Nanginginig ang mga kamay na hawak hawak ni Caitlin ang kwintas na ngayon ay nakasuot na sa kanyang leeg. She sat up straight. Her eyes streaming with tears. Anong nangyari? or more accurately the most perfect question this time, Bakit nangyari iyon? Ito na ba ang tamang oras para paniwalaan ang una niyang naging reaksyon ng magpakita ang ama sa panaginip niya--that all of it wasn't true. Na ang mga panaginip niya ay dala lang ng pagka-miss niya dito at imposible talagang kausapin siya nito. It can't possibly be true, her real father wouldn't even do what he did in her dream. Nababaliw na siya. Naguguluhan. And she needed to think straight, analyze everything, make a logical explanation to all of this.....but she came up blank. It's like she was rob of her mind and all she could focus is her erratic beating heart, and the tingle in her lips. Oh my freaking G!
Mabilis na pinahid niya ang kanyang luha, pagkatapos ay sinimulan ang kanyang breathing exercise. Breathe in. Breathe out. In. Out. Makailang beses iyong ginawa ni Caitling bago niya bahagyang napakalma ang sarili. Nang medyo nasa huwisyo na siya, tumayo na siya mula sa kanyang kama, at tinungo ang full length mirror niya na nakapwesto sa may tabi ng vanity table. Pinagmasdan niya ang sarili-- at hindi niya mapigilan ang mapangiwi. She look awful--aside from the redness, she could pinpoint a wild and crazy look in her eyes. Her hair sticking out in different angles, that added to "she's definitely gone mental" effect.
"You're crazy" she muttered to herself.
Her reflection nodded in agreement.
"Yes, I'm crazy" her other self agreed.
"Sana hindi na ulit ako managinip ng ganoon" dagdag pa niya
"Sana makita ko ulit siya" the other one answered. All the hair in her body rise, and she felt a shiver deep in her body. No way! She's not having some freaking Daddy issues, and she's not definitely crushing on her own father. That's...just not right. Hell! It's immoral.
"Just forget about it" she commanded herself
"Yes, I think let's for--get about him...and move on" pilit namang sagot ng isa. Napahugot siya ng malalim na hininga. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, imagining herself digging a hole somewhere inside her brain and forcefully trying to capture the memory of the kiss and then immediately burying it. She felt a sweat trickled down her face. Gah! Ang hirap ng ginagawa niya. She's concentrating so hard--hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng ina sa kwarto niya. Napatalon siya sa gulat ng maramdaman ang kamay nito sa balikat niya.
Nang imulat niya ang mata ay sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ng ina.
"Ma..." hindi niya napigilan ang panghihina ng boses niya. Her mother caught her off guard
"What's wrong?" seryosong tanong nito
"Nothing" agap namang sagot niya
"Sigurado ka?" tanong ulit nito, clearly fishing for more details than her so ever vague answers
"Nightmares" hindi niya napigilang saad. Lumipad ang kamay niya sa kanyang bibig, realizing what she said, then suddenly felt awful about it. It was never really nightmares. The times she spend with her Dad in her dreams are not nightmares--this time it's just different...weird...but it's definitely not a nightmare.
"Ang ibig ko pong sabihin, medyo weird lang ang napanaginipan ko ngayon" pagtatama niya
"Alright, if you say so..." nag-aalangang sang-ayon nito. Nanahimik siya. Hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang sabihin. She's still reeling from her dream---mababaliw na siya sa kakaisip. Mabuti na lang at naisipan ng Mama niya na basagin ang katahimikang umaalingawngaw sa pagitan nilang dalawa.
"Kakain na tayo. Nandiyan na ang Papa mo. Sumunod ka na"
"Ha?! Anong oras na Ma?"
" It's quarter to 8" sagot nito. Nagulat siya at mas lalong naguguluhan pero walang lumalabas sa bibig ni Caitlin.Tumango na lamang siya at pagkatapos ay tahimik na umalis ito iniwan siya ng ina. Imposible! Her dream toook longer than her other dreams starring her father. She fell asleep for almost 4 hours! That's weird in her dictionary. Hindi na ba matatapos ang ka-weirduhan a buhay niya ng araw na iyon?
Matapos i-orient ni Caitlin ang sarili na kumalma bago saluhan ang Mama at Papa niya sa hapag-kainan, agad na siyang bumababa at pumunta sa may dining area. Nakaupo na ngayon ang stepdad niya habang abala sa pagsunod ng tingin sa bawat galaw ng Mama niya habang naghahain ito ng pagkain. At mukhang hindi iyon nahahalata ng Mama niya dahil masyado itong naka-focus sa ginagawa. Napangiti siya sa nakita. Agad siyang lumapit sa ama at hinalikan ang pisngi nito.
Lumipat ang tingin nito sa kanya. Ngumiti ito. Then suddenly, she felt a little bit better.
"Goodevening my Princess" masiglang bati nito. Kapag tuwing ngumingiti ang Papa niya mas lalo itong nagmumukhang bata. He has one of those wide, uber friendly and oh-so-warm smile that could keep you enraptured, and that could also make you smile too...even though both of you are practically strangers.Si Lucas Sinclair ay isang Half-English-Half Filipino businessman. Katulad ng Mama niya--namatay din ang asawa ng stepdad niya...she died in a plane crash. Kahit pa sabihing mas magandang manirahan sa ibang bansa- lalo na sa bansang pinanggalingan ng Daddy Lucas niya mas pinili pa rin nitong manirahan sa Pilipinas--kung saan naman nanggaling ang asawa nito. He would always say that Filipinas are the best wife in the world, that's why he fell in love even more with Mom, the first time he saw her, he would always describe it like he saw an angel descending from heaven and from that moment on... he never let her go. She find it amusing all the time, whenever he tell his part of the story...and somehow she's like hearing the most beautiful and exquisite story she ever heard. After, being alone for almost 10 years...he somehow find himself experiencing happinness all over again...and also her Mom. Natutuwa siya dahil nagawa na ulit nitong maging masaya after ng pagkamatay ng Papa niya. Change, really is inevitable.
"How's your day?' mayamaya ay tanong nito sa kanya
"Same old...same old" nangingiti niyang sagot. Pumwesto siya sa may gilid nito.
"Is that a bad or a good thing?'
"Neither"
"How's staring" balik tanong naman niya
"Awww! You caught me. Sikreto lang natin yun.Ayokong lumaki ang ulo ng mama mo"
"Baka nakakalimutan mong nandito lang ako...at naririnig ko ang bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo" banat naman ng ina.
"The love of our life is definitely stunning tonight don't you think sweetie? I almost drop my jaw while gaping at her and she's fierce...yummm" sagot naman ng ama.
She almost choke with laughter.
"You're getting mushy...and randy ,Pa...is that a good thing or a bad thing?" Caitlin commented barely containing her laughter. Lalong lumakas ang tawa ng Dad niya.
"Tumigil nga kayong mag-ama..." sita ng Mama niya sa kanila. Umupo ito sa tapat niya..malapit sa asawa nito..."Kumain na tayo". Nagkatinginan nalang silang mag-ama. Still, laughing their insides.
Matapos ang isang maikling panalangin, ay magana na siyang kumain...Katulad ng pinangako niya nilantakan niya ang nilutong ginisang ampalaya na may itlog ng Mama niya. Kumain din siya ng sinigang na baboy,...na super sarap talaga...Busy-busyhan na siya sa pagkain ng biglang magsalita ang ama.
"Nga pala Princess, dadalaw pala next month ang Kuya mo gusto daw niyang magbakasyon. At gusto ka rin niyang makita" imporma ng ama. Natigilan siya saglit at bahagyang napasimangot. Don't get her wrong--she definitely like Zed, her sometimes arrogant, overbearing but protective stepbrother kaya lang kasi siguradong magiging magulo na naman ang buhay niya pagdating nito sa bahay nila.
"Ay ganun..Haist! Pagti-tripan na naman ako nun" hindi niya napigilang komento
"Caitlin" sita ng Mama niya
"Ayos lang sweetie. Alam ko ang pinaggaga-gawa ni Zed sa prinsesa natin. Wag kang mag-alala, pagsasabihan ko ang anak kong yun"
"Hindi mo na kailangang gawin yun. Lagi mo nalang pinapaboran itong si Caitlin, baka nagtatampo na sayo ang mga anak mo" sagot naman ng Mama niya
"They're too old to get jealous over that. May mga sarili na silang buhay. Paminsan-minsan nga naiisip ko na parang wala na akong mga anak dahil hindi na nila ako magawang madalaw man lang. And now I love having a daughter again, and adorable at that. I couldn't ask for more" madramang saad naman nito
" Pa, imposibleng mangyari iyon. Siguradong miss na rin kayo nila Hannah. Maybe we can invite them this coming Christmas. You know para kumpleto tayo"
"Magandang ideya yun" sang-ayon naman ng ina. Nagkatinginan silang dalawa ng Mama niya
"Alright I'll invite them, but they better stop rejecting my invitations or else..." hindi na kinumpleto ng ama ang sasabihin nito at nagpatuloy na lamang ito sa pagkain. Mukhang malalim ang iniisip. She tried to distract him.
"Pa, hindi mo ba napapansin na gumagaling na ako sa pagkain ng gulay?" lumipat naman ang atensyon nito sa kanya, at saktong kumuha siya ng maraming slice ng ampalaya at inisang subo ang lahat ng iyon. Medyo napangiwi siya lasa..pero medyo lang naman...at kayang kaya niya pa ring lunukin iyon. Napailing na lamang ito sa ginawa niya.
"Gumaling talaga?' natatawang puna ng ina.
"Talaga" sagot naman niya.
"Ang cute niyong dalawa magtalo" komento naman ng isa, na nangingiti habang pinagmamasdan silang dalawa
And they both stucked out their tongue.
Nang matapos silang maghapunan, tinunlungan niya ang Mama niya na magligpit ng pinagkainan nila. Habang nasa may veranda naman ang Papa niya na abala sa pag-ino ng kape. Sinimulan na niyang pagpatung-patungin ang mga plato ng mapansin niyang tumigil ang Mama niya sa ginagawa nito...at abala sa pagmamasid sa kanya. Natigil siya sa ginagawa at nagtatanong ang mga matang sinalubong ang tingin nito. They both fell in complete silence, when her Mom spoke first.
"I heard you calling your father while you were sleeping" she said matter of fact
Her body grew suddenly tight, she stand up rigidly straight. Not daring to open her mouth lest she could say something she will regret. She kept her mouth shut...silent all the way ..but inside her she's already screaming bloody hell! Nawala na sa isip niya ang nangyari sa panaginip niya kanina--kaya lang ipinaalala na naman sa kanya. Ano ng gagawin niya? Hindi niya masabi sa Mama niya ang nangyayari...hindi niya kaya...
"Ako ng tatapos nito...Matulog ka na..." mayamaya ay utos nito sa kanya
"Ok...Goodnight Ma" humakbang na siya palabas ng dining room ng bigla siyang tawagin ulit ng ina. Hindi niya malingon ito pero natigil siya sa paglalakad. She couldn't vern face her Mother.
"Call Zed, he's been calling you a few times. Hindi mo daw sinasagot". She didn't answer...bago pa siya tuluyang manghina at mapaupo sa semento nila. Nagmamadali siyang naglakad pabalik ng kwarto niya. Nang maisara niya ang pinto...ay agad siyang nag-dive sa kama niya at humarap sa puting kisame niya. She forgot to say goodnight to her Dad. Oh well, tatawagan na lang niya si Zed.