webnovel

♥ CHAPTER 94:1 ♥

✿ Syden's POV ✿

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa rooftop. Napagpasyahan kasi ng grupo na mag-stay muna saglit doon dahil nagiging tambayan na rin nila ang rooftop lalo na't pagabi na. Bukod sa mahangin ay tahimik ito dahil hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante. Mahilig silang tumambay sa rooftop kapag pagabi na, pero simula noong nagkatraining sa Rebel's House minsan na lang sila nakakapunta dito.

Main members lang din ang kasama ko dahil busy pa rin sa training ang mga bagong members. Pumasok kami sa building at kagaya ng dati, tumatabi sa daraanan namin ang bawat estudyante. Takot pa rin naman sila sa grupo at alam kong mas natatakot sila ngayon dahil sa mga nangyayari sa campus. Bago pa man kami tuluyang makaakyat ay natigilan na lang kami sa paglalakad ng makasalubong namin ang Phantoms.  Lalagpasan sana namin sila ngunit hinarangan nila kami kaya matalas na nagkatinginan sina Dean at Clyde ganon rin naman ang mga members.

"What do you want Clyde?" tanong ni Dean sa kanya. Sandaling napangisi si Clyde bago nagsalita, "Sa'yo wala..." tumigil ito sa pagsasalita at tinignan ako ng masama, "Pero sa babaeng 'yan meron! She killed one of my members!" galit na sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Dean ang braso ko at hinila ako papunta sa likuran niya ngunit kahit ganoon, pansin kong napangiti na lang siya ng masama habang nakatingin kay Clyde.

"And so?" saad nito kay Clyde kaya nainis na lang si Clyde sa sinabi nito, "Hindi ko palalampasin ang ginawa niya. She even blinded one of them and stabbed Roxanne!" galit na sabi nito at pare-pareho kaming napatingin sa gilid niya dahil sa sinasabi niyang member niya na binulag ko. May isang malaking sugat ito sa kanyang mukha at nakatakip ang kabilang mata. Nagtama ang mga mata namin at masama ang tingin nito sa akin.

"Kung makapagsalita ka naman Clyde as if it is not your doing. As if you don't kill your own members. At isa pa, it's not her fault kung tanga ang mga members mo kaya namatay..." sandali itong natigilan sa pagsasalita at tinignan ang lalaking nasugatan ko na member ni Clyde, "Nasaksak at nabulag sila"

Una sa lahat  hindi ko naman sinasadyang mangyari 'yon. Hindi ko ginustong mangyari lahat ng 'yon at gawin 'yon. Nawala lang talaga ako sa katinuan at nagsisisi ako sa nagawa ko.

Nakita ko na lang na aktong lulusob ang member ni Clyde na may sugat sa mukha ngunit hinarangan ito ni Clyde gamit ang kanyang kamay at nagkatinginan sila, "Calm down" muling tumingin ng masama sa akin ang member niya at umatras.

"Kung ayaw niyong magkagulo pa dito, hand her to us" saad ni Clyde.

"No, she belongs to us" sagot naman ni Dean.

Muli akong tinignan ni Clyde ng masama habang nakangiti, "Then we'll have no choice but to force her" saad nito ngunit matapang ko siyang tinignan.

"Then let's play with your dirty game Phantoms. Sisiguraduhin kong bago pa man kayo makalusob, tumba na kayong lahat. It's either you'll give way or we will make way" pahayag ni Dean. 

Nagkatinginan silang dalawa bago muling nagsalita si Clyde, "You never dissappointed me Dean Carson. It's either we give way or you will make way you said?" napayuko ito habang nakangiti ng masama na parang nag-iisip pero muli siyang tumingala, "Fine. We...Phantom Sinners will give way. But in every way, there will always be other way" sarcastic na sabi nito. Tumabi siya habang nagkakatinginan pa rin silang dalawa kaya't tumabi ang mga members ni Clyde.

Nag-umpisa ng maglakad si Dean kaya't sumunod na rin kami sa kanya. Habang dumadaan kami sa tapat ng Phantoms, napatingin ako sa lalaking nasugatan ko at masama ang tingin nito sa akin na parang gustung-gusto niya akong patayin. Nagtama ang mga mata nito at napansin kong napangiti ito ng masama. Mabilis itong nakapaglabas ng kutsilyo at inatake ako pero naunahan siya nina Dave at Raven.

Natigilan kaming lahat sa paglalakad at nakitang tinututukan nina Raven at Dave ng kutsilyo yung lalaking lumusob sa akin. Isang phantom naman ang nagtutok ng kutsilyo kay Dave at ganoon din ang isang phantom na tinutukan ng kutsilyo si Raven.

Tinutukan naman ng kutsilyo ni Nash yung phantom na nakabantay kay Raven at si Dustin naman para sa phantom na nakabantay kay Dave. Sadyang napakabilis ng pangyayari kaya natulala na lang ako. Napatingin na lang ako kay Clyde ng itulak niya ako sa pader at tinutukan din ako ng kutsilyo. Hindi rin naman siya nakagalaw ng ipitin ni Dean ang leeg nito gamit ang braso niya at tinutukan niya rin ng kutsilyo si Clyde.

"Isang maling galaw, lahat tayo patay" sarcastic na sabi ni Clyde habang nasa likod niya si Dean.

"Put down your knives or else you'll die" galit na sabi ni Dean dito. 

"Kill me and I will kill this girl Dean" sabay tingin ng masama sa akin ni Clyde.

"Alam mo kung gaano kabilis dadaloy ang kutsilyong 'to sa leeg mo kaya bago mo pa man magawa ang balak mo, sisiguraduhin kong patay ka na" sandaling natahimik si Clyde habang nakangiti ng masama. Parang malalim ang iniisip nito hanggang sa muling magtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko na galit na galit ito sa akin ngunit narinig na lang namin ang pagkahulog ng kutsilyo sa sahig ng bitawan niya ito kaya't sumunod na rin ang mga members niya at binitawan nila ang mga hawak nila.

Hinarapan niya si Dean kaya't mas natutok pa nito ang kutsilyo kay Clyde, "This is not the end vipers. Babagsak rin kayo!" saad ni Clyde na sobrang galit.

Ibinaba na ni Dean ang hawak niya kaya't ganon na rin naman ang ginawa ng mga members at muli siyang nagsalita, "Don't say it. Do it" nagtapatan silang dalawa at nagtinginan ng masama bago tuluyang tumalikod si Clyde at naglakad papalayo kaya't sumunod na sa kanya ang mga members niya. Bago pa man ako malagpasan noong lalaking nasugatan ko sa mukha ay tinignan niya nanaman ako ng masama.

"Are you okay?" tanong ni Dean na napahawak sa braso ko kaya tumango ako, "I'm fine" tinignan ko silang lahat at mukhang okay din naman sila. Sabagay, bakit pa nga ba ako magtataka?

"Basta mag-ingat ka sa lahat ng taong nakakasalamuha mo. Let's just forget what happened" sambit nito na kagaya ng dati, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at itinuloy na ang paglalakad papunta sa rooftop. Sa pag-akyat namin sa hagdanan katulad ng kanina, patuloy pa rin sa pag-iwas ang mga estudyante dahil sa takot.

Binuksan ni Dean ang pintuan ng rooftop ng makarating kami doon at ang sarap sa pakiramdam ng salubungin kami ng sariwang hangin. Pumunta kami sa may pinakasulok at doon tinignan ang buong campus. May mga lugar na tahimik at may mga lugar kung saan nagkakagulo. Sadyang magulo na talaga. 

"Do you think we can still go out or some people from Heaven's Ward will save us?" tanong ko sa kanila na nakatingin sa malayo kaya napatingin sila sa akin.

"Sa tingin ko oo, makakalabas pa tayo dito if someone from Heaven's Ward High would know about this place. Pero...that's the problem. Hindi malalaman ng mga estudyante sa Heaven's Ward ang tungkol sa lugar na 'to hanggat hindi sila dinadala dito" saad ni Dave bago tumingin ulit sa malayo.

"They made sure na walang makakalabas na estudyante dito at walang makakaalam tungkol sa lugar na 'to" dagdag pa ni Nash.

"Magtiwala lang tayo. Makakalabas din tayo sa impyernong 'to" sagot naman ni Raven.

Pagkatapos noon ay muling natahimik ang rooftop dahil ninanamnam lang namin ang malakas na hangin. Hanggang sa napansin kong nagbubulungan na sila pero hindi ko na binalak na makisingit pa hanggang sa nagkwentuhan na sila. Tinignan ko ang buong rooftop at naglakad ako papunta sa kabilang sulok pero naririnig ko na ang pagtatawanan ng grupo. Nang marating ko na ang pinakasulok, tumingin ako sa baba at natuwa na lang ako ng makita ko si Leigh na naglalakad. Katulad ng sinabi niya dati, nag-iisa pa rin siya hanggang ngayon. Para sa akin, siya ang pinakamahinhin na tao na nakilala ko.

Sinundan ko siya sa paglalakad niya gamit ang mga mata ko hanggang sa may isang grupong nakakuha ng atensyon ko kaya't imbis na tignan ko si Leigh sa paglalakad, sa kanila ako napatingin. Tinignan ko na lang ito ng maayos at parang pamilyar sila sa akin kaya nagtaka ako. Sila ang mga new members ng Black Vipers at sa pagkakaalam ko, nasa Rebel's House sila for training. Pero anong ginagawa nila at may kausap silang ibang grupo? 

Hindi pamilyar sa akin ang grupong kasama nila. Tatlo sila at parang minor group ang kasama nila. At base sa galaw nila, parang hindi maganda ang kutob ko dito. Muli kong tinignan ang grupo na masayang naguusap-usap at sinundan ko ulit ng tingin ang grupong tinitignan ko kanina. Napansin kong papunta ang grupong 'yon sa likod ng kabilang building at tinignan muna ng mga new members ng Vipers ang paligid bago sila tuluyang sumunod sa grupong 'yon. Sinubukan ko pa rin silang tignan hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. 

After 20 minutes...

Nanatili pa rin akong nakatingin sa likod ng building na pinuntahan nila pero wala pa rin sila at hindi ko makita kaya muli kong tinignan ang paligid.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Raven, "Sy, tara na" sambit nito na ipinagtaka ko, "Ha? Saan?"

"May kailangan kaming ayusin ngayon. Ngayon na mismo kaya biglaan lang. Let's go back" sambit nito na mas ipinagtaka ko pa pero hindi na ako magtatanong pa kaya tumango na lang ako at sumunod na sa kanila.

Muli kaming naglakad pababa ng building at may mga parte pa rin ng hallway na may dugo pero iniiwasan ko na lang para hindi ako matakot. Napansin kong parang nagmamadali ang grupo dahil sa bilis ng paglalakad nila kaya napasunod na rin ako kahit na hinihingal na ako. Pagkalabas namin sa building ay patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa Black House. Pagpasok namin ay kaagad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig at umupo doon sa kadahilanang hiningal ako sa bilis ng paglalakad nila. May hinahabol ba 'tong mga lalaki na 'to? Para kasing bigla silang nagmadali.

Napansin ko na lang na dumiretso silang lahat sa mga kwarto nila at tila nagmamadali sila. Nakita kong lumabas sina Dave at Dustin kaya tumayo ako para alamin kung ano bang nangyayari. Pagkalabas ko sa kusina, nakasalubong ko si Raven at nakita niya ako, "What's happening? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Just stay here. Hintayin mo lang kami dito" sagot nito bago tuluyang lumabas. Muli akong napatingin sa gilid ko at nadatnan ko naman si Dean kasama si Nash.

"Hey sweetie! We'll go to Rebel's house. Just stay here and wait for me" saad nito kaya kahit papaano, nakaramdam ako ng lungkot, "Won't you stay with me?" malungkot kong tanong sa kanya. Ngumiti na lang ito at lumapit sa akin. Nasanay na kasi ako na palagi siyang nasa tabi ko kaya nakakalungkot.

"I really want to, sweetie. I'll come back soon so wait for me, understand?" hindi na lang ako nakapagsalita at naramdaman ko na lang na mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa halikan niya ang noo ko. 

"Don't worry, babawi ako sa'yo pagbalik ko so I should see that smile right now" napansin nito na halos nakasimangot na ako dahil maiiwan nanaman ako dito at aalis siya. Ano ba naman 'yan? 

Pero dahil sa ngiti niya, nagawa ko na ring tumango at ngumiti, "Fine muffin. I'll wait for you" saad ko dito at mas lumawak pa ang ngiti niya, "That's my girl. I'll go now" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na siya sa Black house kasama si Nash kaya nilock ko na ang pinto. Napasandal na lang ako sa pinto at napansing napakatahimik ng Black House. 

Nanlaki na lang ang mata ko ng makita kong lumabas sa kwarto nila sina Stephen at Caleb, "What are you doing here?!" napatingin na lang sila sa  akin ng magsalita ako dahil ang alam ko, nandoon lahat sila.

"Obvious ba? Sasamahan ka namin" sambit ni Caleb.

"And why?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Tingin mo ba hahayaan ng boyfriend mong maiwan kang mag-isa dito. Sabi niya huwag ka raw naming iiwanan kahit anong mangyari" pahayag ni Caleb habang tahimik lang si Stephen. Natuwa na lang ako ng sabihin niya 'yon sa akin. Simula kasi nung naging kami, ang laki ng pinagbago ng lalaking 'yon. And that's my muffin.

"Kaya huwag ka ng magbalak na tumakas dahil kami ang malilintikan sa kanya" dagdag pa ni Caleb.

"Bakit? Bawal ba akong lumabas?" tanong ko sa kanila.

"Kabilin-bilinan ni Dean, huwag ka raw namin hahayaang lumabas at hindi ka pwedeng lumabas dahil pagabi na" pahayag ni Stephen.

"Fine, I'll just wait for them" saad ko sa kanila bago ako naglakad papunta sa kwarto ko at nakita ko naman sila na pumunta sa kusina. Umupo ako sa kama para magpahinga at magpalipas ng oras habang hinihintay ko sila. Ang sabi naman niya sa akin, mabilis lang daw ang gagawin nila at babalik siya agad kaya siguro, hindi ko kailangang maghintay ng matagal dito.

Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame hanggang sa bigla akong may naalala kaya muli akong napaupo sa kama ko. Nakaramdam na lang ako ng kaba ng maalala ko yung nakita ko kanina noong nasa rooftop kanina. New members might just be a traitor while others are spy kaya may kausap silang ibang grupo kanina. Isa pa, nabanggit na din ng grupo na hindi pa rin mapagkakatiwalaan ang new members. Tatlo silang nakita ko at hindi na maganda ang kutob ko dahil doon. The Venom group tried to kill me first before the other members dahil gusto na nilang masira ang Vipers para sila na ang katakutan ng lahat. And now, new members are not yet proven to be loyal.

There must be something.

Lalo na lang akong kinabahan dahil doon. I won't let anyone destroy this group. Pumunta sila ngayon sa Rebel's house at sigurado akong may mangyayaring hindi maganda ngayong gabing 'to. Tuluyan na akong tumayo at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Sinilip ko sina Stephen at Caleb sa kusina pero wala sila doon. Tinignan ko ang buong Black House at tahimik lang. But I think, this is the right time to escape hanggat hindi nila alam. Sigurado naman kasing hindi nila ako papayagan na lumabas kaya hindi dapat nila malaman ang pag-alis ko.

Kailangan kong pumunta sa Rebel's house dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa nakita ko. I need to tell Vipers kung anong nakita ko kanina. Tama man o mali ang hinala ko, ang mahalaga walang mapahamak.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at muli kong sinilip ang buong Black House para siguraduhing hindi nila makikita ang pag-alis ko. Nang masiguro kong walang nakakita sa akin ay tuluyan na akong lumabas at tumakbo papunta sa Rebel's House. 

Binilisan ko ang pagtakbo dahil wala ng tao sa campus at ako lang mag-isa. Natigilan na lang ako sa pagtakbo ng matanaw kong maliwanag ang Rebel's House ngunit hindi ko mapigilang mapahawak sa tuhod ko dahil sa hinihingal at napagod ako sa pagtakbo.

Huminga ako ng malalim at diretsong pumasok doon pero natahimik na lang ako ng datnan ko ang mga new members na hawak lahat ng armas at parang aalis sila. Habang nagtatawanan sila ay natahimik rin sila ng makita nila ako. But main members are not here. 

Next...

Next chapter