webnovel

A bad vampire?

ISANG kaguluhan ang naabutan ko pagpasok sa school. May malaking pulong ang nangyayari sa katabing classroom ng first subject namin. Agad kong natanaw sina Apple at Sam na nakikiusyoso rin. Nilapitan ko sila.

"Apple! Sam! Ano'ng nangyayari—oh my God!" Agad akong napatakip ng bibig nang makita kung ano'ng pinagkakaguluhan nila.

Isang bangkay ng istudyanteng babae ang nakaratay sa sahig. Sira-sira ang kanyang damit at naliligo sa dugo. Higit sa lahat agad napansin ng mata ko ang kagat sa kanyang leeg.

Vampire bite.

Binalot ng lamig ang buong katawan ko. Sino'ng may gawa nito?

"A-anung n-nangyari?"

"Natagpuan na lang daw siya kaninang umaga na ganito. Kaklase natin si Heidi sa isang minor subject. Nakita ko pa siya kahapon kasama ang mga kaibigan niya pero ngayon..." Hindi natuloy ni Apple ang sinasabi. Napapikit siya at napayuko. Pareho-pareho kaming namutla nila Sam.

Nang dumating ang mga pulis ay agad na kaming pinaalis at pinabalik. Pansamantalang nagkaroon ng suspension ng classes para sa araw na iyon dahil sa nangyaring krimen. Tulala ako habang nasa cafeteria kaming tatlo at kumakain. Pagkatapos ng nakita ko kanina ay parang wala na akong ganang kumain pa. At pinipilit kong isipin kung sino'ng may kagagawan niyon. Imposibleng si Vlad. Alam kong hindi niya iyon magagawa. Hindi kaya si Romeo?

"Grabe talaga ang nangyari kay Heidi. Ang sabi ng mga professors baka may gumagala na raw na rapist or psychopath ngayon sa school. Diba uso `yon ngayon? Nakakatakot," ani Sam na namumutla pa.

"Kaya dapat `wag na tayong magpapagabi sa daan hangga't maari. Wala na talagang safe place ngayon," dagdag naman ni Apple.

"Magpasundo ka muna kaya kay Kuya Bobby every uwian, Apple? Malapit lang naman ang bahay niyo. `Wag ka munang mag-bike ng mag-isa," saad ni Sam.

Napatungo-tungo ako biglang pag-sang ayon. Kung kinakailangan na samahan ko si Apple araw-araw hanggang sa makauwi siya ng bahay nila ay gagawin ko. Si Sam naman ay parating may sundo.

Saglit na nag-isip si Apple. "I guess okay lang kay kuya. Tatanungin ko siya mamaya pag-uwi ko."

Nakahinga kami pareho ni Sam. Hinawakan ni Sam ang kamay ko. "Eh, ikaw, Erin? Gusto mo ba sumabay ka na lang sa `kin pauwi? In fact, pwede ko kayong isabay na dalawa kung hindi available si Kuya Bobby, Apple."

Napangiti ako kay Sam. "Okay lang ako. Marami naman akong nakakasabay sa bus at jeep. Hindi rin madilim ang mga daan ko pauwi."

Sinubukan pa rin akong pilitin ni Sam pero nagmatigas ako na hindi na kailangan. `Di nagtagal at nauwi na sa ibang topic ang usapan ng dalawa. Meanwhile, ako itong napapaisip pa rin nang husto.

Rapist? Malakas ang loob ko na hindi ordinaryong rape ang nangyari. Kitang-kita ko ang bite mark sa leeg ng biktima at alam kong isang bampira ang may kagagawan nito.

Pero bakit? Ang sabi sa akin ni Vlad at Romeo kaya may blood contract ay para maprotektahan ang existence ng mga bampira at ma-prevent ang pagpatay sa mga tao. Kaya may mga blood donator para magsilbing taga supply ng dugo ng mga bampira pero pinagbabawal ang pagpaslang sa tao.

Ibig sabihin ba niyon ay may sumusuway sa batas nila?

"Hoy! Erin!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang hinampas ni Sam ang kamay niya sa lamesa.

"Huh?"

"Okay ka lang? Kanina ka pa tulala," concern na tanong ni Apple. Hinawakan niya ako sa braso at hinimas 'yon.

Tipid akog ngumiti sa dalawa. Kailangan malaman ko kung sinung may kagagawan nito. Kung totoong may kinalaman ang isang bampira rito ay nanganganib hindi lang ang mga babae sa campus na `to kundi maaring maging susunud na biktima ang mga kaibigan ko.

I will never let that happen.

And then in an instant. Na tila ba naririnig ni tadhana ang mga iniisip ko ay natanaw ko si Romeo na nakatayo `di kalayuan mula sa table namin. He's wearing a poker face. At sa tingin na `yon alam kong something is going wrong. Makahulugang tumingin siya sa akin bago mabilis na lumakad palayo.

"Ah... may pupuntahan lang ako. Magkita na lang tayo bukas!" Nagmadali kong kinuha ang bag at agad na tumakbo palabas ng cafeteria para sundan siya.

"Erin! Wait, saan ka pupunta!"

Dire-diretso akong lumabas ng cafeteria at agad hinanap si Romeo sa paligid. Sa kabila ng dami ng mga estudyanteng naglalakad sa hallway ay nahagip pa rin siya ng mga mata ko. Sinundan ko si Romeo hanggang sa makarating kami sa rooftop kung saan walang ibang taong makakarinig at makakakita sa amin. Naabutan ko siyang nakatayo sa gitna at nakatingin sa langit.

"Romeo."

Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko. Seryoso ang mukha niya. Nakakapanibago.

What if si Romeo pala ang may gawa niyon? Nagsimula lang naman mangyari ang pagpatay na ito nang dumating siya. What if masama pala siyang bampira? He even tried to hurt me noong una beses kaming magkita.

"I-ikaw ba ang may gawa ng pagpatay kay Heidi?" kabado kong tanong.

His face remained as blank as the paper. Napalunok ako. Romeo slowly walked towards me. Napaatras ako agad. Nagre-ready na tumakbo kung sakaling may gawin siyang hindi maganda. Naghanap ako ng pwedeng maging armas sa paligid. Natanaw ko ang isang map at balde sa tabi ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

"I told you before, I maybe a playful vampire but I'm not bad. Yes, I'm naughty and clever pero trust me when I say that I never hurt an innocent person, Erin."

Pinakiramdaman ko siya mabuti. Pinakatitigan. Mapagkakatiwalaan ko ba talaga siya? How would I know if he's telling the truth?

Pero diba pinaniwalaan mo na mga ang mga sinabi niya tungkol kay Vlad?

"Don't worry. You can trust me Erin." Ayan na naman siya sa pagiging mind reader niya.

"Kung gan'on, sino'ng gumawa nito? Akala ko ba pinagbabawal sa inyong pumatay ng tao? Hindi ba kaya nga may contract at blood donator para ma-prevent ang mga ganitong bagay?"

Tumungo sa `kin si Romeo. "Yes, that's true. Fifty years ago simula nang napatupad ang batas. Our descendants wanted to have a peaceful life between the human race and vampires. Kaya napagkasunduhan ng lahat ng kingdom of vampires around the world na magkaroon ng kontrata sa pagitan ng mga tao at bampira. With this blood contract, we could still live and feed without the extinction of humanity." Saglit siyang tumahimik at tumigin sa malayo. "Pero minsan, hindi naiiwasan ang mga ganitong pagkakataon."

Napakunot ang noo ko sa kanya. "Anung ibig mong sabihin?"

Napabuntong hininga si Romeo at malungkot na tumingin sa akin. "There were some vampires who refused to the new law. They want more blood and they couldn't accept the contract. Because this law controls our hunger. We cannot feed blood as much as we want, we cannot drink more. It's frustrating. Pero unti-unti ring nasanay ang lahat. For the sake of peace. But some vampires don't believe in peace. They were wrapped with their greediness and hunger kaya may mga pasaway na bampirang hindi sumusunod sa batas."

Napatakip ako ng bibig. Then it means may isang bampira ang pakalat-kalat ngayon sa lugar namin na walang pakielam sa batas at walang awang papatay ng tao para lang makainom ng dugo. Nagimbal ako sa labis na takot. "So ano na'ng gagawin natin? Hindi natin pwede hayaang magpakalat-kalat kung sino man ang bampirang `yon. `Pag hindi siya nahuli papatay at papatay lang siya!"

This is frustrating! Bakit biglang naging scary movie na ang istoryang ito?

"I know. You don't have to worry, Erin. Babalik ako ng Transylvania para ihatid ang balita sa aming King and Queen," seryosong pahayag ni Romeo.

Nagpasalamat ako sa kanya. Mabilis na nag-transform si Romeo sa itim na paniki at lumipad palayo living me alone. Why do I have a strong feeling that something bad is about to happen?

Oh noooo sino kaya ang bad vampire!??

AnjGeecreators' thoughts
Next chapter