webnovel

♥ CHAPTER 96 ♥

✿ Syden's POV ✿

Habang masarap ang tulog ko ay dinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Gabi na rin kami nakabalik kakahanap namin kay Julez at bigla namang napunta si Jarred sa usapan. Dapat ay hahanapin rin ng Vipers si Julez ngayong gabi pero ang sabi ko sa kanila ay ituloy na lang ang paghahanap bukas dahil gusto ko kasama ako sa paghahanap sa kanya kaya nagpahinga na rin sila. Pero hindi ko nagawang buksan ang mga mata ko dahil sa matinding pagkaantok at hindi ko rin matukoy kung sino ang taong 'yon dahil nakatalikod ako sa kanya. Narinig kong may ipinatong ito sa aking lamesa at muling siyang naglakad para isara ang pintuan.

Binuksan ko na lang ang mga mata ko at humarap sa pintuan. Narinig ko na lang na humakbang ito papalayo sa tapat ng kwarto ko kaya nagtaka ako at kusang napatingin sa lamesa na nasa gilid ng kama ko. Umupo ako sa kama at nakitang may isang malaking kahon na nakalagay sa lamesa. Hindi ito isang pangkaraniwan na kahon lamang.

Tumayo ako at nilapitan ang kahon na 'yon para matignan ng maayos. Nakita kong naka-sealed ito kaya kinuha ko ang kutsilyo na ibinigay ni Dean sa akin dahil nakapatong lang din 'yon sa lamesa. Walang alinlangan kong binuksan ang kahon at nasilip kong kulay pula ang nasa loob nito kaya mas lalo pa akong nagtaka. Tuluyan ko ng binuksan ang kahon at ipinatong muli sa lamesa ang kutsilyo. Dahan-dahan kong kinuha ang laman nito at pagkahawak ko dito ay tumambad sa akin ang isang napakaganda at nagniningning na damit. It's a beautiful red long gown at napakaganda ng disenyo nito lalo na't kumikinang pa. Sleeveless din ito at mas namangha pa ako ng makita ang pang-ibabang disenyo nito. It's a red long gown mermaid style. Inilagay ko 'yon sa kama ko at at nakitang may mga jewelry box din na nakalagay sa kahon kaya kinuha ko 'yon. It has a silver necklace, pair of earrings, a bracelet and a ring. Tinignan ko ito ng maayos at muling ibinalik sa kahon para ipatong sa lamesa. Bukod doon ay may isa pang kahon kaya binuksan ko ito at naglalaman ng sandals which is color silver. Medyo mataas ito ngunit kaya ko naman kaya walang problema pero bakit may ganito ako? Saan ko naman gagamitin 'to?

I never requested something like this sa council kaya bakit may ganito ako?  Muli kong kinuha ang mga jewelry na 'yon na nakalagay sa kahon at habang tinitignan ko ang mga ito, bigla na lang may nahulog na maliit na envelope sa sahig kaya't ipinatong ko ang jewelry box sa lamesa at kinuha yung envelope. Pagkapulot ko pa lang dito, nagustuhan ko na lang ang mabangong amoy nito. It's a small red envelope with a really, really good scent. It also has a small red rose design sa gitna that serves as the envelope's lock. Hinawakan ko ang rose na 'yon para buksan ang envelope at kinuha ko ang laman nito sa loob. Just like the scent earlier, mayroon ding amoy ang papel na nasa mismong loob noon.

I slowly opened the folded paper at binasa ang nakasulat dito,

To: Ms. Fuentes,

Two beautiful hearts when combined causes a one beautiful love. Our love bleeds in a romantic way of hell. Just like hell, our love bursts out romantically and brutally. We lit our love and shine the brightest to its deepest. We torture this heart by loving someone.

Greetings from hell, you are invited tomorrow night to attend our

"ROMANTIC BLOODY ROSE PROMENADE"

at exactly 10 pm.  Those who will not attend the said event shall have to experience a Romantic Bloody Death, so let the love bleeds and lit your love to shine.

May promenade sa eskwelang 'to? But how? Sa dami ng nangyayaring hindi maganda, they will invite us to attend the prom night? Seriously?!

Napaisip na lang ako ng ilang segundo dahil sa nabasa ko kaya ipinatong ko yung hawak kong sulat sa mismong gown na nakalagay sa kama ko at lumabas ako ng kwarto. Tinignan ko ang buong paligid at tahimik kaya sigurado akong nagpapahinga na lahat ng members. Lumabas lang naman ako para itanong sana sa kanila kung bakit nakatanggap ako ng invitation for the prom. Kaso mukhang tulog na sila.

Papasok sana ulit ako sa kwarto ng makita kong bahagyang nakabukas ang pintuan ng Black House at nakikita kong medyo maliwanag sa labas kaya naglakad ako papunta doon. Nakita ko na lang si Nash na nakaupo sa may bench at umiinom siya ng alak na parang malalim ang iniisip.

Dahan-dahan ko itong nilapitan at mukhang napansin niya ako dahil napatingin siya sa direksyon ko, "Mukhang nagising ata kita?" saad nito bago muling uminom.

Umupo ako sa tabi niya habang nakatingin pa rin sa kanya, "So it was you who gave that?" tanong ko dito dahil siya lang naman ang gising sa kanilang lahat.

Napatingin siya sa akin at ngumiti, "You mean the box?" tumango na lang ako bilang sagot kaya muli siyang nagsalita, "I just saw it here kaya hinatid ko na lang sa mga kwarto niyo dahil tulog na kayong lahat" sabay tingin nito sa kanyang harapan.

"Meron din ang iba?" tanong ko dahil ang buong akala ko, ako lang ang nakatanggap ng invitation.

Muli siyang uminom bago ulit ako tinignan, "All of us are invited. All the students"

Napatingin naman ako sa malayo at halos madilim na at tanging ang buwan na lang ang nagbibigay-liwanag sa amin, "Why are you here?" seryosong tanong ko dito kaya nagkatinginan kami.

"I couldn't sleep" habang nag-uusap kami ay tuloy pa rin ito sa pag-inom at nakita kong pangatlong bote na ng alak ang iniinom niya. I think mayroon pang mas malalim na rason kung bakit siya umiinom ngayon. Sa lahat ng nalaman ko tungkol kay Nashielle na kapatid niya, malamang siya ang dahilan kaya umiinom si Nash ngayon. He must be missing his sister.

"You miss her?" tanong ko dito.

"Who?"

"Your sister. It's Nashielle right?" dahil sa sinabi ko ay nakita kong natigilan rin ito ngunit bahagya siyang napangiti, "I miss her everyday"

"It must have been really hard for you to move on. I'm very sorry for your lost" saad ko dito at napansin kong bigla na lang naging malungkot ang mga mata nito dahil nakatingin kami sa isa't-isa. You cannot see the happiness of a person base on their smiles, but by looking at their eyes. We can always hide the truth by smiling but our eyes can tell what we really feel. And there will always be one person na makakapansin sa kalungkutan na 'yon. Not everyone but only one.

"Don't be sorry. It's okay now, namimiss ko lang talaga siya" saad nito bago ulit tumingin sa harapan niya, "Siya lang ang meron ako. She's my sister, my friend, my bestfriend, my family and my everything but she died and I was still young back then that's why I wasn't able to save her"

"You're strong dahil nakayanan mo pa rin kahit wala na siya. Even though she was your everything, nagawa mo pa ring mabuhay at mag-survive sa lugar na 'to kahit wala na siya. We cannot avoid the fact that the most important person in our lives will leave us out of nowhere. We just need to accept it"

"She was a very brave girl. Just like you" pahayag nito at sabay tingin sa akin.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya, "Are you sure?" I don't even know  if he's lying or not cause I don't know if I am really that brave. May mga oras lang talaga na hindi natin alam kung sino o ano tayo. Na mas kilala pa tayo ng ibang tao kaysa sa sarili natin and that's what I hate about myself. I don't know myself. 

"She was a fighter, a very lovable sister. She was concerned to everyone around her. That's why she became the vice president of Chained School. Everyone respects her. Hinaharap niya lahat ng laban and she never lost to anyone. She wouldn't give up on any fight and you could never defeat her. She taught me how to be brave, strong and how to face the enemy without fear. But one day, she just died and I couldn't do anything to save her" habang sinasabi niya 'yon ay nakikita ko na mas lumalalim pa ang lungkot na nararamdaman niya habang nakatingin sa malayo.

"Wala namang may kagustuhan na mangyari 'yon so it's not your fault and don't blame yourself"

Napayuko na lang ito bago muling nagsalita, "Maybe, let's just stop talking about her. I found out something and this is more important..." uminom ito ng alak at pagkatapos ay tinignan niya ako.

"What is it?" tanong ko.

"Tomorrow night, at the prom..." saad nito at natahimik siya habang seryosong nakatingin sa akin na parang nag-iisip kaya nagtaka ako, "What is it?" tanong ko dito.

Parang nagdadalawang-isip pa ito ngunit nagsalita rin, "Someone's gonna target Dean. Not Vipers but him and- " pagkasabi niya doon pinutol ko na ang pagsasalita niya dahil nakita kong matapang na nakatingin ito sa akin kaya mas lalo pa akong kinabahan at lalong nagtaka, "For what reason? At sino?"

"I don't know the reason and I didn't know who they are. Narinig ko lang and I think I need to say it to the group- " bigla ko na lang hinawakan ang kamay nito kaya napatingin siya dito. Natigilan siya at diretsong napatingin sa akin na halatang nagulat sa ginawa ko, "No! You can't tell anyone about it" saad ko na mas lalo niya pang ipinagtaka.

"W-what are you saying? Bakit naman- "

"Can you please don't tell it to them?" pakiusap ko dito.

"Seriously?! Your boyfriend is the victim here?"

"That's why you need to keep it as a secret"

Inialis nito ang pagkakahawak ko sa kamay niya na parang hindi siya makapaniwala kaya tumayo siya, "Sorry Sy. But I can't"

"I'm not asking for your permission Nash. I'm telling you not to tell anyone about it" tumayo na rin ako at seryoso ko itong tinignan at sinabihan na ipinagtaka niya lalo. 

"I won't listen to you- "

"I'm the leader too, remember. Ang sabi niyo sabihin ko lang kung may kailangan ako. Now, I need you to keep it as a secret that's why you need to do it. Let me handle this. I won't let something happen to him Nash. I just need you to trust me" if this is the only way para pumayag siya sa gusto ko, I need to do this. I know it's not normal for me to say that, but I am doing this to know the enemy and the one targetting him. 

"Sigurado ka ba talaga dito? Bakit kailangan nating itago? Kapag nalaman nilang hindi ako nagsalita, tayong dalawa ang mapapahamak dito. Alam mo kung paano magalit ang Vipers" saad nito kaya nilapitan ko siya.

"Hindi nila malalaman kung hindi ka magsasalita. It's just between the two of us" sambit ko. I have a plan that's why dapat na matuloy ang pagtira nila kay Dean, in order for me to save him against them.

"Ano bang plano mo?" tanong nito kaya napangiti ako ng masama, "I can't tell you. Para sa kanya ang gagawin ko kaya huwag kang mag-alala. I'm saving him from a great danger"

"Fine. If your plan fails then I have to do something about it, just make sure na hindi palpak ang plano mo kung anuman 'yon dahil kapag palpak 'yan, sigurado akong may mapapahamak" sambit nito na halatang napilitan.

"Trust me. This plan will surely work. It will be a big help to find out the one targetting my muffin. He always saves me. This time, I want to save him without asking for anyone's help. Just promise me you won't tell anyone about this?" Just like how he protects me, I also want to protect him, all alone without help.

"I have a bad feeling about this Syden"

"Just trust me and calm down"

"I'll just watch you and Dean closely tomorrow night" sambit nito kaya tumango ako, "This will work. Trust me"

"Fine. I won't tell them hoping that your plan will surely work. I should rest now, hindi ka pa ba papasok?" tanong nito kaya umiling ako, "Maybe later" tumango ito at tuluyan ng umalis para pumasok sa Black House.

...........................

✿ Nash's POV ✿

Naglakad na ako papasok ng Black House ngunit pagkapasok ko pa lang ay muli akong tumalikod para harapin si Syden, "Just be ready if ever they find out about this. I'm willing to accept the consequences and I will take the blame" sambit ko dito kaya napatingin siya sa akin at tuluyan ko na siyang tinalikuran. Hindi ko masasabi kung malalaman ba ng Vipers ang napag-usapan namin pero hindi ko maiwasang isipin na baka malaman nga nila.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko pero hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Dean dahil pagkadaan ko sa kwarto niya ay ang saktong paglabas niya mula rito,

"Nash? Where have you been?" tanong nito bago isinara ang pintuan ng kwarto niya.

"Nagpaantok lang" maikling sagot ko at napatingin siya sa boteng hawak ko.

"Uminom ka pala, hindi ka man lang nagiimbita" saad nito na napangiti bago tumingin sa akin kaya ngumiti na rin ako at napakamot sa ulo.

Tumingin ako sa boteng hawak ko bago nagsalita, "Sorry Dean. I-i just....I thought you're already asleep" saad ko.

"That's okay. I was just kidding. Normal na lang sa atin na gising kapag gabi at nahihirapang matulog. By the way, may tao pa ba sa labas?" tanong nito na napatingin sa  pintuan na bahagyang nakabukas.

"Oh yeah. Syden is there" napatingin din ako doon bago siya muling tinignan.

"Really?" saad nito na halatang nabigla.

"Nakita niya kasi ako kaya nilapitan niya ako kanina"

"Then I'll just go there" sambit nito kaya kaya tumango ako, "Sure" nag-umpisa na itong maglakad at ganon na rin ang ginawa ko hanggang sa naalala ko yung nakita ko kanina kaya natigilan ako sa paglalakad at muling humarap para tignan si Dean.

I heard someone talking about Dean and Syden. Hindi ang grupo ang titirahin nila sa prom night kundi silang dalawa lang. I was about to tell Syden na silang dalawa ni Dean ang target but she stopped me from speaking at nag-umpisa na akong pakiusapan na huwag sasabihin sa Vipers  ang nalalaman ko hanggang sa hindi ko na nasabi sa kanya na pati siya ay target din nila.

"Dean" natigilan ito sa paglalakad at nagtatakang humarap sa akin, "What?"

I guess I should tell him about it, "I was walking across the hallway and heard something. They are planning target your girlfriend and...." sandali akong natigilan dahil sa naging usapan namin ni Syden na huwag sasabihin na tinatarget din si Dean kaya nalilito ako ngayon.

"And?" sambit nito na hinihintay akong magsalita.

"She's the target" maikling sagot ko na lang dito.

Nakita kong lumapit ito sa akin at kagaya ng dati, nag-iba ang mga mata nito at matapang na nagsalita, "Who plans to target her?" seryosong tanong nito na hindi ko alam sagutin.

"Sorry to say pero hindi ko sila namukhaan dahil madilim. Narinig ko lang ang usapan nila. Maybe Venom...but I have a bad feeling about this"

"Maraming gustong kumuha sa kanya kaya hindi natin masasabi kung sino talaga" mahina lang ang pagsasalita nito ngunit matapang na nagsasalita.

"Hindi mo na ba siya patutuluyin sa prom bukas?"

"No, we'll still go there. I will let her enjoy and I won't let anyone ruin our night. I have a plan but don't tell anyone about this" saad nito habang diretsong nakatingin sa akin. Seriously? Here we are again. Ano bang mayroon sa dalawang 'to at nagtataguan sila ng sikreto?

"Seryoso ka ba? Paano kung may mangyari sa kanya lalo na't walang alam ang grupo?" gulat kong tanong dito ngunit sa mahinang paraan dahil baka may makarinig sa amin.

"I won't leave her. Ayaw kong masira ang araw namin bukas kaya gusto ko ako muna ang nakakaalam. Don't tell Vipers dahil gusto kong wala kayong problemahin bukas. Just enjoy the night. This secret is just between you and me. Understand?" pahayag nito. Nagdalawang-isip muna ako ngunit tumango na lang din sa huli, "Fine" this couple is giving me a headache right now.

Syden asked me not to tell anyone about someone planning to target Dean, she even used her place in the group para lang mapasunod ako, I can't believe that girl while Dean told me not to tell anyone about someone planning to target his girlfriend. Magkaparehong-magkapareho nga sila. They are dangerous, extremely dangerous. But it will be very exciting to know that they are hiding a secret just to protect one another and I was the only one aware of it.

To be continued...

Next chapter