niya.
Napaatras si Syden kaya't inalalayan ko siya at hindi kami makapaniwala sa narinig namin, "I-ibig niyo bang sabihin, council dapat ang tutulong sa atin para lumabas dito?" tanong niya.
"Tutulungan dapat tayong makalabas ng council, pero pinatay sila. Ibig sabihin, ibang tao ang may gustong magkagulo at magpatayan ang mga estudyante. Hindi council ang may kagagawan kaya hindi tayo makalabas dito, kundi ibang tao" saad ni Hadlee.
"Kaya kailangan nating hanapin ang taong pumatay sa kanila...dahil kung hindi natin siya mahahanap, tayo ang papatayin niya" saad ni Icah.
"Do you mean, pwedeng estudyante ang pumatay sa kanila?" tanong ni Sean.
"Estudyante ang pumatay sa kanila" sagot ni Icah kaya nagkatinginan kami.
"Then we have no choice but to find that person" saad ni Sean. Napansin rin namin na natahimik ang buong paligid at kami na lang ang natitira, "Lahat ng mga estudyanteng buhay pa ay nagsama-sama at bumuo ng sariling grupo para hanapin ang pumatay sa council dahil siguradong pati tayo ay isa-isa niya ring papatayin. Ayaw niyang makalabas tayo dito kaya pinigilan niya ang council na tulungan tayo" saad ni Icah.
"Then let's find that student katulad ng ginagawa ng ibang estudyante ngayon" tinignan kami ni Sean kaya tumango kami dahil ito na lang ang paraan para makaligtas kami, "Para sa kaligtasan nating lahat, walang lalayo at dapat magkakasama tayo" pahayag ni Dave at tumalikod na siya. Sama-sama naming hahanapin ang pumatay sa council at siya ang papatayin namin. Pumunta kami ni Sean sa tabi ni Syden habang sa kabila naman ni Syden ay ang tatlo niyang kaibigan.
Tahimik kaming pumasok sa iba't-ibang building at sa tuwing makakarinig kami ng ingay ay nagtatago kami, "Did you just say earlier, narinig niyong pinatay ang council sa audio room?" tanong ni Dave sa mga kaibigan ni Syden habang nagtatago kami dahil nakakarinig kami ng ingay. Tumango lang ito at nag-umpisa naming tignan ang paligid ng tumahimik, "May isa pang buiding na hindi natin napupuntahan and that's where the audio room is" bulong ko sa kanila.
Kakapasok lang namin sa pangalawang huling building at dahil nasa likuran kami ako na ang naunang naglakad pabalik papalabas sa building. Walang kwenta ang building na pinasukan namin dahil hindi naman namin mahahanap ang hinahanap namin kung sa audio room ito nanggaling. Malaki ang posibilidad na nandon pa siya kung saan niya pinatay ang council.
Sumunod sila sa akin at nakita kong may mga ilaw rin sa ibang building na siguradong hinahanap ng lahat ang pumatay sa council dahil sa takot na baka pati sila ay patayin na rin. Pagkapasok namin sa building na 'yon ay puno ng dugo ang hallway. May mga iilang ilaw na nakasindi ngunit patay-sindi naman ang iba. Karamihan naman ay nakapatay at hindi na masindihan. Nakarinig kami ng mga yabag papalapit sa amin, kaya nagmadali kaming pumasok sa isang laboratory dahil wala na kaming mapagtataguan. Mas kinabahan na lang kami ng biglang tumahimik. Pinayuko ko silang lahat sa ilalim ng napakahabang lamesa at sumilip ako sa pintuan.
Bigla akong yumuko ng makita kong may isang member pa ng council ang tumakbo papasok ng laboratory pero pagkapasok niya ay may isa pang babae na hinawakan ng mahigpit ang buhok niya na parang tinatakasan niya ito. Lahat ng kasama ko ay nabigla pero sinenyasan ko sila na huwag maingay para hindi kami mahuli, "ANO BA?! BITAWAN MO AKO!!" sigaw ng member ng council kaya sumilip ako. Nakita kong hawak-hawak ng isang babae ang leeg nito gamit ang dalawa niyang kamay kaya't nasasakal ito.
"Hindi ko hahayaang sirain mo ang plano ko!" masamang sabi ng babaeng sumasakal sa member ng council pero sinipa siya nito kaya nabitawan niya ito at nakatakbo 'yon papalabas ng laboratory kaya muli itong lumabas para habulin ang babaeng 'yon.
Next...