webnovel

Christmas Books

Holidays are usually the worst for my mental health. Sa panahon gaya ng mga pasko at new year, sa mga panahong ito naalala ko na mag-isa lang ako.

Plano ko sana umuwi sa probinsya para magspend ng pasko kasama ang lola pero sinabihan ako na wag nalang tumuloy dahil dun magpapasko sina uncle Arnold.

Mainit ang dugo sa akin ni uncle Arnold dahil hindi niya matanggap na type ko ang kapwa ko lalaki. Para umiwas nalang daw sa gulo kaya hindi na ako pinauwi.

December 24 na nun. Nagsiuwian na ang ibang boarders sa mga bahay nila at naisipan naman ng landlord namin na magbakasyon out of the country kasama ang pamilya niya.

Kaya mag-isa ako noon sa boarding house. Hindi ko alam kung bakit malungkot pa rin ako. Bakit hindi na ako nasanay na mag-isa? I would be 18 sa February sa susunod na taon pero bakit ang sakit pa rin mag-isa. Napaiyak ako nung umaga ng araw na 'yon. Naalala ko kasi nung buhay pa si Mama at si Papa.

Masaya ang pasko namin nun. Lahat ng sout ko bago at marami kaming handa. Sa bahay din namin nagpupunta ang mga pinsan ko para magdiwang pasko. Pero nagbago lahat ng mawala sila. Namatay sa cancer si papa kaya halos naibenta lahat ng ari-arian namin. Nalubog din kami sa utang. Si Mama naman dahil sa sobrang pagmamahal niya kay papa ay naisipang magpakamatay nalang.

Minsan naiisip ko na hindi ba ako sapat para patuloy na mabuhay si mama. Hindi niya ba ako mahal na hindi man lang sumagi sa isip niya na walang mag-aalaga sa akin kung mawala siya. Hindi ba niya naisip na kailangan ko rin siya.

Boung maghapon akong paiyak-iyak. Pero around 2pm naisipan kung lumabas. Medyo nabored at napagod na rin ako sa kakaiyak kaya lumabas ako ng boarding house.

Binigyan ako ng lola ko ng 500 para daw may pampasko ako pero tinamad na ako magluto. Plinano kung bumili nalang nang supermeal sa Jollibee.

At least dun,bida ang saya.

Naisipan kung sa isang mall nalang bumili ng supermeal. Mag-iikot ikot lang muna ako para malibang ang sarili ko.

May nadaanan ako na Booksale that time. Naisip ko may sobra naman ang binigay na pera ng lola ko kaya may budget ako pambili ng libro.

Aliw na aliw ako sa kakahalukay at kababasa ng mga synopsis na hindi ko namanlayan na 7 pm na pala. Nakaupo na ako sa sahig sa isang corner ng store with books around me. Buti nalang hindi mahigpit 'yong mga bantay at hindi ako sinaway.

After a lot of hours of choosing the book na bibilhin ko. The reult was tied down into three choices:isang romance, isang horror, at isang sci fi.

Isa lang ang pwedeng bilhin ko kasi 200+ lahat. Napakamot ako. Paulit ulit ko na binasa ang mga synopsis.

"Alin kaya ang pipiliin ko sa inyo? ", tanong ko sa sarili ko.

"Ako nalang ang piliin mo", narinig ko ang isang pamilyar na boses sa likod ko.

"Uy, ikaw pala"

Nagulat ako ng makita kung nakangiti sa akin si Kenric. Naka black gym short and red shirt sya. Mukhang galing siya sa gym. Pero napansin ko na medyo namumula ang pisngi niya. Sign na nag-outdoor activity siya.

"Ano na? Are you just gonna stare at me? Pwede mo naman akong hawakan if you like", he teased me.

Nag-init ang mukha ko. Hindi ko namalayan na I stared at him. Hindi ko kasalanan kung nakakatulala ang kagwapohan niya.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko.

"I own this store. Do you really like those book? I can give you a discount. 3 for 500", sabi niya.

Wala na akong dinner nito.

"Discount lang? Pwede bang libre nalang?", biro ko.

He flashed me with a grin.

"Sige libre kita pero librehin mo rin ako"

"Anong ipanglilibre ko sa'yo alam mo naman na I'm the new face of poverty"

"Eh di katawan mo nalang ang ilibre mo"

"Hindi po ako prostiture. Hindi nalang ako bibili dito.", sabi ko na aalis na sana.

Pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Nakita kong kinuha niya ang tatlong libro.

"I'll give this to you for free if you'll join me for dinner"

"Nakakahiya sa'yo.", sabi ko.

"Don't be shy around me. We've done things already. Dapat komportable ka na sa akin. Tara na ipapapunch ko na 'to ng makapagdinner na tayo"

Next chapter