webnovel

Chapter 38 : Jovial Island

Maundy's POV

Nakangiti akong pumasok sa opisina dahil trip ko lang, charot, dahil masaya ako, sobra-sobra! Kaya lang medyo malungkot pala ako, ilang araw na rin palang wala si Jazz, ang dami-dami ko nang ikukuwento sa kanya.

"Your lips were about to reach the floor, Monang," napatingin naman ako agad kay Spade na nakangiting nakatingin sa'kin, tapos ay 'yong sahig naman 'yong tiningnan ko. Sa totoo lang napakalayo pa ng labi ko sa sahig kaya napaka imposible ng sinasabi niya. Minsan talaga ay may pagkatanga rin si Spade, 'no? Chares!

"Magic ba 'yang sinasabi mo? Paanong maaabot ng labi ko 'yong sahig?" tanong ko sa kanya habang nag-uumpisa kaming maglakad patungo sa opisina.

"You know idiom, Monang? You always think literally," natatawang aniya. Nakakatawa 'yon? Hala! "You were pouting kasi and you know people always say that line every time they've seen someone who's pouting," dagdag pa nito.

"Alam ko. Best in paliwanag ka talaga, Spade," nag thumbs up pa ako at taas noo naman siyang napatango, "chinacharot lang kita," napasimangot naman siya agad. Ang cute ni Spade, sarap kurutin gamit gunting. Joke! "Naks, gentleman," sabi ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"As usual," nakangiting sabi niya, pero talagang walang bahid ng pagmamayabang. Iba rin! "So, I heard what happened yesterday," aniya matapos maupo sa harapan ko.

"Tsismoso ka talaga," sagot ko naman.

"Nah. You know that we don't hide secrets, right? Kuya had told us everything, from the beginning until your Kuya had given his permission."

"Wow, detailed na detailed?"

"Yep, that's how a good story teller Kuya is, with actions pa."

"Kung talaga hindi kayo nagtatago ng sekreto, ibig sabihin alam mong may mamahaling panty at bra ang Kuya mo? Na talagang dolyar ang presyo?"

"Of course. Ilang beses na rin namin siyang binilhan ng girl's stuff."

Kaya pala baklang-bakla 'yong Kuya nila, iniispoil nila!! Huta! Buti na lang talaga napastraight ko 'yong meter stick niya, kung hindi sayang talaga 'yong lahi ni Chal Raed—t-teka? Lahi? At sino naman ang lalahian niya, Maundy? Ikaw? La, mighad!

"What are you thinking?" natinag ako nang magsalita ulit si Spade.

"W-Wala naman," sagot ko. "Asan na nga ba ang Kuya mo?"

"Ako 'yong nandito, but you're looking for my brother?" napataas ang kilay ko. Minsan talaga ay aning-aning din kung magsalita itong si Spade, "just kidding! Actually, I'm here to tell you something."

"Ano 'yon?" ops, tsismosa mode,  HAHAHA.

"Something."

Naghintay pa ako na magsalita siya, pero nananatili na siyang tahimik, "naaaning ka ba?" tanong ko.

"Don't you get it?" takang tanong niya. Huta, ano bang maiintidihan ko sa sinabi niyang something?! "I told you I need to tell you something, that's why I say something," pagpapaliwanag niya.

"Ah, joke 'yon? Nice try, come again next time, you may go out," itinuro ko pa 'yong pinto kaya ayan ang Kyaah niyo todo simangot, yiiieee makukurot ko na 'to ng gunting, eh.

"Okay. I admit, I don't have any sense of humor. So, I'll be serious now," napatingin ako sa kanya at hinintay 'yong sasabihin niya, "I know that Kuya's courtship has been legalized, does it mean I am no longer have the chance to show my feelings for you?"

"Baliw ka ba, crazy, or insane?" nakakunot talaga 'yong noo ko. Wala siyang kwenta kausap minsan.

"That was just a joke," bumuntong-hininga siya, "wala nga talaga akong talent when it comes to joking," malungkot niya talagang sabi.

"Kaya huwag ka ng magjoke, please lang."

"Oo na. I am really here to say that Kuya will be gone for a week."

"Iyan 'yong joke."

"No, I'm not joking."

"Seryoso? Saan punta niya? Bakit ikaw pa 'yong nagsabi? Spokeperson ka ba niya?" sunod-sunod kong tanong. Kaya pala walang pangkabuhayan showcase at isang boquet ng red tulips sa mesa ko, mawawala pala siya ng isang linggo. Sad.

"No, it's not like that. His meeting was abrupt, he wasn't expecting it. It was Dad's responsibility to attend that meeting, but he's currently in South Korea attending his business trip, so he gave the work to Kuya. He didn't get the chance to talk to you personally for he had flew to Canada right after receiving Dad's message, the meeting will be held there. He's sending his apology for not telling you about this."

"Ah, naiintindihan ko, hindi niya kailangang mag sorry, trabaho 'yon, eh, mahalaga 'yon," nakangiting sabi ko. Pero, nalulungkot ako, ibig sabihin isang linggo lang naman akong walang makakasama rito.

"Does it really okay? Your eyes look sad."

"Wala akong makakasama for one week dito, alam mo bang napakaboring no'n?"

"Then, I'll accompany you. I will be here for the whole week, besides I don't have any work at all."

"Hindi ba nagtatrabaho ka sa bar ni Third? Kumakanta ka ro'n 'di ba?"

"He got lots of singers there. It's okay if I'll take a leave for a week or even month, years, decade."

"Baliw," singhal ko at napangisi lang siya. "Eh, baka may date kayo ni Joy, kaya okay lang ako rito kahit wala akong kasama for one week, sanay na akong maiwan ng mag-isa. Kakausapin ko na lang 'yong sarili ko nang 'di naman ako mainip dito," nakangiting dagdag ko kahit nalulungkot talaga ako. Haay.

Nakarating kaya ng safe si Chal Raed sa Canada? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumakain? May kasama kaya siya? Haay, huta! Kung anu-ano naman 'tong iniisip ko.

"Ah, right, I forgot I am courting her again," tingnan niyo may pa feelings-feelings pa siyang nalalaman kay Clarice, pero kay Joy pa rin pala ang bagsak niya, "then, we can just visit you here every day, kahit just an hour or two or more, para hindi ka mainip dito."

"Hindi na, 'no, ayokong makakita ng naghaharutan sa harap ko."

"Psh, you're gonna do landian with Kuya, too, soon."

"Feel mo ba magiging kami?" natanong ko na lang bigla.

"Feel mo ba magiging kayo?" huta, binalik lang sa'kin 'yong tanong? Ang saya, Koya Wel.

"Feel mo ba?"

"Feel mo ba?"

"Ewan ko sa'yo, Spade, ang gulo mo, mas magulo ka pa sa magulo."

"No, I'm serious. Feel mo ba magiging kayo? Kasi it's not me who will give you an answer, it's you. You own your feelings, heart, and mind. You're not gonna follow the opinion of others, Monang, follow yours."

Oo nga, 'no, tama siya. Minsan matalino rin si Spade at may pagkatanga ako, buti na lang talaga over ako sa ganda. "Ewan? I'm not yet sure," sagot ko.

"That's fine. Sabi sa kanta, ang ewan ay katulad na rin ng oo'ng inaasam. So Kuya has a big chance, you guys have a big chance to become lovers soon," nakangiti talagang sabi niya. "So, Monang, I had told you everything already and I still have lunch date with Joy, so I need to go."

"Sige, salamat sa pag-inform sa'kin na wala akong makakasama ngayong buong linggo."

"And, you will miss him for the whole week, too, just bear it, Monang. So, I'll go now, ingat ka."

Miss him? Pwe! Charot, ewan, mamimiss ko ba o mamimiss? Iw! Hindi, 'no. "Alis na, ngisi nang ngisi, mukha kang timang."

"Natatawa kasi ako sa itsura mo. I can't explain it, but it seems like you're thinking of something, or perhaps, someone?"

"Dami mong dama, umalis ka na nga."

"You already miss him, right?"

Tumayo na ako at marahan siyang itinulak, "layas na, layas," sabi ko habang tulak-tulak siya.

"Alright, alright. I'll go now, but tell me first if you will miss him, or you're now missing him."

"Eh, kung paslangin kita ngayon na ng ikaw 'yong ma missing, Spade, you want?" napaka-annoying nito, mamaya makurot ko na talaga 'to, eh.

"Hahahaha! So long, Monang," natatawa talagang sabi niya habang naglalakad papalayo sa'kin.

Naupo ako ulit sa swivel chair ko. Haay. Buntong-hininga na naman, Maundy Marice, the loner, alone, solo, mag-isa, walang kasama, bigti na. Charot! Chal Raed kasi mang-iiwan! Gawin ko na nga lang 'yong trabaho ko nang maaga akong makauwi.

***

2:30 PM pa lang ng mapagdesisyonan kong umuwi na. Konti lang ang trinabaho ko ngayon at dinahan-dahan ko talaga nang may gagawin na naman ako bukas nang hindi ako ma bored dito.

Ready to fly fly away na sana ako nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Chal Raed.

'Stay at your office. I'll go there, I'll fetch you.'

Sandali, akala ko ba nasa Canda siya? Eh, bakit niya ako susunduin dito?

Para mapanatag ang lola niyo, ititextmate muna natin ang lolo niyo—este, si Chal Raed pala.

'Nasa Canada ka, 'di ba? One week kang mawawala, 'di ba? Ano 'to, uuwi ka everyday para lang sunduin ako rito tapos babalik na naman sa Canada pagkatapos? Hoy, ang effort, Baklush! Mamaya pakasalan kita bigla dahil diyan sa effort mo.'

Huta! Na send na! Ba't may pakasal-kasal akong nalalaman?! Iwness!

'Edi mas lalo akong namotivate na umuwi ng Pinas everyday to fetch you and go back here in Canada afterwards nang pagkatapos ng isang linggo ay magpakasal na tayo.'

Sabi na, eh, mali ang sinabi ko, eh. Haaay!

'Pero seryoso Chal Raed, huwag ka ng umuwi ng Pinas para lang sunduin ako, kaya kung umuwi mag-isa.'

Tumayo na ako at lalabas na sana ng opisina nang may naunang magbukas ng pinto.

"Let's go?" pag-aya niya agad sa'kin. Grabe, tinotoo nga niya, nagbalik siya ng Pinas para lang dito? Aning-aning! Pero, naks, ang effort, ha, mapapa-yes naman ako agad nito. Charot!

"Sabi ko sa'yo huwag na, eh," sabi ko sa kanya habang papunta kaming ground floor.

"No, since I am courting you, it's my responsibility to send you home," nakangiti talagang aniya. Haaay! Kung gan'to lang naman pala siya manligaw, edi forever na 'kong magpapaligaw, free ride din 'to, 'no, chares lang.

"Oo na. Tutal mayaman ka naman at may private plane kayo kaya easy na sa'yong bumalik ng Canada agad-agad. Kayo na talaga," sumakay na ako sa sasakyan niya matapos akong pagbuksan ng pinto, "swerte niyo 'no?" tanong ko pa.

"But, I'll be the luckiest 'man' if you will be my wife in the future," aniya at kung ako lang ang nagdadrive malamang nabunggo na kami.

W-Wife? Agad-agad?! Eh, hindi pa nga kami. Over, nagmamadali!

Hindi na lang ako sumagot dahil baka kung anu-ano na naman ang mga sasabihin niya, mamaya niyan biglaan siyang magpropose, eh. Hahahaha, mighad!

Kaya lang ay biglaan akong nagtaka nang hindi kami papuntang bahay kun'di papunta kami sa isang pamilyar na lugar. "Patungong Jovial Island 'tong pupuntahan natin, 'di ba?" tanong ko. Iyon 'yong isla kung saan naganap 'yong reunion ng CoolEight, birthday ni Zanaya, at 'yong mga 'di inaasahang pangyayari, like, 'yong heart to heart talk namin ni Chal Raed tapos biglaan akong nilagnat, 'yong pagsuot ko ng tube na palda pala, 'yong laro namin gamit ang Chinese garter, ang usapan namin ni Jazz, 'yong pagseselos ni Chal Raed dahil nakita niya kaming magkayap ni Jazz, at marami pang iba.

"Yep, pupunta tayong Jovial Island," nakangiting aniya.

"A-Anong gagawin natin do'n? Plano mo bang lumangoy-langoy muna? Hapon na, eh, do'n ka na lang sa pool niyo," suhestyon ko pa. Tsaka kasi baka mapagalitan ako ng mga Kuya ko, hindi ako nagpaalam sa kanila.

"We'll be staying there for a week," usal niya pa na agad kong ikinagulat. "Everything was molded there, my jealousy began in that island, my feelings for you started to come out in that place. So, I want to go back there and spent a week with you. Let's make a new memories, a good and special one," dagdag pa niya na mas lalo kong ikinatameme. Naguguluhan na tuloy ako, akala ko ba may meeting siya sa Canada ng isang linggo, tapos bakit kami babalik doon sa Jovial Island at manatili roon ng isang linggo? Gulo, Mother Earth! Pero, bakit ako masaya?! Huta!!

Next chapter