Hindi ko alam kung paano ko nga ba nalulunok 'yong kinakain ko ngayon.
Charot!
Malamang, Maundy, isinubo mo sa bibig mo tapos nginuya mo 'yong pagkain saka mo nilunok papunta sa lalamunan mo tapos ta-travel na 'yon sa esophagus papunta sa tiyan. Gano'n 'yon, Maundy, huwag kang OA riyan!
Kaharap mo lang ang dalawang gwapong Bakla at 'yong hot mong Ex—na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang rason kung bakit ka iniwan—habang kumakain hindi mo na alam kung paano lunukin ang pagkain? Wow!
"Sis," natinag ako at nagbalik sa katotohanan nang tawagin ako ni Chal Raed. "Mamaya mabutas 'yang pinggan, kanina mo pa tinutusok 'yan. Maawa ka sa tinidor mo, konti nalang mababali na," dagdag pa niya, at ako naman itong si tanga tiningnan nga ang tinidor ko kung malapit na nga bang mabali kaya ayon napagtawanan ako!
Nakakatawa 'yon, nakakatawa? Huhuhu!
Pero, teka, bakit ninakaw nitong Ex ko 'yong mga binalatan kong lobster?! Hutaeners! Todo effort ako sa pagbabalat no'n tapos nanakawin niya lang?! Kainis!
"Same old Maundy. The Maundy who eventually get space out."
At, ayan nagsalita na nga siya. Parang gusto ko siyang yakapin tapos saka ko itusok sa kanya 'tong bitbit kong tinidor!
Huta! Kapal ng muhang kunin 'yong lobster ko! Kapal ng mukha na tawagin ako sa pangalan ko! Ang lakas-lakas naman pala mang-iwan!!
"What do you mean by that, Baby Bro?" tanong ni Chal Raed. Lesheng Baby Bro na 'yan! Ang sagwa-sagwa!
"Stop calling me Baby Bro, Kuya," sagot naman ni Mang-iiwan—charot! May pangalan pala siya, si Third.
"What? I've been calling you by that, Third, what's wrong?" walang sagot si Third, tahimik lang ang loko kala mo 'di tinanong ng kuya niya, "uh-oh, don't tell me you're being embarrassed now. Why? Because of her?" seryoso niya talagang tanong at itinuro pa ako!
Gusto ko sanang irapan si Third nang mapatingin siya sa'kin, pero hindi ko nagawa dahil ang mga mata nila ay parehong nakatingin sa'kin, pati na nga rin si Jazz!
"Yes and it's really embarrassing, it sounded so childish, Kuya,"
sagot naman ni Third. Mabuti naman at alam niyang nakakahiya 'yon. Tss.
"What?! Come on, Third, kahit may kasama tayong ibang babae at kahit hindi mo kilala it's just fine with you if I'm calling you Baby Bro. What happened now?" usal naman ni Chal Raed.
"We're past lover," direstso niya talagng sabi.
Syempre, gulat na gulat ako. 'Yong relasyon kasi namin ay sobrang patago! Huhuhu, pang secret relationship lang kasi 'tong beauty ko eh! Pati dahilan ng hiwalayan namin sekreto rin, 'yong tipong miski ako hindi alam! Kaya nagulat ako kasi ngayon lang niya sinabing naging magkasintahan kami kung kailan tapos na ang lahat!
Pareho kaming lahat na natahimik. Siguro si Chal Raed sinisink-in pa sa utak ang nalaman niya. Si Jazz naman baka trip niya lang talagang manahimik kasi kanina pa siya tahimik. At ito kaming dalawa ni Third, nagsusukatan ng tingin, tapos may kuryente sa gitna—oo, may superpowers kami—at muntik ko na sana siyang matalo nang magsalita si Chal Raed.
Sayang, may lechong Ex na mang-iiwan sanang ihahain ngayon!
"O-okay. Since you're an ex lover, then let's not talk about it. It's part of the past, right? So, it's better not to discuss it anymore, and I can see in your eyes that you ain't comfortable to talk about your past relationship. So, let's continue eating," dagdag pa niya at nagpatuloy nga sa pagnguya ng pagkain niya.
Ayaw ko talagang pag-usapan 'yong nakaraan namin, pero gusto ko lang malaman ang rason kung ba't niya ako iniwan. May karapatan naman siguro akong malaman 'yon, 'di ba. Siguro, kapag may free time ako kakausapin ko 'tong si Third.
"Oh, what's this? A reunion?" sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita at ito na naman ako, gulat na gulat!
Marami pa bang sorpresa na dadating? Paki-isa na lang, baka mamaya tuluyan nang lumuwa ang mga mata ko.
"You're very shocked," aniya at ngumiti sa'kin. "Aren't we really fated, Miss Purple hair?" dagdag pa niya.
Hoooh! Like, how to breathe? Napapalibutan na ako ng mga gwapong lalaki! What did I do in the past to receive such this kind of blessing?
"Do you know each other?" tanong ni Third at tumango naman agad itong si Englisherong Hypebeast saka naupo na lamang bigla sa tabi ko.
Ano bang nangyayari? Ba't kami nag sama-sama sa iisang mesa?!
"How?" tanong na naman ni Third. Hindi ko man lang alam na tsismoso na pala siya ngayon. Sa pagkakaalam ko never ko siyang hinawaan.
"In a magical way," sagonaman ni Englisherong hypebeast na siyang ikinagulat ng lahat. Ba't ba kasi gano'n 'yong sagot niya? Mamaya kung anu-ano na ang iniisip nila, eh. "Just kidding," aniya at nakahinga ako nang maluwag!
"Ha Ha Ha, so funny, Bro," sabi ni Chal Raed at paki take note na lang sa sarcasm, ha, thank you.
Pero, ano?! Bro?! Tama ba 'yong narinig ko? O baka Pro 'yon? Palayaw niya siguro, Pro, tapos real name niya Promil, sing puti kasi siya ng gatas, eh!
Okay, what a joke! Try again later, Maundy!
"We met in the jeepney, and that meeting of ours is absolutely amusing," muli na namang usal ni Englisherong Hypebeast.
"Okay, so cliché," parang walang gana talagang usal ni Third. Weird! "So, what are you doing here?" tanong niya.
Magkailala yata silang lahat, ako lang yata ang out of place ang peg dito. I-exit na lang siguro ako.
"I just accidentally saw you, guys," sagot niya. "Actually, I'm with my friends, but I guess it's more fun here in your table, Bro," dugtong niya.
Bro yata talaga 'yong sinabi ni Chal Raed—so, magkakapatid sila?! What the heck?! Si Baklang Boss, si Ex na mang-iiwan tapos itong si Englisherong Hypebeast, magkakapatid 'to?! Ba't iba-iba ang mukha?
"Okay, then that answer your question. So, can we now continue eating?" singit naman ni Chal Raed. Oo nga pala, kanina pa napuputol 'yong kainan namin! Pero, pakiramdam ko hindi na ako gutom, nabusog na ako kakatingin sa kanila—charot lang!
"Spade, you're not going to eat?" tanong ni Jazz kay Englisherong Hypebeast. So, Spade ang pangalan niya? Ang layo naman sa tawag ko sa kanya. Hehe, sorna.
"Yeah. I'm done eating, Jazz," sagot naman niya. "But, let me stay here," dagdag pa niya at tumango lang si Jazz bilang sagot.
Ilang sandali lang ay biglaan niya akong kinalabit. Mighad!
"It's nice to see you again," bulong niya.
Nahihiya tuloy ako! Alam kong napalingon sila sa amin nang biglang lumapit si Englisherong—este, si Spade sa akin saka bumulong! Mamaya kung anu-ano na talaga ang iniisip nila.
"What's with the two of you?" biglang tanong ni Third. Ito na nga ba, eh.
Ngumiti naman sa kanya agad itong si Spade at saka tumingin na naman sa'kin. "Nothing. We don't even know each others name," pagsabi pa niya sa katotohanan na siyang dahilan kung bakit parang may malaking question mark sa mukha ng tatlo. "But I guess, it's the right time for us to exchange names," then, he extended his hand, "I'm King Spade Alonzo, but please just call me Spade," nakangiti niyang sabi.
"Kailangan ba talagang mag shake hands?" biglang tanong ko.
"Of course," sagot naman niya.
"Kasi...itong kanan kong kamay ginamit ko sa pagbalat ng lobster, eh," na ninakaw lang niyang mang-iiwan mong kapatid, "panigurado akong dumikit 'yong amoy no'n sa kamay ko. Nakakahiya naman," hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko, pero sabay silang lahat na natawa.
Joke 'yon? Joke? Tss.
"It's okay," aniya at biglaang kinuha 'yong kamay ko saka iyon ipinag shake hands.
Ang lambot ng kamay! Walang halong ka char-charan mga daberkads! Sarap hawakan hanggang sa dulo ng walang hanggan!
"Oh wait, you haven't told me your name yet," biglang usal niya matapos ang ilang segundo nang bitawan ko 'yong kamay niya.
Oo, ako 'yong bumitaw dahil alam kong walang pag-asa—charot! Bumitaw ako agad kasi baka malipat lahat sa kamay niya 'yong amoy ng sabaw no'ng lobster, nakakahiya naman, 'no!
"What a concept, nauna 'yong shake hands kaysa sa pangalan. Hindi naman masyadong halata na excited kang mahawakan 'yong kamay niya, Bro," biglang usal ni Chal Raed habang nasa pagkain lang ang tingin.
"It's not like that, Kuya, I just forgot that she didn't tell her name," sagot naman ni Spade.
"Kasi nga excited ka," singit naman nitong si Third na todo titig talaga sa kapatid niya. Aba, anong drama ng Ex kong mang-iiwan ngayon?
"Eat," sabi ni Chal Raed at nilagyan na naman ng kanin at ulam ang pinggan ni Third. Wala naman siyang nagawa kun'di sundin ang Kuya niya.
Nilingon ako ni Spade para sana siguro tanungin 'yong pangalan ko, pero inunahan ko na siya. "Maundy. I'm Maundy Marice," sabi ko. Nagulat ako nang kunin na naman niya ang kamay ko at ipinag shake hands! Mighad! Buti na lang hindi ko hinawak 'yon ulit sa lobster! Plano ko pa naman sanang magbalat ulit ng isa pa! Jusko, muntik na!
"Okay guys, since I badly need to go now and I still have something to say, so, lend me your ears for a moment please," usal na naman ni Spade.
Kanina pa ako Spade nang Spade, pansin niyo? Pero, mas gusto ko pa rin 'yong Englisherong Hypebeast, kaya lang ang haba pala, ngayon ko lang napagtanto. Makiki-Spade na nga lang ako.
"This coming February 14 is Zanaya's birthday and she also wants to make that day as our Grand reunion, CoolEights," aniya. "Maundy, for your information, it is the name of our group. We're all 8 in the group and we're cool, that's no longer questionable. So, that's why I named it CoolEights," pagpapaliwanag pa niya sa'kin. Pero sa totoo lang, hindi naman kinakailangang malaman ko 'yong pangalan ng grupo nila, eh. Pero, baka gusto lang ni Spade mag share, hayaan na lang natin. "And let's go back to Zanaya's birthday, actually Kuya already knew about it, we have talked earlier. That's the reason why I had set an appointment with him, Maundy."
Ayan nasagot rin ang tanong ko! Hindi dahil mag ex-jowa sila Maundy, at miss na miss na nila ang isa't-isa, kun'di dahil magkapatid sila at may pupuntahan pala silang party.
Masyadong malayo ang narating ng imahinasyon mo, Girl!
"So, it's just the two of you who know nothing, right? I bet you don't even know it's Zanaya's birthday," sabi pa ni Spade.
"Tss, of course I know. There's only one person who forgot it, and probably that's not me, but I know he's here," sabi pa ni Third na para bang may pinaparinggan.
"I won't go," seryoso talagang sabi ni Jazz.
Hala, Mighad! May something.
"Jazz, you need to. This is the right time to make an end of that undying issue between the two of you," sabi ni Chal Raed. "You and Zanaya need to step forward so you can now move on. If you're still going to ignore each other, then surely, nothing will happen, Jazz. Stop locking up yourself in that nightmare, wake up! It's time to be mature," dagdag niya.
Hindi ko man alam kung ano 'yong issue sa kanila, pero pakiramdam ko parang ang bigat.
"Okay," tipid na sagot ni Jazz. "I need to go to the washroom, excuse me," dagdag pa niya.
Hay! Ano kayang issue nila? Kainis 'no, inaatake ako ng pagiging tsismosa ko. Pero, kaya ko pa naman ikontrol.
"I guess everything's settled up. So, I'll go now," usal ni Spade saka ito lumaklak muna ng wine at tumayo. "It's nice meeting you, Maundy," aniya at humawak pa sa braso ko. Hmm, touchy! Charot! "See you," sabi niya...sa'kin?
Wait, what?! Kasali ba ako?
"I am inviting you, Maundy. Just ask your Boss about the other details because I really need to go," dagdag pa niya, pero muli siyang lumapit sa'kin sabay bulong ng, "I told you before, that if ever we meet again, I'll surely ask for your name. And it really did happen, Maundy. It makes me feel so glad. But, I'll be very glad times two raise to the power of twenty-two, if we will talk again next time, so we can level up the acquaintance into friends." Nakangiti naman siya nang mapatingin siya sa'kin. "I'm expecting you to be there," dagdag niya saka siya tuluyan na talagang umalis.
Mighad! Bakit kailangan ko pang sumama? Hindi ko naman kilala 'yong birthday celebrant at mas lalong hindi ako kasali sa grupo nilang CoolEights, kaya bakit ako invited?!
Sasama ba ako o sasama—este hindi sasama pala 'yon. Tsk. Next month pa naman 'yon, malayo pa, pero hindi ko talaga alam kung sasama ako, eh, pero ayoko namang umasa si Spade lalo na't sinabi niyang 'I'm expecting you to be there'.
Nakakaloka, people of the Philippines!