(Continuation)
Tinalikuran na ni Carson si Roxanne at sumunod din naman sa kanya sina Raven kaya ganon na rin ang ginawa ko. Pero bago ako tuluyang umalis, tinignan ko ng masama si Roxanne na hanggang ngayon ay mababakas pa rin sa itsura niya ang takot dahil sa sinabi ni Carson. Ang bilis nga naman ng karma😎😏
Habang sinusundan ko ang Black Vipers, hindi pa rin maalis sa isipan ko lahat ng sinabi ni Carson kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan? Bakit ba ang hirap intindihin ng nilalang na 'yon?
Pagkarating namin sa hallway, naisipan kong kausapin siya tungkol sa nangyari sa cafeteria. I need an answer. Hindi ako manghuhula para mag-isip ng kung anu-ano. Hinawakan ko siya sa braso kaya napatigil siya at napatingin sa akin. Napansin nina Raven ang ginawa ko lalo na't natigilan kami ni Carson sa paglalakad, "We need to talk." sambit ko. Normal lang naman ang ekspresyon niya kaya siguro naman, okay lang na kausapin ko siya ngayon.
Tinignan ko sila Raven na halatang naghihintay naman, "Pwede bang mauna na kayo?" tanong ko sa kanila.
Napatingin ako kay Dave na biglang napangiti, yung ngiti na patago. Ano bang problema niya at pangiti-ngiti siya? Akala ko siya lang yung nagmukhang baliw noong mga oras na iyon, pero silang apat nakita kong ngumiti ng patago. Ano namang ibig sabihin ng mga ngiting 'yan?
"Sure. Wala namang problema sa amin eh right Dean?" wika ni Dave habang nakangiti pa rin. Hinawakan niya sa balikat si Carson, pero as usual tinignan lang ng nilalang na 'to si Dave ng masama. Inalis na ni Dave ang kamay niya sa balikat ni Carson, pero bago sila tuluyang umalis, kinindatan pa ako ni Dave. Ano bang problema ng lalaking 'yon at may pakindat-kindat pa siyang nalalaman? Nababaliw na ba siya? Minabuti kong hindi na lang pansinin ang kabaliwan ni Dave dahil baka masapak ko pa siya.
Tinignan ko si Carson at napansin kong napatingin siya sa kamay kong nakahawak pa rin sa braso niya kaya tinanggal ko agad ang pagkakahawak ko doon at napayuko ako. Kumuha muna ako ng lakas na loob at tumingala na ako para tanungin siya, "Why did you do that?"
Alam ko naman na hindi ako mahihirapang magtanong sa kanya dahil sigurado namang nakuha na niya kung anong ibig kong sabihin at kung tungkol saan ang tinatanong ko, "Huwag ka ng magtanong. Can't you just appreciate what I've done?" sagot nito. Seryoso siya pero hindi ako nakaramdam ng takot noong mga oras na 'yon habang kausap ko siya.
"Paano ko naman maa-appreciate kung hindi ko alam ang dahilan?" tanong ko pabalik. I need an exact answer devil, "Tell me first why did you do that?" dagdag ko pa.
Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot, "Look, lahat ng ginagawa ko is to save you from danger. How many times do I need to say that I want to protect you just like how you sacrificed your life for me? Kailangan ko pa bang ulit-ulitin 'yon para maintindihan mo?" tanong niya. Nang marinig ko ang lahat ng 'yon, naramdaman ko na gustung-gusto niya talagang ipaintindi sa akin kung bakit niya ginagawa ang mga ganoong bagay. Kahit gaano ko pa siya gustung-gustong intindihin sa ginagawa niya, there's still something missing that cannot be said through words.
"I just dont know... if I should believe you. Yung Carson na kilala ko since my first day in this school, hindi kasi ganyan. H-hindi ako sanay na makita kang ganyan. Can't you just show me the real you? Because you're confusing me." mahina kong sabi bago ako yumuko. Bakit nagbabago ka Dean Carson? Hindi ako sanay at ayaw kong masanay. This guy infront of me hides a lot of masks that make me feel so confuse about him, "Why can't we just reveal our true selves?" dagdag ko. Mas maiintindihan ko siya kung mas kikilalanin ko pa siya. At makikilala ko lang siya ng lubusan kapag nakita ko ang totoo niyang kulay. Paiba-iba ang attitude niya kaya nalilito na ako sa mga ikinikilos niya.
"Do you really want me to reveal myself? Fine, I'll do it but remember you won't like it, so from now on masanay ka na." sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. Bakit ba ang hirap mong basahin? Pero kung ganito rin lang ang kahihitnan nating dalawa, pagbibigyan rin kita. Mahilig ako sa gantihan dahil nabalik ko na yung dating ako. At ikaw ang nagturo sa akin para maging ganito. Let's see kung hanggang saan tayo aabot.
"Then, let's make it easy for the both us. Let's make a deal." bahagya siyang lumapit sa akin at nagkatitigan kami habang nag-uusap. Walang sagabal, walang ingay o anumang gulo, "The one who escapes first will be killed" sambit nito. Damang-dama ko pa ang paghinga niya dahil sa paglapit niya sa akin. But...anong ibig niyang sabihin sa deal na 'yon? Parang kinabahan ako.
"What do you mean?" tanong ko ng may pagtataka.
Nginitian niya lang ako bago siya sumagot. Marunong pala siyang ngumiti?
"The one who escapes first will be killed. It's just easy, kung tatakasan mo ako, I will kill you. Kung tatakasan kita, kill me then." seryoso ba siya?! As in magpapatayan kami?! Hell no! I just gave him a 'seriously?' look, "I'm not kidding." sambit niya. Talagang seryoso ata siyang magpapatayan kaming dalawa? Sinusubukan mo ba ako? Fine.
Pero...mukhang okay naman, mahirap na para sa akin na layuan sila at mahirap na para sa kanila na layuan ako. Kaya nagisip-isip muna ako bago ko siya sinagot, halata namang seryoso siya sa deal na 'yon kaya... pagbibigyan kita kung eto ang gusto mo, "Deal" with confidence kong sagot. As if namang magpapatalo ako sa kanya, tsk!
Sa larong ito, ano kaya ang magiging dahilan para layuan ko siya o para layuan niya ako. A deal between life and death? I just had a deal with the devil.
....
Sa ilang minutong nagkakatinginan lang kami ng masama dahil sa deal na 'yon, hindi pa rin nawala sa isip ko kung anong pakay ko sa kanya.
Kailangan ko pa rin itanong sa kanya ang mga bagay na hindi ko pa lubos na maintindihan. This time, wala ng halong takot o anuman. I will show him kung sino talaga ako. At alam kong ipinapakita niya na rin naman sa akin kung sino at ano talaga siya. Then...let's start the game.
"Tell me, why did you say na ako ang papalit kay Roxanne? Gusto mo lang ba siyang takutin kaya mo sinabi 'yon?" tanong ko sa kanya while showing this sarcastic smile. Naghintay rin ako ng ilang segundo bago niya sinagot ang tanong ko, "Because no one fits the throne other than you." diretso lang ang tingin namin sa isa't-isa at nakikita ko ang repleksyon ko mula sa kanyang mga mata. This time, it's different. It's a combination of different feelings. Sa mga sinabi niya, nakita kong walang kahit na anong kasinungalingan o pag-aalinlangan.
Fits the throne?
"At bakit sa tingin mo ako ang nararapat sa pwestong 'yon? I am not Roxanne. I am not the girl you loved...and I would never be that girl" sambit ko habang nakatingin sa kanya. Inayos niya ang sarili niya at tinignan ako ng maayos, "How can you be so sure of that?" sa mga oras na tinanong niya ang mga katagang iyon, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Don't ever compare yourself to Roxanne. Magkaiba kayo" sambit niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa narinig ko, "I don't compare myself to her. Alam ko naman na mas maganda ako sa kanya. It's just that...I'm just saying- what is the difference between the two of us when it comes to you" sa mga pagkakataong 'yon, hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Nakita kong napangisi siya dahil sa sinabi ko kaya umiwas ako ng tingin. Why the hell did I say that?! Hindi ko na ba talaga makokontrol ang bibig ko? Fudge!
"Sasabihin ko sa'yo ang pagkakaiba ninyong dalawa when I'm sure of it" sambit niya. Ano namang kailangan niyang siguruhin, tsk!
Nawala ang ngisi niya at tinignan ako ng seryoso kaya nagsalita ako para sagutin siya, "Fine. I'll wait for that day" pagkatapos kong sabihin 'yon, inisnob at tinalikuran ko na siya pero hinila niya ako para harapan ulit siya. Nagsalubong ang mga kilay ko at tinarayan ko na siya dahil napapansin kong napapadalas na ata ang paghawak niya sa akin at pagpigil niya sa tuwing aalis ako, "Ano ba?!" mataray kong tanong sa kanya. Masyado naman ata niyang kina-career yung paghawak sa braso ko sa tuwing tinatalikuran ko siya.
Nginisian niya ako at muling lumapit sa pagmumukha ko kaya napaatras ako.
Mission accomplished, ngumiti at ngumisi na ang nilalang na 'to, masaya na siguro sila Dave.
"Dba ang napag-usapan the one who escapes first is the loser. We are in the same cage now kaya dapat palagi tayong magkasama, walang tatakas at walang hihiwalay. Understand?" pagkasabi niya non, nabigla na lang ako ng bigla niya akong lagyan ng posas sa kamay, "What is this? Gagawin mo ba akong aso?!" sigaw ko sa kanya. Hayup to! Hindi ko rin alam kung bakit nasigawan ko siya samantalang dati, kahit bulong ata hindi ko magawa kapag nasa harapan ko siya. Sa ganda kong ito, gagawin niya lang akong parang aso na palaging nakasunod sa kanya? Ano siya sineswerte?
Nginitian niya lang ako. Isang mapanlokong ngiti, "Sinisigurado ko lang na hindi mo ako tatakasan. I'm not yet ready to kill you." sambit nito. May tinatago din naman pala siyang kayabangan at kalokohan. Magrereklamo pa sana ako kaso nakita kong ikinabit niya rin sa kamay niya yung isang posas. Habang kinakabit niya iyon sa kamay niya, nakatingin siya sa akin at mukhang inaasar talaga ako ng nilalang 'to. And right now, gustung-gusto ko na siyang sapakin!
Naglakad na siya kaya no choice ako dahil nakaposas kaming pareho, bigla kong nakita yung susi sa bulsa niya at kinuha ko 'yon para tanggalin yung pagkakaposas namin. Pero nakita niya yung ginawa ko kaya hinablot niya sa akin yung susi at itinapon iyon palabas ng bintana kaya gulat na gulat ko siyang tinignan, "What the?!" tinignan ko siya ng masama dahil umiinit na ang ulo ko sa kanya. Sakit din pala sa ulo ang isang 'to.
Ito ba yung sinasabi niyang totoong ugali niya na hindi ko magugustuhan: "Do you really want me to reveal myself? Fine, I'll do it but remember you won't like it, so from now on masanay ka na" Geez!
"Are you out of your mind?!" sigaw ko, "Paano natin tatanggalin ito kung wala susi?" sabay tingin ko sa posas na nakalagay sa kamay namin.
"Mabuti na lang at tinangka mong agawin sa akin yung susi, good girl" sambit nito at sabay hawak sa ulo ko na para akong isang bata. Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa ko. Masisiraan na ata ako ng ulo sa lalaking 'to, mukhang sinaniban na kaya biglang nag-iba ang ugali. Huwag niyang sasabihin na ito ang totoong ugali niya, dahil hindi ko 'to makakayanan.
"Inagaw ko yung susi para tanggalin ang posas na 'to, I'm not a prisoner!" inis kong sabi.
"Are you crazy? Kinabit ko nga tapos tatanggalin mo? Stupid!" dagdag pa niya. So ngayon kasalanan ko pa? Natural tatanggalin ko dahil hindi naman ako prisoner para lagyan niya ng posas!
Nakatingin siya sa akin at inisnob ko na lang siya dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa nilalang na 'to, "It's better na nawala yung susi." sabay tingin niya sa akin habang nakangisi pa rin. Mukhang tuwang-tuwa pa siya na nakikita akong naiinis. Na mas lalo ko namang ikinainis! Ano bang klasing espiritu ang sumanib sa kanya?!
"Sabihin mo nga sa akin kung anong better don?" inis kong tanong. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman sa ngayon habang tinitignan ang nakakainis na pagmumukha niya.
"Nakikita mo ba 'to?" tinaas niya yung kamay niya para ipakita yung posas, "Malamang anong tingin mo sa akin? Bulag?" sarcastic kong tanong.
Narinig kong napatawa siya sa sagot ko kaya inisnob ko na lang ulit siya, "Tinapon ko talaga yung susi para hindi mo ako takasan" sambit nito kaya napatingin ako sa kanya. Isang tingin na sobrang kinaiinisan ko siya ngayon at halata namang tuwang-tuwa siya sa itsura ko. TSK!
Bigla siyang nag-umpisang maglakad kaya nakaladkad ako sa hallway at muntik pa akong madapa fudge!, "Can't you just walk slower!?" tanong ko dahil sa bilis ng paglalakad niya halos nakakaladkad na ako.
Feeling ko masisiraan na ako ng ulo sa nilalang na 'to lalo na't malakas pala ang trip mang-asar at may tinatagong kayabangan!
To be continued...