webnovel

Chapter 13(A mistress)

Lasing na si Nathaniel at medyo nahihilo na din siya dahil nakailang shot na siya ng whisky kanina pa.Hindi na natuloy si Melvin na puntahan siya sa kanyang condo dahil na stock ito sa traffic kung kaya bumalik na lamang ito sa bahay nito at siya na lamang mag isa ang umiinom ngayon.

Ibinuhos niya ang kanyang galit sa alak dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag sa kanya ang kanyang nobya,wala rin itong sinabi ma maghiwalay na sila dahil umalis lamang ito at hindi na tumawag sa kanya ilang araw na.Ngunit ang nakakasama ng loob ay ang isiping bakit mukha ni arriane ang kanyang nakikita at ang pagiging pormal nito sa kanya ang kanyang naiisip.

"No!!This is not right!!"nasuntok niya ang kanyang hita dahil sa inis sa kanyang sarili.mali ang kanyang nararamdaman para sa babae,!!may pamilya na ito,, ayaw niyang makasira ng pamilya!!Ngunit bakit ganun? may isang bahagi ng kanyang utak ang nakikipag matigasan sa kanya,ang ipinipilit na tama lang ang nararamdaman niya para sa babae!.Sa bandang huli ang nanaig ang mahinang bahagi ng kanyang isipan at heto siya ngayon nagbubukas ng kanyang facebook at sinusubukang ma search ang babae.Maraming arriane Santañez ang lumabas sa kanyang wall ngunit isa lamang ang namumukhaan niya,ang arriane santañez na may kasamang anak na lalake ang kanyang binuksan at nagsimulang mag stalk ng picture ng mga ito.Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit halos lahat ng picture nito ay tanging ito lamang at ang anak nito ang nasa litrato.May ilang bahagi ng photo na kasama nito ang kapatid nitong si monica, may matandang babae na namumukhaan niya,ito iyong katulong nila arriane noon.Ngunit ang malaking katanungan ay kung nasaan ang photo ng asawa nito na nakita niya sa batangas na kasama nito.Nag swipe siya uli ng mg photos at hinanap ang date kung saan nakita niya si arriane sa batangas at hindi siya nagkamali, mga photos lamang ng kapatid nito anak at iyong matanda kanina ang tanging nakita niya sa photos at wala doon ang nakita niyang lalake na kasama nito sa batangas.

"bakit ganun,? bakit wala sa photos ang lalake!?"Mahinang usal niya sa sarili.

At kahit ilang ulit pa niyang na swipe ang Timeline ng babae ay wala parin doon ang photos ng asawa nito.

Tanging tauhan nito ang nakikita niya sa Mga photos at kung gaano ito kasaya.Nakita niya rin ito kung gaano ito ka successful sa buhay sa edad nito.Napakalaki nga ng pinagbago ni arriane lalo na sa karera ng negosyo.Nakita niya kung gaano ito kagaling magdala ng negosyo at mga tauhan.May Video pa nga ito last year na nakikipaglukuhan ito sa mga staff nito at kahit napakabata nito ay nakita niya ang mataas na respeto na binibigay ng mga tauhan nito.

Gusto man niyang magsisi dahil sa mga maling nagawa niya sa babae at ang panghuhusga niya rito ngunit hindi niya alam kung paano.

Bigla yata siyang nabuhayan ng loob sa isiping single mom ang babae at hindi ito kasal dahil wala nga itong picture ng asawa nito.Ngunit nag flashback sa isipan niya ang unang araw na nakita niya si arriane na kasama ang lalake at ang anak nito sa batangas at napakasaya nito habang kumakain.Ngunit bigla siyang napasuntok sa maaring dahilan kung bakit walang photo ang lalake na kasama ang mga ito.

"Hindi kaya kabit ito?at iyon ang dahilan kung bakit wala ni'y isang photo ang lalake dahil ayaw nitong mahuli ng asawa nito na kabit ito."

"Shittt!!bigla siyang napatayo at nawala yata ang kanyang kalasingan ng mapagtanto na maari ngang mangyari iyon.Dahil kung tutuusin ay marami na ang nangyayaring ganun sa panahon ngayon.Isa pa sa kalidad ni arriane ay maari ngang mangyari iyon.biglang nag init ang kanyang mukha at may naisip na naman na ideya upang mas malaman niya ang totoo.May tinawagan siyang kaibigan upang humingi ng tulong rito.Isa ito sa mga kaibigan niya dito sa pilipinas at sigurado siyang makakatulong ito sa kanya ngayon dahil napakagaling nito bilang isang Imbestigador.Tama naman sigurong papaimbistigahan niya si arriane upang malaman niya ang totoo at baka makatulong pa siya na makawala ito sa pagiging isang kabit.!

Ayun sa kaibigan niya ay malalaman niya ang resulta sa loob ng dalawang linggo dahil magsisimula ito sa pag iimbistiga sa unang tinirhan nito kung saan doon din siya nakatira noon malapit sa mga ito.

Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang desisyon ngunit kailangan niyang malaman ang katotohanan upang mailayo sa kapahamakan ang babae.

Ilang oras na ang nakalilipas ngunit hindi parin makatulog si arriane.Iwan ba niya kung bakit naaawa siya kay Nathaniel gayung wala naman itong ginawang mabuti sa kanya.Ayaw niyang mangialam sa problema ng mga ito dahil marami din siyang mga problema at iyon ang dapat niyang pagtuunan.Napakasarap na ng tulog ni Niel habang nakayakap pa sa kanya samantalang siya ay hindi parin talaga inaantok.Napasinghap pa siya ng makita ang oras sa kanyang celphone,alas dos na ng madaling araw ngunit hindi parin siya dalawin ng antok.Bumangon siya at nagtungo sa kanyang kusina at kumuha ng gatas upang makainom at makatulog na siya.Hindi siya pwedeng mag absent bukas dahil maraming costumer ang restaurant niya bukas dahil sabado.Matapos siyang makainom ng gatas ay bumalik siya sa paghiga at pinilit ang sariling makatulog .

Kinabukasan medyo late na nakapasok si arriane kasama uli si Niel dahil walang mag aalaga sa kanyang anak kaya kahit ayaw man niyang pumasok ay kailangan niya talagang gawin iyon.Ayaw niyang ipagkatiwala sa mga staff niya ang isang araw na wala siya kung kaya heto siya ngayon nahihilo pa dahil isang oras lang talaga ang tulog niya Dahil kahit anong pilit niya sa pagtulog ay hindi talaga siya nakatulog.Goodmorning mam,"goodmorning little boy.!"bati sa kanilang mag ina ng kanyang mga staff.

"Goodmorning."nakangiting sagot niya.

"uhm, jane pahingi naman ako ng coffee please and also breakfast for niel please."

"yes mam"agad na tumalima si jane upang gawan siya ng kape, hindi na nga siya nag kape sa bahay dahil nagmamadali silang mag ina na pumasok.Sabagay ilang minuto lang naman ang layo ng restaurant mula sa condo niya dahil sinadya niya iyon dahil ayaw niyang ma trap sa traffic lalo na at kasama niya si Niel.Naglalaro na si Niel sa loob ng kanyang opisina habang siya naman ay abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit nang may kumatok,at dahil akala niya ang breakfast at kape na hiningi niya sa kanyang staff ay sinabihan niya itong pumasok na lamang.Ngunit hindi si Jane ang pumasok kundi si Mat, Hindi niya alam kung papaano pakikisamahan ang lalake ngayon dahil sa kanyang nakita kagabi.Ngunit kailangan niyang makausap iti ng pormal at sabihin dito ang totoo uapang hindi na ito bumalik doon.

"Hi goodmorning"bati niti sa kanya at mag kikiss sana sa kanyang pisngi ngunit umiwas siya.Ayaw niya nang pakitaan ng maganda ang lalake dahil naiirita siya rito."kumusta"?Tanong nito sa kanya saka iniabot ang isang boque ng bulaklak sa kanya.

"ang aga mo naman yata."iyon lamang ang nasabi niya dahil ayaw niyang mag init ang kanyang dugo.

"ofcourse!pag gusto mo ang isang tao, eh kahit gaano pa kalayo ng lugar mo eh gagawin mo ang lahat upang mabisita ang babaeng gusto ko diba?"ngumiti ito nang pagkatamis tamis sa kanya na ikinainis niyabsa lalake.Ngali ngali nga niyang batukan ito at sabihin n nakita niya ito kagabi na may kasama at tumawid lamang ito papunta sa kanya at hindi naman talaga ito galing ng batangas.Ngunit pinilit parin niyang maging nice sa rito.

"Like what I said Mat, sa iba mo nalang ibaling ang atensiyon mo dahil wala sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon na magulo... please Sana ito na ang huling beses na magbibigay ka sa akin ng bulaklak, friend lang talaga ang kaya kung ibigay sayo at hindi ang pagiging isang nobya.Isa pa ayuko sa mga lalakeng masyadong gwapo dahil maraming kaagaw."Seryusong wika niya at hindi man lamang ngumingiti.Nakita niyang namula ang pisngi nito ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin.Atleast nagpakatotoo lamang siya at mas pinili na lamang niya ang manahimik tungkol sa kanyang nakita.Maya maya pa ay nagpaalam na ito dahil napahiya siguro sa sinabi niya, naging busy busyhan din siya upang umalis na ito.Nagpaalam ito ng maayos sa kanya at nanghingi ng pasenya sa kanya.Hindi man niya masabi kung bakit ito humihingi ng pasensya sa kanya ngunit sa kanyang sarili ay alam na niya iyon.

Maya maya pa ay dumating na rin ang pagkain nila ni Niel,hindi na rin niya ito inaya kumain dahil naiinis lamang siya rito.Maging ang kanyang anak nga ay hindi ito pinapansin kung kaya mas tama ang ginawa niya.

Hindi narin ito hinatid ni Arriane palabas ng kanyang restaurant kung kaya hindi niya nakita si Nathaniel na masama ang paningin kay mat.

Sinadya niya talagang pumunta roon at nag order ng breakfast dahil malapit lang naman ang condo na tinitirhan niya ngayon, ngunit sa halip na breakfast ang ipinunta niya roon ay nakita niya na pumasok ang lalake sa opisina ni arriane.Hindi kasi siya nakita ng babae kanina dahil nakapukos ito sa counter at nanghingi ito ng breakfast and coffee.Nasa isang sulok siya ng kainan kung kaya hindi siya nito nakita.Inagahan niya ang pagpunta roon dahil baka may makita siya at hindi nga siya nagkamali dahil pumunta nga doon ang lalake ay may dala pa itong bulaklak.At talagang tama ang hinala niya dahil deritso lamang ito na pumasok sa loob ng opisina at halos isang oras din na nagtagal doon ang lalake.Ngunit nang lumabas ito ay hindi na mawari ang mukha nito.. parang galit o masama ang loob nito kay arriane dahil baka nag away ang mga ito.Kahit ilang tanong pa ang kanyang itanong ay hindi iyon masasagot ng kanyang sarili hanggat hindi siya nagtatanong sa mga naroon.Kaya tinawag niya ang isa sa mga staff at kinapalan ang kanyang mukha upang magkaroon lamang ng sagot ang kanyang mga tanong.

"Yes sir.,"agad na lumapit sa kanya ang isang lalakeng staff at tinanong kung may order pa siya.

"wala na akong order, magbabayad na ako.. and I will give you a tip kung masasagot mo ang mga tanong ko."nakangiting sabi niya sa kaharap na naexcite bigla.

"sure sir ..basta kaya ko lang po sagutin."nakangiting sagot nito.

"Uhm, first gusto ko malamn kung dalaga ba ang may ari ng restaurant na ito".Kunyari ay hindi niya alam ang sagot sa tanong niya.

"uhm, sir parang mali naman po yata na about sa boss namin ang mga tanong mo."anang staff na nag aalangan.

"Hindi naman masama iyon lalo na at maayos naman ang tanong ko".giit niya rito.

"uhm sir, baka magalit si mam."naiilang talagang sabi nito.

"bakit naman magagalit."?kulit pa din niya sa lalake.

"boss na po kasi namin ang tinatanong niyo."

"oh sige, ganito palitan ko ang tanong, may asawa na ba ang boss mo!?"iwan ba niya kung saan niya nakuha ang mga katanungan niya at ganun talaga ang mga tanong niya sa kaharap na parang wala yatang balak na sagutin ang tanong niya.

"pareho lang naman iyong tanong mo sir".natatawang sagot nito.

"pasensiya na sir, pero mali po na maglabas kami ng impormasyon tungkol sa boss namin.. kapakanan lang po ng boss namin ang iniisip ko,kung wala na po kayong mga kailangan sir baka pwede na kitang iwan."wika nito saka iniwan siya at bumalik sa trabaho.Naiwan siyang walang sagot Mula sa nakausap na staff kung kaya iniwan na lamang niya ang kanyang bayad at tip at lumabas doon.Kagabi tinawagan niya ang kaibigan niya at nakiusap na paimbestigahan niya si arriane ngunit hindi siya makapaghintay ng dalawang linggo at naisipan niyang magpunta sa restaurant ng babae upang mangalap ng impormasyon ngunit bigo siya dahil kahit staff nito ay mahigpit na pinagbawalan na maglabas ng impormasyon tungkol rito kung kaya mas tumindi pa ang kanyang hinala na kabit talaga si arriane.

.

"

Next chapter