webnovel

♥ CHAPTER 88 ♥

✿ Syden's POV ✿

Kasalukuyan kaming nasa labas ng building na kung saan nakatira sina Blake at Max, kung saan ako nakitulog noong lumayas ako sa Black House. Pero hindi na rin naman ako pwedeng bumalik doon dahil sa ginawa at panloloko nila, "Just stay there and wait for me. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka na sa akin" sambit nito na lubusan kong ipinagtaka.

"What?" kaming dalawa lang ang magkasama ngayong gabi at kaming dalawa na lang din ang pakalat-kalat sa madilim na campus pero nakatayo kami malapit sa isang poste kung saan maliwanag. At magmula rin kanina napaka-bossy ng lalaking 'to at parang biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, higit sa lahat hindi na siya nagsusungit. Pero mas okay rin 'yon dahil hindi ko na rin naman gugustuhin na makita siyang seryoso sa lahat ng bagay.

"Hindi na kita tatanungin kung saan ka pupunta at matutulog kasi ibabalik na kita sa Black house" saad nito kaya nawala na lang ang pagkakunot ng noo ko dahil doon,  "Ahh okey. Nakakamiss din naman yung kwarto ko doon na sana hindi niyo tinanggal" sambit ko dito. Baka naman kasi sa sobrang galit din nila sa akin ay sinunog nila lahat ng gamit ko at wala na akong datnan ngayon doon. 

"What are you saying?" tanong nito at parang nagtataka siya kaya diretso ko na rin siyang tinignan at muling napakunot ang noo ko, "I said nakakamiss din naman yung kwarto ko sa Black House" sambit ko dito na medyo lumakas ang boses. Hindi ba siya nakakaintindi?

"Anong kwarto pinagsasasabi mo? Wala ka ng kwarto sa Black House" sambit niya kaya nabigla ako, "What?! Are you saying na dahil lumayas ako tinanggalan niyo na rin ako ng kwarto?!" gulat kong tanong dito. Marami akong naiwan na iba pang importanteng gamit doon. Oo, wala akong pakielam noon kung ano man ang gawin nila sa mga gamit ko but it doesn't mean na gusto kong mawala lahat 'yon!

Bigla ko na lang nakita ang masamang pagngiti nito at mas nilapitan niya pa ako kaya napakahakbang ako ng isang beses paatras, "Nope. Kasi doon ka na matutulog sa kwarto ko. It's ours now" sambit nito na parang tuwang-tuwa pa habang tinitignan ako na muntik ng mag-collapse dahil sa sinabi niya. What the hell?!

"What?! No! Ayoko!" sigaw ko dito ngunit hindi pa rin non natanggal ang masamang pagngiti nito. 

"Am I asking for your permission? Hindi naman dba? So dun ka matutulog sa kwarto ko. You should be thankful dahil bukod sa akin, wala ng iba pang natulog sa kwartong 'yon, ikaw pa lang. At saka, hindi ka ba masaya na makatabi ako?" sambit nito habang tuwang-tuwa na nakatingin sa gulat kong pagmumukha. Kailan ko nga ba ulit nakita ang kayabangan ng lalaking 'to?

"No! I won't sleep with you. Matulog kang mag-isa mo Dean Carson!" sigaw ko pa ulit dahil alam ko naman na inuumpisahan niya nanaman akong pagtripan. 

Lalo pa itong lumapit sa akin habang nakikita ko pa rin ang ngiti niyang masama kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit? Natatakot ka bang matulog tayo sa iisang kama?" sagot niya kaya tuluyan na akong nainis sa kanya at mas sinamaan ko siya ng tingin. 

"No why would I? Ayaw kitang katabi at ayaw ko ng may kasamang natutulog! Kaya pwede ba tigilan mo ako kasi kahit anong gawin mo, hindi ako matutulog sa tabi mo!"

Lumayo ito sa akin at napabuntong-hininga kasabay ng pagkawala ng masamang ngiti nito, "We needed to fix some things dahil nadagdagan ang tao sa Black house so you need to adjust. Kaya magkasama tayo sa iisang kwarto"

"Ako pa talaga ang magaadjust?" irita ko siyang tinignan at tinignan lang din ako nito kaya't muli akong nagsalita, "Fine, sa labas na lang ako matutulog" sambit ko sabay tingin sa ibang direksyon. Let's see kung anong gagawin niya. 

"Fine, 'don ka na matulog sa kwarto mo" sambit nito at tila lumungkot ang boses niya dahil humina ito at parang napipilitan lang siya kaya napangiti ako at napatingin sa kanya, "Really?"

"Oo, ako na lang ang lilipat sa kwarto mo" sagot nito at muling ngumiti ng masama kaya sadyang naiinis na talaga ako. Tama nga ang kasabihan, mahirap talunin ang lalaking 'to! Sinamaan ko siya ng tingin at balak pa sanang magsalita pero inunahan niya ako, "Subukan mo pang magreklamo or else papatigilin ko 'yang bibig mo. I'll get it for you, mabilis lang 'to" sambit nito at pinanood ko lang siyang pumasok sa building na 'yon habang naiinis pa rin ako. Kukunin ko sana lahat ng gamit ko dahil nandoon pa rin sa kwarto ng traydor kong kaibigan at boyfriend, or should I say 'ex-boyfriend' ang mga gamit ko. Kaso sabi niya siya na lang daw ang kukuha at hintayin ko siya dito. 

Habang hinihintay ko siyang lumabas ay napangiti na lang ako. Well, I can't deny na kahit siya naman ang sinusungitan ko ngayon, tila nagbago siya dahil sa nangyari. At kahit masamang ngiti ang ipinapakita niya, hindi ko man pinapakita sa kanya pero kahit anong klasing ngiti ang ipakita niya sa akin, masaya na din ako at natutuwa kasi alam kong madalas siyang napapangiti sa tuwing titignan niya ako.

Hindi man magandang pakinggan, pero gusto kong makita lamang ang mga ngiting 'yon kapag ako ang kasama at kaharap niya. I don't want to lose him. 

Nawala na lang ang mga  ngiting 'yon ng makita ko siyang lumabas sa building dahil baka isipin niyang nababaliw pa rin ako dahil sa pagngiti ko ng mag-isa, habang papalapit siya hindi ko maiwasang titigan siya dahil nakakaakit pa rin ang mga mata niya. The way he looks at me habang papalapit sa akin, he's so d*mn hot!

At ngayon ko lang na-realize 'yon.

"Eto na ba lahat?" ipinakita niya sa akin ang kaisa-isang bag na hawak niya at alam kong mabigat 'yon kahit iisa lang. Tumango muna ako bago nagsalita, "Oo" sagot ko dito at kukunin ko sana sa kanya ang bag ko pero inilayo niya 'yon sa akin at isinuot sa kaliwang balikat niya, "I'll just bring it"

Lumayo ako ng konti sa kanya at tinignan siya ulit, "Paano ka naman nakapasok?"

"You know I can do all things" muli nanaman itong ngumiti ng masama at alam ko naman na nagyayabang siya, "You don't need to say it all the time, alam ko naman eh" saad ko para tumigil na siya at nakitang lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko gamit ang dalawa niyang kamay kaya diretso akong napatingin sa kanya, "Just don't get hurt okay? I love you" sabay yakap nito sa akin kaya niyakap ko na rin siya kasabay ng pagngiti, "I know" mas lumawak na lang ang pagngiti ko dahil hindi siya lumayo sa pagkakayakap namin at alam ko kung anong dahilan. 

"I need an answer" he said just like a child na gustong makuha kaagad ang gusto niya. 

"I said I know!" sagot ko naman at pinipigilan kong mapansin niya na natatawa ako kasi hinihintay niya yung sagot ko. Alam ko namang wala siyang balak na humiwalay sa pagkakayakap namin, kaya ako ang humiwalay at nakita kong seryoso lang itong nakatingin sa akin at pinipigilan kong matawa habang nakikita ko ang itsura niya na parang batang naghihintay ng sagot.

Ngumiti na lang ako at hinawakan ko ang kamay niya, "Let's go?" tanong ko dito at naglakad na ako habang hawak ang kamay niya pero pansin kong parang ayaw niyang maglakad kaya muli ko siyang tinignan. Nilapitan ko siya para yakapin habang nakatingin pa rin siya ng seryoso sa akin at nginitian ko siya, "I know I love you too" I said at ilang segundo rin ang lumipas na hindi siya kumikibo.

Nabigla na lang ako ng bigla niyang hawakan ang baywang ko gamit ang isa niyang kamay at mas lalo niya pa akong inilapit sa kanya, "Fine, so it's official then. Tayo na" sambit nito bago ngumiti ulit ng masama habang nakatingin sa akin. 

Sinamaan ko na lang ulit ito ng tingin at tumingin sa ibang direksyon habang nakayakap ako sa kanya, "Tsk! Hindi ka man lang nanligaw!"

"Do I still need to do that? Eh sinagot mo na naman ako" napatingin na lang ako sa kanya at nakita kong hindi siya nakatingin sa akin kundi sa mga labi ko na mas lalong nakakapagpatibok ng mabilis sa puso ko.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya dahil sa sinabi niya kaya muli siyang napatingin sa mga mata ko.

"You said you love me too and that's better than the word yes kung sasagutin mo ako sa panliligaw ko sayo. Just promise me one thing" pagkasabi niya noon ay hinintay ko na lang ulit ito na magsalita, "Don't leave me. Don't leave without me" ng marinig ko 'yon ay napansin ko sa mga mata at boses niya na parang nagmamakaawa siya sa akin na huwag siyang iwan. His eyes are always hypnotizing me. 

"What makes you think that I will leave you? Even if the world is against us, we'll create our own world and live there" pahayag ko dito.

"Come on, say it. Promise it"

Kusa ko na lang inialis ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya and this time, pinalibutan ko ang leeg niya gamit ang mga kamay ko habang nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko, "I'll never leave you so stop imagining things. I'm just afraid that you would leave me because I'm just an ordinary girl. Not a leader, not like Roxanne" I said at hindi ko mapigilang malungkot dahil baka mangyari ang kinatatakutan ko at alam kong napansin niya 'yon habang nakatingin siya sa akin. 

"Hey, what are you saying?" habang nakahawak ang isang kamay nito sa baywang ko ay itinaas naman niya ang kabila niyang kamay at hinawakan ang baba ko dahilan upang mapatingala ako at mas magtama pa ang mata namin, "You're not an ordinary girl for me. You're not a leader because you're already a queen, my queen. You're not like Roxanne because you're better than her. It's you who's different from them which makes you unique" pahayag nito at dahan-dahan na niyang inialis ang pagkakahawak sa baywang ko, dahilan upang mapalayo ako ng konti sa kanya habang ang kamay naman niyang nakahawak sa baba ko ay napunta sa balikat ko at ramdam kong pababa ng pababa ang kamay niya sa braso ko hanggang sa mapunta ang kamay niya sa kamay ko.

Tinignan niya muna ng maayos ang kamay ko at dahan-dahan itong hinawakan kasabay ng pagtingin niya sa akin at mas lalo pa akong napatitig sa kanya ng mapansin kong parang kumikislap ang mga nito habang nakatingin sa akin. 

"Let's go" ngumiti ito kaya't ganon na rin ang ginawa ko at naglakad na kami papunta sa Black House habang magkahawak ang mga kamay namin at nakasabit pa rin sa kaliwang balikat niya ang bag ko. 

...

Pagkalipas ng ilang minuto at medyo mahabang paglalakad, ay narating na namin ang Black House. Bago kami tuluyang pumasok ay tinignan ko muna ito at mabuti naman ay walang nagbago sa lugar. Binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong ngumiti ito bago binuksan ang pintuan. 

Maling akala.

Maling akala lang pala na walang pagbabago sa Black House, kasi maraming nagbago at sobrang laki ng pagbabago.

Ang dating tahimik na Black House, nadatnan kong sobrang ingay at sadyang napaka-sigla. Tumambad na lang sa akin ang grupo ng mga lalaki  na nag-iinuman kaya nabigla ako at nagtaka. Natahimik na lang silang lahat at napatingin sa direksyon naming dalawa. Mas lalo ko na lang ipinagtaka ng mamukhaan ko sila.

Sina Stephen at Caleb? Kasama ang members nila. Anong ginagawa nila dito?

Humakbang papasok si Dean pero napansin niyang hindi pa ako pumapasok kaya napatingin ako sa kanya at naglakad na rin ako papasok at isinara ko ang pintuan. Muli akong napatingin sa kanilang lahat dahil ang dami, "While you were away Stephen and Caleb's group joined us that's why we're always busy sa Rebel's house for training" pahayag niya kaya muli akong napatingin sa kanya. Napatingin na lang ako sa kabila dahil biglang may lumapit papunta sa mga lalaking nasa harapan ko at mas ikinabigla ko pa ng makilala ko ito, "Wait! Oliver?" tanong ko at mukhang narinig niya ako kaya napatingin din siya sa akin. Nakita ko rin na nabigla ito ng makita ako kaya bigla siyang lumapit sa akin, "Syden?!" sambit nito na ikinatuwa ko.

"Ikaw nga! Na-miss kita!" masaya kong sabi dito, "Long time no see! Na-miss din kita!" sagot naman niya at aktong yayakapin ko sana siya, ay biglang may umepal at hinila ako papalayo sa kanya, "Hmm, hmmm!" nagkunwari pa ito kaya napatingin kami ni Oliver kay Dean at nakita kong sinamaan niya ng tingin si Oliver. Napansin naman 'yon ni Oliver kaya hindi na siya lumapit sa akin. Ano bang problema niya? Friendly hug lang naman 'yon ah?

Hindi ko na lang ito pinansin dahil gusto ko pang kausapin si Oliver, "I'm glad you're here!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya habang nakatingin lang silang lahat sa amin. 

"Well, dito na ako titira with them" sabay turo niya sa grupo nila Stephen at Caleb na muli kong ikinabigla, "What?! D-do you mean?"

"Well, yes. We're the new members of Black Vipers" nakangiting sabi nito.

Seryoso ba to? Hindi ako makapaniwala na biglang dadami ang grupo. Well, kung ganon masaya ako para sa kanilang lahat.

"Welcome back!" napatingin na lang ako sa kabilang direksyon ng makita kong papunta sa akin sina Dave, Dustin, Nash at mas lalo ko pang ikinatuwa ng makita ko si Raven kaya't agad ko siyang nilapitan at niyakap, "Are you okay now?" sambit nito habang magkayakap kami.

"Oo naman. Hindi ba obvious?"

Napansin ko na lang bahagyang napatawa ito dahil sa sinabi ko, "Good. And I hope you won't leave us again" sambit niya kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap namin at tinignan siya, "Never" maikling sagot ko pagkatapos ay kusa na lang akong napatingin kay Dean na ngumiti ng makita niya akong tinitignan ko siya kaya ngumiti na rin ako pero mukhang may nakapansin non, "So, anong ibig sabihin ng mga ngiting 'yan? May dapat ba kaming malaman?" tanong ni Raven habang tinitignan kaming dalawa at nakangisi siya kaya muli akong napatingin kay Dean at hinila niya ako papalapit sa kanya. 

"Everyone listen" natahimik na lang silang lahat ng sabihin niya 'yon at nagkatinginan kaming dalawa habang hawak niya pa rin ang kamay ko at mas ngumiti pa siya, "Syden just confessed to me. She's obssessed with me" nabigla na lang ako ng sabihin niya 'yon. Wow! So ako pa talaga ang obssess sa kanya? Eh siya nga ang nauna hindi ba? Siya yung naunang umamin? Hindi man magandang sabihin, pero feeling ko tinotopak na ang boyfriend ko dahil sa kagandahan ko kaya binabaliktad niya ang sitwasyon. Tss!

Hindi nanligaw pero kami na. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis! Sinabi ko lang na 'I love you too' tapos kami na daw.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Ikaw ang unang umamin sa akin- " hindi pa man ako natatapos ay hinarangan na niya ako habang nakangiti ng masama. 

"Ano ba, huwag ka ng mahiya sa kanila. Aminin mo na, na baliw na baliw ka sa akin" sambit nito kaya natawa na lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa kanya. Humanda talaga siya sa akin!

"Ako pa talaga ang hindi mahihiya Dean Carson?!" napatingin na lang kami kay Dave ng magsalita ito, "Well, it's not important kung sinong nauna. The question is, do you love him Sy?" masamang nakangiti ito at nakatingin sa aming dalawa kaya ganon na rin ang naging reaksyon ng mga members.

"Siya naman kasi talaga ang nagconfess sa akin. But yeah I love him" sagot ko sabay tingin ng masama kay Dean. 

"And what about you Dean?" tanong niya dito.

"Nahihiya siyang sabihin na inamin niyang may gusto siya sa akin. Because she's obssessed! And yeah I love her too" sabay tingin din nito sa akin habang nakangiti ng masama. Tss!

"So? Kayo na?" tanong ni Dustin. 

"Well, yeah. Magiinarte pa ba siya kung maraming babae ang nangangarap at nagkakandarapa sa akin tapos papakawalan niya pa ba ako" pagyayabang niya kaya mas sinamaan ko pa siya ng tingin habang nakatingin din siya sa akin. Feelingero talaga!

"Humanda ka talaga sa akin mamaya Dean Carson, I will kill you!" sambit ko dito ngunit hindi non natanggal ang masama niyang pagngiti. 

"It's okay, but before you do that I will torture you badly tonight" mas lalo pa ako nitong nilapitan kaya hindi na lang ako nakakibo. Sige na! Talo na ako! Grupo sila eh, isa lang ako! Nang sabihin niya 'yon ay nagtilian silang lahat na parang mga babaeng kinikikig. Bakla ba sila? Kaya sinamaan ko na lang silang lahat ng tingin at napailing. 

I'm telling this to myself, araw-araw na akong pagtritripan ng grupong 'to. 

"Wala ka bang gustong sabihin?" tanong ni Dave kaya napatingin ako sa kanya at muling nagtaka, "Sabihin na ano?"

"Speech or anything just before you enjoy this night with Dean" sambit niya sabay ngiti ng masama pero naging seryoso ang itsura ko, "Well....I have but it's not what you think. I just want to say sorry for all what I've done. I wasted all your efforts last time and wasn't able to ask for forgiveness. I'm really sorry. Inaamin ko, I made the wrong decision. Pinili ko ang desisyong buong akala ko ay tama" napayuko na lang ako noong mga oras na 'yon at napansin kong natahimik silang lahat at bumalik sa pagiging seryoso. This is what's good about them, kapag seryoso ang isa, lahat sila ay babalik sa pagiging seryoso. 

"It's okay. May kasalanan din naman kami sa nangyari. But from now on, we'll treat you just like a leader because you're Carson's girlfriend and you should be aware of it" pahayag ni Dave na ikinatahimik ko. What the hell? Leader? Wala akong balak na maging ganon.

"T-there's no need to do that. I just want to live simply, to treat you all as my friends and my second family" kahit kailan, hindi ko pinangarap na maging leader ng kahit na anong grupo. 

"It's our rule at sa ayaw at sa gusto mo, we'll treat you like one. In this academy, the leader's girlfriend or boyfriend, is also the leader of the group. But it's not like we're giving you responsibilities" pahayag ni Dave at napatingin na lang ako kay Dustin ng magsalita ito, 

"If ever lang naman na may gusto kang ipagawa, we can always do it" sagot niya. 

"S-seryoso ba kayo?" tanong ko sa kanila na seryosong nakatingin sa akin kaya napatingin ako kay Dean, "You can't stop them. Ganito magfollow ng rules ang members. You don't need to be like me, kung may kailangan at gusto ka, sabihan mo lang sila at ngayun-ngayon din gagawin nila para sa'yo just like a leader who's waiting for her members to do what she wants them to do. 'Yon lang naman, simple as that so it won't be a problem"

So in short, kung may kailangan at gusto ako sabihan ko lang sila at sila na ang gagawa para sa akin. Fine, I'll stick with it kung ganon lang pala. So I don't need to act like a real leader.

"Just tell us what you need and don't hesitate" sambit ni Dave at para matapos na ang usapang 'to, nagsalita na ako, "Fine if you say so" sambit ko at sandali kaming natahimik hanggang sa may muling nagsalita, 

"Now tell us" napatingin na lang ako kay Dave na nag-iba ang itsura kaya hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, "Who were the people who tried to torture, hurt and kill our queen?" sabay pagngisi nito ng masama at nagtinginan silang lahat na parang tuwang-tuwa na marinig ang sasabihin ko. 

Napatingin na lang akong muli kay Dean dahil hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita pero muli niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, "Don't be afraid, my queen. It would be nice if you will give us a list of names. Now, speak up" muli akong napatingin sa mga mata nito and I am being hypnotized again na sa pamamagitan ng mga matang 'yon, nagagawa niya akong utusan. At kahit ayaw kong magsalita, dahil sa mga mata niya ay gusto ko ng magbigay ng pangalan at 'yon ang nagtutulak sa akin para magsalita.

Maybe it's time to be brave once again.  If the king wants me to be fearless, I will be like him and I will be a queen, not just an ordinary queen but a bitch queen.

Bago pa man ako makaharap sa mga members na naghihintay na magsalita ako ay muli akong iniharap ni Dean sa kanya kaya napatingin ako dito at bumulong siya, "Now that you're mine and I am all yours. Don't be afraid and don't fear anyone, it's them who should fear you. Hindi ka dapat matakot sa kanila, dahil sila ang dapat matakot sayo not because you're with me, but because you're fearless and brave. And I will punish anyone who would disrespect my queen"

Napangiti na lang ako because of all the things that they did for me and will do for me. I don't want to lose them.

"I will punish anyone who would dare to destroy my king" habang nakatingin ako sa kanya, 'yon lang ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Dahan-dahan kong hinarapan ang mga members niya na naghihintay sa sagot ko.

And it's time to speak, in terms of names the Black Vipers are desperately waiting for. 

To be continued..

Next chapter