webnovel

Chapter 2: February 14th

Note: Sunod-sunod na pagbabalik-tanaw. I don't wanna confuse anyone here so, there you go :)

Chapter 2: February 14th

"It takes a huge effort to free yourself from memory."

— Paulo Coelho, Aleph

[Kheila A.]

FEBRUARY 14. Valentine's Day.

Noon, wala naman talaga akong pakialam sa araw na 'yan. Hindi naman sa bitter ako. Sadyang hindi ko lang talaga makita kung bakit napakaimportante ng araw na 'to para sa iba.

Gastos lang 'yan eh!

Biruin mo, bibili ka pa ng bulaklak para sa ka-date mo, mapapagastos ka pa sa kakainin n'yo ng girlfriend n'yo, habang kami namang mga babae, mag-e-effort pang magsuot ng magandang damit para ma-impress ang ka-date.

Naiinis pa nga ako sa mga magjowa na kung maglandian sa tabi, akala mo hindi sila magbe-break sa twenty-three.

Tapos ngayon? Ngayon?

Nakakairita lang isipin na isa na ako sa mga babaeng nag-e-effort mag-ayos para magpa-impress sa boyfriend ko.

I groaned as I messed my hair in annoyance.

I really want to look beautiful tonight. 'Yon bang pagkakita pa lang ni Lance sa 'kin, magniningning na ang mga mata niya. Tapos bigla siyang magba-blush, tapos mapapanganga rin siya dahil mukha akong prinsesa sa gayak at ayos ko. Kaso paano? That is just too impossible right now. Ngayon nga ay wala pa akong mapili sa mga dress na nasa closet ko tapos ang lakas ko pang mag-imagine na gano'n nga ang mangyayari mamaya.

Now, focus, Kheila, focus! Hindi lalapit sa 'yo nang kusa ang pinakamagandang dress na babagay sa 'yo!

Saktong pagkatayo na pagkatayo ko ay biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ko. Mula roon ay pumasok si Aidan na nakasuot ng isang light red button-down shirt na naka-tuck in sa kanyang slim black jeans. His hair's also kinda fixed, has a silver watch on his left wrist, and as he went in, his perfume that smells like winter and summer combined circled around my entire room.

He greeted me with a big smile on his face.

"Happy Valentine's Da—woah! Having a bad day? Valentine's na valentine's tapos nakabusangot 'yang mukha mo. What's up?"

Inirapan ko muna siya bago ko muling sinimulang halughugin ang mga nakasabit na dress sa closet ko.

"My gut told me to frown so I followed and now, I know why," I blurted out that made him laugh out loud.

Alam ko namang gets niya ang tinutukoy ko—na nagkaroon ako ng gut feeling na darating siya kaya ako nakasimangot.

Though it was just meant to be a joke, I knew that he wouldn't take it seriously. Why? It's because we have what we called a brain twin. Though mas prefer niya raw na tawagin itong brain sex kasi nga, palagi raw may mutual understanding ang mga utak namin.

That is true though, that we are kind of similar. May mga oras namang hindi kami nagkakasundo ng guy best friend ko na 'to. Mas madalas lang talaga na parang iisa lang ang mga utak namin at parehas kami lagi ng preferences pagdating sa iba't ibang mga bagay. Hindi na nga ako magtataka kung malaman kong kambal pala kami, pero syempre, walang gano'ng plot twist sa mga buhay namin. We just happen to be very similar in a lot of ways kaya sobra kaming magkasundo nitong lalaking kausap ko.

"Guess why I'm here?" pag-iiba ni Aidan ng topic habang naglalakad siya papunta sa may bed ko. He sat there as I stared at him wearing that same frown.

"Maybe you are here to make my day worse than ever," sagot ko na lang bago ko siya talikuran atsaka itinuloy ang paghahanap ng dress.

"Wrong! It is the other way around. I am here to complete your day! Since mamaya pa ang dinner date n'yo ni Lance at tirik na tirik pa rin ang araw, bakit hindi muna tayo ang mag-date ngayon?"

"Sounds like a plan, huh?" I asked him, still scanning my hand through these fabrics.

"I didn't plan it, though. Biglaan lang 'yang pumasok sa isip ko kanina."

Pero gayak na gayak siya. Baka naman may ka-date talaga siya ta's hindi natuloy kaya ako ang naisip nitong pang-back-up para 'di naman sayang ang outfit niya?

Tuloy pa rin ako sa paghahanap ng dress habang wala sa loob na sinasabi, "Then I hate to break it to you, but no, I can't. May ginagawa pa 'ko kaya puwede ka nang umalis."

Aalisin ko pa lang sana sa pagkakasabit ang isang dress na kulay dilaw nang mabilis pa sa alas-kwatrong lumitaw si Aidan sa tabi ko.

"Hey, I don't take 'no' for an answer. And you know that," aniya pa kaya napairap akong muli bago ako tuluyang humarap sa kanya.

"I really can't, Aids, I'm sorry. Wala pa kasi akong dress na napipili para sa dinner date namin ni Lance mamaya kaya—"

"Teka, magde-dress ka?"

Napatitig ako sa kanya bago ako tumango.

"Can't I wear one even just for tonight?"

Kung tingnan niya 'ko ngayon, parang never naman akong nagsuot ng gano'n sa tanang buhay ko.

"Hindi naman. It's just that you don't like wearing dresses, lalo na ang pagme-makeup. Tapos ngayon..."

"Yeah, I know. Nagdadalaga na ang best friend mo. Aren't you proud?"

Hindi talaga ako mahilig magsuot ng dress at mag-makeup o maglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha. Si Mama lang naman itong bili nang bili ng kung ano-anong dress para sa 'kin. Katwira'y kailangan ko raw mag-ayos para hindi raw ako maagawan ng boyfriend. Maagawan talaga, ha?

Lance Timothy Clarke is . . . well, we can say that he's a very charming guy. Half-Canadian, half-Filipino siya, same goes with Aidan Jones Clarke na siyang pinsan niya naman. Medyo malaman si Lance pero hindi mo masasabing mataba. Sakto lang. Wala rin siyang abs unlike kay Aidan at Ashton na may six-pack. Matangkad siya, maputi, brown ang buhok pati ang mga mata. Wala nga lang sa depinisyon niya ang pagsusuklay pero kahit na ganoo'y nakadagdag pa rin iyon sa angking 'charisma' niya.

For a guy who looks just like some prince charming (without abs) in every girl's dream, sa isang babaeng simple, walang alam sa pagpapaganda ngunit marunong magluto ang nakabihag ng puso niya (that's me!).

But the beginning of our story isn't as fairytale-ish as other people think we have. He fell in love with me (at never kong maiintindihan kung paano nangyari iyon, given that I am simple and too plain for him), and I was in love with someone else at that time. I rejected him like tons of times already (ang kapal ng mukha ko, 'no? Akala mo naman super ganda), yet he's too persistent to win me that even if I broke his heart lots of times, he did not give up.

Like really? What did I do in my past life for me to deserve him?

"Let your thoughts out, Kheila Marie. 'Wag mo namang sarilinin."

That snapped me back to reality as I've realized that Aidan was still standing beside me.

"Some thoughts are better left unsaid," nasabi ko na lang bago ko muling iginala ang mga kamay ko sa mga dress na nakasabit. Ilang minuto rin ang nakalipas at napabuga na lang ako ng hangin nang wala pa rin talaga akong mapili sa mga iyon.

Ah, this day sucks already. Bakit ba kasi wala akong mapili? Marami namang magagandang dress dito. Sadyang wala lang talagang amor sa akin ang lahat ng nakikita ko. Parang hindi para sa araw na 'to. Parang may iba pa na mas aangkop at hindi ko lang talaga mahanap iyon.

Ah, nakakainis! Why can't I find the perfect dress for tonight? Bakit hindi na lang kasi ako pumili ng isa para problem solved na? Why do I have to wear the right one? Date lang naman 'to, 'di ba, saka may right one nga ba talaga? Am I just making this a big deal? Pero big deal naman kasi talaga 'to sa 'kin. I am a woman, too. Kahit hindi ako mahilig mag-ayos, gusto ko lang na kahit ngayon—kahit ngayon lang—maging maganda naman ako sa mga mata ng kahit sino especially sa mga mata ng boyfriend ko. But how could I even when I couldn't find a dress that I would like to wear for tonight?

"Maybe you just stick with wearing your usual clothes," suggestion ni Aidan sa problema ko. "Okay lang naman kay Lance 'yon eh. It doesn't matter to him. Ang mahalaga, sumipot ka sa dinner date n'yo ng pinsan ko. Don't stress yourself, a'ight? Come on, don't let it ruin your day." Hinawakan pa niya ang isa kong balikat para pagaanin ang loob ko.

"I don't know." My apologies, Aidan, ngunit desidido na talaga ako sa gusto kong gawin.

I just want to please his eyes for tonight, that's it. Every day, I am always in my shirt and in my fitted jeans outfit. Although this day is not really important to me, it is important to him so I must make an effort, at least.

Pero kung wala nga talaga akong mahanap...

Napabuga na lang ako ng hininga sa aking naisip. Okay, fine. Baka nga sundin ko na lang din ang suggestion ni Aidan.

I was about to give up when suddenly from my peripheral vision, I saw Aidan's hands went inside my closet. That made me look at him because what the hell is he doing?

"Hindi ko alam kung makakatulong ba talaga 'ko o ano. It's beyond my expertise, but I'll try."

My eyes twinkled when he just said that. Seryoso siyang nagba-browse ngayon sa mga damit na nakasabit kaya mas lalo tuloy nadepina ang chiseled jawline niya.

But really? He's going to help me, seriously? Pero mukha kasi talagang may date siya. Sadyang ako lang siguro ang ginugulo nito habang hinihintay ang ka-date niya. I don't know. Hindi ko mahulaan.

"Just in case you're thinking what I think you are thinking, lilinawin ko lang na wala po akong ka-date ngayon."

Natawa ako bago ako sumandal sa gilid ng closet atsaka pumamaywang.

"This brain twin thingy is really true, huh?"

"Brain sex. Call it brain sex, please. How many times am I gonna tell you that?"

Hindi na lang ako umapela atsaka napangiti na lang.

"Uy, thank you, ah?" I sincerely said as he gave me a sheepishly smile and told me, "Para sa ikasasaya mo," atsaka nito ginawa ang pinakaayaw ko—ang sadyang panggugulo sa buhok ko.

Hay, naku. Pasalamat siya at tinutulungan niya ako ngayon dahil kung hindi, katakot-takot na bulyaw siguro ang aabutin niya sa 'kin.

Wala na lang akong nasabi habang inaayos ko ang buhok ko. Aidan glanced at me as I do that, and look what he did again! Halatang nang-iinis at ginulo na naman ang buhok ko!

"Aidan!" suway ko sa kanya na siya namang mukhang nakuha ang inaasam-asam.

"Sorry, sorry! Gusto ko lang talagang marinig 'yang pagbulyaw mo."

Ibang klase rin talaga eh.

Inirapan ko na lang siya bago kami tuluyang nag-focus sa paghahanap ng dress. He looked so serious now. Para bang sa bawat pag-check niya sa isang dress na mahawakan niya ay na-i-imagine niya akong nakasuot nito. Nariyan iyong manliliit ang mga mata nito, mapapangiti siya nang kaunti, ta's biglang mapapailing saka niya sasabihin, "You would look good here, but this is not the perfect dress for tonight."

Exactly my point. Maraming magagandang dress na nakasabit ngunit may iisa lang akong hinahanap at hindi ko rin alam kung ano'ng hinahanap ko. Sucks, right? Parang buhay, you keep on finding and searching for something even though you don't really know exactly what you're really searching. I mean, you just know that you badly need it, even though you don't really have any idea about it.

Mapapatanong ka na lang, may hinahanap ba talaga ako? Baka hanap ako nang hanap, wala naman pala talaga akong dapat hinahanap. Baka mas okay nang manatili sa nakagawian. Baka talagang kailangan ko na lang manatili sa nakasanayan.

"Kheila, pakisukat nga 'to."

My thoughts were stormed away when after a couple minutes of searching, I heard Aidan's calm voice.

Agad na sumilay sa aking mga labi ang isang ngiting hindi ko maikukubli bago ko iginala ang isang kamay sa isang madulas na dress na hawak-hawak ni Aidan ngayon.

"That's the one. Thank you, Aidan, you found it."

Hindi ko na ito kailangang sukatin para sabihing, "Ito na." Basta, pagkakita na pagkakita ko pa lang dito, alam ko nang ito na talaga ang dress na babagay para sa araw na 'to.

Beyond my expertise pala, ah? Pero siya ang nakahanap.

---

PARA SA ISANG STRAIGHT NA LALAKI na mahilig sa Marvel at DC Comics, hindi ko aakalain na siya pa ang makakapili ng dress na isusuot ko para sa date namin ni Lance mamaya.

I still couldn't believe it!

Kagabi pa ako nagkakalikot ng mga damit sa closet ko at nasa pinakasulok lang pala nagtatago ang hinahanap ko!

Aidan saved the day again, as always!

So in exchange, sinamahan ko siya sa malapit na ice cream parlor para naman hindi gano'n ka-dull ang Valentine's day ng guy best friend ko.

Nang makapasok na kami sa loob ng ice cream parlor, kaagad nakipag-unahan si Aidan sa isang couple na magbabalak sanang umupo sa isang table kung saan may kakaalis lang din na couple doon.

"'Di ko na kasalanang babagal-bagal kayo," sabi pa ni Aidan sa nakasimangot na couple kaya napailing na lang ako.

Punong-puno ang parlor na 'to ng mga couple na sweet na sweet at naglalambingan sa isa't isa. May nagkukuwentuhan habang magkahawak ang mga kamay. Sa gilid ng mga babae ay may mga rosas, chocolates, at mga pangkaraniwang pinangreregalo ngayong Valentine's day. May naghahalikan pa nga sa may gilid namin kaya laking gulat ko na lang nang takpan ni Aidan ang mga mata ko.

"Aids, ano ba!" Para kasing timang 'to. Ganyan din siya sa 'kin kada manonood kami ng movie na may naghahalikan o nagchuchukchakan.

"Rated SPG! 'Di dapat makita ng mga batang tulad mo." Tinampal-tampal ko ang kamay ni Aidan kaya napabitiw rin siya sa pagtatakip sa mga mata ko.

Baliw talaga. Masasapak ko na 'to eh, kanina pa nambubwisit.

Habang tinatawanan niya ako ay nagawi ang tingin ko sa counter para tingnan sana ang menu, ngunit hindi bumagsak ang tingin ko rito dahil mula sa counter ay naroroon pala si Clary na hinihingi ang order ng isang couple na nasa harapan lang nito.

Kinalabit ko ang braso ni Aidan bago itinuro ang direksyong tinitingnan ko.

"Wait lang, Aids, si Clary ba 'yon?"

Mahaba ang itim na itim at straight na buhok, may dimples sa magkabilang pisngi lalo na kapag siya ay ngumingiti. Medyo chinita, mahinhin gumalaw. Walang duda, si Clary nga ang nasa counter.

Sinundan ni Aidan ang tinuturo ko at siya na nga ang nag-confirm na si Clary nga ang naririto. "What is she doing here?"

Obvious namang nagtatrabaho si Clary rito. Ang pinagtatak'han ko lang ay bakit? Not that it's wrong or what, but she's already rich. Puwede niya ngang bilhin ang parlor na 'to kung gugustuhin niya.

"Dito ka lang, Kheila Marie. Ako na lang ang mag-o-order ng ice cream mo."

Hindi na hinintay pa ni Aidan na magsalita ako. Agad-agad na siyang tumayo at pinuntahan doon si Clary na pagkakita sa kanya'y bigla na lang nanlaki ang mga mata. Kita ko mula rito na tinuro ng hinlalaki ni Aidan ang table namin kaya napatingin si Clary rito. Pagkakita niya sa akin ay kinawayan niya ako habang siya ay nakangiti. Kumaway rin ako sa kanya at sinenyasan siyang magpunta rito. Sinenyasan niya naman ako na maghintay lang daw ako saglit kaya tumango na lang ako.

Tatanungin ko na lang siguro siya mamaya. Though it was atypical to see her like this; paghuhugas nga ng pinggan ay lingid sa kaalaman niya.

Habang hinihintay ko sina Clary at Aidan, biglang nag-vibrate ang phone ko kaya napukaw nito ang tingin ko. Binasa ko agad ang mensahe na nakapagpasilay agad sa akin ng isang mayuming ngiti.

From: Lance Timothy Clarke ♥

I miss you, Khei :(

Sus, naglambing na naman. Nagtipa ako ng ire-reply at saka ito s-in-end sa kanya.

To: Lance Timothy Clarke ♥

I miss myself too :)

Tatlong angry emojis naman ang ni-reply niya sa reply ko kaya natawa ako bigla sa reply niya.

From: Lance Timothy Clarke ♥

Hey, I'll call you. Answer it in a bzzt alright?

Nagtitipa pa lang ako ng ire-reply nang lumitaw na ang Lance Timothy Clarke ♥ calling... sa upper part ng screen.

Gaya nga ng sinabi niya sa text, sinagot ko na agad ang tawag isang beses pa lang na nagba-vibrate ang phone ko.

"Hey, how's the date with your mom?" I asked as soon as I answered his call.

Umuwi kasi sa Pilipinas ang mama niya last week dahil may in-attend-an itong birthday celebration. Dahil ngayon lang ulit nakauwi, napagpasyahan niyang i-extend muna ang bakasyon dahil gusto rin daw nitong maka-date ang ubod ng gwapo raw nitong bunso (her own words, actually) ngayong ika-labing-apat ng Pebrero.

Hindi rin naman big deal sa 'kin na hindi ko siya kasama buong araw. Although yeah, this day must be spent with just the two of us, but come on. Bago ako, may mas nauna pang babaeng naging parte ng buhay niya. He should date his mom first before me.

Noong sinabi nga ni Lance sa akin ang bagay na 'to, nakailang-sorry pa siya dahil akala niya, hindi ito okay para sa 'kin. But I told him:

"Sira, okay lang. Ikaw nga ang inaalala ko. Kaya mo ba, ha? Dalawa kaming ide-date mo sa isang buong araw. Baka hindi kasi kayanin ng katawan mo lalo't may thesis ka pang tinatapos. Eh kung i-cancel na lang kaya natin 'yong sa atin? Sa susunod na lang natin ituloy para hindi ka sobrang mapagod. Ano, Lance? Okay lang ba sa 'yo?"

At ang seryosong response niya sa sinabi ko?

"Is that even a suggestion? Why cancel the only fixed plan we have? I've been looking forward to that day and you know that. Ayoko. Tuloy tayo at iyo ako the whole night."

That does sound like I am the mistress one here, but whatever. Pinatunayan niya lang sa 'kin kung gaano niya 'ko kagustong makasama sa araw na 'to, and that's too sweet of him! Nakapagtataka lang na hindi pa ako nagkaka-diabetes sa sobrang ka-sweet-an ng lalaking 'to.

"You're spacing out again, aren't you?" I heard Lance's voice on the other line and that made me chuckle quite a bit.

Ikaw pa rin naman ang dahilan. May naalala lang ako, 'to naman.

"So kumusta na nga po ulit ang date n'yo?" tanong ko ulit at panigurado, napakamot na naman ito sa gilid ng kilay nito. Uulitin na naman kasi niya ang sinagot niya since lutang nga ako't nakuha pang mag-reminisce kanina.

"Like I said just a couple seconds ago, it was okay," mahinahong sagot ni Lance kaya napangiti na lang ako. "We watched a movie, we ate a lot, nag-ice skate din kami. Balak pa ngang mag-golf ni Mom ngayon kaya wala 'kong choice kundi samahan siya. But to be honest, I really want to be with you all day but..." He ended it with a long sigh so I can't help but to giggle as I commented, "Eh bakit ka bumubulong-bulong diyan?"

Bumubulong kasi siya kaya kinailangan ko pang pakinggang mabuti ang sinasabi niya lalo pa't may music din na bumabalot sa ice cream parlor na ito.

"'Pag narinig kasi ni Mom 'tong sinasabi ko, baka mas lalo ka talagang pagselosan no'n. You know her, Kheila, she's still treating me like a baby. Pero masaya namang ka-date si Mom. Nakakapagod lang talaga since marami siyang gustong gawin." Natawa siya nang kaunti na para bang bigla itong may naalala. I just continued to listen as a small smile still plastered on my face. With that, he also continued, "Kanina nga, I told her, Mom, I'm calling a break, and she responded with, no breaks, honey, we're going to follow what's in our sched. And at the back of my head, I kinda wonder how my dad have dealt with my OCD mom every year. Kaya pala sinabihan ako ni Dad ng "enjoy" no'ng tumawag ako kagabi. Ito pala 'yong sinasabi niyang enjoy. Ah, my old man! He should have just warned me directly! Kaya pala sila tawa nang tawa ni Kuya kagabi. Silly me."

Now, I understand why he chuckled. Habang na-i-imagine ko ang mga posibleng nangyari, sinabayan ko si Lance sa pagtawa habang napapailing-iling. I know Tita Shine. When Lance and I were just new in this relationship, she wanted to know me more, so when she and Tito Philip came home in the Philippines, she really grabbed that opportunity to exhaust me as we followed the plans that she prepared that time. I have managed to survive that, and look at us now. Thrice a month ako kung tawagan ni Tita Shine para lang mangumusta at siguraduhing kami pa ring dalawa (I know. I also won his mom's heart).

Pero mukhang napagod nga 'to sa date nila ni Tita, ah? Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Baka naman tulugan niya 'ko mamaya habang nasa restaurant kami.

"Kaya mo pa ba mamaya, Lance? We can still resched our date."

"Worry not, okay? I might be tired already, but I have a reserved energy for later. Saka bakit kailangan nating mag-alala eh ikaw rin naman ang human charger ko? You can regain my lost energy later. Let's say with a thousand of kisses, maybe. You can also French kiss me—"

"Alam mo, sana marinig ka talaga ng mama mo para kagalitan ka."

With that, he started to stifle a laugh on the other line as I rolled my eyes.

Ah, tawa ka pa, ha? Mautot ka sana.

"God, I miss you already! See? Sa phone pa lang, na-regain mo na ang energy ko. What more kung magkikita pa tayo mamaya, 'di ba? God, I really can't wait to see you later."

Ang landi talaga ng half-Canadian na 'to. Pero 'di ka dapat magpahalatang kinikilig, Kheila. Remain your composure. Don't let him know you're already smiling.

"So bakit bumubulong ka na naman, ha?" ani ko na lang na natawa naman sa sinagot ko.

"Papalapit na kasi si Mom so..."

"Oo nga pala. Sorry, nakalimutan kong Mama's boy nga pala ang boyfriend ko."

"Ha-ha-ha. Very funny, Kheila. Anyway, what are you doing? Are you in your house today o nasa bakeshop ka? Good choice of music, by the way. I look into your heart and you'll find love, love, love, love." Mas lalo akong napangiti nang sinundan niya ang isang napakagandang tugtugin ni Jason Mraz. Naririnig niya rin pala ang music na tumutugtog dito.

Anyway dahil nabanggit na rin naman niya kung nasaan ako, napunta ang tingin ko kay Aidan na papalapit na rin pala rito sa table namin. He's holding two big bowls of ice cream and his forehead's kind of creased. Umayos muna ako ng upo bago ko sinagot si Lance.

"Actually, I am with Aidan today and we're at the nearest ice cream parlor so obviously, kakain kami ng ice cream."

Maingat na ibinaba ni Aidan ang dalawang malaking bowl ng ice cream sa table habang seryoso naman siyang umuupo sa harap ko.

"Is that Lance?" Aidan asked so I gave him a nod.

"Oh, can you give the phone to him?" tanong ni Lance sa kabilang linya kaya nagtaka ako bigla.

"Bakit? I'll put it on loudspeaker. Is that alright?"

Hindi siya kaagad nakasagot. Tanging paghinga niya lang din ang naririnig ko sa kabilang linya kaya ch-in-eck ko pa muna kung nasa kabilang linya pa rin siya. Muli kong ibinalik sa tainga ko ang phone nang nakitang on-going pa rin naman ang call.

"Never mind. I just don't really get him sometimes," pagsasalita niyang muli kaya napakunot ako ng noo.

"What do you mean?"

"Wala, wala. Anyway, bumawi ka sa 'kin mamaya, ah? Am I clear as crystal?"

Okay? Weird. Ganyan kasi ang tono ng boses niya kapag may nagawa akong kasalanan o may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

"Hoy, Lance, that tone of your voice... Wala naman akong ginagawang masama, ah?"

"Kheila, you're with some other guy and today's Valentine's."

Asus! Lumabas din ang katotohanan. Iyan na naman at pinagseselosan na naman niya ang nag-iisang pinsan niya.

"Hey, he's not just some other guy because basically, he's your cousin and I'm his best friend."

"Wait, ako ba'ng pinag-uusapan n'yo?"

Napatingin ulit ako kay Aidan na kumakain na pala ng ice cream. Nakaturo pa siya sa sarili niya nang nagtanong ako kaya tumango ulit ako bilang sagot. Nakikinig pala ang isang 'to.

"I know, but he's making me jealous, Kheila, big time."

Alam kong hindi tamang kiligin pero medyo nakararamdam ata ako ng kaunting kilig (kaunti lang naman) sa tinuturan niya.

Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi habang nilalaro ko ang ice cream ko. Napatingin pa nga ako kay Aidan na nakakunot na naman ang noo, nawi-weird-uhan siguro sa 'kin dahil pinipigilan ko ang pagngiti nang sobra.

"Fine, fine. Babawi na lang po 'ko sa 'yo mamaya," sabi ko na lang pagkatapos ng ilang segundong pagpipigil ng kilig.

"Matutunaw na ice cream mo, Khei."

Tinanguan ko na lang ulit si Aidan nang sumingit na naman siya't nagsalita. Napansin ko pang may binulong pa ito sa sarili ngunit hindi ko naman ito narinig. Pinabayaan ko na lang at hindi na pinagtuunan pa ng pansin.

"So laters, Lance? Natutunaw na rin kasi 'yong ice cream ko."

"Fine. Uwi na after, ah? Call me when you get home."

"Aye, aye, Cap'n."

"Mamaya na lang din 'yong 'I love you' ko. Nagtatampo pa 'ko eh."

Natawa na naman ako kaya tinaasan na talaga ako ng isang kilay ni Aidan. At talagang c-in-areer niya na ang pakikinig sa 'min, ah?

"Mamaya na rin 'yong akin. May nakikinig eh."

Pagkababa ko ng tawag ay kaagad ko nang nilantakan ang ice cream ko. Bawat subo ko ay tumitingin din ako kay Aidan na ngayo'y seryoso nang nagta-tap ng kung ano sa kanyang smart phone.

"Ngiti ka nga, Kheila," sabi niya sa 'kin habang nakatutok ang tingin sa screen nito.

Ngumiti naman ako habang hawak ko pa rin ang kutsara sa kamay ko.

Nang tuluyan na siyang ngumiti at nag-thumbs up, hudyat na na-picture-an niya na ako ay nagpatuloy na ulit ako sa pagkain habang sinasabi, "Ipo-post mo ba 'yan sa IG story mo? I-mention mo 'ko."

"Sure. Isa pa, Khei. Wacky naman, wacky."

F-in-ront cam niya pa ito para kaming dalawa naman ang ma-picture-an. Dahil wacky ang sinabi niya, nagduling-dulingan na lang ako pero ang traydor, ngumiti lang nang malaki habang nakalabas ang pantay-pantay nitong mapuputing ngipin.

"Hala, sabi mo, wacky!" bulyaw ko sa kanya habang pino-front cam niya ulit ang camera.

"Wacky naman 'yan, ah?"

"Ganyan ka kaya ngumiti kapag may group photo tayo."

"Edi isa pa. Wacky, wacky, wacky!"

"'Yoko na, Aids, tama na—" I was astounded for a second when he clicked the button right away. Napalo ko tuloy siya sa kanyang kamay na nakapatong sa may table habang malaki pa rin ang kanyang ngisi habang sinasabi ko, "Aidan! Bakit mo c-in-apture agad, nagsasalita pa 'ko eh!"

Inilabas niya lang ang kanyang dila habang in-i-scan niya ang picture/s na kinunan niya. Nakangiting-aso pa ang loko kaya mas lalo tuloy akong napasimangot.

"Iyan, nasa IG story ko na," he gladly declared, still wearing that triumphant smile of his.

"P-in-ost mo agad? Hindi ko pa nga natitingnan eh. Ang epal nito," komento ko na lang na kanya namang sinagot, "Okay lang. Cute ka naman do'n eh." Kahit hindi?

"Patingin nga. 'Pag pangit ako diyan, sisipain talaga kita."

Inabot niya na lang sa 'kin ang smart phone niya kaya dali-dali kong tiningnan ang IG story niya. As I was scanning the pictures, saka naman dumating si Clary na mabilisang naupo sa tabi ni Aidan.

In fairness ah, buti na lang at maayos ang pagkakakuha niya kundi naku, malamang at maghahalo na naman ang balat sa tinalupan. Marami pa naman siyang followers sa Instagram—meaning to say, maraming makakakita sa lahat ng mga p-in-o-post niya. Nakakahiya naman kung makakakita sila ng 'di kaaya-ayang hitsura sa IG story ng taong pina-follow nila, 'di ba? Saka may nagpa-follow na nga rin sa 'king mga follower ni Aidan. Hilig kasi nitong ipaskil sa IG story niya 'tong mukha ko tapos naka-mention pa 'ko (may times na nagpapa-mention ako. Most of the time, trip niya lang). Siguro naiintriga sila kung sino ba 'yon, eh ako lang naman 'to—isang commoner at sadyang sinuwerte lang na naging isa sa mga naging kaibigan niya.

But one time, one of Aidan's followers-slash-admirers asked me if I am his girlfriend. Eh saktong hiniram no'n ni Aidan ang cell phone ko. Sinagot ba naman 'yong babae ng oo at h'wag na raw siyang ime-message dahil nagagalit daw ako. See? Ako palagi ang pinantatapal niyan para makaiwas sa mga babaeng interesado sa kanya. Buti nga at wala pa namang malalang babae na handa akong i-bully dahil diyan. I guess not all stories that you can read on books and you can watch in the movies could also happen in real life. I'm not saying it couldn't happen, but life's not always like that.

Anyway, back to reality...

"Ba't kayo ang magkasama ngayon? Si Lance, Kheila?" bungad na tanong ni Clary sa 'kin kaya napatingin ako sa kanya.

"Naggo-golf kasama si Tita Shine." Pagkabalik ko ng phone kay Aidan ay binato ko na agad ang tanong na kanina ko pa gustong itanong kay Clary, "Anyway, are you working here? Obvious namang 'oo' ang sagot kaso bakit?"

Nginitian niya naman ako habang t-in-u-tuck niya ang buhok sa likod ng kanang tainga niya. Ang cute-cute talaga ni Clare. Para siyang isang mayamang bata na hinding-hindi mo gugustuhing paiyakin dahil kapag napaiyak mo siya, gugustuhin mo talagang manatili sa loob ng preso para pagnilay-nilayan at pagdusahan iyong pagpapaiyak sa kanya. I may be exaggerating or what, but she really has that kind of aura wherein you wouldn't want to treat her badly. Madalas nga sa mga kakilala kong maldita, bumabait kapag siya ang kausap. I don't know why and how, but that's Clary Grace Montes for you.

"Ito ba?" She glanced at Aidan before she looked back at me and continued, "May new character kasi ako sa story ko na nagtatrabaho sa isang ice cream parlor. Since hindi ko pa na-e-experience 'yon, hindi ko alam kung paano ko siya isusulat kaya ito ako, kumukuha ng experience para makapagsulat."

Oo nga pala. Isa sa mga sikat na writer sa Wattpad ang kaibigan namin. Though sikat daw siya at maraming readers, sa aming barkada ay si Aidan lang ang nakakabasa ng mga gawa niya dahil siya ang proofreader nito.

Ayaw din kasing ipabasa ni Clary sa 'min. Katwira'y nahihiya raw siya at baka raw ipagkalat pa raw namin ang identity niya (na siguradong gagawin namin kasi proud kami sa kanya) since medyo misteryosa pa naman daw kasi ang pagpapalabas niya sa site na 'yon. But one time, nakiusap ako kay Aidan na ipabasa sa 'kin kahit isang story na ginawa ni Clary. Nag-alangan pa nga siya noong una ngunit pinagbigyan din naman niya ako. One shot lang ang pinabasa ni Aids sa 'kin kaya maikli lang ang kwento pero wow! Sobrang ganda ng story at nakakaantig ng damdamin!

I know that Clary has that talent, but the more she practices and the more she indulges herself in the world of writing, the more she will also improve in the essence and in all areas of literature.

I am so proud to have a friend like her. Sana nga lang ay magkaroon naman siya ng confidence sa sarili niya para magpakilala. After all, she deserves to be known. With such talent she has, baka nga maging kaibigan niya pa sina Marcelo Santos o kahit sino pa'ng sikat na author 'pag nagkataon.

"You've got a new story in mind?" Aidan asked her so she nodded and gave him nothing but a sweet smile. That made her dimples on her both cheeks became deeper and more visible. Parang ang sarap-sarap tuloy tusukin.

"Yes! Pero hindi siya ang bida. Kumbaga, siya lang ang saksi sa dalawang taong shi-ni-ship niya since day one."

"Shi-ni-ship niya since day one?" tanong ko ngunit kinindatan niya lang ako bago sumagot.

"A good writer doesn't reveal her story's secret until it was ready to be revealed!" Nagkibit na lang ako ng mga balikat sa sinabi niya. She's got her point. Pero mas maganda sana kung pinapabasa niya rin 'yang mga gawa niya sa amin. Ang unfair lang dahil ako 'tong best friend niya pero kay Aidan niya lang ito ipinapabasa. I mean, I may not be a fan of books, but I can still read! Why is he the only exception? Why can he read her works whilst we can't? I just find it not fair.

Hindi rin nga niya 'ko in-inform na nagtatrabaho pala siya rito. Magtatampo na sana ako, but oh well, mukhang hindi rin naman alam ni Aidan so quits lang pala.

"So kailan ka pa nagtatrabaho rito?"

As I asked her about that, she said that she's working here since last week. She planned on quitting this week, but her boss did not let her. Nangangailangan daw kasi sila ng tao lalo't ngayon ay araw pa ng mga puso.

Iyon din ang rason kung bakit hindi rin nagtagal sa table namin si Clary. Though nagkuwentuhan pa kami saglit pero saglit lang talaga. May trabaho pa kasi siya kaya hindi siya puwedeng tatambay-tambay at hindi gagalaw.

As I stared at Clary who's now busy entertaining people, I blurted out, "I admire how she seeks knowledge by trying different kind of things. She's getting out of her comfort zone. I like that."

At least, binabawasan na niya ang pagiging mahiyain at nari-realize niya na ring hindi habangbuhay, kailangan niyang manatili sa sarili niyang cocoon. Just like a butterfly, she needs to spread those beautiful wings and fly, because that's what life is. Masyadong malawak ang mundo para manatili sa nakasanayang lugar.

"Let's go?" aya ko kay Aidan nang matapos na kami sa pagkain. Nang hindi siya kumibo at nagsalita, doon lang ako napatingin nang tuluyan sa kanya atsaka nagpatuloy, "Ano na? Tara na, Aidan, marami pang kakain na customer."

Imbes na sagutin ako ng lalaking kasama ko, tinitigan niya lang ako mata sa mata. It's kind of weird, but he kinda looked like he wants to tell me something. Nakatitig lang siya sa 'kin at tila walang planong sabihin ang mga naiisip.

"Aidan?" Dito na siya gumalaw atsaka tumingin sa ibang direksyon. Humalumbaba pa nga siya sa may table bago sumilay ang isang kakaibang ngiti at sinabi, "Mamaya na tayo umalis. Mainit sa labas, Kheila. At least dito, malamig."

"Marami pa ngang kakain," ani ko pa na sinagot naman nito, "Okay lang, magbe-break din naman 'yang mga 'yan sa twenty-three."

Natawa na lang ako bago ko siya puwersahang hinila patayo. May sayad talaga 'tong si Aidan ngayon. Buti na lang at walang kahit sino'ng couple dito na nakarinig sa sinabi niya.

Bago kami umalis ng ice cream parlor, nagpaalam muna kami kay Clary kaya nagpaalam na rin siya sa amin.

"Teka, picture muna tayo!" Clary called us before we could walk outside.

"Eh 'yong trabaho mo—"

"No worries. I swear, they won't get mad at me." Ah, she exactly knows her charm. Iyan na nga ba at nilulubos niya na ang pagiging mabait sa kanya ng ibang mga tao.

Nagkibit-balikat na lang kami ni Aidan bago kami pumuwesto sa may gilid. We used Aidan's phone as he turned the camera on selfie mode, and that's when he captured the moment.

Pagkatapos ng shot naming tatlo (na inabot ng apat na shots na may iba't ibang pose), agad na hiniram ni Clary ang phone na ginamit at saka itinapat sa amin ni Aidan ang camera habang siya'y nakangiti.

"Oh, kayo naman! Ngiting maayos, ah!" Napakunot ako ng noo ngunit hindi na rin naman kami umangal. Habang magkatabi kami ni Aidan at nasa harap namin si Clary, bumilang siya hanggang tatlo bago siya nagsalita, "Say teehee!"

"Teehee!" Then click!

After she captured that shot, she instantly went in the middle of us (me and Aidan) as she told us to check her own captured picture. Sinunod ko naman ang sinabi niya, pero woah, huh? This must be the first time Aidan didn't show his teeth in a picture. Parang nahihiya itong nakangiti habang nakalagay ang dalawang thumb sa magkabilang bulsa.

"Wow, pa-cute ka rito, Aidan, ah?" wala sa sariling komento ko na napakamot lang sa kanyang tainga bago sinabi, "Thanks, Clary. Off we go, then." As Aidan bids his goodbye, he held my right elbow as he dragged me out this parlor.

"Bye, Clary! Good luck sa work!" I encouraged her in which, she didn't say anything. She just waved her hand at us as she showed us how big her smile is.

Ang saya naman ni Clary ngayon. Habang hinahatak nga ako ni Aidan palabas ay kitang-kita ko pa rin ang dimples niyang ubod ng lalim. How I wish I also have dimples like her. So sad, I only have these squishy, siopao-like cheeks.

"Clary and her ways..." I knitted my brows as I heard Aidan mumbled. I'm just not sure if that was the exact words I heard so I asked, "Pardon?"

Ngumiti lang si Aidan bago binitiwan ang elbow ko.

"Wala. Sure lang ako na may maisusulat siya mamaya pag-uwi."

"Today's a busy day for her, eh?" nasabi ko na lang na nakangiti pa rin niyang tinanguan.

"Yep, today's a busy day."

Naglalakad na kami ngayon ni Aidan pabalik sa 'min. Hindi ko lang alam kung ihahatid niya lang ba ako o may pupuntahan pa siya sa kaparehas na daan. Dahil hindi ako sanay na naglalakad lang kami't hindi nag-uusap, pumunta ako sa harap niya mismo bago ako naglakad nang patalikod.

"So ano na'ng plano mo ngayon, Aids? Anything you want to do after this?"

Sa ngayon ay nakalagay lang ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya habang sumisipol-sipol, tila nililibang ba ang kanyang sarili habang naglalakad kami.

Nakatitig lang ito sa 'kin pagkatanong ko nito sa kanya bago siya ngumiti at sinabi, "Plano ko?" Ikinibit niya lang ang kanyang mga balikat atsaka tumingala sa maaliwalas na kalangitan. "I don't know. I don't even have a 'pla-'" I first heard that line from Gwen—na nakuha niya naman sa isa sa mga American sitcom na paborito niya.

But that's weird...

"Seriously? You always have a plan. Ba't wala ka atang plano ngayon?" Saka pormadong-pormado siya. Sigurado ba'ng wala talaga siyang plano ngayon?

"Mas natutuloy rin naman ang biglaan kaysa inaasahan. Kaya kaysa magplano, kung ano'ng maisip ko ngayon, iyon na lang ang gagawin ko." Humangin nang kaunti sa gawi namin kaya tinangay din nito ang buhok naming dalawa. Kinailangan ko pang hulihin ang mga strand ng buhok ko para umayos at maiwasan ang mas lalong pagkagulo nito. Hindi ako tumugon kaya dinugtungan niya itong muli, "Pero baka puntahan ko na lang din siguro si Gwen. Kilala mo naman 'yon, kada araw ng mga puso, Netflix lang ang karamay no'n."

Sabagay, tama nga naman si Aidan doon. Pero kasi...

I sighed. Maybe he just changed his view towards this. Wala lang, kilala ko lang kasi siya as a person na palaging nagpaplano. Hobby niya 'yan eh. As in, 'pag may mga plano na need ayusin, siya ang nangungunang nagbo-volunteer dahil hilig niya nga talaga ang magplano. Pero sabagay, paano nga naman siya magpaplano eh wala nga pala siyang girlfriend ngayon?

"Wala ka bang napapansin sa 'kin?" tanong pa nito kaya napakunot na naman ako ng noo.

"Wala naman, bakit?"

"Wala talaga?"

Napahinto ako sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa niya kaya habang magkasalubong pa rin ang mga kilay ko, muli akong nagtanong, "Bakit? May dapat ba 'kong mapansin sa 'yo?"

"Wala naman." He showed me that same smile he showed me at the ice cream parlor before he avoided my gaze and he continued to walk. As he walked past me, I couldn't help but to wonder why. Bakit kailangan niya pang sabihin? Kung wala nga lang talaga, bakit kailangang banggitin?

"'Pag may napansin ka, sabihan mo lang ako, ah?" pahabol niya pa kaya mas lalo tuloy akong na-weird-uhan.

Ano'ng ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan.

"Hoy, ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi niya ako sinagot at mukhang mas lalo niya pang binilisan ang paglalakad. "Aidan Jones, ano nga?"

Hindi niya pa rin ako sinagot kaya huminto ako sa paghabol sa kanya bago ako napasimangot.

Ano naman ang dapat kong mapansin? Iyan na naman siya sa mga salita niyang mukhang may laman pero hindi mo matiyak kung may nilalaman nga ba talaga o wala.

"Kheila Marie, ang bagal mo."

Inismiran ko na lang siya bago ako muling naglakad.

"Ano nga 'yong sinasabi mo?"

"May napansin ka na ba?" tanong niya pa ulit kaya napailing na lang ako habang unti-unti kong nilalakad ang distansya naming dalawa. "Wala pa nga. Ano ba kasi'ng sinasabi mo?"

"No worries, though. I'm sure you won't miss out any of those." What in the world... Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago binangga ng balikat ko ang kanang braso niya. "Bahala ka na nga, Aids, 'di kita maintindihan."

Natawa na lang siya kaya napairap ako bigla.

"Many thanks for today, Kheila Marie! Thank you for your time!" pahabol niya pang sigaw kaya kumaway na lang ako habang nakatalikod pa rin sa kanya.

Ewan ko ba. Manong sabihin na lang kasi nang diretsuhan para wala nang bagay na hindi naililinaw. I mean, what does he mean by that anyway? What is there to be noticed? Why do I have to notice it first before knowing it?

Really, Aidan's mind and his words, I do not get him at all.

---

MAG-A-ALAS CINCO NA ng hapon nang umuwi ako sa bahay galing sa beauty parlor ng kumare ni Mama. Kakatapos lang din akong ayusan ni Ate Suzie kaya nagmamadali akong umuwi ngayon para sana mapraktis ko kung paano ako haharap kay Lance pagkarating.

Kaso pagkarating ko naman doon, prenteng-prente pa si Lance na nakaupo sa may sofa habang kinakausap siya ni Mama na mukhang ibinibida na naman ako sa mga kuwento niya.

Sa gulat ko nang makita ko sila sa sala, ito tuloy ang nasabi ko, "Ba't nandito ka na agad? Puwede bang umuwi ka muna ta's balik ka na lang ulit dito mga fifteen minutes, may aasikasuhin lang ako." Parang tanga, 'di ba? Ano'ng klaseng bungad 'yan? Way to go, Kheila! Ka-impress-impress nga 'yang sinabi mo!

Nakuha nito ang atensyon ng dalawa kaya bigla tuloy akong napa-straight ng tayo habang inaayos ko ang kulot-kulot kong buhok. Kung puwede lang sanang matunaw sa kinatatayuan...

"Mag-e-extend ka pa ng fifteen minutes eh kanina ka pa nga hinihintay ni Lance dito! Ba't ang tagal mo naman ata sa parlo—"

Agad kong nilapitan si Mama para takpan ang kanyang bibig.

Mama naman, nakalimutan mo na ba ang usapan natin kanina? Hindi puwedeng malaman ni Lance na nagpa-parlor pa ako para sa gabing 'to! Pero sa ayos ko ba naman, hindi pa ba nito malalaman o mahahalata?

Mabilis kong sinilip si Lance sa gilid ng mga mata ko at buong galak ko namang nakitang namumula ang magkabilang pisngi nito. Titig na titig din siya sa akin. Napahawak pa nga siya sa batok niya kaya napakagat tuloy ako ng ibabang labi.

Seeing his facial expression made me feel these butterflies partying in my stomach. So I did a great job, then? Mission accomplished.

"Oh siya, tsupi na nga kayo, lovebirds! Alagaan mo 'tong dalaga ko, Lance, ah? 'Yong mga bilin ko, 'wag mong kalilimutan." Tinulak pa ako ni Mama papunta kay Lance kaya hindi ko na napigilang samaan siya ng tingin.

Aba't tingnan mo nga naman ang ngisi ng magaling kong ina. Tila nang-iinis, nanunukso na para bang naiihi siya na kinikilig. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o ano dahil sumobra ata ang pagiging supportive ni Mama sa amin. Kinindatan niya pa ako kaya parang gusto ko na lang masuka sa tinuturan niya.

"Fifteen minutes—"

"Marie, huwag mo nang pinaghihintay!"

Sabi ko nga, aalis na kami eh.

"No worries, 'Ma, you can always trust me. I'll bring her home safe and sound, I promise. We're going to enjoy our night as well." He called her 'Ma and my mama did not mind. Kinikilig pa nga siyang nakangiti habang pinapalayas na kami sa pamamahay niya.

"Mabuti naman kung gayon. Oh, bueno, mag-iingat lang kayo sa daan! Humayo na kayo at magpakarami!"

"'Ma!" Ang bibig talaga nito!

Pinauna na akong maglakad ni Lance kaya ngumiti na lang ako nang tipid bago siya sumunod sa akin. Ilang beses na rin naman kaming nag-date noon. Ba't nga ba kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon eh makailang beses na rin naman naming ginawa ito?

"Pasensya na kay Mama, ah? 'Wag mo na lang siyang pansinin," nahihiya kong sambit na ikinailing niya naman bago ako sinagot, "Humayo raw tayo at magpakarami."

Sinamaan ko tuloy siya ng tingin kaya natawa naman ito at hindi na humirit. Habang naglalakad kami papunta sa may main gate, nagsalita siyang muli.

"By the way, may bouquet nga pala ng meringue flowers sa kitchen n'yo. Plano ko sanang iabot 'yon sa 'yo sa personal kaso kinuha na ni Mama." Unti-unti akong napangiti sa sinabi niya bago ko kinuha ang kamay niyang nanlalamig. Alam niyang allergic ako sa bulaklak kaya hindi niya ako mabibigyan nito, but he thought of something to give—an alternative gift that he could give me without causing me an almost death. "Pero mukhang gayak na gayak, ah? Saan po ang punta?" I wasn't prepared when he leaned down to whisper that directly onto my ears. That sent me shivers down my spine, but I did not mind about it.

Nag-ayos ako para sa 'yo, 'no! Paki-appreciate naman po!

Natawa naman siya nang samaan ko na naman siya ng tingin. "This is not for you, 'no. Pang-IG ko 'to kaya 'wag na 'wag kang mag-a-assume!"

Tumango-tango na lang siya na parang hindi siya convinced sa sinabi ko. He then squeezed my hand gently as he said, "Aye, aye, Pinocchio. Let's just say that I believe you." Ah, he knows me already. I may have denied it, but he knew I really did this because of him. "Pero dapat talaga nagtatampo pa 'ko eh. But seeing you like this, damn it."

Uminit ang pisngi ko pagkatapos niyang sabihin ito nang pabulong.

"Alam mo, ang corny mo." Natawa naman siya at nang nang nasa tapat na kami ng kotse niya, walang sabi-sabi na pinagbuksan niya ako ng pinto. Ako naman ang natawa nang biglang may naalala.

"Parang dati, tinatamad ka pang pagbuksan ako ng kotse mo, ah?" Nginitian ko siyang muli bago ako pumasok sa loob ng kotse niya. Gamit ang mapang-akit na boses na sa kanya ko lang ipinaririnig, dinugtungan ko ang sinabi ko, "But thank you, handsome."

Agad namang namula ang tuktok ng kanyang tainga kaya nang isinarado niya ang pinto ay agad akong natawa.

"In my defense, Miss, binasag mo kasi ang side mirror ng kotse ni Dad noon," sabi niya nang nakaupo na siya sa may driver's seat ng kotse niya. "Kaya nang nalaman kong ikaw pala ang pinapasundo sa 'kin ni Aidan at naalala kong ikaw ang babaeng bumasag sa side mirror ng kotse ni Dad, hindi na 'ko nag-abala pang maging gentleman sa 'yo."

Natawa kami parehas habang ikinakabit niya ang seatbelt sa kanya habang gano'n din ako sa akin.

"May dahilan naman ako kung bakit ko nahampas ng bag 'yon, 'no!"

"I know, I know. But to me, that was one of the best moments that had happened in my entire life. That was our first meeting together, and even though our first meeting was a freaking giant mess, I did not want nor dreamed of deleting or changing that specific event. It had lead us to this, and now, we're about to spend this special night together, with no one but just the two of us." He gave me a shy smile (so cute) and seriously, I want to be all clingy tonight. Gusto ko siyang yakapin at paulanan ng maliliit na halik.

But I did not do that, of course (typical Kheila). Nanatili lang akong nakaupo sa kinauupuan ko habang nagiging kamatis na naman ang buong mukha ko.

Okay, next time, remind me to search on Google: How a girlfriend should react when her boyfriend says 'I love you' in his own words because obviously, I'm not doing it right!

Akala ko ay paaandarin niya na ang kotse dahil inilagay niya na ang dalawang kamay sa may steering wheel. Mas lalo namang namula ang mga pisngi ko nang pagmasdan niya ako mula ulo hanggang talampakan.

"W-What?" nahihiya kong tanong.

He smiled sheepishly at me habang wi-ni-wish ko na sana, lumubog na lang ako sa kinauupuan ko.

"Nga pala, balita ko nagpa-parlor ka pa raw sabi ni Mama, ah? Para lang sa araw na 'to? Napakaespesyal naman ata sa 'yo ng lalaking kasama mo ngayon."

Naghuhuramentado na ang aking nararamdaman dahil bigla tuloy akong nahiya. Oo na, I don't usually do this! Ito namang isa, nag-e-enjoy sa pang-aasar sa 'kin. Kaysa ipakitang nahihiya, inismiran ko na lang siya habang nakaiwas ang tingin sa kanya.

"Puwede ba? Bakit ba nakiki-mama ka na naman? Mama mo ba, ha? Mama mo ba?" pagpuna ko na lang dito kaya natawa na naman 'tong bwisit na 'to. Habang tumatawa si Lance ay kinuha ko na ang pagkakataong 'to para ibaba at ayusin ang dress ko.

Above-the-knee dress kasi ito. As in kita nang slight 'yong part ng legs ko. Fitted din ang dress kaya kitang-kita ang 'kurba'—kung tawagin nga ni Gwen. Nang mapatigil siya sa pagtawa ay napatigil din ako sa ginagawa ko. Patay, napansin niya ata. Bakit kasi ang likot-likot mo, Kheila?

"'Di ka ba komportable?"

"O-Okay lang naman," sagot ko na lang kahit ang totoo niya'y hindi talaga ako komportable.

Hindi kasi talaga ako sanay magsuot ng mga ganito. Pero okay lang, magmukha lang akong prinsesa sa harap niya, magtitiis ako.

"Magpalit ka kung hindi ka komportable," sabi pa niya ngunit umiling lang ako. Gusto ko ngang magmukhang maganda sa harap mo tapos pagpapalitin mo 'ko? "Fine, kung ayaw mong magpalit, suotin mo na lang 'to."

Nagawi ang tingin ko sa kanya at nakita siyang hinuhubad ang coat niya. Pinatong niya 'yon sa dalawa kong balikat kaya napangiti tuloy ako.

"Thank you."

Iniwas niya lang ang kanyang tingin sa 'kin habang napapansin kong napapahigpit na rin ang kapit niya sa steering wheel ng kotse.

"Pakitakpan din sana 'yong bandang dibdib. I'm a man with needs, Kheila. Baka iba ang magawa ko kapag hinayaan mong ganyan."

Tiningnan ko ang dibdib ko at nakitang medyo kita pala ang cleavage ko rito. I did not notice that until now. Napahalakhak na lang ako bago ko sundin ang utos niya, but as I do that, I smirked when I think of having a revenge. Kanina, nang-iinis ka, ah? Pwes, ako naman ngayon ang mang-iinis sa 'yo!

"Well, do what you want to do, Lance Timo. I don't care, though. I am yours—meaning to say, my body's all yours, too," tudyo ko habang pinipigilan ang pagtawa.

"Don't tease your boyfriend, Miss. 'Di mo pa alam kung ano ang kaya niyang gawin."

"Really? Nakaka-curious, ano ba ang kaya niyang gawin?"

"Ah, so gumaganti ka."

Hindi ko na napigilan ang pagtawa kaya tinawanan ko na talaga siya. Wala akong pake kung mawala na ang poise. Nag-e-enjoy ako sa itsura niya eh.

Nang may sumagi na naman sa isip ko ay tumigil ako sa pagtawa at biglang nagseryoso.

Diretso lang ang tingin niya sa salamin kaya kinailangan ko pang hawakan ang braso niya para mapatingin siyang muli sa akin.

"Sandali, Lance, bago tayo umalis. May nakalimutan ata tayo," I told him.

"Ano 'yon?"

Nagulat siya nang ilapat ko ang mga labi ko sa mga labi niya. Napangiti na lang siya nang makabawi siya sa pagkagulat atsaka niya sinuklian ang mga halik ko.

Parehas kaming napapikit. Napahawak siya sa may braso ko habang ako naman ay napahawak sa kanyang batok. When we stopped kissing, he touched my cheek as I've seen him blushed.

Ang cute lang kapag lalaki ang nagba-blush. It makes me feel like he's falling in love with me over and over again.

"Kaya ang hirap magpigil pagdating sa 'yo eh," he said, our faces still a few inches apart.

"What do you mean?"

Imbes na sagutin ay hinalikan niya lang akong muli.

"Oh tukso, layuan mo ako," aniya pa na nakapagpatawa sa akin kahit magkalapat pa ang mga labi namin. Sunod-sunod lang ang mga tawa ko kaya mukhang nawalan na ata ng patience ang lalaking 'to kaya nagsalita siyang muli, "Stop laughing and just continue kissing me."

"Masunurin naman ako kaya lalayo na po ang tukso," ani ko na mabilis na inilayo ang mukha sa mukha nito.

"That's not what I meant. I just used a Filipino song reference as a joke—"

"Tara na, nagugutom na 'ko."

Humaba ang nguso nito habang inuumpisahan niya nang iandar ang kotseng 'to. Lihim akong napangiti bago ko mabilisang hinalikan ang kanyang pisngi. Dahil dito ay bigla niyang naigewang nang kaunti ang steering wheel kaya damay pati ang direksyon ng kotseng minamaneho niya. Na-maintain niya naman ang pagmamaneho pero mukhang nagkaroon ng mini heart attack si Lance sa ginawa ko.

"Damn, Kheila, I promised your mom to bring you home safe and sound. Mamaya mo na ulit ako tuksuhin."

Natawa ako bago ako saglit na napakagat sa ibabang labi. "Sorry, please take care of me!"

"Okay, one last kiss bago ko iliko sa main road." Gaya ng sinabi niya, he instantly owned my lips before he genuinely mumbled these three words I won't get tired of hearing, "I love you, Kheila. Happy Valentine's day."

Cupid's job is to loose an arrow from one person to another. He must have had so many arrows, for I'm falling in love with him every single day.

'Di pa man din nag-uumpisa ang date, masaya na 'ko.

Minsan lang ako maging sweet, Lance. Sulitin na natin ang gabing ito.

ווו