webnovel

♥ CHAPTER 71 ♥

♡ Dean's POV ♡

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon habang tinitignan siya. Nakasandal sa may pader at maraming bagay na iniisip. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung bakit....pero wala ako sa konsentrasyon at hindi ako makapag-isip ng magandang solusyon tungkol sa problemang napag-usapan namin kanina. Something's wrong with me. Hindi ako ganito dati, at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kanina lang, maraming mga pagsabog na naganap at maraming mga palatandaan sa pagdating ng bagong kalaban. Sa ngayon, maraming bagay ang iniisip ko and I can't even understand kung bakit. Feels like I'm afraid to lose something.

Masakit pa ring balikan ang mga nangyari noon, pero sinusubukan kong kalimutan ang lahat. Isang babae lang ang minahal ko ng lubos, pero kulang pa ba yung binigay ko kaya niloko niya ko? Yung pagmamahal ko sa kanya noon, nawawala na...but I don't even know kung bakit nararamdaman ko ulit 'yon. This feeling is not normal anymore.

"Masyado ka na atang natulala diyan kakatitig mo sa kanya?" mula sa pagiging tulala, napatingin ako sa kanya na halos kakarating lang. 

Alam kong mabibigla siya sa magiging reaksyon ko dahil bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Looks like napansin niya kung kanino ako nakatingin, "It's not what you think. You're just new, don't ever think that we're already close" sambit ko dito sabay tingin sa harapan ko. I know na hindi siya naapektuhan sa sinabi ko dahil napangiti na lang ito at napayuko.

Napatingin siya sa tinitignan ko at ngayon, pareho na kaming nakatitig sa kanya. Pagkatapos na pagkatapos kasi naming magusap-usap kanina, napansin naming wala ang babaeng 'yon sa lugar namin kaya nagpasya kaming maghiwa-hiwalay para hanapin siya. At sa dinami-rami ng pinuntahan ko, dito ko lang siya nakita sa clinic at may kausap siyang babae na nakahiga sa kama ng clinic. Hinihintay ko na lang na dumating ang mga kasama ko bago namin siya puntahan, "She's not at all hard to love. Madali lang siyang mahalin. And I think there's nothing wrong in loving her" sambit nito kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Why are you saying that?" pagtataka ko.

Sasagot pa sana ito pero nakita niyang paparating ang iba kong kasama, "Your members are here. So I guess kailangan ko munang umalis" sinamaan ko lang ito ng tingin ngunit bago ito umalis, tinignan niya ulit ang mga paparating kong kasama at nagsalita, "Don't tell her yet about me" naglakad na siya papalayo ngunit napatingin ulit ako sa kanya ng magsalita ito, "Thank you for accepting someone like me. I owe you a big favor" and after that, tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko at sakto namang nasa harapan ko na sina Dave.

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

Flashback!

Nang mag-umpisa ang maraming pagsabog, nagkagulo ang lahat kaya nagkahiwa-hiwalay kami, pero hindi rin nagtagal 'yon dahil nagkita-kita rin kaming lahat maliban kay Syden. Naisipan naming pumunta muna sa isang tagong lugar at huwag munang bumalik sa lugar namin. We're all just walking across the hallway na parang walang nangyayaring gulo. Hindi namin kasama si Syden pero alam namin na nandoon siya sa lugar namin at walang mangyayari sa kanya. When we finally reached the place, agad ko ng sinabi sa kanila kung anong problema at mga magiging problema ng grupo sa mga susunod na araw.

"Wala na tayong oras. We have to do something" sambit ko habang nakatingin sa kanila.

Simula ng kumalat ang balitang pagpatay sa mga estudyante ng walang bahid ng dugo, ang lalaking nakabigti kanina at ang mga pagsabog...all of them are signs na may paparating. Nagbibigay sila ng babala sa pagdating nila para katakutan sila ng lahat. They are not just normal students, at alam ko, there's a big possibility na kami ang titirahin nila. Pero hindi ko alam kung sino sila. And that's what I need to find out.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Dave bago ito sumandal sa pader.

"Enemies won't stop hangga't hindi tayo nauubos" sambit ko sa kanila. Hindi pa sapat sa kanila na naubusan ako ng members, they want to wipe out each and every single one of us and I won't let it happen. Again. Especially, at this time.

"Blood Rebels was only destroyed just because there were several members na traydor at kumampi kay Clyde. But imagine if all them were loyal, no one would stand a chance against us" saad ni Dave habang nilalaro ang hawak niyang kutsilyo, "What if maghanap tayo ng new members?" tanong nito na sinagot naman ni Dustin kaya napatingin kami sa kanya, "It's not safe anymore. Kakasabi mo lang dba? Hindi natin alam kung sino ang totoo at traydor"

"It's still safe" harang ko sa kanilang dalawa kaya tinignan nila ako, "If we will just choose the loyal ones who's really willing to devote himself to the group" 

"At paano naman natin malalaman kung magiging loyal nga sila?" tanong ni Dustin. Napatingin naman kami kay Nash na biglang nagsalita, "If you're finding the loyal members, then find those na gustung-gustong maghiganti at labanan ang Phantoms. Surely, magiging loyal sila" 

"No need for that" saad ko.

"Bakit naman?"

"Alam ko na ang galaw ng mga traydor kaya sa kilos pa lang nila, malalaman ko na" masyado na akong natrain sa mga dati kong members na naging traydor.

"Fine, if you say so. Pero huwag na muna nating alalahanin ang tungkol diyan, we can fight anytime and anywhere. The question should be, anong dapat nating gawin para hindi madamay si Syden?" harang ni Dustin and with that, he just drew our full attention.

"Surely they will use her" sagot naman ni Nash sa kanya.

Bago pa man nila maisip ang tungkol sa magiging sitwasyon ni Syden, umpisa pa lang naisip ko na 'yon, "It's too late"

Lahat sila, tumingin sa akin at nagsalita naman si Sean, "Bakit? Hindi pa naman dumadating ang kalaban hindi ba?"

Inayos ko ang tayo ko sa harapan nilang lahat at huminga ng malalim bago ko sinagot ang tanong nila, "Alam at kilala na nila siya. We can't do anything now dahil damay na siya" after all, imposibleng walang nakakakilala kay Syden dahil alam kong kilala na siya ng lahat dahil sa grupo namin, "Halos kasama natin siya sa lahat ng lakad natin, imposibleng walang nakakakilala sa kanya sa buong campus. And if the new enemy plans to target us, surely we'll possibly be caught kung siya ang titirahin nila. They will use her to threaten us. And this events happened before at alam niyo kung ano 'yon"

"Then what's the plan?" tanong ni Nash bago ito umupo at nagsindi ng sigarilyo. Ganon na rin naman ang ginawa ng iba.

"We just need to keep her by our side" there's no other way to keep her safe other than being with us, "That's the only way" lahat kami nag-aalala. Not for the group, but for her.

"My sister had been through a lot. Pwede bang huwag na nating sabihin 'to sa kanya" pakiusap naman ni Sean kaya tinignan namin siya.

"But isn't it better kung ipapaalam natin sa kanya? Para maging aware siya sa mga bagay na nangyayari sa paligid niya?" sagot naman ni Dustin.

"But I know my sister. Kung sasabihin natin sa kanya na siya ang target para ma-threaten tayo, no doubt that she might avoid us, tatakasan niya tayo, iiwan niya ang grupo and worst, she might surrender herself to the enemy dahil alam kong ayaw na ayaw niyang may napapahamak dahil sa kanya" pahayag nito kaya nagkatinginan kaming lahat.

"So, anong dapat nating gawin?" 

Umpisa pa lang, alam ko ng mangyayari ito. Pero wala akong nagawa para pigilan ang lahat, "Look, Sean" saad ko, "I knew this would happen. Alam kong kapag napalapit siya sa grupo madadamay siya.  I'm sorry kung wala akong nagawa kaya nadamay siya sa gulo na hindi naman dapat siya kasama"

Narinig na lang namin ang mahina niyang pagtawa dahil sa sinabi ko, "No, you shouldn't. I must thank you for keeping her safe, for keeping your promise to protect her, for letting her be with the group. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung saan kami pupulutin. Baka ngayon, patay na kami" pahayag nito sa amin. Napatingin ako sa labas kung saan medyo madilim at muling nagsalita, "We're glad that you became a part of this group. You'll do everything just for your sister. But don't worry, we'll do something about this matter. For now..." sandali akong tumigil at tumingin sa kanila, "Can someone welcome our dearest visitor?" tanong ko sa kanila na ikinabigla nilang lahat pero itinuloy ko na ang sinasabi ko, "Meet our visitor out there na sigurado akong kakarating lang niya and talk to him. Ask him at kapag maganda ang sagot niya, dalhin niyo siya dito" nagtaka silang lahat pero sa huli, si Sean ang gumawa ng utos ko.

"Visitor? At sino naman ang taong 'yon?" tanong ni Dustin habang nakangisi.

"Maybe hindi niyo siya kilala, but I think I know him at kung ano ang pakay niya sa atin" pahayag ko. Habang hinihintay namin si Sean, alam kong medyo magtatagal pa siya sa labas kaya itinuloy ko na ang pag-iisip ng paraan kung paano namin maiiwas si Syden sa gulo. This is the only situation na hindi magiging madali sa buong grupo.

"We should just stick to the plan, that way walang mapapahamak" saad ni Dave. The plan is just to keep her by our side and I think it's the best way. Natahimik na lang kaming lahat at umupo na rin ako para mag-isip pa ng mga plano. Nanatili na lang kaming tahimik habang hinihintay ang bisita namin and finally, napatayo kami ng matanaw namin ang pagdating ni Sean kasama siya.

Mula sa napakadilim na daan, palapit sila ng palapit sa amin kaya naaaninagan na namin silang dalawa. Nang malapitan na nila kami, namukhaan ko na ang kasama niya at tama nga ang hinala ko. Alam kong kinakabahan ito habang nakatingin sa aming lahat pero pinapakita niyang matapang siya. Nilapitan ko siya at nagsalita, "Let me guess. Oliver right?" tanong ko. Medyo pamilyar siya sa akin dahil nakita kong magkausap sila ni Syden at alam ko kung bakit nandito siya dahil nabanggit na 'to sa akin ni Syden. 

Tahimik lang ito pero napansin kong may nagbago sa kanya kumpara noong mga nakaraang araw. Parang may dinadala siyang mabigat na problema. Isang problemang hindi matitimbangan dahil sa sobrang bigat nito.

"Oh wait" napatingin ito dahil kay Dustin at mukhang inoobserbahan siya ni Dustin, "Syden's friend right?" tanong nito sa kanya kaya bahagya itong napangiti.

"Then why are you here Oliver? Hinahanap mo ba siya dahil mukhang mali ka ata ng napuntahan?" 

Isa-isa niya muna kaming tinignan bago ito nagsalita, "Hindi siya ang pinunta ko dito. Kundi, kayo" 

Nag-iba ang aura ng mga kasama ko ng marinig nila at alam ko kung anong pakay niya sa amin,  "Bakit? Anong kailangan mo sa grupo namin?" matapang na tanong ni Dustin kaya pinigilan ko siya, "Dustin stop it. I know why he's here" napatingin sila lahat sa akin at nagtaka sila.

"Nabanggit na sa akin ni Syden. Now tell me..." nilapitan ko ulit ito para tapatan siya, "Kung bakit gusto mong sumali sa grupo?" tanong ko sa kanya kaya nabigla ang mga kasama ko. 

Napangiti lang ito at sa ngiting 'yon, alam kong malungkot siya at pinipilit lang niyang ipakita ang mga ngiting 'yon sa pamamagitan ng isang mala-demonyong ngiti, "I want to avenge my friends. Gusto ko silang ipaghiganti because they were killed brutally before my eyes. I wasn't able to do anything to save them because I was weak back then at hanggang ngayon. Gusto kong maging malakas at mangyayari lang 'yon kapag sumali ako sa inyo" matapang na saad nito at nag-iba ang kanyang aura.

That's the answer  I wanted to hear, "Gusto mong sumali right? At makakasali ka lang once na gawin mo ang kondisyon namin?" pahayag ko.

"What is it?" tanong niya.

"What if we tell you to kill an innocent student? Can you do it?" sarcastic kong tanong. I'm just testing him after all.

Napayuko lang ito at muling ngumiti bago sinagot ang tanong ko, "I won't kill an innocent student instead,  I will kill my enemy's special companions that are innocent" sagot nito. And he just answered differently like what I've expected, "Brilliant. Kung ganon, sino ang gusto mong balikan at paghigantian?" alam ko kung anong isasagot niya, but still, I want to hear it.

Matagal muna itong natahimik kaya nagtinginan muna kami ng mga members ko bago namin narinig ang sagot niya,  "Vipers' biggest enemy. The Phantoms" sagot nito.

At saktong-sakto, we are actually looking for members who desperately want to face and fight the Phantoms. 

End of Flashback!

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

Tinanggap namin siya sa grupo dahil sa kaisa-isang bagay na gusto niyang gawin. But there's condition. We won't train him, we won't teach him how to fight, he needs to find out his capability pagdating sa labanan at kailangan niyang patunayan na kaya niyang lumaban mag-isa kung sakaling macorner siya ng kalaban. His situation is different from Sean Raven's situation back then, tinuruan namin si Sean because he needed our support lalo na't bago pa lang sila sa impyernong 'to. Pero si Oliver, matagal na dito kaya alam na niya ang mga nangyayari sa buong campus. At alam naming mapapatunayan niya 'yon.

Siya lang naman ang kausap ko kanina bago dumating sina Dave.

"Nasaan na siya?" tanong ni Nash kaya tinuro ko sa kanila ang clinic kung nasaan si Syden.

"Dito lang pala natin siya makikita" sambit ni Sean na dire-diretso namang pumunta sa clinic kaya halatang nabigla sa si Syden sa pagdating namin. Tinitigan ko ng mabuti ang kasama niyang babae at mukhang pamilyar ito sa akin. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero isa lang ang nasisiguro ko, just the way she acts, there's something mysterious about her. Pumasok silang lahat sa loob ng clinic at gulat pa rin si Syden at ang kasama nito dahil sa presensya namin. Pero hindi ko nagawang tuluyang makapasok ng may naramdaman akong nakatingin sa amin. Bigla kong tinignan ang paligid at napansin kong may kutsilyong nakakalat sa hallway kaya kinuha ko ito.

Nababahiran ito ng tuyong dugo at mula sa mismong kutsilyo ay nakita ko ang repleksyon ko. Nang tignan ko ang kabilang banda ng kutsilyong 'yon, isang panibagong palatandaan ang nakita at nabasa ko.

"Vipers will die"

Normal na sa akin ang mga ganitong bagay at hindi ako nagpapaapekto, pero ang pinakahuling nakasulat ang tuluyang nakapagpabigla sa akin. Sa dulo ng salitang iyon ay pirma ng isang tao gamit ang dugo.

And that signature is "still"...familiar to me.

This can't be.....

Imposible...

"The last student council president of Chained School is already dead. How come his signature was written on this knife?"

To be continued...

Next chapter