webnovel

♥ CHAPTER 55 ♥

♡ Syden's POV♡

"Make him happy once more"

"Make him happy once more"

"Make him happy once more"

Paano ko naman gagawin 'yon? Ni hindi nga kami close or madalas na mag-usap eh, pasayahin pa kaya yung nilalang na 'yon eh wala naman ata sa vocabulary niya ang word na 'masaya'. TSK! Pero hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako pumayag sa gusto nila Dave kahit na alam kong imposibleng magawa ko yung pinapagawa nila. Bakit nga ba ako pumayag? Bakit biglaan akong nagdesisyon ng ganito? Siguro naghahanap nanaman ako ng ikakapahamak ko.

Sa ngayon nasa rooftop ako. Iniwanan ko muna sila sa baba para makapagisip-isip. Kailangan ko talaga ng katahimikan para mapag-planuhan ko kung anong hakbang ang mga dapat gawin. Pero lumipas na ata ang isang oras at wala pa rin akong maisip. Kahit na ganon, mag-iistay muna ako dito sa rooftop habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Palalim na rin ng palalim ang gabi at ang sarap titigan ng mga nagniningning na bituin. Isama mo pa yung pagtitig sa malayong tanawin habang binabanggit ang mga salitang, "Sana matapos na ang lahat". Nakakamiss lahat ng mga bagay sa labas ng eskwelang 'to. Pero nandito na, dito nag-umpisa lahat kaya dito rin dapat matapos ang lahat. At hihintayin ko na lang ang araw na 'yon.

Bigla na lang akong napaatras at napahawak sa dibdib ko dahil sa pagkabigla, "Kanina ka pa ba diyan Nash!?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Nash na ngayo'y nasa tabi ko na at nakatitig sa akin.

Masyado na akong naging absent-minded na hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Actually….kakarating ko lang" sambit niya.

"A-ahhhhh. Sa susunod pwede bang sabihan mo ako, muntik na kasi akong magcollapse sa biglaang pagsulpot mo eh" para siyang isang kabute na biglaan na lang sumulpot out of nowhere.

"Sa susunod pwede bang mag-focus ka sa mga bagay na nasa paligid mo? Masyado na kasing lipad iyang utak mo kaya hindi mo ako napansin" pabiro niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin. Okay. May point siya.

"Okay. I'll try" tipid kong sabi habang tumatango,  "How did you know na nandito ako?" dagdag ko pa.

Nginitian niya ako bago siya nagsalita, "Simply because I've been following you"

Sandali akong natahimik sa sinabi niya dahil wala namang kahit na anong rason para sundan niya ako.

"Bakit naman?" pagtataka ko habang nakakunot noong nakatingin sa kanya.

Tumingin siya sa paligid bago ako sinagot, "Malalim na ang gabi. Hindi magandang basta-basta ka na lang pumupunta kahit saan ng mag-isa" pahayag nito. Napangiti ako sa sinabi niya kaya tinakpan ko ang bibig ko.

Alam kong nagtataka siya kung bakit napangiti ako kaya mas mainam na sabihin ko na lang  ang rason, "If you want to follow me, samahan mo na lang ako, you don't need to hide habang sinusundan ako" sambit ko sa kanya.

All this time, sinusundan niya pala ako, pwede namang sabihin na lang niya na gusto niya akong sundan para hayaan ko na lang siya na samahan ako. Matagal na rin kaming hindi nagkita at nag-usap kaya to be honest, na-miss ko siya kahit na hindi kami gaanong close. Pero alam ko naman, soon magiging matalik kaming magkaibigan just like Dave and Dustin. Hmmm, Si Dean Carson? Bahala siya sa buhay niya. Ayoko rin naman siyang ka-close dahil wala siyang kasiyahan sa buhay. Bahala yung nilalang na 'yon sa buhay niya.

Pero magsimula kanina, wala pa kaming maayos na usapan ni Nash. Kaya I think this is the right time.

"Nga pala. Bakit biglaan kang nawala? Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng matipid na ngiti bago sinagot ang tanong ko, "I can't tell you the real reason. Mas magandang wala ka na lang nalalaman para hindi ka mapahamak. I left to do some research. That's it" sagot niya.

Hindi ko naman siya mapipilit sa mga bagay na ayaw niyang sabihin, "Okay, hindi na kita kukulitin kung ayaw mong sabihin, alam ko naman na lahat ng bagay may rason…" ang seryoso kong itsura napalitan ng sobrang pag-aalala sa sandaling 'yon bago ko itinuloy ang pagsasalita,

"Pero….sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung dapat bang itanong 'to, pero nag-aalala ako para sa kanya.

Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya sinagot niya ang tanong ko, "Bago ako bumalik, I already made this decision. I'm really sure of it and I devoted myself to it. I was destined to be on the group" sagot naman nito ng walang pag-aalinlangan. Mukhang siguradong-sigurado na talaga siya kaya hindi ko na siya mapipigilan.

Nag-aalala lang talaga ako dahil sa pagsali niya sa BV group. Hindi ordinaryo ang grupong ito at alam ko kung ano at paano ang buhay kapag pumasok ka sa grupong ito. Tinignan niya ako gamit ang seryoso niyang paningin kaya tinignan ko rin siya at hindi na pinlanong tumingin sa ibang direksyon, "Why? Are you afraid?" tanong nito sa akin.

"I just know what it looks like to be on the group" –S

"I know all the things about Black Vipers. Blood Rebels pa lang sila, kilalang-kilala ko na sila. Kaibigan ko na sila dati pa even though I wasn't a member of blood Rebels" –N

"Paano mo sila naging kabigan?" -S

"Another thing that I couldn't answer fully. Let's just say simply because they thought me to be stronger than I was before. That's why napalapit ako sa kanila kaya itinuring ko na silang kaibigan and they did the same too"

So he became friends with them kahit hindi siya naging member ng Blood Rebels. Parang ako lang, sa sitwasyon ko ngayon. Napatingin ako sa malayo kasabay ng pagihip ng malakas na hangin. Madilim ang paligid at tanging mga bituin lang ang nagniningning sa buong gabi.

"Of all the students here, you are the luckiest" mula sa malayong tingin, bigla nanaman akong napatingin sa kanya habang siya naman, diretso pa rin ang tingin sa akin.

Luckiest daw? I don't even consider myself lucky.

"Kase sa lahat ng na-encounter ng Black Vipers, ikaw pa lang ang nananatiling buhay. Kadalasan, hindi nakakapagtago at hindi nagtatagal ang buhay" sambit niya.

"Buhay pa nga siguro ako, sa ngayon…malay mo soon dba?" biro ko sa kanya.

"Don't underestimate them. Buhay ka pa hanggang ngayon dahil kasama mo ang grupo. As long as you are with the Black Vipers, no one will dare to touch you dahil alam nila ang kapalit. Black Vipers is now protecting you. It only means may tiwala na sila sa'yo. If you want to survive until the end, just stay close to the group and let nobody use you against them" -N

"Use me against them?" pagtataka ko.

"Sa panahon ngayon, marami ng nakakaalam na malapit ka sa grupo. Maraming magtatanggka na gamitin ka laban sa kanila. That's why kung ayaw mong mangyari 'yon, just stay close to the group just like what I've said. Wala ka ng mapagkakatiwalaan ngayon, don't let anybody deceive you using their words. Pero ako na ang nagsasabi sa'yo Syden. The group already trusts you, so I hope you will fully trust us too" pahayag niya.

Ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na 'to. Kung hindi sinabi sa akin ni Nash. Sino sa mga BV ang magsasabi sa akin? For sure wala. Ako na nga siguro, ang pinakaswerte. Thanks to this group that until now, I'm still alive. I think I should protect it too at all cost.

Biglang bumalik sa isipan ko yung kanina ko pa iniisip. How will I make the devil happy? Kung 'yon lang ang kaisa-isang hiling ng mga kaibigan ko, I will do it. I want to do it, but how?

Saglit niyang inayos ang tayo niya para maging komportable. Tumingin sa malayo bago ako tinignan ulit, "I know what you're thinking" biglang sambit nito.

As I expected, madaling mabasa ng mga Black vipers a.k.a BV group ang pag-iisip ng mga tao, katulad na lang ng sinabi ni Nash. Alam na niya kung anong iniisip ko. Hindi na ako magtataka.

Tumingin ako sa malayo at ganon din naman ang ginawa niya, "Why do you think I accepted the challenge without even thinking how to do it?" tanong ko dito. Hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa malayo at alam kong napatingin sa akin si Nash dahil sa tanong ko.

"Sa pangatlong tanong mo, hindi ko masasagot 'yan hindi dahil ayaw kong sagutin. Hindi ko masasagot 'yan dahil ikaw lang mismo ang makakasagot sa tanong mo. D'ba nga sabi namin sa'yo, hindi namin hihingiin ang tulong mo kung alam naming hindi mo kaya. We predict futures right?" sabay ngiti niya habang nakatitig sa akin. Napangiti din ako dahil oo nga naman, bakit ba siya yung tinatanong ko imbis na yung sarili ko. TSK!

"Let's go" senyas nito sa akin bago ako tinalikuran. Sumunod na rin naman ako sa kanya.

Bumaba na kami para bumalik sa place ng BV pero dahil sa tagal ng pag-uusap namin ni Nash. Paniguradong mahihirapan akong makatulog dahil nalipasan ako ng antok, kaya naisipan kong lumabas muna saglit para magpa-antok. Pagkapasok ni Nash, lumabas ulit ako at isinara ang pinto. Siguradong kailangan ko nanamang dumaan doon sa maliit na daanan para lang makapag-ikot sa buong campus.

Bago pa man ako makadaan doon, muntik ng sumabog ang dibdib ko sa pagkagulat ng mapansin ko ang nilalang na 'yon. Hindi ko siya napansin noong umpisa dahil madilim, lalo na't nakaitim pa siya. Napansin ko na lang siya dahil sa munting liwanag na nanggagaling sa sigarilyo niya. Parang yumanig ang paligid ng makita ko siya. Nakasandal sa may pader, nakayuko at nagyoyosi, "Where are you going?" ang boses na narinig ko na lubusang nakakapagpatikom ng bibig ko sabayan mo pa ng pagtitig niya sa akin.

"A-ahhhh….m-magpapaantok lang….sana…m-magpapahangin" ano ba Syden?! Umayos ka?! Sa ngayon nauutal ako at hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko naman pwedeng sabihin na binabalak kong mag-ikot sa campus sa kalagitnaan ng gabi.

Nakita kong itinapon niya ang yosi niya sa sahig at inapakan ito bago ako nilapitan na dahilan naman para mapaatras ako ng wala sa oras. The devil is right here infront of me.

"Do you think you can just go wherever you want? Well you can't. You're not safe anymore" sambit nito.

Nga pala. Kahit magsinungaling ako, walang effect. Pero ayoko naman na nandito na lang ako palagi sa poder nila, "Are you saying that I should just stay here for the rest of my life" kalmado kong tanong sa kanya.

"It's not that. I'm just saying don't go somewhere else na ikaw lang mag-isa" seryoso niyang sabi habang nakatitig pa rin sa akin. Walang galit o kahit na anong pagkainis habang nakatitig sa akin, that's why I managed to look at him directly too.

"S-sino namang kasama ko?" tanong ko sa kanya.

"Right now, wala ka pang mapagkakatiwalaan sa mga estudyante. Don't go somewhere else without anyone from my members or me. Now promise me that you won't go anywhere without anyone from the group" habang nakatitig siya sa akin, nakatingin din ako sa kanya.

Bigla siyang humakbang papalapit sa akin kaya napaatras nanaman ako hanggang sa wala na akong maatrasan. His eyes were threatening that I couldn't even dare to look anywhere. Parang kapag tumingin ako sa ibang direksyon, mapapatay niya ako gamit ang paningin niya. Sinubukan ko siyang takasan pero nakulong ako sa mga braso niya na ngayon ay parehong nakahawak sa pader, "You can't leave unless you promise" kalmado niyang sabi habang hinihintay ang sagot ko. His calm voice, yet so scary.

Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla pero sa huli tumango na lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya pero pinilit ko pa ring magsalita, "I-I promise"

'Yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko noong mga oras na 'yon.

"Devil, your voice is calm yet so scary and threatening"

To be continued....

Next chapter