I hope this lasts long.
"Congratulations, Zach and Addie!" Binati ko ang bagong kasal at si Addie ay niyakap ako.
"Thank You and I hope makasama pa nami kayo dito. You won in the game diba?"
"Ah, Oo. Hindi ko pa sure kay Alec kung mag-eextend pa kami."
"Oh, If that's the case, I'll tell Zach to talk to Alec so that you could extend your stay. Gusto rin kita maka-bonding lalo."
"Wow, Thank You! Congrats and Enjoy your honeymoon!" Bati ko sa kanilang dalawa.
Lumabas na ako ng reception at hinanap si Alec dahil mas nauna siyang lumabas kasama ang mga pinsan niya.
Pagkalabas ko ay naka-salubong ko ang Mama ni Alec. Tinawag niya ako at kinausap ng masinsinan.
"Hija, I want you to know that no matter what is going on between the two of you, I am happy. I can see that he's a changed man."
"Thank You po, Tita Coleen."
"Anyway, I want to see you again soon ah, Hija. You take good care of my son. Babalik na rin agad ako sa London."
"I'll make sure po. Thank You, Tita."
Nakipag-beso siya sa akin at niyakap pa ako ng mahigpit. Masarap sa pakiramdam na kilala at tanggap ako ng Mommy niya.
Sana ay pagkabalik namin ng Siargao ay magustuhan rin siya ni Mama at Papa. Sana gustuhin rin nila na makilala ng husto si Alec.
Naaninag ko siya na nakaupo sa isang bench sa tabing dagat at seryosong nakikipag-usap sa kanyang telepono.
"Alec?"
"Sige na." Binaba niya ang kanyang cellphone.
"Sorry, Did I disturb you? Babalik na ako ng kwarto."
"No, It's okay. Let's go?" Hinawakan niya ang kamay ko.
Bumalik na kami sa aming kwarto at mukhang tinamaan si Alec sa dami ng ininom niya na beer. Nang matapos kasi ang program ay nagkaroon pa ng inuman ang mag-pipinsan.
"Nahihilo ka ba?" Tanong ko.
"A little."
"Hay! You want coffee?"
"Sure, Anything from you." Halata sa boses niya na tinamaan siya.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay tumunog ang phone ko. Pangalan ni Mama ang nag flash sa screen.
"Ma? I'm sorry nasa wedding kami kanina kaya hindi ko masagot ang tawag mo."
"Hija, When are you coming home?" Tanong ni Mama na parang nanginginig ang boses niya.
"Maybe the day after tomorrow? Why, Ma?"
"I miss you, Anak."
"Are you crying, Ma? Anong nangyari?" Tanong ko.
"I'm fine, Anak. It's just.... Y-Your Papa and I had a fight."
"A fight? Bakit?" Bahagyang napatingin si Alec sa akin.
"I saw a message on your Papa's phone. She was looking for him and asked him when he'll come back in Manila."
"Ma, Baka naman may importanteng meeting si Papa o kaya may kliyente."
"No! That's not it!" Tumaas ang boses ni Mama.
"Calm down, Ma. Trust Papa, Okay? Hindi niya tayo sasaktan."
Binaba ko ang tawag at nag-isip ng aking gagawin. Hindi ko naman pwedeng pilitin na bumiyahe si Alec ng madaling araw.
"What happened to your Mom?" Nagtataka si Alec.
"She and Papa had a fight."
"You have to go home? I'll book a flight?"
"No, No! It's okay. Siguro hindi lang sila nagkaintindihan."
"You sure?"
"Yes, Here's your coffee." Bumuntong hininga ako.
Pagkatapos ko abutan ng kape si Alec ay naligo na ako. I untied my dress from my back and entered the shower. I placed the handle in warm setting.
Natapos akong maligo ay naglagay na ako ng mga toner, serums, at kung anek-anek pa. Pagkalabas ko sa bathroom ay naabutan ko na nakahiga na si Alec ngunit bukas pa rin ang mga mata niyang mapupungay na.
"Maligo ka muna doon para mahimasmasan ka."
"Hayy." Suminghal siya.
Sinunod naman niya ako at lagi na lang siyang lumalabas ng banyo na naka-boxers at walang suot na t-shirt or sando.
"Really?" Umirap ako.
"Tryna tempt you, Sweetie."
"Not a chance tonight, Alvidrez."
"Maybe a kiss will do?"
"It will, Alec. But, Wear your t-shirt."
Hindi ko maalis ang tingin ko sa katawan niyang parang inukit mula sa Gresya. Lalo na ang perpektong V ng kanyang katawan at ang anim na pandesal niya.
Huminga siya ng malalim at humiga sa tabi ko. Nilalaro-laro niya ang buhok ko habang nag-popost ako ng litrato sa Facebook.
"We're not friends yet?" Tanong ko.
"Baby, We're more than friends."
"I mean in Facebook!"
"I don't have facebook."
"Meron ka kaya!" Nagulat ako.
"That was before, I don't use it anymore."
"Why?" I was curious.
"Some things are better left unsaid and undone."
"Oh."
Nilapag ko na ang phone ko sa lamesa at binuksan ang lampshade. Niyakap ako ni Alec.
"Anong sasabihin ko sa mga kaibigan ko?" Tanong ko.
"What?"
"About this setup when they find out?"
"Tell them I'm your boyfriend." He smirked.
"Hay. Si Prixton?"
"Oh, You like that blonde?" Kumunot ang noo niya.
"Hay! Goodnight, Alec."
"Already? Mamaya na. I want to kiss you."
"Tatlumpung segundo mo ko hinalikan kanina. Sinugatan mo pa labi ko, Baliw ka."
"At least sayo lang."
"Better make sure of that. Sabi pa naman ni Tita Coleen ay babaero ka."
"What? Mom said that?" Halata ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Yeah! Remember? Hay! Napalitan na ata ng alak ang memory mo."
"I do, actually. Mom just know me so well. She knows if I'm sad or happy or something is wrong."
"May ex ka ba?" Tanong ko.
"Yeah."
"Sino?"
"Let's not talk about her."
"Okay." I respect his privacy.
Di ko napansin na nakatulog na ako. Bago pa mapikit ng tuluyan ang mata ko ay hinalikan ko sa pisngi at noo si Alec. Mahimbing na ang tulog niya.
"I hope this lasts long." I softly whispered in his ear.
Natatakot ako na baka tuluyan na akong mahulog sa kanya o baka nahulog na nga ako? Alam ko na hindi kailanman magiging totoo lahat ito kahit ganoon ay masaya ako na nadama ko ang ganito kahit na kunwari lang, kahit imahinasyon lang, kahit pansamantala lang. I know that it's wrong to fake a relationship. Maybe I fell in love with the idea of this story. Maybe I loved the way how we keep what we have. I loved the idea of falling inlove in a secretive way. I loved the idea of secretly loving a person who will never love me back.